Professional Documents
Culture Documents
Week7 8
Week7 8
Week7 8
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Quezon
Macalelon District
Macalelon
MABINI IBABA ELEMENTARY SCHOOL
1
ARALING PANLIPUNAN
Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran ng Bansa
I. Panimula
Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran ng Bansa
Ang kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo nito o naninirahan
dito. Itinuturing na maunlad ang isang bansa kung pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at
maayos ang pagpapatakbo ng lipunan. Kung pantay ang turing sa lahat, walang aabuso sa karapatan at
kapangyarihan. Wala ring mapag-iiwanan ng mga yaman at benepisyo na kadalasang sanhi ng krimen na
malaking hadlang sa pagbabago at pag-unlad. Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay sa
kakanyahan nitong guminhawa ang pamumuhay mula sa kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa. Isa
pang katangian ng maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng angkop at sapat na serbisyong panlipunan.
Liban sa edukasyon, pabahay, kalusugan, segurIdad, komunikasyon, at transportasyon, mahusay na rin na
makapagtalaga ang pamahalaan ng mga ahensiyang tutugon sa pangmabilisan at natatanging
pangangailangan ng mga mamamayan sa isang takdang panahon. Maunlad ang bansa kung ang mga
serbisyong ito ay naipatutupad at naipaaabot sa nakararaming bilang ng mamamayan.
Itinataguyod ng mga mamamayan ang maunlad na lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain gaya
ng:
Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan
Binubuo ang lipunan ng mga indibidwal. Makabubuting linangin ng bawat isa ang sariling kakayahan at
talent hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa bayan.
Pagiging produktibo
Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba.
Hindi kailangang umamot palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa iba upang makamit ang kasaganahan.
Kung ang bawat isa ay marunong humanap ng sariling pagkakakitaan, magiging madali ang pag-unlad ng
bayan. Ang mga mamamayan na nakatutulong o kapaki-pakinabang sa kaniyang tahanan, pamayanan, at
sa bansa ay tinatawag na produktibong mamamayan. Ang mga sumusunod ay katangian ng produktibong
mamamayan:
May tamang saloobin sa paggawa
Ang wastong saloobin sa paggawa ay dapat itanim sa isipan habang bata pa. Naipamamalas ito sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan, pagkamalikhain, kaayusan, katapatan,
pagpasok sa tamang oras, at pakikiisa at pakikipagkapuwa-tao.
May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa
Upang ang isang tao ay makagawa nang mahusay, napakahalaga na siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng
ibayong pagsasanay at mga pagsubok sa kaniyang napiling gawain.
Pagiging malusog
Upang maging kapaki-pakinabang, mahalagang magkaroon ng magandang pananaw sa buhay at malusog
na pangangatawan. Bunga nito, madali kang makapag-iisip ng mga ideya at makagagawa nang maayos at
may kagalingan.
Matalinong mamimili
Ang matalinong mamimili ay nagpaplano ng mga bibilhin nang sa gayon ay makatipid sa oras. Uunahin
niya yaong mga mahahalagang kailangan bago ang luho. Siya rin ay mapanuri sa kalidad at kondisyon ng
produktong kanyang bibilhin. Isinasagawa niya ang pagiging matipid. Inaalam niya kung kailan ang
panahong mababa ang presyo ng bilihin at pumipilli ng mura at may kalidad na produkto.
Tinatangkilik ang sariling produkto
Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay malaking tulong upang umangat ang ating kapuwa Pilipino at
buong bansa.
Ginagamit nang wasto ang mga kalakal at paglilingkod
Dapat ingatan at gamitin ng mga mamamayan sa wastong paraan ang lahat ng mga produkto at
serbisyong kanilang tinatamasa upang ito ay tumagal at mapakinabangan nang maayos.
2
Nagtitipid sa enerhiya
Tiyakin na laging nakapatay ang mga ilaw at de-kuryenteng kagamitan kung hindi ginagamit. At
gumamit ng energy saving na mga ilaw gaya ng compact fluorescent lamps (CFL) o light emitting diodes
(LED).
Muling ginagamit ang mga patapong bagay
Ang pagre-recyle ay isang paraan upang magamit na muli ang mga bagay na patapon ngunit maaari pang
mapakinabangan.
Pagmamahal sa bansa at sa kapwa Pilipino
Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran, kung ang bawat Plipino ay magtutulungan at hindi
maglalamangan, magiging masagana ang ating bayan.
Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain ng pamahalaan
Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang sa pamahalaan ang kabang bayan, polisiya, at iba
pang mga benepisyo para sa bayan. Marapat lang na tiyaking tapat at mahusay ang ating mga pinuno
nang sa gayon ay maging maayos ang takbo ng ating lipunan.
Pagsunod sa mga batas
Binuo ang mga batas upang pangalagaan ang ating kapakanan, buhay at ari-arian. Marapat na sundin ito
sa ikatatahimik, sagana, at maayos na paninirahan sa ating bayan.
Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi
Marapat na pangalagaan ang kapaligiran dahil inihahandog nito ang lahat ng batayang pangangailangan
upang mabuhay ang tao. Ang ating pamanang lahi ay ating pagkakakilanlan at tayo ay tagataguyod ng
pambansang dangal at kasaysayan.
Pag-iingat sa pampublikong gamit at lugar
Pangalagaan ang mga gusali at imprastruktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan, at ospital na
galling sa pagsisikap sa trabaho at pagpupunyagi sa kabuhayan ng mga Pilipino. Bilang mga paraan sa
pag-unlad ng ekonomiya at kabuhayan, pag-ingatan ang mga ito at iwasan ang maling paggamit at
kapabayaan.
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 1: Suriin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung nagsasaad
ng pagiging maunlad ng isang bansa at ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____________1. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.
_____________2. Masaya ang nakararaming mamamayan sa nanunungkulan sa pamahalaan.
_____________3. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.
_____________4. Naabuso ang mga likas na yaman.
_____________5. Laganap ang rebelyon at krimen sa lalawigan.
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 2: Suriin ang mga pahayag sa Hanay A at hanapin sa Hanay B kung
anong katangian ng produktibong mamamayan ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
3
ENGLISH
MELC: Writing a News Report Using the Given Facts.
Writing an Editorial
E. Engagement
Learning Task 1: Write a news report using the given facts below to complete the organizer.
➢ Evacuation is advised to those in the danger zones because of possible floods and landslides due
to the amount of water Typhoon Pablo is set to release.
➢ A powerful typhoon will enter the Philippine Area of Responsibility on Monday, June 15.
➢ Classes from preschool to secondary levels will be suspended in all affected areas. Alert is up for
all those living near rivers and coastal areas.
➢ Tuesday evening. According to PAGASA, Typhoon Pablo is a Signal no. 2 typhoon.
4
An editorial is an article that presents the newspaper's opinion on an issue. It reflects the
majority vote of the editorial board, the governing body of the newspaper made up of editors and
business managers. It is usually unsigned. Much in the same manner of a lawyer, editorial writers
build on an argument and try to persuade readers to think the same way they do. Editorials are meant
to influence public opinion, promote critical thinking, and sometimes cause people to take action on
an issue. In essence, an editorial is an opinionated news story.
5
2. Criticize: These editorials constructively criticize actions, decisions or situations while providing
solutions to the problem identified. Immediate purpose is to get readers to see the problem, not the
solution.
3. Persuade: Editorials of persuasion aim to immediately see the solution, not the problem. From the
first paragraph, readers will be encouraged to take a specific, positive action. Political endorsements
are good examples of editorials of persuasion.
4. Praise: These editorials commend people and organizations for something done well. They are not
as common as the other three.
Tips on Writing an Editorial:
1. Pick a significant topic that has a current news angle and would interest readers.
2. Collect information and facts; include objective reporting; do research
3. State your opinion briefly in the fashion of a thesis statement
4. Explain the issue objectively as a reporter would and tell why this situation is important
5. Give opposing viewpoint first with its quotations and facts
6. Refute the other side and develop your case using pack details figures and quotation. Apart the
other sides logic’s.
7. Concede a point of the opposition–they must have some good points you can acknowledge that
would make you look rational.
8. Repeat key phrases to reinforce an idea into the reader's minds.
9. Give a realistic solution(s) to the problem that goes beyond common knowledge. Encourage
critical thinking and pro-active reaction.
10. Wrap it up in a concluding punch that restates your opening remark (thesis statement).
Learning Task 2: Read the following statements carefully. Identify which type of editorial is being
described in each number. Choose your answers from the box below and write it on the blank.
