Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

Name: _______________________________ Date:__________


Grade:______________ Score:_________

Test I: Pagbabasa
Basahan at unawahin ang mga nasa kahon at sagutan ang mga kasunod nitong mga tanong.

Ang Palaka
Maaaring mabuhay sa tubig o sa lupa ang palaka. Sa ulo makikita ang mga mata nito. Mayroon itong
ilong na hinihingahan. Ginagamit nito ang dila upang makahuli ng mga kulisap. Nasa likod ng mga
mata ng palaka ang kanyang mga tainga. May dalawang pares ng paa ang palaka: ang unahang mga
paa at mga paa sa hulihan. Higit na maliit ang unahang mga paa nito kaysa mga paang nasa hulihan.
Mahahaba ang mga paa sa hulihan. Kabit-kabit ang mga daliri dahil sa lamad (o balat na nagdudugtong
sa mga daliri nito). Ginagamit na panlangoy ang mga ito. Katulad ng kanilang kapaligiran ang kulay
ng palaka. Palaging basa at madulas ang kanilang balat.

Sagutin ang mga tanong. Hanapin ang tamang detalyeng hinihiling at bilugan ang tamang sagot.
1. Saan makikita ang mga mata ng palaka?
a. mukha b. pisngi c. ulo d. paa
2. Anong bahagi ng palaka ang kanyang ipinanghuhuli ng kulisap?
a. paa
b. dila
c. bibig
d. ulo
3. Gaano kalaki ang unahang mga paa ng palaka kumpara sa hulihang mga paa nito?
a. higit na mahahaba
b. higit na maliliit
c. higit na matataba
d. higit na mabilog
4. Bakit kabit-kabit ang mga daliri ng mga huling paa nito?
a. dahil sa buto
b. dahil sa lamad
c. dahil sa lumot
d. dahil sa paa

1|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

5. Saan ginagamit ang kabit-kabit na mga daliri nito ?


a. paglakad
b. paglangoy
c. paglukso
d. paghila

Hindi nakakaakit ang okra sa paningin ng iba nguni’t kung ating pagtutuunan ng pansin sa
larangan ng medisina mamamangha ang sino man sa pambihirang taglay nito.Maganda ang okra o lady
finger sa digestive system .Nakatutulong ito sa pagdali ng sistema ng pagdumi.Mabuti ito sa may diabetes
,pinapabalanse ang glucose ,Ito rin ay likas na paraan ng kidney dialysis dahil isa ito sa may mataas na
fiber.
6. Napansin mo na kakaunti ang kumakain ng okra. Paano mo mahihikayat ang iba na kumain nito?
A. Sabihing ito ay mura
B. Sabihing ito ay paborito mo.
C. Sabihing nakagagamot ito sa sakit.
D. Sabihing sariwang gulay ito
Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o
klima sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ang epekto ng climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init
ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global warming. Ito ay makikita din natin sa pagtunaw ng mga
“glaciers,” panunuyo ng lupa, at paglaganap ng tinatawag na “climate sensitive diseases” tulad ng malaria.

Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa
ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Ang mga gases na ito ay
nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasolina, at sa uri ng pamumuhay natin na
hindi nakakatulong sa pag-ibsa ng paglaganap ng tinatawag na greenhouse gases.

7. Ano ang paksa ng binasang sanaysay?


a. Bunga ng greenhouse gases
b. Sanhi ng climate change
c. pagtunaw ng yelo
d. maruming enerhiya

8. Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng ____________?


a. Balitang Isports
b. obituaryo
c. Anunsyo klasipikado
d. balitang Pandaigdig

9. Sa nabasang impormasyon, ano ang tinukoy na pangunahing sanhi ng malawakang pagbabago ng


panahon?

2|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

A. Ang paglaganap ng greenhouse gases


B. Ang pagbabasura ni mang Erni sa dagat
C. Ang pag-iingay ng mga trabahador sa kalsada
D. Ang paggamit ng ecofriendly energy.

