Professional Documents
Culture Documents
Aralin 6
Aralin 6
Aralin 6
ARALIN 6:
MGA PANANALIG/TEORYANG PAMPANITIKAN
LAYUNIN
Narito ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,
Pampanitikan. Malalaman mo rin dito ang kaugalian at tradisyon na namana natin mula sa
kanila.
Sa araling ito mahalagang malaman ang taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong
pag-aaralan. Magiging batayan ito kung paano ka matutulungan na mas lalong mapagyaman
ang iyong kaalaman. Kaya gamit ang mga aktibidad at gawain na inihanda susubukin natin ang
iyong kakayahan.
Gawain 1: Maghanap.
ANALISIS
______________________________________________________________________________

__________________________________________________________.
PANUNURING PAMPANITIKAN
ABSTRAKSYON
Aralin 6 PAGLILINANG
Sa bahaging ito, mahalagang malaman at maunawaan mong lubusan ang mga talakayan
patungkol sa usapin kung ano ang mga dapat isaalang-alang upang matutunan ang Panitikan.
Gayundin upang masuri ang simulain nito. Ang ilan sa mga mababasa o makukuhang impormasyon
BAYOGRAPIKAL
• Higit na mahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan o personalidad ng may-akda upang
lalong matugunan ang maraming katanungang taglay ng isang akda, na tanging ang may-akda
lamang ang makasasagot.
• Ang karanasan ng may-akda ang nag-udyok sa kanya upang isulat ang kaniyang akda.
• Sa paggamit ng teoryang ito ay huwag lamang kalimutan ng mag-aaral at guro na ang binabasa
at sinusuri ay ang akda at hindi sapat ito upang ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o
manunulat.
• At ang pagpapasya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda. Kung naging
mapangahas man ang may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng kaniyang buhay, isipin na
lamang na ang mga ito’y nakaragdag sa ikagaganda ng akda.
HISTORIKAL
• Ang pagsusuri ay nakabatay sa impluwensyang nagpapalutang: talambuhay ng may akda, ang
sitwasyong pulitikal, ang tradisyon at kumbensyong nagpapalutang sa akda.
• Mahalaga ring matuklasan sa teoryang ito ang puwersang pangkapaligiran at panlipunan na may
malaking impluwensiya sa buhay ng manunulat.
• Ang akda ay epekto ng kasaysayan dahil ang kasaysayan ay bahagi ng isang sistema at ito’y
mahalagang sangkap ng panitikan.
• Sinisiyasat ng teoryang historikal ang pagbabagong nagaganap sa wika at ang pag-unlad na
nagaganap dito nang pana-panahon
KLASISISMO
• Karaniwang pinapaksa nito ang mga likha ng Diyos, ang mga tanyag at dakilang pangyayaring
kinasasangkutan ng mga bantog na tao,
• Pagtuklas at pagkilala sa katotohanan, kagandahan at kabutihan
• Layunin ng akda na linisin ang tao dahil pinalalabas na lahat ay itinadhana ng Diyos; na walang
laban ang tao sa Diyos.
• May paniniwalang may iba’t ibang uri ang lahat gaya ng matalinong tao at taong hangal,
makapangyarihan at sunud-sunuran, pinakamayaman at pulubi
HUMANISMO
• Nagbibigay-puri sa tauhan
• Positibo ang sinasabi ng akda tungkol sa tao
• Nagpapakita ng damdamin at saloobin ng tauhan
• TAO ang paksa.
PANUNURING PAMPANITIKAN
ROMANTISISMO
• Pag-ibig ang karaniwang paksa.
• Ang pangit ay pinagaganda.
• Ang kasamaan ay ginagawang mabuti.
• Tumatakas sa katotohanan
• Inspirasyon, imahinasyon, paglikha, kapangyarihang rebolusyunaryo, makapangyarihang
damdamin, kalikasang personal, kahalagahang kumbensyunal, kabutihan, kagandahan – ito ang
mga nakakapit sa romantisismo
REALISMO
• Higit na maganda ang katotohanan kaysa kagandahan.
• Nagbibigay-diin sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at
lipunan.
• Nagpapakita ng realidad sa tao, lipunan at kapaligiran
• Pagbabagong emosyunal
• Dahil dito hindi kataka-taka na paksain nito ang sosyo-pulitikal, kahirapan, kamangmangan,
karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp.
• Pagtatala ng iba’t ibang mukha ng buhay.
PORMALISTIKO
• Sinusuri ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
• Ang teksto o akda mismo ang dapat suriin o pahalagahan kung tunay na gustong masukat ang
kasiningan ng akda.
SIKO-ANALITIKO
• Paniniwala nito na ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan.
• Ang akda ay nakatuon sa kamalayan ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan hatid ng kaniyang
karanasan.
EKSISTENSYALISMO
• Kapangyarihan ng tao batay sa paniniwala, kilos, pakikitungo sa kapwa
• Sa buhay ng makata at manunulat nakatuon ang teoryang ito.
• Nangangahulugan na ang teoryang ito ay batay sa paniniwala ng “individuality.”
• Kaya ang interpretasyon ay ayon sa pilosopiya ng katotohanan at buhay.
ISTRUKTURALISMO
• Wika ang humuhubog sa lipunan at kalayaang panlipunan.
• Nakabaon sa wika at panitikan ang pulitika at ekonomiya.
• Kaya ang hubog at hugis ng wika at panitikan ay naaayon sa hugis at hubog ng lipunang bumubuo
nito.
FEMINISMO
• Babae ang sentro ng usapan.
• Laging mas mababa ang istatus ng mga kababaihan sa kalalakihan.
• Pinaniniwalaan sa teoryang ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na si-
kapantay ng kalalakihan.
DEKONSTRUKSIYON
• Ang teksto ay hindi nagtataglay ng iisang kahulugan lamang na siyang sinasabing lehitimo at
tama.
• Walang kaisahan ang teksto dahil nagtataglay ito ng napakaraming kontradiksyon.
• May mga nakatagong kahulugan dahil may pinangangalagaang ideolohiya ang may-akda.
• Sa pagdedekonstrak ng isang teksto ay maaaring sa apat na paraan:
PANUNURING PAMPANITIKAN
1. Ilahad ang buod ng kuwento.
2. Ipaliwanang ang tambalang magkasalungat (binary opposites)
3. Tuklasin ang kahulugan ng mga metaporang nakapaloob sa bawat akda.
4. Sapuhin ang kaugnayan nito sa ibang tekstong pampanitikan (intertextuality)
PAGSASANAY 1:
Panuto: Hanapin ang ilang mga Teoryang Pampanitikan na maaaring magamit sa panunuri.
PANUNURING PAMPANITIKAN
APLIKASYON:
Gawain 3: ALAMIN AT GAWIN
Panuto: Gamit ang akdang nahanap sa unang gawain ay gamitin ito at gamitan ng teoryang
maaaring makita sa akda. Nasa s aiyo na kung ilang teorya ang nais mong gamitin.
PANUNURING PAMPANITIKAN
REPLEKSYON
Panuto: Magbahagi ng mga pananaw/kaalamang natutunan sa talakayan.
Natuklasan ko na…
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

______________________
Masasabi ko na…

Panapos na Pahayag!