6
________________1. From the first paragraph, readers will be encouraged to take a specific, positive action.
________________2. Immediate purpose is to get readers to see the problem, not the solution.
________________3. This type of editorial is not commonly used by writers.
________________4. This editorial gives readers knowledge and ideas about a particular topic or issue.
________________5. The main purpose is to commend people or organization for a good action done.
3. NIYOG-Ito ay tinatawag ding “Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay
may sadyang gamit. Mula sa mga ugat hanggang sa mga dahon ay
napapakinabangan. Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari ring
gawing pangkulay. Ang mga hibla ng bunot ay ginagawang lubid, bag, at pahiran
ng paa. Karaniwan ding ginagawa at ginagamit ang katawan ng puno ng niyog na
haligi at sahig ng mga bahay at iba pang mga kagamitang pambahay.
7
4. PANDAN-Ito ay karaniwang tumutubo sa gilid ng pampang kung saan ay
mabuhangin o sa mga gilid ng bundok o malapit sa lawa o latian. Malalapad at
mahahaba ang mga dahon nito na nahahawig sa dahon ng pinya. Mainam itong
gamitin sa paggawa ng banig, sapin sa plato, sombrero, bag, tsinelas, tampipi, at
iba pa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Itambal ang mga pahayag na nasa hanay A sa HAnay B. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
A B
______1. Uri ng halaman na nahahawig sa puno a. buri
ng saging na ginagamit sa paggawa
ng basket, tsinelas, at iba pa.
______2. Ang magugulang na dahoon ay ginaga- b. rattan
mit na pang-atip ng bahay
______3. Kilala sa tawag na yantok at ginagamit c. vetiver
sa paggawa ng mga muwebles
______4. Isa sa pinakamalaking palmera sa tumu- d. niyog
tubo sa bansang Pilipinas
______5. Kilala sa tawag na “Puno ng Buhya’ dahil e.. nipa
mahalaga at nagagamit ang bawat bahgi Nito. f .abaka
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP)
MELC: KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs)
Pangangalaga sa Lahat ng mga Likha ng Diyos tulad ng Materyal na Bagay na Gawa ng Tao
I. Panimula
Halos lahat ng kagamitan sa bahay, paaralan, o maging sa pamayanan man ay nagmula sa kalikasan. Ang mga
kagamitang ito ay ginawa ng tao. Kaya’t bilang mga batang Pilipino, nararapat lang na pangalagaan ito at gamitin nang
may wastong pag-iingat. Lubos na pangangalaga at wastong pag-iingat ang ating maiaambag upang ang lahat ng ito ay
maging kapaki-pakinabang sa loob ng maraming taon.
Gamitin nang wasto ang ating mga gamit o kagamitan sa bahay, paaralan, at pamayanan. Sa pamamagitan nito,
tayo ay makatutulong sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin suriin at unawain ang mga inihandang mga gawain na lilinang sa iyong
kaalamang pagkatuto upang malaman ang mga paraan ng pangangalaga sa mga materyal na bagay na gawa ng tao.
Bilang tagapangalaga ng mga gamit o kagamitan mula sa kalikasan, ano ang iyong gagawin sa sumusunod na
sitwasyon? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang araw sa pagdating mo ng inyong bahay galing paaralan ay napansin mong ang inyong kahoy na upuan sa terrace
na pamana pa ng lolo at lola na nauulanan. Ano ang gagawin mo?
a. Isisilong ko ito at ilalagay sa lugar na hindi nauulanan.
b. Hayaan ko na lang na maulanan dahil luma naman na.
c. Hayaan na lang na masira. Bibili na lang ng bagong upuan.
d. Itatapon na lang dahil basa na at hindi na maaaring gamitin.
2. Tuwing tanghali, pagkatapos kumain ng iyong mga kapatid ay iniwan na lang nila ang kanilang pinagkainan at hindi
hinuhugasan. Ano ang gagawin mo?
a. Pagagalitan ko sila dahil hindi sila naghugas muna ng pinagkainan.
b. Hayaan ko na lang sila tutal mga bata pa sila.
c. Kakausapin ko sila na hindi tama ang kanilang ginawa at ipaliwanag na dapat palaging huhugasan ang mga
9
kagamitang pinagkainan dahil masisira ito at babaho, maaari pa itong pamahayan ng ipis na maaaring maging
sanhi ng paghina ng ating immune system.
d. Hahayaan ko na lang sila at mamaya na lang maghuhugas.
