Batayang Kaalaman Sa Apat Na Antas NG Pagsusuri

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Apat na Antas ng Pagsusuri

Bilang mananaliksik, mainam na mapag-alaman ang apat na antas ng pagbabasa ng isang teksto.
Gagamitin ang isang maikling tula upang mailarawan ang paraan ng pagbabasa sa iba’t ibang antas. Basahin
at pag-aralan ang sumusunod na teksto:
1. Ang bahay ni Ka Tale,
2. Haligi’y bali-bali;
3. Ang bubong ay kawali,
4. Ang loob ay pusali.

1. Tekstuwal na Pagsusuri
Binabasa sa antas na ito ang bawat elementong tinataglay ng isang teksto. Unang gawain ng isang
estudyante ay ang pagtukoy sa anyo ng tekstong pinag-aralan. Sa kaso ng teksto na naunang nabanggit,
masasabing isa itong tula. Ngunit anong partikular na uri ng tula? May tagalay ba itong takdang sukat at
tugma? Ilan ang pantig sa bawat taludtod? Ano ang hulmahan ng tugma (rhyme pattern)? Tradisyonal ba ang
tula o moderno, batay sa anyo, nilalaman, at wikang ginamit? Ano ang namamayaning larawan o imahen sa
teksto? May kaisahan ba sa ginamit na mga larawan tulad ng “haligi,” “bubong,” at “pusali?” Anong uri ito ng
tula?

2. Kontekstuwal na Pagsusuri
Sa pagsusuring ito, iniuugnay ng mananaliksik ang tekstong nabasa sa mga nangyayari sa lipunan;
kinikilala ang teksto bilang produkto ng kasaysayan at iniluwal ng isang lipunan o grupo ng mga tao. Mahalaga
sa pagbabasang ito na magkaroon ng malawak na kaalaman ang mananaliksik upang higit niyang maintindihan
ang nilalaman at bisa ng teksto. Ilan sa mga uri ng pagsusuri ng konteksto ay ang historikal na konteksto,
kultural na konteksto, personal na konteksto, pampolitikang konteksto, panlipunang konteksto, at
panglinggwistikang konteksto.
Sa kaso ng ating halimbawang bugtong, pangunahing tinatalakay ng kontekstuwal na pagsusuri ang mga
tanong na: Bakit isinulat ang tekstong ito? Ano ang nag-udyok sa manlilikha na isulat ang bugtong? Ano ang
mga pangyayaring panlipunan na nag-udyok sa manunulat o sa taumbayan na likhain ang bugtong na ito?
Iniuugnay rin ng mananaliksik ang isang teksto sa mga yugto ng kasaysayan ng bansa. Bakit nagkabali-bali
ang haligi? Paano ito nabali sa mga panahon ng kolonyalismo? Bakit naging “pusali” ang loob ng bahay? Ano-
ano ang matutukoy na problemang panlipunan sa taludtod na ito?

SOSYEDADAT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN Pahina 1


3. Pagsusuri ng Subteksto
Halos katulad din ito ng pagsusuri ng konteksto. Lamang, binabasa rito ang kahulugan ng maliliit na bahagi
o ang mga espesipikong simbolo. Sa bahaging ito, binabatid ng mambabasa ang halos pribadong sinasabi ng
manunulat. Inaalam niya ang mga lihim na kahulugan ng mga pangalan, eksena, lunan, panahon, talinghaga,
tono, at damdamin. Malaking tulong sa ganitong uri ng pagbabasa ang kaalaman sa manunulat at ang
kaalaman sa sikolohiya upang mabatid ang malay o di-malay na sinasabi ng teksto.

Batay sa ating halimbawa sa bugtong, bibigyan ng higit na tuon ng mananaliksik ang mga sumusunod na
salita bilang pahiwatig (clue) sa kubling mensahe ng isang teksto—“bahay ni Ka Tale,” “haligi,” “bali-bali,”
“bubong,” “kawali,” “loob,” at “pusali.” Napakaikli ng bugtong na ito ngunit napakayaman naman sa lihim na
pahayag. Hindi lamang nito ikinubli ang sagot o ang larawan sa bugtong (hal., alimango), malikhain din nitong
ikinukubli ang setimiyentong anti-kolonyal ng manlilikha. Pansinin ang mga negatibong pagsasalarawan sa
“bahay ni Ka Tale.” Bakit nagkabali-bali ang mga haligi ng isang bahay? Kailangang tandaan na ang isang
mananaliksik sa panitikan ay tila isang detektib na naghahanap ng mga nakatagong mensahe sa dawag at
lawas ng mga salita.

4. Pag-aaral na Intertekstuwal
Mahalaga sa pagsusuring ito ang masaklaw na pagbabasa ng estudyante sa panitikan at iba pang
tekstong malikhain. Sa ganitong antas ng pagbabasa, lagi’t laging iniuugnay ng mambabasa ang isang
partikular na teksto sa iba pang tekstong nabasa o nakalathala. Sa pagsusuring ito, nagkakaroon ng pahiwatig
ang mambabasa na ang mga akda ay magkakaugnay at may pinagmumulang dakilang bukal o pinanggalingan.
Natutukoy rin sa pagbabasang ito ang impluwensya at pinanggalingang tradisyon ng isang manunulat. Para sa
mga nagsisimulang mambabasa, mahalagang mabasa ang panitikang-bayan at ang mga dakilang aklat tulad
ng Bibliya at Koran. Ang mga tekstong ito ay sinasabing pinag-uusbungan ng ibang mga teksto o higit na kilala
sa teknikal na terminong master narrative o dakilang kuwento.
Sa ating kaso, maaaring iugnay ang bugtong sa bahay ni Ka Tale sa mga teksto na nagtatampok ng
simbolo’t talinghaga ng bayan, nasyon, o bansa. Tinatawag na trope ang mga kumbensiyonal na ideya o
larawan gaya ng “bahay” sa teksto ng bugtong. Mainam na paghambingin sa pagsusuring ito ang paraan ng
pananalinghaga ng naturang bugtong sa tradisyonal na awiting-bayan na “Bahay-Kubo.” Mapapansin na
bagama’t pareho ng trope, magkaiba naman ng mensahe ang dalawang teksto.

SOSYEDADAT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN Pahina 2


SOSYEDADAT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN Pahina 3

You might also like