Professional Documents
Culture Documents
Grade 7 Q2 Filipino LAS2
Grade 7 Q2 Filipino LAS2
Grade 7 Q2 Filipino LAS2
Filipino
Second Quarter
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.
Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD,CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : CHERRY S. RAMOS, EdD, CESO V, Santiago City
Asst. Schools Division Superintendent: CHERYL R. RAMIRO, PhD, CESE, Santiago City
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : JANETTE V. BAUTISTA, EdD
Development Team
Writers: NESOLYN D. LAMAGON & FREDELYN JOY B. APOLONIO, Rosario NHS,
JERIC S. DANIELES, Salvador Integrate School, Santiago City
VISITACION L. VILLAROZA, Sinsayon NHS, Santiago City
MARY GRACE G. PABLO, Patul National High School, Santiago City
MELBETH BERGANCIA & NICOLE R. GATIWAN, Rizal NHS, Santiago City
ROBERTO R. TINIO, Divisoria High School-Main, Santiago City
CHARLES DARWIN R. SANGLAY, Balintocatoc Integrated School, Santiago City
MARRIETA M. RAMOS, Rizal NHS, Santiago City
Content Editors: FEMELYN M. CABREROS, Santiago City National High School, Santiago City
MARJORIE P. MENDOZA, Rosario National High School, Santiago City
MARIA CECILIA M. FERNANDEZ, Divisoria HS Naggasican Ext., Santiago City
ROMANO C. SALAZAR, JUN R. RAMOS, RENROSE S. RODRIGUEZ, NORALIE B.
CABANG
Language Editors: ELIZABETH R. BERDADERO, Education Program Supervisor– FILIPINO
ROMANO C. SALAZAR, JUN R. RAMOS, RENROSE S. RODRIGUEZ, NORALIE B.
CABANG
Layout Artists: JENELYN B. BUTAC, Division Librarian
Focal Persons: ELIZABETH R. BERDADERO, Education Program Supervisor– FILIPINO
MARIVEL G. MORALES, Division LRMDS Coordinator
ROMEL B. COSTALES, Education Program Supervisor– FILIPINO, CLMD, DepEd R02
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02
GAWAING PAMPAGKATUTO
Alamat ni Daragang Magayon
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Alam mo ba na…
Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng ating mga
ninuno bago pa man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang mga panitikang
lumaganap sa pamamagitan ng pagpasalin-salin ng pasalitang tradisyon mula sa iba’t
ibang henerasyon at ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap sa pamamagitan ng
pasalindilang pamamaraan ay ang mga kuwentong-bayan, awiting-bayan, bugtong,
bulong, Alamat, Epiko atbp.
Gawain 1
Suriin at bigyang-hinuha ang mga sumusunod na larawan sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga gabay na tanong.
Sanggunian: Dreamstime.com
1. Ano ang katangian ng mga nasa larawan na hindi makikita sa karaniwang tao o
lugar?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Batay sa mga larawan, ano sa palagay mo ang katangian ng epiko, kuwentong bayan,
alamat, bulong at awiting bayan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Gawain 2
Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Gawain 2
ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon.
Naganap ito sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na pinamumunuan
ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa
panganganak kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog - isang anak na babaeng walang
kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung
bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa
malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito
ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas
na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datung Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng
mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito
nakuha ang loob ng dalaga.
Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita sa Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit
matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang makita
ng sarili niyang mga mata ang ipinagbunying kagandahan ni Daragang Magayon. Ngunit hindi
katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniis niya ang magnakaw lamang ng
mga sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa.
Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa ilog Yawa upang
magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli-dagling
sumaklolo si Ulap at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang
nagging simula ng pag-iibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.
Ilang beses pang nagtagpo sina Ulap at Daragang Magayon. Hanggang isang araw,
sinundan ni Ulap at si Daragang Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog,
buong lakas na ipinagkaloob na ibinaon ni Ulap ang kaniyang sibat sa hagdan. Ipinapahiwatig
nito ang kaniyang kagustuhang pakasalan si Magayon. Walang nagawa si Magayon kundi
mamula, magpigil ng tawa, at umiwas ng tingin. Dahil dito, napagtanto ni Datu Makusog na
umiibig ang kaniyang nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag ng kahit anong
pagtanggi. Tuawang-tuwa sina Magayon at Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas
ng isang buwan upang mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang
makapaghanda nang husto para sa pagdiriwang.
Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng
mensahe kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan
sa kaniyang bayan kung hindi siya pakakasalan. Sinunod ni Magayon ang kahilingan ni
Pagtuga labag man sa kaniyang kalooban.
Agad-agad na inihanda ang kasalan. Nang malaman ni Ulap ang masaklap na
pangyayari, nagmadali siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang
mandirigma.
Gawain 4
Ilahad ang Alamat na binasa sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo
Alamat ng
Daragang
Magayon
Kasukdulan
Suliranin/Krisis
Wakas
/Realisasyon
Gawain 5
Upang matiyak ko kung talagang naunawaan mo ang araling ating tinalakay, magsalaysay ka
ng sarili mong Alamat.