3. Nakita mong ang upuan ng iyong kaklase sa silid-aralan ay natanggal na ang isang piraso ng kahoy sa bahaging
sandalan nito. Alin dito ang gagawin mo?
a. Wala akong pakialam dahil hindi ko naman upuan iyon.
b. Kukuha ng bato at pukpukin ito.
c. Sasabihin sa kaklase na natatanggal na ang isang piraso ng kahoy sa sandalan ng upuan nito para sabihin sa
guro ng maipaayos ito.
d. Itatapon na lang ang upuan at luma na ito.
4. Madalas mong mapansin ang mga kaklase mong kapag nagkakamali sa pagsusulat sa papel o kuwaderno ay agad
pinupunit ang pahina at sabay tapon sa basurahan. Ano ang gagawin mo?
a. Pagsasabihan ang kaklase na huwag itatapon na lang basta-basta ang papel dahil maaari pang gamitin ang
likod nito na pagsulatan.
b. Wala akong pakialam kahit maubos ang papel nila.
c. Hahayaan ko lang sila dahil marami naman silang pambili.
d. Panonoorin ko lang sila na punitin ang papel nila.
5. Namasyal kayo ng inyong pamilya sa isang museo at napansin mong ang isang magandang display cabinet na
maraming laman ay malapit nang matumba. Alin sa mga ito ang gagawin mo?
a. Hindi ko alam ang gagawin ko.
b. Tatakbo ako palayo dahil baka madaganan ako kapag natumba ito.
c. Hindi ko na lang papansinin.
d. Sasabihin ko sa namamahala sa museo na bawasan ang laman ng display cabinet na maraming laman dahil
baka makadisgrasya pa ito ng tao.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng hugis puso( )ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng pangangalaga
sa mga gamit o kagamitan at ikahon ( ) naman ang hindi nagpapakita nito.
______1. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.
______2. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit.
______3. Gumagamit ako ng baso kung ako ay nagsisipilyo upang hindi masayang ang tubig.
______4. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginamit ko sa pagkain.
______5. Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na gamiting muli ang likod ng mga papel at kuwaderno na wala
pang sulat.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang loob ng inyong bahay, paaralan, o pamayanan. Alin sa mga kagamitan ninyo
ang nalikha mula sa likas na yaman na gawa ng tao? Paano mo ito pinahahalagahan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gamit ang graphic organizer, magbigay ng halimbawa ng mga kagamitang likas na
gawa ng tao na makikita sa loob ng inyong bahay, paaralan o sa pamayanan.
10
FILIPINO
Paggamit ng mga uri ng pangungusap sa pagsasagawa ng radio broadcast, pagsasabi ng pananaw at
pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.
Pagbibigay ng buod o lagom ng tekstong iskript ng teleradyo.
Pagbabahagi ng obserbasyon sa mga taong kabahagi ng debate.
I. Panimula
Sa araling ito ay madaragdagan ang iyong kaalaman at magkakaroon ka ng malawak na
kaisipan tungkol sa paggamit ng uri ng pangungusap sa pagsasagawa ng radio broadcast, pagsasabi
ng pananaw at pakikipagdebate tungkol sa isang isyu. Matututunan mo rin ang pagbibigay ng buod o
lagom ng tekstong iskript ng teleradyo at ang pagbabahagi ng obserbasyon sa mga taong kabahagi ng
debate.
Inyong napag-aralan sa mga nakaraang aralin ang mga uri ng pangungusap tulad ng mga sumusunod:
1. Paturol/Pasalaysay – ito ay mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan. Ito ay maaaring
nagbibigay ng impormasyon o nagkukwento ng isang pangyayari. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa: Lahat tayo ay biktima ng pandemyang Covid 19.
2. Pautos – ito ay tumutukoy sa pangungusap na nagbibigay ng utos o direksyon sa isang bagay na
dapat gawin. Tinatawag din itong pakiusap kung nakikiusap. Gumagamit ng paki o maaari. Ito ay
nagtatapos sa tuldok (.) o tandang pananong (?) .
Halimbawa: Anak, magsuot ka ng face mask kapag lalabas ka ng bahay.
11
Maaari bang pakikuha mo ang faceshield na ipinatong ko sa mesa?
3. Patanong – ito ay pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot. Nagtatapos ito sa tandang
pananong (?).
Halimbawa: Sumusunod ka ba sa mga “safety protocols?”
4. Padamdam – ito ay tumutukoy sa pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng
pagkagulat, labis na tuwa, galit at iba pa. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!)
Halimbawa: Bilisan mo! Umuulan na.
