Filipino Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.

” Ano ang
kahulugan nito? *

1/1

a. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi

b. Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.

c. Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi

d. Ang Pilipino ay madaling maipagbili

2. Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa? *

0/1

a. Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.

b. Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.

c. Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.

d. Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.

Correct answer

c. Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.

3. Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring *

1/1

a. Sanaysay

b. Nobela

c. Panulaan

d. Maikling kwento

4. Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos? *

1/1
a. Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles

b. Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan

c. Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles

d. Nalimbag sa Filipino ang diploma

5. Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay *

1/1

a. jeproks

b. nag-aartista

c. nakapagtatapos sa pag-aaral

d. hindi sumusunod sa magulang

6. Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang
masinsinan sa paksang puhunan laban sa paggawa at sa sosyalismo ang _____. *

1/1

a. Luha ng Buwaya

b. Banaag at Sikat

c. Ibong Mandaragit

d. Pangginggera

7. Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!” *

0/1

a. Pananakot

b. Pagtukoy

c. Babala

d. Paalala
Correct answer

c. Babala

8. Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng salitang may
malaking titik ay: *

1/1

a. Kuripot

b. Traydor

c. Duwag

d. Mahiyain

9. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap? *

1/1

a. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.

b. Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan

c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.

d. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.

10. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan. *

1/1

a. Pangarap

b. Pagkontrol ng kilos

c. Pagkuha ng impormasyon

d. Pagbabahagi ng damdamin
11. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay *

1/1

a. Nanatiling masigla ang diwang Pilipino

b. Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino

c. Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino

d. Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino

12. Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak. *

0/1

a. Sumasagi

b. Gumugulo

c. Bumubuhay

d. Sumasapi

Correct answer

b. Gumugulo

13. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa.
Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa? *

1/1

a. Bilangin ang mga nasugatan at nasawi

b. Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.

c. Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.

d. Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa

14. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”? *

1/1
a. Pokus sa direksyon

b. Pokus sa kagamitan

c. Pokus sa sanhi

d. Pokus sa actor

15. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang
nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay *

1/1

a. Kuripot

b. Matipid

c. Maramot

d. Praktikal

16. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang
koponan ng aming pamantasan. *

1/1

a. Sanhi

b. Tagaganap

c. Kagamitan

d. Ganapan

17. Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng
pinggan?Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan. *

0/1

a. Rose

b. Hindi

c. Nakabasag
d. Pinggan

Correct answer

b. Hindi

18. Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag. Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel *

0/1

a. Pagtutulad

b. Pagbibigay katauhan

c. Pagmamalabis

d. Pagwawangis

Correct answer

d. Pagwawangis

19. Sino ang pinagkalooban ng karangalan bilang “Unang Tunay na Makata” noong 1708? *

1/1

a. Jose dela Cruz

b. Felipe de Jesus

c. Francisco Balagtas

d. Jose Corazon de Jesus

20. "Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral." Anong uri ng
pangungusap ito? *

1/1

a. Payak

b. Tambalan

c. Hugnayan
d. Langkapan

21. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya. *

1/1

a. ng – ng

b. nang – nang

c. ng – nang

d. nang – kapag

22. Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa
katotohanan ng ______. *

1/1

a. Pagnanakaw

b. Pagtatanan

c. Pagpapakasal

d. Pakikipagkaibigan

23. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”? *

1/1

a. Malumi

b. Mabilis

c. Maragsa

d. Malumay

24. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay? *


0/1

a. Palabuuan

b. Pangkayarian

c. Pangnilalaman

d. Palaugnayan

Correct answer

b. Pangkayarian

25. Ang panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap arukin. *

1/1

a. Abutin

b. Unawain

c. Sukatin

d. Tanggalin

26. Ang wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng wikang Filipino? *

1/1

a. Bahasa

c. Nihonggo

d. Mandarin

d. Malayo-Polinesyo

27. Ano ang katumbas ng “Dekalogo” ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa Filipino? *

1/1

a. Mosaic Law
d. Code of Ethics ni Kalantiaw

c. New Society ni Pres. Marcos

d. Code of Citizenship ni Pres. Quezon

28. Siya ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom? *

1/1

a. Ang bilang ng tao sa bahay

b. Ang kayamanan ng may-bahay

c. Ang datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay

d. Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay

29. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may salungguhit?
*

1/1

a. Pagtukoy

b. Pagpuri

c. Panghalip

d. Pagmamalaki

30. Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na: *

0/1

a. May paksa

b. Walang pandiwa

c. May panaguri

d. Walang paksa

Correct answer
a. May paksa

31. Ano ang pangungusap na dapat mauna? I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa
pagkakagalit. II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao. III. Sa mga
mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon. IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan
na ang hindi pagkakasundo. V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan
sa paniniwala ng iba. *

0/1

a. I.

b. II

c. III

d. IV

Correct answer

b. II

32. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin
nito? *

0/1

a. Walang pasensya

b. Walang pagtitimpi

Walang galang

Walang lakas ng loob

Correct answer

a. Walang pasensya

33. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon. *

1/1

a. Court of Appeals-manglilitis
b. Sandigan Bayan-naglilitis

c. Korte Suprema-maglilitis

d. Ombudsman-tagapaglitis

34.Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang


nasa malalaking letra ay: *

1/1

a. Ika-50 taon

b. Panghabang panahon

c. Ikasandaang taon

d. Ika- 25 taon

35. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw. *

1/1

a. kung saan

b. noong

c. ng

nang

36. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang
bisyo. *

1/1

a. nababalisa

b. nalalayo

c. nabubuyo
d. nababalot

37. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan.
Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel
at notebook na may sulat pero pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin
namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola,
aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang
pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba sa lupa. Tunay na may
pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay
maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa? *

1/1

Ia. nformativ

b. Argumentativ

c. Prosijural

d. Narativ

38. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan. *

1/1

Usap-usapan

Usapin

Ipakiusap

Pakiusap

39. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon. *

0/1

a. Pakiusapan

b. Pakikipag-usap

c. Ipakiusap
d. Pakiusap

Correct answer

d. Pakiusap

40. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig
sabihin nito ay? *

1/1

a. Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila

b. Kailangan magkaisa tayong lahat

c. Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.

d. Nagkakaisa ang mga tao

You might also like