Magdiriwang ng ikapitong kaarawan ang iyong pamangkin. Nahilingan ka nito na
magkwento sa kanyang mga bisita. Lilikha ka ng sarili mong Alamat.
Orihinalida…………………………………………………………….. 25 %
Malikhaing Pagsalaysay………………………………………………25 %
Pagkakabuo ng Alamat………………………………………………… 25 %
Malinaw na pagkakalahad ng Alamat………………………………….. 25 %
Kabuuan……………………………………………………………… 100 %
NESOLYN D. LAMAGON
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Ito ay ang malayang pagpapahayag ng kultura ng bawat grupo ng tao na kung saan
kasama sa mga bali-balita ang mga salaysay, salawikain, alamat, at mito. Karaniwang kaugnay
ang isang tiyak na pook o rehiyon ng lupain o isang bansa ang kwentong-bayan.
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang halimbawa ng isang sanaysay at sagutan ang mga
inihandang gawain.
Nagpasalamat uli si Maguayan at inilagay sa tabi niya ang gintong kabibi. Tapos,
pinakuha ni Kaptan ng pagkain at inumin ang 3 tagahayag at, mabilis pa sa lintik (relampago,
lightning), nag-piging na ang 2 diwata. Hindi nila napansin, nasa likod si Sinogo, narinig lahat
ng ibinulong ni Kaptan at ibig ngayong makamit ang gintong kabibi. Kahit na marami na
siyang tinanggap na biyaya (ventajas, favors) at karangalan (honors) mula kay Kaptan, ninais
niya ang higit pang kapangyarihan. Maaari siyang maging tunay na diwata at mag-hari sa lupa,
at magtago upang hindi maparusahan ni Kaptan. Kaya paghain niya ng pagkain kay Maguayan,
lihim niyang dinampot ang kabibi. Tapos, tahimik siyang tumalilis.
Matagal bago namalayang wala si Sinogo, at ipinahanap siya ni Kaptan kay Dalagan.
Kasing bilis ng lintik, bumalik si Dalagan at hinayag na wala na sa pulo si Sinogo. Nataon
namang napansin ni Maguayan na naglaho ang gintong kabibi kaya nahulaan ni Kaptan na
ninakaw ito ni Sinogo at tumakas. Sumisigaw sa galit, inutos ni Kaptan kina Dalagan at Gidala
na habulin at bihagin ang talipandas.
Humugot ng sandata sina Gidala, susunggaban na sana nila si Sinogo. Biglang isinubo
ni Sinogo ang gintong kabibi at, sa isang kisap-mata, naging
dambuhalang buaya siya at sumisid sa dagat. Habol pa rin, pinagta-taga siya nina Dalagan at
Gidala subalit hindi tumagos sa kapal at tigas ng balat ng buaya. Patuloy ang hagaran sa
lusutang (estrecho, strait) Guimaras.
Ang walang tigil na palag ni Sinogo na dambuhalang buaya ang sanhi ng mga ipu-ipu
sa bahaging iyon ng Pilipinas, bahaging laging iniiwasan ng mga namamangka, sa takot nila
sa panganib.
Gitna/Katawan
Panimula Wakas
Nilalaman
REPLEKSIYON
Mahusay at natapos mo ang iyong mga gawain. Batay sa iyong karanasan sa iba’t ibang
gawain sa iyong palagay ano ang implikasyon nito sa iyo na magagamit mo sa iyong pang
araw-araw na gawin?
__________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Gawain 2
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Gawain 3
Batay sa pamatayan ang pagtataya sa gawaing ito.
JERIC S. DANIELES
Mak-akda
GAWAING PAMPAGKATUTO
Antas ng Wika
Halimbawa:
Halimbawa:
2. Mga Salitang Pormal - Mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga mag-aaral sa wika. Ito ang mga ginagamit sa mga paaralan, opisina,
panayam, seminar, at ng mga taong nakapag-aral.
Halimbawa:
PANUTO
Sagutin nang buong talino ang mga gawain sa ibaba na inihanda ng iyong guro batay
sa aralin.
Gawain 1
Basahin at unawain ang nilalaman mga awitin sa ibaba. Pagkatapos, sagutan nang
buong husay at talino ang mga kasunod na katanungan.
Dalagang Pilipina
Ruben Tagalog
Maging sa ugali
Maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabini, ang lahat ng ayos.
Malinis ang puso
Maging sa pag-irog
May tibay at tining ang loob.
Bebot
The Black Eyed Peas
Bebot bebot
Be bebot bebot
Be bebot bebot be
Ikaw ang aking
Bebot bebot
Be bebot bebot
Be bebot bebot be
Ikaw ang aking
Bebot bebot
Be bebot bebot
Be bebot bebot be
Ikaw ay
Filipino! Filipin0! Filipino! Filipino!!
Hoy pare pakinggan nyo ko
Eto nang tunay na filipino
Galing sa baryo sa pangbato
Pumunta ng LA nagtrabaho
Para makatulong sa nanay
Dahil sa hirap ng buhay
Pero masaya parin ang kulay
Pag kumain nagkakamay
Yung kanin, chicken adobo
Yung balot, binebenta sa kanto
Tagay mo na nga ang baso
Pare ko inuman na tayo
Filipino! Filipino! Filipino Filipino
Bebot bebot
Be bebot bebot
Be bebot bebot be
Ikaw ang aking
Bebot bebot
Be bebot bebot
Practice Personal Hygiene protocols at all times. 18
Be bebot bebot be
Ikaw ang aking
Bebot bebot
Be bebot bebot
Gawain 2
Piliin sa hanay B ang kahulugan ng salitang nakahilig sa hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
_____1. Masaya ang tipar kina Jun kagabi. a. ama /itay
_____2. May sakit si erpat kaya’t kailangan
kong bantayan. b. sigarilyo
_____3. Dehins ako nakarating. c. handaan
_____4. Sinita pa ako ng lespu sa may kanto pag-uwi. d. hindi
_____5. Palitan mo na kasi iyang tsekot mo pare. e. inay, ina
_____6. Wala pa akong datung, pare. f. kapatid
_____7. Bagets ka pa nman. Mag-ipon ka na lang muna g. kotse
_____8. Pangarap ko iyan bago ako magurang. h. matanda
_____9. Uwi muna ako. Tumatawag si ermat. i. pulis
_____10. Masama ang epekto ng yosi kaya’t tumigil na ako. j. bata pa
k. pe
Gawain 3
Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa isang
family reunion. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal,
lalawiganin, o pormal.
Gawain 4
Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwasyobng nakatala sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa loob ng kahon. Gamitin ang mga antas ng wikang natutunan,
2. Namasyal kayo ng lola mong galing sa America at may gusto kang ipabili sa kaniya.
(kolokyal)
3. May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa
kaniya pinadalhan mo siya sa mensahe o private message sa kanyang facebook
account. (Balbal)
4. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang naliligaw ka. Paano ka
magtatanong sa mga taong pwede mong hingan ng tulong sa daan? ( kolokyal)
Gawain 5
Kabuuang Puntos 45

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
Ang sagot ay nakadepende sa pagpapaliwanag ng mga mag-aaral
Gawain 2
1. C 6. K
2. A 7. J
3. D 8. H
4. I 9. E
5. G 10. B
Gawain 3
1. pormal
2. balbal
3. kolokyal
4. lalawiganin
5. balbal
6. kolokyal
7. kolokyal
8. kolokyal
9. pormal
10. pormal
Gawain 4
Iba- iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Mula sa Internet:
https://www.google.com/search?q=awiting+bebot+ng+black+Eyed+Peas+may+lyrics&oq=a
witing+bebot+ng+black+Eyed+Peas+may+lyrics&aqs=chrome..69i57.40089j0j9&sourceid
https://www.google.com/search?q=dalagang+pilipina+lyrics&oq=dalagang+pilipina&aqs=ch
rome.2.69i57j0l2j46j0l4.14199j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8
Visitacion L. Villaroza
May-akda
GAWAING PAMPAGKATUTO
Paghihinuha sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Binasang Alamat
Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kaniyang pitong anak na
dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang
kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang-silangan
ng lalawigan ng Iloilo
na bahagi ng isla ng Panay. Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang
nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi maging
sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo
ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang
napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinakatakot ay ang
makapag-asawa ang sinuman sa kaniyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo
sa kanya. “Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito
lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili
habang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating
sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t
nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala
rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging mabilis ang
pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero. Inanyayahan nilang
magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang nagsipayag. Subalit hindi
naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi pa ninyo kilala nang
lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papaya,” ang matigas na
wika niya kahit pa nagpupumilit ang kaniyang mga anak na sumama sa mga binata. Isang
araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang mapangahas na pasya
ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni ama,” ang wika
ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga. Sinamantala ng
magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga
pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga
binata palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang
kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kaniyang
pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kaniyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kaniyang maliit na bangka
kumpara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga
anak.
Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kaniyang mga anak. “Mga anak,
huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang katapusang pagsigaw at
pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng
walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at
sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kaniyang mga anak, walang nagawa ang matanda
kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kaniya maging ang
kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay
napalitan ng nagdilim na himpapawid. Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng
malalakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang
nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Inisip niyang
maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng panahon nang
nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang kanyang mga anak. Subalit anong laking
pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog
sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na
ito siya nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang
araw.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong
Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail
na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.
Gawain 1
Magtala ng limang bagong salitang ginamit sa alamat na binasa. Pagkatapos ay tukuyin ang
kahulugan nito gamit ang diksyunaryo. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.
Bagong Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap
1.
3.
4.
5.
2. Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kaniyang mga anak na sumama sa
mga binatang bago pa lamang nilang nakikilala?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Makatuwiran ba ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kaniyang mga anak?
Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, susunod ka ba o susuway sa iyong ama? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. Kung ikaw naman ang ama, ano ang maaari mo sanang ginawa para ang hindi ninyo
pagkakaunawaan ay hindi humantong sa pagtakas ng inyong mga anak?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
6. Ano ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng labis na sakit sa kalooban ng kanilang
ama?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula naman sa salitang Latin na legendus na
nangungahulugang “upang mabasa”.
Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay
nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay
ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian,
at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang katangian tulad ng kalinisan ng kalooban,
katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi mabuting katangian
tulad ng kasakiman, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan itong
kapupulutan ng aral at nagpapakitang ang kabutihan ay laging nananaig laban sa kasamaan.
Noon pa mang unang panahon, ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng mga
karunungang bayang kinabibilangan ng alamat. Ang mga ito ay lumaganap sa paraang
pasalita, at nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan.
REPLEKSIYON
Natutunan ko sa araling ito na
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
SANGGUNIAN
Dayag A. 2017, Pinagyamang Pluma 7, Iklawang Edisyon pp.168 -180, Quezon City, Pheonix
Publishing House, Inc
https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagsunod-magulang.html
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1: Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay maaaring magkakaiba
1. Mangangalakal-negosyante
Ang mga mangangalakal na dayo ay tunay ngang mayayaman.
2. Bantog-kilala
Naging bantog ang mga dalaga sa kanilang lugar dahil sa angkin nilang kagandahan.
3. Pumalaot- namangka papunta sa gitna ng dagat
Nang pumalaot na ang mga dalaga at mga binate ay nakadama sila ng kaba.
4. Lulan-sakay
Ang mga binate ay lulan ng magagarang sasakyang pandagat.
GAWAING PAMPAGKATUTO
Iba’t ibang paraan ng pagkilala sa kahulugan ng salita
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Hindi na bago sa ating kaalaman ang pagbibigay natin ng kahulugan sa isang salita.
Bukod sa pagbibigay natin ng kasingkahulugan o kasalungat na kahulugan ay may iba pang
paraan upang ang bokabularyo ay malinang at mapalawak.
May mga akdang tulad ng alamat, kuwentong bayan, at iba pang akdang pampanitikan
na may mga salitang paulit-ulit na ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda kung
saan binibigyang kahulugan natin ayon sa sarili nating interpretasyon upang mas maunawaan
natin ang mga ito. Halimbawa na rito ang salitang “mapagmahal na ama” na kung bibigyan ng
sariling interpretasyon ay marami ang maaaring iugnay mula rito tulad ng maalagain,
responsable, maalalahanin, o nangangaral.
May mga salita rin namang ating nababasa sa mga akda na magkatulad ang kahulugan
subalit iba-iba ang digri o antas ng kahulugan. Ito ay tinatawag na pagkiklino. Ang pagkiklino
ay tumutukoy sa tindi o intensidad ng kahulugan ng salita. Maaaring ito ay mula sa
pinakamababaw hanggang sa pinakamatindi ang digri o intensidad ng salita.
Halimbawa: (1)inis, (2)tampo, (3)galit (1)hikbi,(2)luha, (3)hagulgol
Mayroon ding mga salita na di pamilyar sa atin, at mga salitang nagpapahayag ng
damdamin. Ang mga di pamilyar na salita ay mga salitang hindi karaniwang ginagamit sa mga
simpleng pahayag at pangungusap. Halimbawa nito ang salitang “aligbugha” na ang ibig
sabihin ay taksil. May mga paraan din upang maibigay ang damdamin o emosyon batay sa
pahayag o pangungusap tulad ng mga sumusunod: (1) paggamit ng tandang padamdam (!) sa
pangungusap na ginagamit kapag nagpapahayag ng matinding damdamin, (2) maari ring sa
pamamagitan ng maiikling sambitla tulad ng “Aray!” na nangangahulugang nasaktan ang
isang parte ng katawan ng tao, (3) mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin kung
ang tauhan sa akda ay masaya, malungkot, o galit na nailalahad mismo dahil sa mga salitamg
ginamit, at (4) mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan
katulad ng mga pahayag na ginagamitan ng matatalinghagang salita sa halip na gumamit
lamang ng simple at karaniwang salita.
Makisig na
binata Diwata
3.
Magkabiyak
Gawain 2
May mga salitang magkakapareho ang kahulugan subalit may magkakaibang digri o
antas ng kahulugan. Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga patlang: 1 para sa
pinakamababaw, 2 para sa katamtaman at 3 ang pinakamatindi ang digri o intensidad.
1. ___inaalagaan___kinupkop___kinalinga
2. ___pighati ___lungkot ___ lumbay
3. ___mahina ___malambot ___marupok
4. ___matayog ___matarik ___mataas
5. ___maganda___nakabibighani___kahanga-hanga
6. ___halakhak___tawa ___ngiti
7. ___matalino___maalam ___marunong
8. ___mayaman___marangya ___masagana
9. ___pagkawala___pagkaubos___pagkasaid
10. ___gusto kita___mahal kita___sinasamba kita
REPLEKSIYON
Natutunan ko sa araling ito na
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
Ang guro ang siyang magpapasya sa naging mga sagot ng mag-aaral.
Gawain 2
1. kinupkop, inalagaan, kinalinga
2. lumbay, lungkot, pighati
3. malambot, mahina, marupok
4. matarik, matayog, mataas
5. maganda, kahanga-hanga, nakabibighani
6. ngiti, tawa, halakhak
7. marunong, maalam, matalino
8. masagana, mayaman, marangya
9. pagkawala, pagkaubos, pagkasaid
10. gusto kita, mahal kita, sinasamba kita
Gawain 3
1. Uri ng ilog 6. Itim na bangka
2. malapit sa ilog 7. Anting-anting
3. dalampasigan 8. durugin
4. natalo o nadaig 9. Komunsulta o magtanong
5. pagpapakasal 10. Bagay na ginagamit kasama ng pana
Gawain 4
1. Galit
2. maligaya/masaya
3. pagkabigo
4. natuwa/nagalak
5. matapang
GAWAING PAMPAGKATUTO
Mga Uri ng Paghahambing
1. LANTAY - ang anyo ng Pang - uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang Pangngalan
o Panghalip.
halimbawa:
• Malaki ang ambag ng mga OFW sa pag-unlad ng ating bayan.
• May mga nangingibang bansa na dumaraan sa mahirap na sitwasyon.
PANUTO: Payabungin ang iyong kaalaman tungkol sa mga salita o pahayag na ginagamit
sa paghahambing sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inihandang gawain.
BASAHIN AT UNAWAIN:
Hamon ng Pandemya sa Edukasyon
Melbeth O. Bergancia
Dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19, naging limitado ang galaw ng mga tao. Isa sa
mga pinaka-apektado ay ang pagpapatuloy ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Malaking hamon para sa mga mag-aaral, magulang, at mga guro ang tinatawag na new
normal sa edukasyon. Gayunpaman, unti-unting iminumulat ng mga magulang, mag-aaral, at
ng lipunan ang kanilang mga mata sa katotohanang kailangang subukan din nilang sumabay
sa pagharap sa hamong ito.
Ang pag-aaral at kalusugan ng mga mag-aaral ay kapwa mahalaga kung kaya’t sa
pagpapatuloy ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay ikokonsidera pa rin ng Kagawaran
ng Edukasyon ang kalusugan ng mga mag-aaral.
Ang kabi-kabilaang webinars para sa mga guro at live interviews ng pangulo at kalihim
ng kagawaran ay higit na nakatutulong upang magabayan ang mga magulang at mag-aaral
sa pagharap sa bagong hamong ito. Ang mga guro ay abala sa paggawa ng mga modules, mga
learning activity sheet, mga video at powerpoint presentation na akma sa lebel ng mag-aaral
na gagamit nito. Ang mga radyo at telebisyon ay parehong mahalaga at gagamiting daluyan
para maipaabot sa lahat ang dekalidad na edukasyon. Gayundin ang mga gadgets tulad ng
kompyuter at cellphone na may access sa internet.
Dahil sa pagtutulungan ng pamahalaan, Kagawaran ng Edukasyon, mga guro, at mga
magulang, nagiging magaan ang akala nati’y mahirap na hamon.
Tunay ngang walang kasinggaan ang isang gawain kung pinagtutulung-tulungan gawin.
PAGSUSURING GAWAIN
Isulat sa patlang ang mga salitang nabigyan ng diin.
1. _______________________________ 5. _______________________________
2. _______________________________ 6. _______________________________
3. _______________________________ 7. _______________________________
4. _______________________________
Gawain 2
Salungguhitan ang ginamit na Pang-uri sa bawat bilang.
Gawain 3
Isulat sa patlang ang wastong pang-uri ayon sa ipinahihiwatig na kaantasan sa
pangungusap. Gamitin ang pang-uring nasa loob ng kahon.
Gawain 4
Gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa paghahambing. Gawing paksa sa mga
bubuuing pangungusap ang pagiging mabuting mag-aaral.
1. higit na mabuti
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. mas masaya

3. lalong giginhawa

5. magsinghalaga

Bumuo ng isang maikling iskrip ng dulaan. Pumili sa ibaba ng isang sitwasyon. Gumamit
ng mga salita o pahayag sa paghahambing.
3. Mahilig magbasa ng aklat si Ella at hinihimok niyang magbasa rin ng aklat si Editha.
REPLEKSIYON
Punan ang patlang ng natutunan tungkol sa kahalagahan ng mga salita o pahayag sa
paghahambing ayon sa iyong sariling opinyon.
SANGGUNIAN
Julian, Ailene B. et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 7 Ikalawang Edisyon. Quezon City. Rex
Publishing Company.
SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsusuring Gawain
1. pinakaapektado
2. Malaking hamon
3. kapwa mahalaga
4. higit na nakatutulong
5. parehong mahalaga
6. magaan
7. Kasinggaan
GAWAIN 2
GAWAIN 3
1. pinakakilalang
2. Magsingputi
3. Higit na mabagal / Mas mabagal
4. Higit na matagumpay / Mas matagumpay
5. Kasingbait / Singbait
6. payapa
7. Higit na mabilis / Mas mabilis
8. Lalong maganda
9. Higit na matibay / Mas matibay
10. Magkasingsarap / Kasinsarap
Tandaan: Sa pagsulat ng iyong sagot sa mga pangungusap na nasa unahan ang patlang
dapat ang unang titik ng salitang bubuuhin mo bilang sagot ay nakasulat sa
MALAKING TITIK. Kung hindi, balewala ang puntos.
Pangalan:________________________ Baitang:____________________
Seksiyon:________________________ Petsa: _____________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Gabay para sa Kaunlaran
Kaya natin ito,
Tama lahat ang sinabi ng nanay ko
magtiwala
tungkol sa COVID 19. Kailangan
lamang.
ang pagkakaisa ng lahat upang
mapaglabanan ang sakit na ito. Naniniwala akong
hindi magtatagal ay
mawawala na ang
sakit na ito.
1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang matulungan ang
pamahalaan sa pagsugpo ng sakit na COVID 19.
2. Tama! Lahat tayo ay puwedeng tumulong kung gugustuhin natin.
3. Sama na…..Ipabatid sa mamamayan ang ating nalalaman.
4. Ngayon na. Kung ipagpapabukas pa natin ang pagpapabatid ay baka huli na.
5. Sigurado akong lahat ay susunod sa panuntunan ng pamahalaan kapag malaman ang
dulot ng sakit na ito.
Subukan Pa Natin
Ito na Tama
Tama Tunay
Sigurado akong
1. Ngayon na __________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Kaya mong maging bahagi ng _____________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Siguradong ____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ito na _________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Tara na _______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Palawakin Pa.
Ang paggalang sa karapatan ng bawat tao ay mahalaga.
Maging ang katutubong hindi nakapag-aral ay nararapat ding
igalang at proyektahan. Subalit sa kanilang kalagayan ay sila
ang karaniwang nabibiktima ng mga taong mapang-abuso at
mang-aagaw ng lupain at ari-arian.
➢ Kabuuang puntos
5- napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman
2- Di-gaanong mahusay 1- Di-mahusay
Repleksiyon
Natutunan ko sa araling ito na_____________________________________
___________________________________________________________________

Sanggunian
Pinagyamang Pluma 7-Ikalawang Edisyon
Phoenix Publishing House.
Mga awtor:
Ailene Baisa-Julian
Nestor S. Lontoc
Carmla H. Esguerra
Awtor-Koordineytor:
Alma M. Dayag
Gawain 1 Gawain 2
1. Naniniwala 1. Tunay
2. Tama 2. Tama
3. Sama na 3. Naniniwala akong
4. Ngayon na 4. Siguradong
5. Sigurado ako 5. Ito na
Gawain 3-(Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
1. Ngayon na! Darating na ang hinihintay mong kasagutan.
2. Kaya mong maging bahagi ng samahan dahil sa iyong determinasyn sa buhay.
3. Siguradong mawawala lahat ng iyong nararamdaman kapag malaman mo na ang
resulta ng paligsahan.
4. Ito na ang panahong pinakahihintay ng lahat.
5. Tara na at makibahagi sa programa ng ating pamahalaan.
Gawain 4. (Magkakaiba ang awtput ng mga mag-aaral. )
MARIETTA M. RAMOS
NICOLE R. GATIWAN
May-akda
GAWAING PAMPAGKATUTO
Panitikang Bisaya: Salamin ng Mayamang Kultura
Gawain 1
Basahin ang kahulugan sa talaan na PAHALANG at PABABA. Gamitin ang mga
letrang nasa krusigrama bilang karagdagang palatandaan upang matukoy ang salitang
hinihingi ng bawat bilang.
1 2
P
3 4 5
L
6
M N E
T H
7
A
B
8
H N
9
A
Pahalang
1. Kuwento ng kabayanihan at kababalaghan
3. Uri at paraan ng pamumuhay
6. Ama ng panitikang Bisaya
7. Isa sa mga isla sa Pilipinas
8. Banyagang mananalaysay
9. Matalinhagang panitikan
Pababa
2. Kuwentong nagbibigay ng aliw
3. Bunga ng kalikasan
4. Makabagong pamamaraan
5. Malaking bahagi ng kalupaan
HINILAWOD
Epiko ng Bisaya
instructionalminutes.blogspot.com
Noong unang panahon, sa daigdig ng mga diyos at diyosa ay ipinag-utos ni Kaptan, ang
hari ng mga immortal, na ipakasal si Alunsina, ang pinakamagandang diyosa, pagdating sa
edad ng pagdadalaga. Ipinatawag ng hari ang lahat ng kalalakihan ngunit walang napili si
Alunsina sapagkat siya ay umiibig na sa isang mandirigmang si Datu Paubari. Nagalit ang mga
mangingibig ni Alunsina kung kaya’t binalak nilang sirain ang Hinilawod sa pamamagitan ng
isang baha. Ang lahat ng ito ay narinig ni Suklang Malayon, ang kapatid ni Alunsina. Ito ay
isinumbong niya kina Alunsina at Paubari. Tumakas ang magsing-irog sa mataas na lugar at
sila ay nakaligtas sa baha. Sila ay nanirahan sa bukana ng ilog Hinilawod.
Makalipas ang ilang buwan ay nagsilang si Alunsina ng tatlong malulusog na sanggol.