Sa pagbibigay ng buod o lagom ng tekstong iskript ng teleradyo dapat mong tandaan ang
mga sumusunod:
Una, kailangan mong basahin ang buong teksto. Habang nagbabasa, tandaan ang mga “ key
words” o mahahalagang salita/detalye at ilista mo ang mga ito. Ang mga “key words “ o
mahahalagang salita/detalye ang magiging batayan mo sa paggawa ng buod. Bukod rito, kailangan
mong tandaan ang pagkakasunodsunod ng mga eksena sa kuwento. Pagkatapos, isipin mo kung ano
ang magiging sanhi at bunga ng mga eksenang ito. Ilagay lamang sa buod ang mga importanteng
nangyari sa mga karakter at eksena na may malaking bahagi sa kabuuan ng kwento o teksto. Isang
bagay na maari mong gawin ay tanungin kung “Ano, Sino, Kailan, Saan, Bakit at Paano, ang isang
kwento at sagutin ito sa buod.
12
1. Ano ang paksang pinagtatalunan sa debate?
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________
SCIENCE
LIGHT AND SHADOW
13
I. Introduction
What is Light?
• Light is a form of energy and travels as a particle and a wave.
• Humans see light in seven different colors: Red, Orange, Yellow, Green, Blue, Indigo, and Violet
(ROY G BIV).
• All objects reflect or absorb the seven different colors of light.
Objects appear to be different colors based on what colors they reflect.
Sources of Light Luminous
➢ a body that emits light ➢ a body that reflects light
➢ has luminous flax Ex: light bulb, sun ➢ no luminous flax
Illuminated ➢ does not emit light of its own Ex: moon
What is a Shadow?
• A shadow is a dark area formed when straight light rays are blocked by opaque objects.
• When light strikes on opaque objects, they don’t allow light to pass through and form shadows.
• The object can block all or part of the light.
• Shadows change size based on how close they are to the light source.
• Shadows need a light source and an object
Simply speaking, a shadow is an absence of light. If light cannot get through an object, the
surface on the other side of that object (for example, the ground or a wall) will have less light
reaching it.
A shadow is not a reflection, even though it is often the same shape as the object.
Objects and Shadows
The shape of the object determines the shape of the
shadow. By looking carefully at the shadow, we can observe
that the person on the right is dressed in shorts and is
standing on one foot.
The Science of Light and Objects
• An opaque material does not allow light to pass through.
Light is either reflected or absorbed by an opaque material.
• A transparent material allows all light to pass through it.
Objects can be seen clearly when viewed through transparent
materials.
• A translucent material allows some light to pass through it. Objects either scatter or absorb light
that strikes it.
In a day, the position of the sun in relation to the
earth changes (this is because the earth is rotating on its
axis).Therefore, the direction of the rays of the sun also
changes hence, shadows “move” or change in position.
In the morning, as the sun rises or sets in the
afternoon, it is low on the horizon, its light rays are
slanted as they hit the ground, and so longer shadows are
formed.
When the sun is high or nearly above the horizon,
the sunlight strikes the ground at nearly a right angle so shorter shadows are formed.
When the sun is directly above the horizon, the light rays of the sun strike directly above the
objects so no visible shadow is seen on the ground since the shadow of the entire body would fit in
its footprints.
The changes in the position and length of shadows in the surroundings depend on the angle at
which the sunlight strikes the object to the ground.
Learning Task No 1: Write the letter of the correct answer on the line before each number.
14
_____1. Why do opaque objects form shadows?
a. because they absorb the c. because they bend the light that hit them
light that hit them d. because they cover the light that hits them
b. because they reflect the light
_____4. What material allows light to pass through allowing you to see “clearly to the other side?
a. shadow b. opaque c. translucent d. transparent
_____5. At which time of the day can you have the shortest shadow?
a. 9:00 a.m. b. 10:00 a.m. c. 12:00 noon d. 2:00 p.m.
LEARNING TASK 2: Complete the following word ladder/ crossword puzzle with the help of the
clues given below.
LEARNING TASK 2: Write the letter of the correct answer on the line before each number.
_____1. One Saturday, you went swimming with your friend in the nearby river. You noticed that your
skin was reddish. What was the harmful effect of the sun’s heat to your skin?
a. boil b. cancer c. sunburn
_____2. What would be the probable effect if your eyes are exposed to the glares of the sun?
a. Eyes would become cross-eyed b. Eyes would bulge.
c. Vision would be impaired.