I. PINANGGALINGAN NG POLUSYON
1. Makinarya
2.Pabrika
3.Usok ng sasakyan
4.Dumi at basura sa paligid
II.MGA KAPARAANAN UPANG MASUGPO ANG POLUSYON
1.Pagamit sa mga makabagong kaparaanan.
2.Kampanya sa kalinisan laban sa polusyon.
3.Pagpapatupad ng batas laban sa polusyon.

III. SAAN NAGMULA ANG POLUSYON.


A. Maraming sasakyan ang nagbuga ng maruruming usok.
B. Maraming pabrika ang nagtatapon ng nakakakpinsalang chemical.
C. May mga makabagong makinarya, nagtatapon ng duming nakapagbibigay ng polusyon.
D. Ang mga tao, ay walang pakundangan sa pagtatapon ng mga dumi sa paligid.

10. Ano ang paksa ng balangkas:


a. Pagtapon ng dumi
b. Usok ng sasakyan
c. Polusyon
d. Dumi ng Pabrika

11. Batay sa balangkas saan nagmula ang polusyon?


a. usok ng sasakyan
b. maruming makinarya
c. pagtatapon ng basura
d. lahat ng nabanggit

12.Tungkol saan ang ikalawang talata kung pagbabatayan ang balangkas?


a. Paraan ng pagsugpo ng polusyon
b. Pinagmulan ng polusyon
c. Pinanggalingan ng polusyon
d. Uri ng polusyon

13. Nagbabasa ka sa aklatan at nais mong magbasa ng piksyon at di-piksyon ? Alin ang wastong kaisipan
tungkol sa piksyon at di-piksyon ?
A. Ang piksyon ay haka - haka o kathang isip lamang. Ang di – piksyon naman ay makatotohanan.
B. Ang di-piksyon ay haka - haka o kathang isip lamang. Ang piksyon naman ay makatotohanan

3|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

C. Ang piksyon ay maaaring talambuhay ,ang di-piksyon ay mga alamat


D. lahat ng kwento ay piksyon at di -piksyon
Ang Uhaw na Uwak
May isang uhaw na uhaw na Uwak na gustong uminom sa isang pitsel na naiwan sa mesa. Makipot
lamang ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng Uwak ang ulo upang sipsipin ng tuka ang tubig. Hirap
na hirap abutin ng Uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan. Kahit na anong pilit ay hindi mabawasan
ang sobrang pagkauhaw ng ibon.

Tumingala siya at luminga-linga sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang problemang
kinakaharap natin. Tama siya! Sa isang iglap ay naisip niya ang tanging kasagutan. Lumipad siya sa labas at
tumuka ng isang munting bato na inihulog sa loob ng pitsel. Nagpabalik-balik siya sa paglalagay ng mumunting
bato hanggang sa umabot ang tubig sa makitid na bunganga ng pitsel. Nakainom ang Uwak at natugunan ang
pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.

14. Ang kwentong binasa ay halimbawa ng__________

A. Piksyon
B. Di-piksyon
C. talambuhay
D. anekdota

15.Pagsunud-sunurin ang pangyayari sa kwento

1-Inihulog niya sa pitsel ang mga bato


2-Lumipad siya at kumuha ng bato.
3- Natugunan ang pagkauhaw ng uwak
4- Hindi maipasok ng uwak ang ulo sa pitsel
5- Gusto ng uwak na uminom ng tubig sa pitsel

A. 4-5-1-2-3
B. 2-3-1-4-5
C. 5-4-2-1-3
D. 1-2-4-5-3

Ang dengue fever ay isang kondisyon dulot ng Dengue virus, na siya namang dala ng ilang uri ng
lamok gaya ng Aedes aegypti. Ang mga pangunahing sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, sakit ng ulo,
pananakit ng kasukasuan, at ‘rashes’ na kamukha ng nakikita sa tidgas. Ang malalang uri ng dengue fever,
ang dengue hemorrhagic fever, ay nagdudulot ng pagdudugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan – ito ang
kinakatakutang komplikasyon ng dengue sapagkat kapag hindi naagapan, ito’y nakakamatay. Ang dengue
fever ay nakukuha mula sa mga lamok na may taglay ng dengue virus. Ang lamok na ito ay natatagpuan sa
Pilipinas at iba pang mga bansang tropikal.

