Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

Pagtuturo ng Filipino sa Elemantarya-


Panitikan ng Pilipinas

MC-FIL 102ED
PRELIM MODULE

EMMANUEL L. MASAMOC

1|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

Katuringan at kahalagahn ng Panitikan


MODYUL 1

PAHAPYAW NA KAALAMAN

Katulad ng pag-ibig at kaligayahan, ang panitikan ay nagpapayamn ng kaisipan at


karanasan, nagpapalalim ng pag-kaunawa, lumilinang ng kamalayang sarili, panlipunan at
pambansa, at nagpapahalaga ng mga karanasang magiging timbulan sa oras ng
pangangailangan.

MGA LAYUNIN

 Naipapakita ang panitikan bilang salamin ng panahon;


 Natutukoy ang mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensiya sa buong
daigdig;
 Naipapaliwanag ang kaugnayan ng panitikan sa kasaysayan;
 NAilalahad ang kahalagahan ng ilang uri ng panitikan sa pananampalataya ng isang
tao.

ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA


PANSARILING PAGTATAYA

GAWAIN (ACTIVITY)

Panuto: Magtala ng limang sitwasyon na naglalarawan sa panitikan bilang salamin ng panahon.


1.
2.
3.
4.
5.

ABSTRAKSIYON (ABSTRACTION)

ANO ANG PANITIKAN?


Maraming pakahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan.
 May nagsasabing:
“ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin,
panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at
masining na pahayag.”
 Sa aklat nina Atienza, ramos, zalazar, at nazal na pinamagatang panitikang Pilipino

2|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
Ipinahahayag na:
“ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng
damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang araw-araw na
pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa
kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal.”
 Bro. azarias
Ang pagpapahayag daw ng isang damdamin ng nilikha ay maaaring sa pamamagitan
ng pag-ibig, kaligayahan, galit o poot, pagkahabag, pag-alipusta, paghihiganti, at iba
pa.
 Webster
Sa kanyang pinakabuod na pakahulugan:
“Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin
ng tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan.”
 Maria Ramos
“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan
nasasalamin mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng
mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalalinghaga, at masining na mga pahayag.”

 Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang


pagkamakabayan o nasyonalismo.
 Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga
mata sa katwiran at katarungan.
 Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng
mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
 Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultura ng bawat lipunan.
 Dito nasusulat ang henyo ng bawat panahon.
 Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan.
 Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng
tao.
 Kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa
bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng
mangangatha o manunulat.
Walang kamatayan ang panitikan at mapalad ang mambabasa sa kasalukuyan
sapagkat nababasa niya ang iba't ibang pagbabagong nagaganap di-lamang sa daigdig
na ginagalawan niya kundi sa daigdig ng nakalipas na panahon.
Salamin ito ng panahon, ng kaligayahan, kalungkutan, ng pakikibaka, ng
pagbabago, ng pagkakasundo, at ng pag-unlad. Larawan ng sangkatauhan ang panitikan.

Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino

3|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
1. Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon bago dumating
ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
2. Angmgaakdangsinulatsawikangbanyagangmga Pilipino at dayuhang manunulat subalit
ang nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino.
3. Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga
paksain ay sa dayuhan.
4. Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng mga manunulat
na Pilipino at ang mga paksa'y nahihinggil sa lahi't kalinangang Pilipino.\

ANG PANITIKAN AT KASAYSAYAN


 Matalik na magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan.
 Sa pagtatalakay ng Kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin,
saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay
tinatawag na
 Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Ang lahat ng
mga bagay na naisatitik at tunay na mga nangyari ay makatotohanang panitikan.
Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

ANO ANG PAGKAKAIBA NG PANITIKAN SA KASAYSAYAN?


Panitikan
 maaaring kathang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa
katotohanan na naisatala.
Kasaysayan
 pawang mga pangyayaring tunay na naganap – may pinangyarihan, may sanhi ng
pangyayari, at may panahon.

BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG PANITIKAN

LIMANG mahahalagang bagay na dapat ay pag-aralan mo ang Panitikang Pilipino:


1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang
yaman ng isip at angking talino mula sa ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at
marangal na tradisyon.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.
4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na
ito’y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang
maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
4|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
Mahalagang impluwensiya ng Panitikan sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao.
1. Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng akda.
2. Sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman
ng ugali at palakad at nag-kakatulungan.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng
impluwensiya sa buong daigdig:
1. Banal na Kasulatan o Bibliya — Ito ang nagging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa
Palestino at Gresya.
2. