Gadgets

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Denzel Lacar 12 HUMSS-Anderson

Gadgets: Kakampi o Kaaway?

Kasabay ng paglipas ng mundo ay kasabay din ang pag-angat o pag-unlad ng ating pakikipagkomunikasyon,
paglibang, at paggawa ng mga gawain ng madali dahil sa gagdets. Ang pagkahayok ng bawat isa sa pagbabago
ang siyang sanhi ng pagkasilang ng gadgets sa ating buhay. At Hindi maikakailang lumawak na ang kaalaman
tungkol sa mundo at ito ay dahil sa modernong panahon na kinabibilangan natin ngayon. Ngunit dahil sa Pag-
unlad ng gadgets hindi makakaligtaan na nagkakaroon na ito ng di magandang epekto sa atin lalo na sa mga
kabataan

Tayo ay magbalik tanaw sa ating nakaraan. Kapag tayo ang nakikipag komunikasyon tayo ay gumagawa ng
sulat sa ating mahal sa buhay at ito ay ipapadala sa kanila at minsan inaabot pa ng isang buwan saka pa
dumating ang sulat. Sa laro naman, tayo ay naglalaro ng bahay-bahayan, patintero at iba pa upang tayo ay
maglibang, at kapag tayo ay gumagawa ng asignatura, kailangan pa nating pumunta sa silid-aklatan upang
hanapin ang mga sagot sa katanungan.

Sa panahon ngayon ay napakadali na lng gawin ang mga bagay na mahirap gawin noon, dahil sa gadgets
napapadali na ating pakikipagkomunikasyon sa ating mahal sa buhay isang pindot lng tawag na agad, kung
ikaw naman ay nababagot nariyan ang gadgets upang ikay makapaglibang kagaya ng paglalaro ng mga online o
offline games, at kapag tayo ay gagawa ng assignment nariyan ang gadgets upang madaling mahanap ang
iyong sagot sa mga katanungan mo ng sandali.

Marami ang di gusto ang pag-unlad ng gadgets sa ating buhay kahit na ito ay gamit na gamit satin, dahil dito
nag kakaroon ng negatibong epekto ito sa mga tao na gumagamit ng gadgets. Una nakakasama ito sa ating
kalusugan. Habang tumatagal ka na gumagamit ng gadgets hindi mo alam na unti unti na palang nasisira ang
iyong kalusugan, ayon sa mga tagapagsaliksik nakakasama sa kalusugan ang pagkasobra ng paggamit ng
gadgets kagaya ng pagkasira ng mata dahil sa radiation na nanggagaling sa ating smartphones, at pangalawa
nagkakaroon ng kaso ng cardiac arrest na naging dahilan ng pagsobra o paglulong sa paggamit ng
smartphones. Nagiging tamad na ang mga kabataan dahil sa pag kalulong ng mga online games at pangatlo ay
nagiging bayolente ang mga kabataan dahil kung ano-ano ang nakikita nila habang gumagamit ng kanilang mga
gadgets.

Dahil din sa gadgets ay hindi na tayo nagkakaroon ng seguridad sa ating sarili, nawawalan na tayo ng "privacy"
dahil ayon sa mga eksperto may mga tao talagang nangigialam ng smartphone kahit hindi sila humahawak ng
iyong smartphone Sila ay ang mga hacker na kayang kontrolin ang iyong gadgets upang makakuha sila ng
impormasyon tungkol sa iyo.

Maaaring maging kakampi natin ang gadgets, dahil napakalaki ng tulong nito sa atin. Maaari ding naging
kaaway ito kung tayo ay hindi magkokontrol sarili. Ito ay nasa atin kung tayo ay magpapalulong o
magkokontrol. Hindi masama ang gumamit ng gadgets dahil malaki ang pakinabang nito sa ito at sa mga
susunod pa na henerasyon. Dapat tayo ay magkontrol sa ating sarili sa paggamit ng gadget upang hindi natin
ito maging kaaway. Huwag dapat tayong magpakalulong dahil dito nagsisimula ang pagkasira ng ating
kalusugan. Manatilihing gumamit ng mga proteksyon sa paggamit ng mga gadgets para sa ating kaligatasan.

You might also like