Ipinatawag nila ang babaylan at binasbasan ang tatlong sanggol na naging tatlong makikisig na
binata matapos ang isang ritwal. Pinangalanan nila ang mga itong Labaw Donggon,
Humadapnon, at Dumalapdap. Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng
maagang interes sa magagandang babae. Noong siya ay binata na ay nagpaalam siya sa
kaniyang ina upang hanapin ang babaeng kaniyang mapapangasawa sa bayan ng Handug.
Nagbigay ng kondisyon ang ama ng dalagang si Angoy Ginbitinan. Kailangan niyang
sagupain at patayin ang halimaw na si Manalintad. Naging madali ang pagsubok at napatay
nga ni Donggon ang halimaw kung kaya’t pumayag na ang ama ng dalaga na isama na ito
pauwi sa kanilang bayan. Habang papauwi kasama ang kaniyang asawa ay narinig ni Donggon
ang kuwetuhan ng mga lalaking kanilang nakasalubong tungkol sa isang magandang babaeng
nagngangalang Abyang Durunuun. Muli ay naging interesado siya sa babaeng ito. Makalipas
ang ilang buwang pagsasama ay nagpaalam siya sa kaniyang asawa ukol sa kaniyang balak.
Bagamat ayaw ni Ginbitinan ay wala siyang nagawa. Inakyat niya ang Tarambang Burok upang
hanapin ang babaeng nais niyang muling mapangasawa. Hindi siya nabigo na mapaibig si
Abyang Durunuun.
Ngunit hindi doon nagtatapos ang kaniyang paghahangad sa magagandang babae.
Nabalitaan niya ang tungkol sa isa pang napakagandang babae na si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata. Sakay ng inagta o itim na bangka ay naglayag siya sa malalawak na
karagatan patungong Gadlum upang marating ang Tulog matian. Pagdating doon ay kinausap
niya si Buyong Saragnayon, ang hari ng kadiliman, at ang asawa ni Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata ngunit pinagtawanan lamang siya nito. Hinamon niya si Saragnayon at
sila ay naglaban sa mahabang panahon. Inilubog niya sa tubig ang ulo ng kalaban sa loob ng
Practice Personal Hygiene protocols at all times. 53
pitong taon ngunit hindi pa rin ito namatay. Ginamit ni Saragnayon ang kaniyang anting-anting
at ikinulong si Labaw sa isang kulungan sa ilalim ng kaniyang bahay.
Samantala, kapwa nagsilang na ng sanggol ang dalawa pang asawa ni Labaw. Ang anak
ni Angoy Ginbitinan ay tinawag na Asu Mangga, at ang anak naman ni Abyang Durunuan ay
pinangalanang Abyang Baranugon. Nagkatagpo sa karagatan ang magkapatid habang
hinahanap nila ang kanilang ama. Tinungo nila ang Tulog Matian upang harapin si Saragnayon,
ang bumihag sa kanilang ama. Hinamon niya ang magkapatid sa isang labanan ngunit hindi
siya nagapi ng mga ito dahil sa taglay nitong kapangyarihan.
Bumalik ang magkapatid sa kanilang bayan upang humingi ng payo sa kanilang lola
na si Alunsina na noon ay napakatanda na at sinabi nitong ang kapangyarihan ni Saragnayon
ay nasa kaluluwa ng baboy-ramo. Hinanap nila ang baboy-ramo at pinatay ito. Dahil dito ay
nanghina si Saragnayon at mabilis na namatay nang siya ay panain ni Baranugon. Kasama ang
kanilang amain na sina Humadapnon at Dumalapdap ay hinanap ng magkapatid ang kanilang
ama ngunit hindi nila ito matagpuan sa kaniyang bilangguan. Pagkatapos ng maraming araw
ng paghahanap ay natagpuan nila si Labaw Donggon sa isang pampang ng ilog malapit sa
bahay ng asawa ni Saragnayon.
Bumalik na ang mag-aama sa Hilawod ngunit wala na ang dating kakisigan ni Labaw
Donggon dahil sa matagal na pagkabihag. Sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nawawala ang
pagnanais nito sa magagandang babae. Ikinagalit ito ng kaniyang dalawang asawa ngunit
kaniyang sinabi na bagamat ganoon ay mananatili pa rin ang kanyang pagmamahal sa dalawang
babae sa kaniyang buhay. Nang lumaon ay bumalik din ang kalusugan at kakisigan ni Labaw
Donggon sa piling ng kaniyang pamilya.
