Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

PAGSULAT NG MGA

PERSONAL NA
SULATING AKADEMIKO
YUNIT 3
KABANATA VII

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


Ayon kay Margaret Wheatley, Without reflection, we go blindly
on our way, creating more unintended consequences, and
failing to achieve anything useful.

Napakahalaga ng pansamantalang pagmumuni-muni,


madalas o minsan mang gawin ito, hindi matatawaran ang
kapakipakinabang hatid sa isang taong malalim ang
pagmumuni-muni.
A. Ang Replektibong
Sanaysay:Kahulugan at
Kalikasan
 Ang replektibong sanaysay o tinatawag ding Reflective paper o
Contemplative paper, ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pag mumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa.
Kadalasan, ang repleksyong papel ay naglalaman ng mga reaksyon,
damdamin at pagsusuri ng isang karanasan sa napaka personal na
paraan.

 Ito ay hindi dayari o dyornal, maaaring gamiting paraan sa pag


poproseso ng mga repleksyon bago isulat ang repleksyong papel.
 Ito ay isang impormal na sanaysay, at kung gayon ay nangangailangan
ng 1) Introduksyon; 2) katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng
iyong mga iniisip o nadarama; at 3) konklusyon.

 Ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap mula sa


labas (libro, lektyur atbp) at ng iyong internal na pag-unawa at
interpretasyon sa mga ideyang iyon.

 Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-aanyaya ng self-reflection


o pagmumuni-muni. Ang kakayahang makapagmuni-muni ay isang
mahalagang personal at propesyonal na katangian.
B. Ang Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
Ang sumusunod na mga tips sa pagsulat ng replektibong
sanaysay ay inilahad ni Maggie Mertens:
 1. MGA INIISIP AT REAKSYON. Kapag nagsusulat ng repleksyong
papel hinggil sa literatura o karanasan, kailangang maitala ang
iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan.

 2. BUOD. Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip.

 3. ORGANISASYON. Ang repleksyong papel ay kailangang


maisaayos gaya ng iba pang uri ng pormal na sanaysay, dapat ay
maglaan ng introduksyon, ang katawan naman ng papel ay
maaaring magpaliwanag sa mga konklusyong nabuo mo at ito ay
maaaring tapusin sa pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga
natamo mula sa binasa o karanasan.
Ang paggawa ng repleksyong papel ay
bahagyang naiiba sa iba pang uri ng papel
sapagkat ang kongklusyon ay sumusunod sa
serye ng mga kontemplatibong narasyon.
KABANATA VIII
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
TALAKAYIN NATIN:

Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng


bagong sigla sa isip, ayon kay Seneca.
Pinalalaya tayo ng paglalakbay sa regularidad ng buhay at
pinalalawak ang ating kamalayan at perspektiba. Sa pamamagitan ng
paglalakbay, nagkakaroon ka ng ideya at pagdanas sa kultura,
pagpapahalaga at pamamaraan ng pamumuhay ng ibang lahi.
Tunay ngang mabuti para sa kaluluwa, maging sa kalusugan ang
paglalakbay.
 A.ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSULAT

Ang travelogue ay maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa


telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at
nagdodokumento ng iba’t ibang lugar na binisita at mga karanasan
dito ng isang turista at dokumentarista.
Sa pamamagitan ng mga travel vlog, nabibigyan ng ideya ang mga
manlalakbay kung ano ang aasahang makita, mabisita, madanas at
makain sa isang lugar.
Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong epektibong
makapagsulat habang naglalakbay:

 1.) MAGSALIKSIK

Magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa iyong destinasyon


bago dumating sa lugar.
 2.) MAG-ISIP NANG LABAS PA SA ORDINARYO

Kadalasang makikita sa mga guidebook ang listahan ng mga hotel,


kainan na pwede mong puntahan o mga aktibidad na pwede mong
gawin.
 3.) MAGING ISANG MANUNULAT

Magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa isang turista.


B. MGA GABAY SA
PAGSULAT NG LAKBAY-
SANAYSAY
Nagbigay din si Moore(3013) ng mga gabay sa pagpili ng paksa at pagsulat ng
lakbay-sanaysay.

1.) Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang


makahanap ng paksang isusulat.
2.) Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang panahon
lamang.
3.) Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
4.) Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
5.) Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.
6.) Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binisita
matitikman at pag-aralang lutuin ito.
7.) Sa halip na mga popular at malalaking Katedral, bisitahin ang mga
maliliit na pook-sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at
isulat ang kapayakan ng pananampalataya rito.
KABANATA IX

PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY


A.KAHULUGAN AT
KALIKASAN NG
PICTORIAL ESSAY
 Ayonsa dalubhasa, ang mga sinaunang taong
naninirahan sa nga kuweba ay nagpahayag ng
kanilang mga ideya at layunin sa pamamagitan ng
mga larawang guhit.

 "A picture is worth a thousand words."


 Pictorial Essay
 'photo essay'
 Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng
paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maikling
kapsyon kada larawan.

 Madalas itong ginagawa ng mga awtor,


artista,estudyante ,mga akademisyan, ptograpo
mamamahayag at photo-journalist.

 Larawan at teksto ang dalawang pangunahing sangkap ng


B. MGA KATANGIAN
NG MAHUSAY NA
PICTORIAL ESSAY
 1. Malinaw na Paksa

-Kailangan pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo.

 2. Pokus

-Huwag na huwag lumihis sa paksa.

 3. Orihinalidad

-Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan.

 4. Lohikal na Estruktura

-Isaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkasunod-sunod.


 5. Kawilihan

-Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa.

 6. Komposisyon

-Piliin ang mga larawang may kalidad ang komposisyon.

 7. Mahusay na paggamit ng Wika

-Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan.


C. ANG PAGGAWA
NG PICTORIAL
ESSAY
 1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong
guro.

 2. Isaalang-alang ang iyong audience.

 3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga


larawan sa pagkakamit ng iyong layunin.

 4. Kumuha ng maraming larawan.

 5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkasunod-


sunod.
KABANATA X

PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


 TALAKAYIN NATIN:
Minsan ay sinabi ni Robert Frost, isang tanyag na makatang
Amerikano, ang ganito: “The middle of the road is where the white line
is, and that’s the worst place to drive.”

Samantala, si Margaret Thatcher, dating Punong Ministro ng Britanya


naman ay nagsabing “Standing in the middle of the road is very
dangerous; you get knocked down by the traffic from both sides”

Ipinahihiwatig ng dalawa na may mga pagkakataong kailangang


mamimili ng panig: kaliwa o kanan, tama o mali, sang-ayon o tutol,
dapat o hindi dapat mabuti o masama. Minsan kasi o baka nga madalas
pa, ang hindi pagpili ay higit na mapanganib.
 A.KAHULUGAN NG POSISYON PAPEL

Payak na depinisyon ng posisyong papel. Isa itong detalyadong ulat


ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatwid o
nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos.
(http://www.thefreedictionary.com)
B. MGA BATAYANG
KATANGIAN NG
POSISYONG PAPEL
Ang iba’t-ibang aniyo ng posisyong papel ay
may mga batayang katangiang ipinagkakatulad:
1.) DEPINADONG ISYU
Ang mga posisyong papel ang hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na pinagtatalunan
ng mga tao.

2.) KLARONG POSISYON


Liban sa pagbibigay kahulugan sa isyu, kailangang mailahad nang malinaw ng awtor ang kaniyang
posisyon hinggil doon.

3.) MAPANGUMBINSING ARGUMENTO


Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang kaniyang paniniwala.
a. Matalinong Katwiran
b. Solidong Ebidensya
c. Kontra-argumento

4.) ANGKOP ANG TONO


Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang pagpili ng tono sa pagsulat na
nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ng komunikasyon.
C.ANG PAGSULAT
NG POSISYONG
PAPEL
Hakbang para sa mahusay na pagsulat ng
posisyong papel:
 1.) PUMILI NG PAKSA

Ang posisyong papel ay iinog sa iyong personal na paniniwala, na


sinusuportahan ng pananaliksik.
 2.) MAGSAGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK

Kailangan ng panimulang pananaliksik upang malaman kung may mga


ebidensyang sumusuporta sa isyong posisyon.
 3.) HAMUNIN ANG IYONG SARILING PAKSA

Kailangang alam mo hindi lamang ang iyong sariling posisyon, kundi


maging ang salungat sa iyo.
 4.) IPAGPATULOY ANG PANGONGOLEKTA NG MGA SUMUSOPORTANG EBIDENSYA

Kapag natukoy mo na ang iyong posisyong masusuportahan at ang


kahinaan ng kabilang panig, handa ka nang ipagpatuloy ang iyong
pananaliksik.
 5.) GUMAWA NG BALANGKAS

Ang posisyong papel ay maaring ayusin ayon sa kasunod na pormat:


A. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kailigirang
impormasyon. Gawin ito hanggang sa iyong tesis na pahayag na naggigiit sa
iyong posisyon.
B. Maglista ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon.
C. Kilalanin at suportahan ang ilang salungat na argumento (kung mayroong
dapat iakomodeyt sa iyong posisyon).
D. Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang siya pa ring pinakamainam sa
kabila ng lakas ng mga kontra-argumento.
E. Lagumin ang iyong argumento at ilahad muli ang iyong posisyon.
 6.)ISULAT ANG IYONG POSISYONG PAPEL

Sa pagsulat ng posisyong papel kailangang maipamalas ang iyong tiwala sa


sarili (confidence).

You might also like