Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Activity Sheet in Filipino 2

Kwarter 4 Week 4

Pangalan: __________________________________________________ Iskor: ______


Pagsasabi ng Paraan, Panahon at Lugar ng
Pagsasagawa ng Kilos o Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan

May mga salitang naglalarawan sa pandiwa o salitang kilos. Ito ay maaaring magsabi ng
paraan, panahon, lugar ng pagsasagawa ng kilos o Gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.

Paano – ay sumasagot sa paraan kung paano ginawa ang kilos.


Halimbawa:
Tumakbo ng mabilis si Dodo pauwi ng bahay.
Paano tumakbo si Dodo pauwi ng bahay? mabilis
Kailan – ay tumutukoy sa panahon kung kalian nangyari ang kilos.
Halimbawa:
Inihanda na ni Jade ang kanyang damit dahil bukas na ang kanyang
kaarawan.
Kailan ang kaarawan ni Jade? bukas
Saan – ay tumutukoy sa lugar kung saan ginawa ang kilos.
Halimbawa:
Ang mga bata ay naglalaro sa parke.
Saan naglalaro ang mga bata? parke
Gawain sa Pagkatuto
Piliin at isulat sa patlang ang mga salita sa pangungusap na nagsasabi ng paraan, panahon at
lugar ng pagsasagawa ng kilos.
1. Dahan-dahang inilagay ni Aliyah ang plorera sa mesa.
Paano ililagay ni Aliyah ang plorera sa mesa?__________________
2. Nagpunta si Vincent sa kanilang paaralan kanina.
Saan nagpunta si Vincent?__________________
3. Nagwalis ng bakuran kahapon ng umaga si Andrea.
Kailan nagwalis ng bakuran si Andrea?____________________
4. Maayos na itiniklop ni Alexa ang mga labahin.
Paano itiniklop ni Alexa ang mga labahin?____________________
5. Maraming pagpipiliang pagkain sa karinderya.
Saan ang maraming pagpipiliang pagkain?________________________

Prepared by: LESTER G. LOPEZ


Grade 2 Adviser

You might also like