Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1

Republic of the Philippines


President Ramon Magsaysay State University
(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Masinloc, Campus

Pangalan : Mark Glenn Balmonte Course: BSIT-1A


ISYUNG PANLIPUNAN: KAHIRAPAN

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

Hindi matapos-tapos ang mga talakayan hinggil sa kahirapan dahil sa kabila ng


pagtatatuwa ng ilang mga nasa pamahalaan, at sa kabila ng sinasabing paglago ng
ekonomiya ng bansa batay sa makroekonomikong datos tulad ng GDP at credit ratings,
malaking porsiyento ng populasyon ng bansa ang mahihirap. Iba-iba ang sukatan ng
kahirapan kaya naman iba-iba rin ang estadistika hinggil sa dami ng mga mahihirap. Batay
mismo sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence sa mga
pamilyang Pilipino noong 2006, 2009, 2012, at 2015 ay 23.4%; 22.9%; 22.3% at 21.6%.

Kung tutuusin, mas mataas sa aktuwal na bilang ng mahihirap sa bansa dahil ang
opisyal na buwanang poverty threshold (minimum na kitang kailangan para matustusan
ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na may limang
miyembro) na itinakda ng gobyerno ay napakaliit. Katumbas lamang ito ng halagang halos
Php37, Php47, at Php52 kada tao bawat araw sa mga nakaraang taon na halos katumbas
lamang ng pinakamurang meal package (isang tasa nang kanin, ulam, at isang baso ng
inumin) sa mga popular na fast food chain. Ang ganitong sukatan ng kahirapan ay hindi
gaanong komprehensibo dahil hindi nito isinasaalang-alang ang ina pang mahahalagang
pangangailangan ng mga mamamayan. Higit na mararamdaman ang suliraning kahirapan
kung pag-uusapan ang kuwento ng mga maralita na nagsisikap makaahon sa hirap gaya ng
tinalay ni Espiritu (2017) sa lathalaing “Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” o salaysay ng
mga maralitang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni
Malubay (2017) sa lathalaing “Pira-pirasong pangarap sa Pandi” kapuwa para sa
pahayagang Pinoy Weekly.

Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang bansa,


lalong makikita ang underdevelopment ng bansa. Inihayag ng United Nations (UN) sa 2017
Human Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas
sa talaan ng 188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang institusyon sa
pamamagitan ng Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang
kaunlaran o holistic development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga
mamamayan sa bawat bansa. Sa simpleng pagpapahayag, mahigit kalahati ng daigdig ang
nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto ng edukasyon, kalusugan, at kita. Ang Pilipinas ay ika-
99 sa HDI noong 2010, ika-77 oong 2000 at ika-66 naman noong 1990. Nangangahulugan
ito na dumadausdos ang kalagayan o kaya’y mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas, kumpara
sa kalagayan at pag-unlad ng ibang bansa.

Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang mga estadistika hinggil
sa malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri ang antas ng
kahirapan sa bansa. Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI)
noong 2017, 26% ng mga batang Pilipino ang malnourished. Kahirapan ang pangunahing
dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas dahil ito ang humahadlang sa mga pamilya na
makabili ng masustansyang pagkain. Sa pagtataya naman ng grupong Kalipunan ng
Damayang Mahihirap (KADAMAY) may 30,000,000 Pilipino ang maitutring na maralitang
tagalungsod o urban poor. Malaking porsiyento sa kanila ang walang sariling bahay at lupa,
at wala ring trabaho. Ayon sa PSA noong enero 2018, 5.3% o 2.33 milyong Pilipino ang
walang trabaho at 18% naman o halos 8 milyon ang underemployed. Hindi kataka-takang
sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa sariling bansa, halos 6,000
Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa ayon
sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), batay sa development ng
OFWs noong 2016. Sa aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kug isasama ang mga
Pilipinong hindi dokumentado ang pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa.

FILN2- Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


2

Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga dikaraniwang sukatan ng kahirapan.


Halimbawa, may mga residente sa mga komunidad ng mga maralita sa Maynila na
nagbebenta ng isang bato nila sa mga dayuhan. Marami ring Pilipino ang nagbebenta ng
dugo, ngipin, at iba pang bahagi ng katawan dahil sa matinding kahirapan. Bagama’t ilegal
ang prostitusyon sa bansa, daan-daang libo ang nasa gawaing ito dahil na rin sa kahirapan.
Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito, mahihinuhang habang
mabilis na umuumnlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa antas makroekonomiko
man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-trickle down bas a mga
ordinaryong mamamayan ang progresong ito), nananatiling mabagal kundi man hindi
umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas.