5. Paano ipinakita ng mga anak ni Labaw Donggon ang pagmamahal sa kanilang ama?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawain 3
Gawain 4
____________________________________

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Naisaalang-alang ang
wastong balangkas ng
sanaysay
Nagamit nang wasto
ang mga salik
pambalarila
Nailahad ang
mahahalagang detalye
ng teksto
Nagtataglay ng
organisasyon at
transisyon ang mga
talata
Nakapokus ang teksto
sa isang maliwanag na
paksa
SANGGUNIAN
Basa-Julian Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma (2016) Phoenix Publishing House,927
Quezon Avenue, Quezon City
www. haikudeck.com
instructionalminutes.blogspot.com
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
Pahalang Pababa
1. epiko 2. komedya
3. kultura 3. katutubo
6. Gumban 4. teknolohiya
7. Bisaya 5. rehiyon
8. Chirino
9. tula
Gawain 2
1. Alunsina, Paubari, Labaw Donggon, Humadapnon, Dumalapdap
2. maharlika
3. ang pagiging maibigin sa magagandang babae
4. Nagkahiwalay ang pamilya
5. Tinulungan ang kanilang ama
Gawain 3 Gawain 4
1. K 6. K Ang mga sagot ay mamarkahan batay sa pamantayan ng guro.
2. PK 7. PK
3. PK 8. PK Gawain 5
4. K 9. K Ang sanaysay ay mamarkahan batay sa rubrik.
5. K 10. K
ROBERTO R. TINIO
May-akda
GAWAING PAMPAGKATUTO
Paghihinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari
Ang mga awiting bayan ay mga awitin noong panahon ng ating mga ninuno na
hanggang ngayon ay kinakanta pa rin. Ito rin ay sumasalamin sa naging pamumuhay at
tradisyon ng ating mga ninuno noong unang panahon. Diyalekto rin ng isang partikular na bayan
ang ginamit sa pagbuo ng awiting bayan.
Gawain 2 Pag-unawa
Basahin at unawaing maigi ang salin sa Filipino ng awit na Manang Biday. Pagkatapos ay
sagutin ang katanungan.
Gawain 3 Pagtutulad
Pagkatapos maunawaan ang kulturang nakapaloob sa awitin. Gumuhit ng isang larawan
na siyang sumisimbulo sa kulturang nakapaloob sa awit, at ipaliwanag.
Pagpapaliwanag:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. Ang sagot ay nakadipende sa mag-aaral
2. Patungkol sa panliligaw
3. Ang sagot ay nakadipende sa mag-aaral
Gawain 2
Ang sagot ay nakadipende sa mag-aaral
Gawain 3
Ang sagot ay nakadipende sa mag-aaral
Sanggunian
https://lyricstranslate.com/en/ate-biday-lyrics.html
https://youtu.be/qYnqpShl-Ns
https://www.slideshare.net/MarlenePanaglima/rehiyon-2-lambak-ng-cagayan-199257921
GAWAING PAMPAGKATUTO
Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin
▪ Sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
▪ Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may
tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa
tula ng angkin nitong himig o indayog.
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
▪ Kariktan
▪ Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. ○ Tayutay -
paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula
Anyo
Porma ng tula.
Tono/Indayog
Diwa ng tula.
Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan
Practice Personal Hygiene protocols at all times. 63
Saknong
▪ tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
▪ 2 na taludtod – couplet
▪ 3 na taludtod – tercet
▪ 4 na taludtod – quatrain
▪ 5 na taludtod – quintet
▪ 6 na taludtod – sestet
▪ 7 na taludtod – septet
▪ 8 na taludtod – octave
GAWAIN 1
• Sumulat ka ng isang maikling tulang may sukat at tugma tungkol sa anumang bagay na
maaaring maiugnay sa kultura o tradisyon ng inyong lugar. Ito ay kailangang orihininal
na liriko o awitin. Tiyakin na ito ay nauunawaan ng mga kabataan o gamitin ang diyalekto
ng inyong bayan. Gamitin ang kumbensyonal na paraan ng na may sukat, tugma, at
talinghaga.
GAWAIN 2
• Pagkatapos mong mabuo ay lapatan mo ito ng angkop na himig upang maging isang
awiting– bayan. Iparinig ito sa iyong guro kung may pagkakataon o irekord ito upang
mapuri, masuri, mapuna at makapagbigay ng mungkahi sa lalo pang ikakaunlad ng kabuuang
awitin.
GAWAIN 3
• Itala ang mga kulturang nakapaloob sa binuo mong awiting – bayan upang matiyak na
ito nga ay sumasalamin sa kultura ng inyong bayan. Gayundin ang pagtatala ng mga
talinghagang nagamit sa pagbubuo nito.
GAWAIN 4
Mga Pamatayan 5 4 3 2 1
1. Nakasusulat nang maayos at orihinal na liriko ng
awiting-bayan gamit ang sariling wika o wikang
naiintindihan ng mga kabataan sa inyong lugar.
2. Ginamit ang kumbensyonal na paraan ng pagsulat ng tula o
awiting-bayan na may sukat, tugma at talinghaga tulad ng mga
tayutay.
3. Nakapagtala ng mga kulturang nabanggit sa orihinal na liriko ng
awiting-bayan.
4. Naitanghal nang maayos at malikhain ang awitin sa pamamagitan
ng pagsuot ng angkop na kasuotan at paglapat ng angkop na kumpas
at galaw.
5 - napakahusay 2- di – mahusay
4 - mahusay 1 - maraming kakulangan
3 - katamtaman
REPLEKSIYON
SANGGUNIAN
Mula sa Aklat:
Dayag, Alma M. et. al. (2015) Pinagyamang Pluma7. Quezon City.Phoenix Publishing
House.Inc.
Visitacion L. Villaroza
May-akda