Professional Documents
Culture Documents
Kabanata II
Kabanata II
Introduksiyon
Aralin 1 - KomunikasyoN
Nakikipagtalastasan tayo araw-araw. Isa ito sa ating Gawain upang patuloy
tayong mabuhay, matuto, at matamo ang ating mga pangangailangan. May mga taong
sadyang magaling makipag-usap subalit may iba namang hindi nakukuha ang tugon na
inaasahan sa kausap.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang katangian, elemento, uri at mga antas ng
komunikasyon upang mapabisa pa ang pakikipagtalastasan natin.
Pagtalakay sa Paksa
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Dalawang daan ang proseso
nito upang maipakita ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong
nakikipagtalastasan.
Ang komunikasyon ay binubuo ng mga elemento. Ang bawat elemento ng
komunikasyon ay may kani-kaniyang gampanin upang mapahusay ang daloy ng
pakikipagtalastasan. Makikita sa talahanayan ang mga ito. Tunghayan.
Mga Elemento Gampanin sa Komunikasyon
1. Tagahatid Tungkulin ng tagahatid na maging
tagapag-encode ng mensahe. Kung
kaya, responsibilidad niyang mag-isip ng
mensahe na angkop sa konteksto ng
pag-uusap, bakgrawnd ng tagatanggap,
maging ang angkop na daluyan ng
mensahe.
2. Tagatanggap Tungkulin ng tagatanggap na maging
tagapag-decode ng mensaheng
ipinadala ng tagatanggap. Gampanin
niyang unawain nang mabuti ang lahat
ng mensahe at magbigay ng angkop na
tugon.
3. Konteksto Dito nagaganap ang komunikasyon.
Kasangkot dito ang pisikal, sosyal at
kultural na konteksto.
4. Mensahe Ito ang ipinadadala ng tagapaghatid.
Maaaring berbal o di-beral o
pinagsamang berbal at di-berbal.
Kinangailangang napakalinaw ng
pagkakahatid upang makuha ang
wastong tugon.
5. Tsanel/Daluyan/Midyum Ito ang instrumento upang maipadala
nang maayos ang mensahe. Sensori at
institusyonal ang dalawang uri nito.
6. Tugon Pinag-iisipang mabuti ng tagatanggap
batay sa ipinadalang mensahe ng
tapaghatid. Tuwiran, di-tuwiran at
naantala ang tatlong uri ng tugon.
Tuwiran tugon kapag gumamit ng
berbal. Di-berbal naman ang di-tuwirang
tugon samantala, gumagamit naman ng
elektroniko ang naantalang tugon.
Pagtalakay
Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga katunayan upang
makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang isyu, penomenon o
panlipunang realidad (San Juan, D.M., et al., 2018). Nakatutulong ang batis ng
impormasyon upang maipakitang mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na
ideya pasalita man o pasulat.
Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng impormasyon.
Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang
paksa o penomenon ang primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman
sa primaryang batis ang sekundaryang batis.
Makikita sa talahayanan ang mga halimbawa ng dalawang uri ng batis na kinuha
mula kina San Juan, D.M., et al., (2018).
Primaryang Batis Sekundaryang Batis
Harapang ugnayan sa kapuwa-tao Teksbuk
*pagtatanong-tanong Encyclopedia
*pakikipagkuwentuhan Diksyonaryo
*panayam Manwal at gabay na aklat
*pormal o impormal na talakayan
*umpukan
*pagbabahay-bahay
Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa Komentaryo
papel na may kopyang elektroniko Sanaysay
*awtobiyograpiya Sipi mula sa orihinal na pahayag
*talaarawan Abstrak
*sulat sa koreo at email
*tesis at disertasyon
*sarbey
*artikulo sa journal
*balita sa radio, diyaryo at telebisyon
*mga record sa tanggapan ng pamahalaan
*orihinal na dokumento
*talumpati at pananalita
*larawan at iba pang biswal na grapika
Pagtalakay sa Paksa
Maraming disenyo ang pananaliksik. Kaakibat nito, nagkakaroon ng angkop na
pamamaraan upang maisagawa ito. Ang pamamaraan na pinili ang magiging landas ng
pananaliksik. Ito ang magbibigay ng ideya kung paano katatawanin ang pag-aaral sa
paksa, alin ang dapat tingnan at tanungin at paano dapat tumingin at magtanong
(Salazar, J. & Lim, M.B., 2017).
Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pangangalap ng datos upang
makakalap ng impormasyon.
1. Interbyu o Pakikipanayam. Paraan ng pangangalap ng datos na isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtatanong. Maaaring pormal ito o di-pormal. Binibigyan ng mga tala
ng tanong ang taong kapananayamin sa pormal na interbyu upang makapaghanda
nang lubusan ang kapananayamin. Samantala, ang tagapanayam lang ang may alam
sa mga itatanong sapagkat katulad lamang sa nagkukuwento o nagtatalakayan ang
daloy ng interbyu.
Makikita sa talahanayan ang mga nararapat gawin at isaalang-alang sa
pagsasagawa ng pakikipanayam.
Bago ang Pakikipanayam Habang Nakikipanayam Pagkatapos ng
Panayam
Pumili ng Dumating nang Kung naka-
kakapanayamin. maaga sa lugar na video o recorder
pagdarausan. ay itala ang mga
ideya ng napag-
usapan.
Makipagkasundo sa Maging magalang Ipaliwanag at
oras. at sensitibo sa suriin ang
kinakapanayam resulta.
Pagtalakay sa Paksa
Ang pagbubuod ng impormasyon ay paraan upang mapaikli ang teksto. Isinusulat
lamang ang pangunahing ideya at mga sekundaryang ideya na isinusulat gamit ang
sariling pananalita. Ang sukat nito ay 1/3 ng teksto sa orihinal na teksto.
Narito ang mga nararapat na tandaan sa pagbubuod:
1. Simulan sa pagsasaad ng uri ng teksto, pamagat, may-akda at pangunahing
ideya. Gumamit ng aspektong imperpektibo.
2. Naglalaman ng kabuuan.
3. Maikli lamang.
4. Sabihin sa sariling pananalita.
5. Bigyang-pansin ang pangunahin at sumusuportang ideya.
6. Iwasang lakipan ng opinyon, interpretasyon at panghuhula.
7. Paghambingin ang tekstong binuod at ang ginawang buod nito.
May mga hakbang sa pagbubuod at pag-uugnay ng mga impormasyon sa teksto
(www.scribd.com).
1. Basahin ang teksto na buBuodin at siguraduhing naunawaan ito.
2. Balangkasin ang teksto. Tukuyin ang mga mahahalagang datos.
3. Sumulat ng unang burador ng teksto nang hindi tinitingnan ang tekstong
binubuod.
4. Sikaping ang haba ng buod ay nasa ¼ lamang ng tekstong binubuod.
Mababasa sa ibaba ang orihinal na teksto at ang ginawang pagbubuod dito.
Orihinal na Teksto
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang
kasalanan kaya hindi kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man,
mayroon silang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam.
Pinaniniwalaang ito ay pagbibinyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon
silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napaloloob sa pagislam, na
ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita
ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y
ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan
ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegudad.
Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng
kanduli, isang salusalo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y
inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa
pamayanan. Karaniwang kumakatay ng hayop, kambing o baka. Ito’y tinatawag na
aqiqa, na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan
ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol.
Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang
Maguindanao, kapag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang
tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito ay lumubog, siya’y magdaranas ng
paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam
ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanaon.
Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama sa seremonya ay ang paghahanda ng
buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kakanin, dalawang nilagang itlog ang
pinakamata at pinakalaman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya
ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang
babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa
kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig.
Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay
nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa
seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at
sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang
pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang
babae na may kaalaman sa kaugalian ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa
araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.