Professional Documents
Culture Documents
Filipino 1
Filipino 1
71
Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas Halimbawa: Kahulugan Hadji
(lalaking Muslim na nakarating sa Mecca) Vakul (panakip sa ulo bilang
pananggalang sa ulan at init ng araw na yari sa isang uri ng palmera o dahon ng
saging) Ifun (pinakamaliit na banak)
Panumbas sa mga Hiram na Salita- Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang
leksikal na elaborasyon ng Filipino, Nililimitahan nito ang panghihiram ng mga salita
dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra(C,F,J,N,Q,V,X,Z) doon
lamang sa mga sumusunod ;
Pantanging ngalan-Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas. Salitang hindi
konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa pagbigkas na kapag binaybay ang
orihinal na ispeling nito. Salitang pang-agham at teknikal. Simbolong pang-agham
Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrebisa sa mga tuntunin sa ispeling.
May mahalagang kraytirya para matamo ang episyenteng sistema ng ispeling:
Kasimplehan at ekonomiya na kaugnay ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra, at
Fleksibilidad ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa:
Paghanap ng panumbas sa mga salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin
ang mga sumusunod na paraan: a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na
salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang Filipino. Halimbawa:
Hiram na salita Filipino: rule tuntunin Ability: kakayahan East silangan
b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika
ng bansa. Hiram na salita Filipino Imagery: haraya (tagalog) Husband: bana
(hiligaynon)
c.Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba
pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino. Kastila Filipino Cheque-tseke
Litro-litro, Liquid-likido
Ingles Filipino Centripetal-sentripetal, Commercial-komersyal, Advertising,
advertayzing Iba pang wika Filipino Coup d’etat (French), Glasnost (Russian)
glasnost Blitzkrieg (German) blitzkrieg
d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi
nauunawaan ng nakakarami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at
binabaybay ito ayon sa sumusunod na paraan:
72
Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
halimbawa: Salitang Banyaga Filipino Reporter-reporter, Soprano-soprano,
Memorandum-memorandum.
Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang
konsistent, ayon sa simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang
sulat ay siyang basa. Halimbawa: Salitang Hiram Filipino Control-kontrol. Meeting-
miting, Teacher-titser.
Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang
kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit. Halimbawa:
Kongregasyon-konggregasyon
May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-konsistent
ang ispeling o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:
Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling sapagkat
kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas ang orihinal na
ispeling nito. Halimbawa: Coach, rendezvous, Sandwich, sausage.
Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayunpaman, sa pagpili ng salitang
gagamitin isaalang-alang din ang sumusunod: 1. Kaangkupan ng salita, 2. Katiyakan
sa kahulugan ng salita, 3.Prestihiyo ng salita.
FILIPINO Bilang WIKANG PAMBANSA
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 19737, ipinahayag ng Pangulong Manuel L.
Quezon ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pilipinas batay sa Tagalog. 1940
-sinimulang ituro ang wikang pambansa sa paaralang publiko at pribado.
1959-ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay sa Tagalog. Konstitusyon
ng 1986- ang Wikang Pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino gaya ng
nasasaad:
Artikulo XIV, Sek. 6 . “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Bilang pag-
alinsunod sa nasabing batas, Filipino ang ngalan ng wikang pambansa sa
kasalukuyan. Ito ay batay sa Pilipino, na siyang umiiral na wika.
Deskripsyon ng Filipino ayon sa KWF: Ang Filipino ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
73
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-
katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang
saligang sosyal at Bokabularyo mula sa mga wika ng ating bansa jihad (muslim)
Buang (bisayas) Gurang (bisaya) Manong/manang (Ilocano) Pinakbet (Ilocano)
75
Letrang V Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Verbatim, Varayti, Video, Vertebrate
Letrang X 1. Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Axiom, Xylem, Exodus
Letrang X 2. Palitan ang letrang X ng letrang KS kung ang tunog ay /ks/ kapag
binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X. Halimbawa: Experimental
= eksperimental, Taxonomy = taksonomi, Exam = eksam
Letrang Z Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Zebra, Zinc, Zoo, Bazaar, Magazine
Pantig at Palapantigan
1.Pantig Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa
pagbigkas ng salita. Halimbawa: A-ko, sam-bot, i-i-wan, mang-ya-ya-ri, It-log, ma-a-
a-ri
2.Kayarian ng Pantig- Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa
pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Halimbawa: Kayarian Halimbawa Pu-pa KP, ma-li, PK is-da
Kayarian Halimbawa KPK han-da, KKP pri-to, PKK eks-per-to, KKPK plan-tsa, KPKK
trans-por-ta-syon, KKPKK shorts
3. Paraan ng Pagpapantig. Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita
sa mga pantig.
a.Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal,
midyal at final na salita, ito ay hiwalay na mga patinig. Halimbawa: Aalis a-a-lis,
Maaga ma-a-ga, Totoo to-to-o
b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita,
maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang
pangalawa ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Buksan buk-san, Pinto pin-to,
Sobre sob-re, Kopya kop-ya
c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng
isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa
76
patinig na kasunod. Halimbawa: Eksperimento eks-pe-ri-men- to, Transkripsyon
tans-krip-syon
d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na
dalawa ay alinman sa bl,br,pl,tr ang unang katinig (m o n) sa sinusundang patinig
ay kasama at ang huling dalawa ay susunod sa patinig. Halimbawa: Asembleya a-
sem-ble-ya Alambre a-lam-bre Balandra ba-lan-dra
e. Kapag may apat na magkakasunud- sunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa
ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Esktradisyon esk-tra-dis-yon Eksklusibo eks-
klu-si-bo
Pag-uulit ng Pantig a.Kapag ang unang tunog ng salitang ugat o batayang salita ay
patinig, ang patinig lamang ang inuulit. Halimbawa: A-lis a-a-lis, Am-bon a-am-bon
Tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita. Halimbawa: Mag-a-lis
mag-a-a-lis, Umam-bon uma-am-bon, Umeks-tra u-me-eks-tra
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (Katinig- Patinig) , ang
katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit. Halimbawa: Ba-sa-ba-ba-sa
mag-ba-ba- sa, La-kad- la-la-kad, ni-la-la-kad, Tak-bo-ta-tak-bo, nag-ta-tak-bo, Nars
mag-na-nars
Kung ang unang pantig ng salitang- ugat ay may KK (klaster ng katinig) na kayarian,
dalawang paraan ang maaaring gamitin. 1.Inuulit lamang ang unang katinig at
patinig. Halimbawa: piso- pi-pi-so
Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig . Halimbawa: Plan-tsa pla-plan-
tsa-hin, Pri-to, pri-pri-tu-hin, Kwen-to, kwe-kwen-tu-han
77