Professional Documents
Culture Documents
Report
Report
Naging tanyag na awitin noong ikalabinsiyam na siglo ang kurido dahil sa kakulangan ng
babasahin, libangan, at panoorin ang mga tao.
Ang ilan sa ating mga manunulat ng kurido ay sina Jose de la Cruz, Ananias Zorilla, at
Francisco Baltazar.
SAYNETE
Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop sa atin
ng mga Kastila ang Saynete. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian
ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Ang “La
India Elegante Y El Negrito Amante” ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa sa mga
nakaaaliw na libangang saynete nang panahong ito.
Ang “La india elegante y el negrito amante” ang kaisa-isang dulang may isang yugto ni
Francisco Baltazar na nabuhay pa.
Isa itong saynete (sainete), isang uri ng maikling dulang katatawanan na itinatanghal noong
intermisyon sa mahabang komedya. Ang sayneteng ito ni Balagtas ay may diyalogong patula at
may saknungang binubuo ng aapating taludtod at sukat na wawaluhin.
Naganap ang “La india elegante y el negrito amante” sa isang plasa ng bayan ng pagpipistahan.
Tampok dito ang mga tauhang sina Uban na kaminero; si Kapitan Toming, ang Itang “negrito
amante”; at si Menangge, ang Tagala (“india elegante”) na sinisinta ni Toming.
Nagsimula ang dula sa pagwawalis ni Uban sa plasa at pagdating ni Toming na bihis na bihis sa
kaniyang lebita o amerikanang frak. Lumitaw sa usapan na nagbihis na ng iba’t ibang kasuotan si
Kapitan Toming upang mapansin ni Menangge.
Naniniwala si Toming na sa pagpapalit-palit niya ng kasuotan ay naiiba rin ang kaniyang lahi at
estado sa buhay na magiging daan upang mapalapit siya sa iniibig. Gayunman, sa pagpapatuloy
ng saynete ay hindi pa rin siya nakapasa sa mapanghamak na tingin ng Tagala.
SARSUELA
Ang sarsuela ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto. Ang paksa ay
natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, at iba pang masisidhing
damdamin. Naglalarawan din ito ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Upang lalong
magustuhan ng mga manonood, hinahaluan ito ng katatawanan na laging ginagampanan ng mga
katulong sa dula. Sinasabing ito’y naging libangan nang mga huling taon na ng pananakop sa
atin ng mga Kastila.
Ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng sarsuela ay ang “Walang Sugat” ni Severino Reyes
na namalasak mula sa huling taon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa mga unang taon
dito ng mga Amerikano.
Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang
kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama.
Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at
nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si
kapitana Puten.
Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may
dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.
Sa pagalaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay Lucas para
ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang
nagkaroon ng labanan.
Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na
si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.
Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang
Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.