4|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

16. Paano nagiging malala ang dengue fever?


A. nagdudulot ng pagdurugo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan
B. sumasakit ang ulo
C. nilalagnat
D. nangangati ang balat

17. Bakit nagkakasakit ng dengue?


A. Kapag pinabayaan ang lagnat
B. kapag nagkarashes at napabayaan
C. Kapag nakagat ng Aedes aegypti
D. kapag hindi gumaling ang tigdas

18. Batay sa binasa , Paano mo maiiwasan ang sakit na dengue?


A. Uminom ng bitamina
B. gumamit ng lotion
C. iwasang makagat ng lamok
D. magpadoktor

19. Ano ang uri ng lamok na nagdadala ng dengue virus?


A. Aedes Aegypti
B. Dengue
C. Babaeng Lamok
D. Lalaking Lamok
20. Ano ang tawag sa malalang uri ng dengue fever?
A. Dengue Hemorrhagic Fever
B. Dengue Fever
C. Dengue Demorrhagic Fever
D. Dengue Type 5

Test II. Gramatika at Pag-unlad sa Talasalitaan

GRAMATIKA

Isulat ang PS kung pasalaysay. PT kung patanong, PU kung pautos at PD kung padamdam, ang mga
sumusunod na pangungusap.
________ 21. May nakita ka na bang trabaho?
________ 22. Ay, muntik na akong madulas!
________ 23. Dahan-dahan ka at maputik ang lupa.
________24. Hayun na pala ang nanay!
________25. Malakas ang hangin kaninang umaga.

5|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

PAG-UNLAD SA TALASALITAAN

Bilugan ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit

26. Ang aking kapatid ay ilaw na ng tahanan sa ngayon.


a. ina ng tahanan
b. ina-inahan
c. ina ng paaralan
d. ina ng bayan

27. Ito ang kwentong naglalahad kung paano nagsisimula ang mga bagay-bagay
a. pabula
b. alamat
c. salawikain
d. tugma

28. Maraming troso ang binaba sa bundok.


a. halaman
b. kagamitan
c. punongkahoy
d. mineral

29. Hindi nila nakaligtaang handugan ng salu-salo ang may kaarawan


a. napansin
b. naisip
c. nagawa
d. nakalimutan

30. Pagsapit nila sa paanan ng bundok, namitas sila ng mga prutas.


a. pag-uwi
b. pagdating
c. pagbalik
d. pag-atras

6|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na matalinghagang salita. Bilugan ang titik ng wastong
kahulugan.

31. Ang bukirin nina Don Pedro ay di-maliparang uwak.


a. ubod ng lawak
b. hindi malawak
c. ubod ng liit
d. makipot

32. Magagasgas ang bulsa ng tatay sa darating na pista.


a. mauubos ang pera
b. madudukutan ang bulsa
c. magkakagastos ng malaki
d. mananakawan

33. Hindi mabuti ang ugali ng batang may sanga-sangang dila.


a. sinungaling
b. tahimik
c. madaldal
d. mabilis magsalita

Basahin ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang titik ng salitang maiuugnay rito.

34. sasakyan: ___________


a. transportasyon
b. komunikasyon
c. telepono
d. liham
35. uling: __________
a. panggatong
b. pagkain
c. gulay
d. prutas

7|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

Test III: Pagsulat

Magsulat ng sanaysay tungkol sa paborito mong pelikula. Dapat naglalaman ito ng tatlong talata.

______________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Mag-aral ng mabuti upang buhay ay mapabuti!


Paghusayin pa ang pag-aaral, hanggang sa muli mga bata…

8|Page
MET – FILIPINO 6 – 4th Quarter

You might also like