Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa EPP

V- Quarter II
l. Mga Layunin:
Pagkatapos ng 60-minuto ang mga studyante ng Grade V-Gold ay inaasahang:
a. natutukoy ang wastong hakbang sa pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa
at pakpak (kalapati);
b. naipapakita ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak (kalapati);
at
c. naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng pangangalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak(kalapati).
ll. Paksang Aralin:
Paksa: “Pag-aalaga ng Hayop(kalapati)”
Sanggunian: Learning Materials: Pag-aalaga ng Hayop, Curriculum guide for EPP. Page
20.
Kagamitan: Kagamitang panturo (Artipisyal na Bahay ng Ibon), Laptop, Power Point
Presentation, at Projector.
Pagpapahalaga: Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng pangangalaga ng hayop.
lll. Proseso ng Pagtuturo:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
• Ang mga mag-aaral ay mananalangin.
b. Pagbati
• Ang mga mag-aaral ay babati at kabaliktaran.
c. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan
• Ang mga mag-aaral ay magsasaayos ng lugar o silid aralan
d. Pagtsek ng atendans
• Ang guro ay mag tsetsek ng atendans ng mag-aaral.
e. Pagbabalik-aral

Natatandaan mo pa ang iyong aralin tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga


ng hayop? Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwudernong sagutan.

1. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop?


2. Paano natutulong sa kabuuhayan ng mag-anak ang pag-aalaga ng
hayop? Ipaliwanag.
3. Ano-anong uri ng hayop ang maaring alagaan at pakinabangan?
4. Paano ang pag-aalagang ginawa?
5. Ano-ano ang mga mapapakinabangan sa ag-aalaga ng hayop.

B. Pagganyak
• Ang mga mag-aaral ay sasabay sa kantang “Ang mga ibon na
Lumilipad (Worship song)”

Ang guro ay magtatanong sa mag-aaral pagkatapos ng kanta.


• Ano sa tingin nyo ang paksang aralin natin ngayon aking mahaa na
studyante?

C. Paglalahad

Ang mga sumusunod na larawan at hakbang sa wastong pag-aalaga ng


kalapati ay ipapakita sa Power Point Presentation.

1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakangat sa


lupa upang hindi mapasukan ng daga. Ito ay
D. Pagtatalakay
dapatna maluwag mahangin, tuyo, at
E. Pormatib Tsek
nasisikatan ng araw. Kung maari, itayo ang
F. Paglalapat
bahay sa mga punong kahoy
G. Paglalahat

lV. Pagtataya:

2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin


sapagkat mabiis silang mangitlog. ang pugad ay
maaring yari sa dayami, tuyong dahom ng
kugon o pinagkataman. ang kahon ay dapat
magkaroon ng taas na 72 sentimetro at lapad
na 90 sentimetro.

3. Ang mga kalapati ay dapat pakainin ng palay,


mais, munggo, tinapay, at buto ng mirasol.
Kailangan din silang bigyan ng pinaghalo-halo
at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng
asin.
4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasabay ng
pagkain, pagpatpatuka sa lupa, pagpapatuka sa palad
o paglalagay ng patuka sa isang lalagyang malanday.

5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin.


Kailangang panatilihin ang kalinisan upang hindi
magkasakit at dapuan ng mga peste ang mga ibon.
Linisin ang kanilang bahay at pinagkainan araw-araw.

D. Paglalapat (Think-pair-share)
Panuto: Maghanap ng kapareha. Suriin ang isang sitwasyon sa ibaba at magbigay
ng kongkretong sagot sa tanong. isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
1.Bukod sa ibon (kalapati) ano-ano pa ang mga hayop na maaring alagaan sa bahay?
Bakit?
2. Ano ang makukuhang pakinabang ng mga mag-anak sa pag-aalaga ng ibon sa bahay?

Pagbahagi: Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang


sagot sa klase.

E. Paglalahat
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng isang pangungusap na
pagbubuod ng paksang tinalakay.
IV. Pagtataya (Pagtatapat-tapat/Matching Type)
Panuto: Tukuyin sa mga litrato ang mga saktong hakbang sa pag-aalga ng
kalapati(Set B) sa pagtapat-tapat ng saktong pagkasunod-sunod ng hakbang (Set A).
Ilagay ang sagot sa patlang bago ang numero sa Set A.

A B

__1. Una hakbang


__2. Pangalawa hakbang A.
__3. Pangatlo hakbang
__4. Pang-apat hakbang
__5. Panglima hakbang B.

C.

D.
E.

V. Takdang Aralin:
Magdala ng mga kagamitang ginagamit sa pag-aalga ng ibon o kahit anong hayop.

You might also like