Gawain 1: Anong isyung panlipunan ang inilalarawan kaugnay sa kahirapan? Gaano


ito katotoo sa kasalukuyang konteksto? Magbigay ng ibedensya.

ANSWER:
- Ang kahirapan ay hindi matapos tapos dahil sa Sistema ng ating mundong
ginagalawan, madaming tao ang nagugutom dahil sa hindi pantay na
pagtingin ng tao at dahil na rin sa mga sakuna at trahedyang nangyayari sa
ating lipunan. Hindi maiwasan na mayroong mga nasasawi dahil sa
kagutuman, isa sa dahilan kung bakit mabilis na kumakalat ang mekrobyo
na kumakalat ngayon sa ating bansa dahil sa mahinang risestensya. Dapat
ay matuto tayong tumulong sa kapwa upang maiwasan mabawasan ang
mga pangit na kaganapan sa ating lipunan o bansa.

FILN2- Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


3

Republic of the Philippines


President Ramon Magsaysay State University
(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Masinloc, Campus

Pangalan : Mark Glenn Balmonte Course: BSIT-1A


ISYUNG PANLIPUNAN : KARAPATANG PANTAO
Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian na
naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado bilang
mga karapatang likas at legal sa batasmunisipyo and batas-pandaigdigan. Karaniwang
nauunawaan sila bilang mga di-matututulan at pangunahing karapatan "na nararapat
matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya" at "na likas sa lahat ng mga
tao",anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika, relihiyon, lahi, o
anumang iba pang kalagayan. Angkop sila saanman at kailanman sa diwa ng pagiging
pansansinukob, at sila ay pantay-pantay sa diwa ng pagiging kasingpantay ito sa lahat.
Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya at pamamahala ng batas at
nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga karapatang panto ng iba, at
karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito maliban kung resulta ng
nararapat na proseso batay sa mga tiyak na pangyayari; halimbawa, maaaring kabilang sa
karapatang pantao ang pagiging malaya sa ilegal na pag-aresto, pagpapahirap, at pagbitay.

Naging napakamaimpluwensya ang doktrina ng karapatang pantao sa larangan ng


pandaigdigang batas at sa loob ng mga pandaigdigan at panrehiyonal na institusyon.
Binubuo ng mga kilos ng mga estado at di-pampamahalaang organisasyon ang isang
batayan ng patakarang pampubliko sa buong mundo. Iminumungkahi ng ideya ng
karapatang pantao na "kung maaaring sabihin na may karaniwang wikang moral ang
pahayag pangmadla ng pandaigdigang lipunan tuwing kapayapaan, ito ay yaong sa
karapatang pantao". Patuloy ang mga matibay na pag-angkin na ginawa ng doktrina ng
karapatang pantao sa pagpupukaw ng maraming pag-aalinlangan at debate tungkol sa
nilalaman, kaurian at katwiran ng karapatang pantao hanggang sa panahong ito. Ang
eksaktong kahulugan ng salitang karapatan ay kontrobersyal at paksa ng patuloy na
debateng pilosopikal; habang nagkakaisa na sumasaklaw ang karapatang pantao sa
malawakang uri ng mga karapatan tulad ng karapatan sa makatarungang paglilitis,
proteksyon mula sa pang-aalipin, pagbabawal sa henosidyo, kalayaan sa pananalita o
karapatan sa edukasyon, may di-pagkakasundo tungkol sa alin ng mga tanging karapatan
ang dapat maisasama sa pangkalahatang balangkas ng karapatang pantao; iminumungkahi
ng iilang palaisip na ang karapatang pantao ay dapat saligang kahilingan upang maiwasan
ang mga pinakamalubhang kaso ng abuso, habang itinuturing ito ng iba bilang mas mataas
na pamantayan.

Karamihan sa mga simpleng ideya na nagbigay-buhay sa kilusan ng karapatang


pantao ay nabuo pagkatapos ng Ika2 Digmaang Pandaigdig at mga kaganapan ng
Holokausto, na humantong sa pagpapatibay ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatang Pantao sa Paris ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa
noong 1948. Hindi nagkaroon ang mga sinunang tao ng magkatulad at makabagong
pagkaunawa ng pandaigdigang karapatang pantao. Ang totoong tagapaguna ng diskurso sa
karapatang pantao ay ang konsepto ng karapatang likas na lumitaw bilang bahagi ng edad
medyang tradisyon ng likas na batas na naging prominente noong Europeong Pagkamulat
na may mga pilosopo tulad nila John Locke, Francis Hutcheson at Jean-Jacques Burlamaqui
na prominenteng itinampok sa usapang pultikal ng Himagsikang Amerikano at
Himagsikang Pranses. Mula sa saligang ito, bumangon ang mga argumento ukol sa
makabagong karpatan noong huling bahagi ng ika-20 siglo, marahil bilang reaksyon sa

FILN2- Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


4

pang-aalipin, pagpapahirap, henosidyo at krimen sa digmaan, bilang pagkaunawa ng likas


na kahinaan ng tao at bilang pagiging patiunang kondisyon ng posibilidad ng
makatarungang lipunan.