_____3. When the intense heat is received on the earth’s surface and there is no rainfall at all, what
would be its effect on the environment?
a. Soil would harden, crack and plant would wither. b. There would be scarcity of water.
c. Both A and B
_____4. Norma placed her anthurium plant outside her house before she left for Manila for two weeks.
When she arrived she notice that her plant has withered and yet the soil was wet. What could have caused
the withering of her plant?
16
a. Animals stepped on it. b. Too much heat from the sun
c. A stray animal uprooted it.
_____5. Paul brought his carabao to the grassland to graze. He left his animal under the sun the whole
day. What would likely be the harmful effect of heat on his animal?
a. His carabao would become sturdy. b. His carabao would have sunburn.
c. His carabao would get sick.
LEARNING TASK 3: Read the statements carefully. Write Beneficial or Harmful on the line provided
before each number.
_______________1.Too much sunlight can make the soil very dry,hard and cracked .
_______________2.Too much exposure to sunlight can cause sunburn and skin cancer.
_______________3. Plants, animals and humans can survive because of the sun’s heat that warms the
earth.
_______________4. Both the farmers and fishermen use the sun’s heat in drying crops and fishes.
_______________5. Plants can make their own food through the presence of sunlight in the
photosynthetic process.
MATHEMATICS
SIMPLE PROBABILITY EXPERIMENT
17
Background Information for Learners
Simple Probability Experiment - In probability, an experiment is any procedure that can be infinitely repeated
and has a well-defined set of possible outcomes.
Example: Tossing a coin is a simple probability experiment because it can be repeated infinitely and it has well-
defined set of possible outcomes, head or tail.
Success – Success is the specific favorable outcome that you are looking for or shows up.
Example: In tossing a coin, you want the head to appear. If the head appear, that is a success.
Trial – The number of repetitions of the same experiment.
Example: You tossed the coin 15 times, therefore, the number of trials is 15.
Experimental Probability Formula
Probability = Number of success
Number of trials
Recording of outcomes in a simple experiment
Example: Xia wants to flip a 1–peso coin 15 times to see how many times “head” will appear. The result
is shown below. Complete the table below and express the probability using the formula.
MAPEH – Music
Ang Paglikha ng Harmonic Third Intervals
19
20
Panuto: Gawing harmonic intervals ang mga
sumusund na nota. Iguhit mo ito sa kabilang bars na
nasa kanan
Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na measure/sukat ng nota kung ito ba ay: (unison, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, o
octave). Isulat ang sagot sa linya.
21
MAPEH – PE
Pangunahing Kaalaman sa ayaw na Ba-Ingles
D. Pagpapaunlad
Gawain sa Pagkatuto: Ating alamin ang mga hakbang at galaw na ginagamit sa sayaw na
Ba-Ingles.
GAWAING SA PAGKATUTO BILANG 1: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng
tamang kasagutan.
_______1. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa
A. Cabugao Ilocos Sur. B. Ilocos Norte. C.Vigan Ilocos Sur.
_______2. Ang Ba-Ingles ay hinalaw sa salitang ___ at Ingles na ang ibig sabihin ay English Dance.
A. baila B. baile C. bailo
_______3. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga mangangalakal galing ng ___ maliban sa huling
bahagi na masasabing tunay na Ilokano.
A.Espanya B. Amerika C. Inglatera
22
MAPEH – Health
Paglalahad ng maaaring idulot na kapahamakan na bunga ng mapanganib na gawi at kilos, tulad ng paggamit ng
paputok, armas, at pag-inom ng alak.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa patlang ang SA kung sumasang – ayon o DSA kung di-
sumasang – ayon sa kaisipang ipinahahayag ng mga pangungusap.
_______________1. Iniwasan ni Mang Jose ang makipag – inuman sa kanyang kumpare dahil siya
ay magmamaneho ng sasakyan pauwi sa kanilang bahay.
_______________2. Gumamit ng mga torotot at iba pang pampaingay ang mag – anak ni Aling Cora
sa pagsalubong ng Bagong Taon.
_______________3. Nagpaputok ng mga malalakas na paputok si Arnold sa pagdiriwang ng Bagong
Taon.
_______________4. Nagkantahan at nagkainan ang mag – anak nila sa pagdiriwang ng Pasko.
_______________5. Nag – inuman ng marami at nag – ingay ang magkakaibigan para ipagdiwang
ang kaarawan ni Nelson.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (√) kung tama ang pagdiriwang o pagsasagawa ng
okasyon at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa notbuk.
23