Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A Rizal
Southville 8C National High School
San Isidro, Rodriguez, Rizal
GRADE 9 REMEDIAL ACTIVITIES
First Quarter S.Y. 2020-2021
Pangalan: ___________________________________________________ Iskor: _________________
G9– Pangkat: ________________________________________________ Petsa:_________________
Panuto: Bilugan ang TITIK ng tamang sagot tungkol sa kahulugan at saklaw ng maikling kuwento.
1. Ang iniiwan ng isang maikling kuwento ay:
a. aral b. kaisipan c. pagpapahalaga d. kakintalan
2. Ang uri ng maikling kuwentong pumapaksa sa buhay sa nayon ay:
a. sikolohiko b. katutubong kulay c. pampagkakataon d. pakikipagsapalaran
3. Ang HINDI uri ng tunggaliuan ay:
a. sarili b. kapuwa c. lipunan d. Kalayaan
4. Ang pinakakapana- panabik na bahagi ng isang maikling kuwento ay:
a. simula b. kasukdulan c. kakalasan d. saglit na kasiglahan
5. Ang HINDI naging ugat ng maikling kuwento ay:
a. epiko b. pabula c. parabula d. alamat
6. Ang paraan ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay tinatawag na:
a. paksa b. istorya c. banghay d. kuwento
7. Ang punto de bista ay tinatawag ding:
a. tauhan b. paksa c. paningin d. suliranin
8. Ang saglit na kasiglahan ay tumutukoy sa pagtatagpo ng:
a. tagpuan b. panahon c. pahiwatig d. tauhan
9. Ang HINDI pagsasabi ng lahat ng pangyayari sa isang maikling kuwento ay tinatawag na:
a. simbolo b. estilo c. diyalogo d. pahiwatig
10. Ang HINDI taglay ng isang maikling kuwento ay isang:
a. suliranin b. tauhan c. paningin d. madulang pangyayari
B. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sgaot tungkol sa sanaysay.
11. Alin ang tumutukoy sa babasahing naglalaman ng pananaw, kurokuro, o opinion ng mambabasa?
a. dula b. nobela c. sanaysay d. tula
12. Alin ang salin ng sanaysay sa Ingles?
a. essay b. literary c. output d. poem
13. Saang bahagi ng sanaysay pinakakinakailangang makuha ang interes ng mga mababasa?
a. simula b. gitna c. paliwanag d. wakas
14. Aling bahagi ng sanaysay ang naglalaman ng hamon sa mambabasa?
a. simula b. gitna c. paliwanag d. wakas
15. Alin bahagi naman ang naglalaman ng pagpapaliwanag ng idea ng manunulat?
a. simula b. gitna c. paliwanag d. wakas
16. Ang sanaysay ay kabilang sa aling anyo ng komposisyon?
a. pahayagan b. pantanghalan c. patula d. prosa
17. Aling uri ng sanaysay ang nangangailangan ng seryosong pananaliksik kapag isinusulat?
a. pasalita b. pasulat c. di- pormal d. pormal
18. Aling naman ang tumatalakay sa mga paksang karaniwan at personal?
a. pasalita b. pasulat c. di- pormal d. pormal
19. Alin ang tawag sa mga ideyang ibinabahagi upang magbigay- linaw sat ema ng sanaysay?
a. damdamin b. estilo c. estruktura d. kaisipan
20. Sa pagsusulat nito, nangangailangan ng masusing pag- aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.
a. di- pormal na sanaysay
b. maikling sanaysay
c. mahabang sanaysay
d. pormal na sanaysay
C. Panuto: Bilugan ang TITIK ng tamang sagot tungkol sa tula.Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
21. Ang itunuturing na pinakakaluluwa ng tula ay:
a. sukat b. tugma c. talinghaga d. larawang- diwa
22. Ano ang binibilang sa isang sukat ng tula?
a. salita b. pantig c. letra d. linya
23. Ano ang tawag sa nagsasalita sa isang tula?
a. tauhan b. protagonista c. persona d. bathala
24. Ano ang tawag sa mga grupo ng linya sa isang tula?
a. taludtod b. saknong c. talata d. linya
25. Ang ang tawag sa gumagawa ng isang tula ay:
a. mambabatas b. may- akda c. manunulat d. makata
26. Ali ang HINDI kabilang sa uri ng tula?
a. masiste b. Malaya c. tuluyan d. tradisyon
27. Ang pinag- ugatan ng tula ay ang:
a. bugtong at sawikain b. idyoma at kasabihan c. bugtong at salawikain d. salawikain at kawikaan
28. Sino ang ‘Ama ng Panulaang Tagalog?’
a. Jose P. Rizal b. Francisco Baltazar c. Jose Dela Cruz d. Alejandro G. Abadilla
29. Ito ay paggamit ng mga tayutay at simbolismo ng isang tula.
a. taludturan b. tugmaan c. talinghaga d. kariktan
30. Anong tula ang isinusulat para sa isang taong manatay na?
a. oda b. korido c. epiko d. elihiya
D. Panuto: Tukuyin kung anong akdang pampanitikan ang inilalarawan sa bawat bilang. ISULAT ang TITIK ng tamang
sagot sa nakaraang patlang.
A. Tula B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Dula E. Nobela
_______31. Hindi ito pinahabang maikling kuwento.
_______32. Nahahati ito sa mga kabanata.
_______33. Ito ang akdang nasusulat sa mga saknong.
_______34. Nag- iiwan ito ng isang kakintalan.
_______35. Madalas na ito ay personal.
_______36. Maari itong pormal o di- pormal.
_______37. Mayaman ito sa pahiwatig, katimpian, at may mabilis na aksiyon.
_______38. Nahahati ito sa mga yugto at tagpo.
_______39. Ito lamang ang may persona.
_______40. Pinakalayunin nitong maitanghal.
E. Panuto: Bilugan ang TITIK ng tamang sagot tungkol sa Nobela.Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
41. Ang isa pang tawag sa nobela ay:
a. talaarawan b. kathambuhay c. dagli d. seryekuwento
42. Ang tawag sa panghahali sa kuwento sa nobela ay:
a. yugto b. tagpo c. tanghal d. kabanata
43. Alin sa sumusunod ang HINDI uri ng nobela?
a. katutubong kulay b. pagbabago c. tauhan d. maromansa
44. Anong klaseng nobela ang “Para kay B” ni Ricky Lee?
A, pagbabago b. banghay c. masining d. malayunin
45. Ano ang dapat na malinaw, maliwanag at maayos sa pagsulat ng nobela?
a. pamagat b. tauhan c. wakas d. tagpo
46. Ano ang isinasaalang-alang sa pagsulat ng nobela?
a. kawastuhan b. kaasalan c. karunungan d. mensahe
47. Ang isang nobela ay pumupukaw ng damdamin at;
a. nakakagulat b. kakalungkot c. masayahin d. kawili-wili
48. Ang nobela ay pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay lalo na sa gobyerno at:
a. relihiyon b. edukasyon c. katarungan d. midya
49. Paano inilalahad ang isang nobela?
a. orihinal b. kakaiba c. maguni-guni d. kakatwa
50. Ang balangkas ng isang nobela ay tumutural sa:
a. kaugnayan b. kaisahan c. emphasis d. kalinawan
F. Panuto: Bilugan ang TITIK ng tamang sagot tungkol sa Dula.Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
51.Ang salitang dula ay hango sa:
a. Bikol b. Bisaya c. Tagalog d. Pangasinan
52. Ang “Ama ng Dulang Tagalog” ay si:
a. Severino Reyes b. Aurelio Tolentino c. Jose Nepomuceno d. Dionisio Salazar
53. Ang kaluluwa ng isang dula ay ang:
a. tauhan b. dayalogo c. banghay d. iskrip
54.Alin ang HINDI kabilang sa uri ng dula?
a. pampelikula b. panradyo c. pantanghalan d. pambahay
55.Ang tawag sa dulang may nakikitang aninong nagsisiganap ay:
a. bulong b. karilyo c. karagatan d. duplo
56. Ang tawag sa pagtaas-pagbaba o pagbubukas at pagsara ng kurtina sad ula ay:
a. yugto b. tagpo c. tanghal d. kintal
57. Alin ang HINDI elemento ng dulang panradyo?
a. diyalogo b. musika c. sound effects d. kamera
58. Ang tawag sa dulang walang salitaan subalit may galaw ay:
a. tableau b. pantomina c. role play d. dula-dulaan
59. Alin ang HINDI pinakapayak na anyo ng dula sa bansa?
a. seremonya b. ritwal c. opera d. sayaw
60. Ang pinakamaunlad na mukha ngayon ng dula ay:
a. hologram b. 3D c. Imax d. Betamax

Inihanda nina: Sinuri ni:


SHELBY G. PADOHINOG MILAGROS R. SEROMA
JHOAN G. CABAHIT Tagapamahala ng Filipino Dept.
ROMMEL L. LOTO
Guro sa Filipino G9

Binigyang Pansin ni:


EMMANUEL L. MAULION
Punong Guro I

You might also like