"BAWAT BATA"
Apo Hiking Society
Ang bawa't bata sa ating mundo
Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa't tao sa ating mundo

Hayaan mong maglaro ang bata sa araw


Kapag umuulan nama'y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa't tao sa ating mundo

Ang bawa't nilikha sa mundo'y


Minamahal ng panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo

Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal


Katulad ng sinadya ng maykapal
Mahirap man o may kaya Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Hoo-wa-hoo-wa,
la la la la la la la la, la la la la
Hoo-wa-hoo-wa,
la la la la la la la la, la la la la

Hayaan mong maglaro ang bata sa araw


Kapag umuulan nama'y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka
Sa 'yo ang mundo pag bata ka
Sa 'yo ang mundo pag bata ka
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa't tao sa ating mundo

Ang bawa't nilikha sa mundo'y


Minamahal ng panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan...

FILN2- Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


5

Gawain 1: Basahin ang kantang “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society at muling inawit
ng Sugar Free at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pinakapangunahing karapatan ng isang bata? Sang-ayon kaba o hindi?


Bakit?
SAGOT:
- Pinaka Karapatan ng isang bata ang mabuhay ng matiwasay, sang ayon ako
dito dahil nagsimula dintayong mga nakakatanda sa pagiging bata at dapat
lang na mabuhay sila nang naaayon sa kanilang Karapatan.
-
2. Ipaliwanag ang katagang “sa iyo ang mundo kapag bata ka pa? Totoo o hindi? Bakit?
SAGOT:

- Iminumungkahi nito na ang bawat bata ang higit na mas tinututukan ng


bawat magulang, ang mga bata ang pinaka prayoridad ng mga mas
nakakatanda dahil ang bata ay mas mabilis masaktan at mas sesnsitibo
kaya higit na mas pinoprotektahan ang mga bata.

3. Ibahagi kabuuang mensahe ng kantang napakinggan. Sang-ayon ka ba o hindi?


Bakit?
SAGOT:

- Sang ayon ako sa pinapahiwatig ng kantang ito dahil bawat bata o bawat
tao ay may Karapatan at hindi dapat basta basta nalang inaapakan ng iba,
pinapahiwatig nito na wlang mataas o mababa sa mata ng Diyos dahil
pantay pantay ang tingin at pagmamahal nya satin. Dapat ay mahalin natin
ang ating kapwa kaaway man o kakampi dahil ganun ang Diyos sa atin,
walang mahirap walang mayaman ang pwedeng sumira sa Karapatan ng
bawat isa, matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at matuto tayong
lumaban.

Gawain 2: Suriin ang awit na “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society at muling inawit ng
Sugar Free gamit ang balangkas ng pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat
SAGOT:
- Ipinaliliwanag nito na Hindi lang Matatanda ang may Karapatan, dahil
bawat bata ay may Karapatan din.

II. Kabisaan
a. Bisa sa Isip
- Wala hindi pa mulat sa mundo ang mga bata kaya dapat ay tulungan natin
sila at gabayan patungo sa kanilang dapat patunguhan. Wag nating hayaan
na sila ay mapahamak at mapunta sa maling daan.

b. Bisa sa puso
- Ang pagiging bata ay isa sa masasayang bagay sa mundo dahil dito Malaya
kapang makakapag laro at hindi kapa pwede sa mga ginagawa ng mga mas
nakakatanda.

c. Bisa sa sarili
- Ang bata ay dapat na pinoprotektahan hindi dapat na sinasaktan.

d. Bisa sa Lipunan
- Ang bawat bata sa lipunan ay may Karapatan kaya wag tayong manghusga
sa kung ano ang nakikita lang ng mga mata natin kundi bumase din tayo sa
kanilang damdamin at bantayan ang kanilang mga binibitawang salita
dahil hindi natin alam ang kanilang nararamdaman kung titignan lang
natin sa gawa.

FILN2- Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


6

III. Mga Puna


SAGOT:
- Ang paglaki at pag unlad ay magkakatulad sa lahat ng bata, ngunit ang
bawat isa ay lumalaki sa kanyang sariling bilis. Kailangan ng bata ng
idukasyon at kailangan nila ng gabay ng kanilang mga magulang ay mga
mas nakakatanda sa kanila.

FILN2- Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan

You might also like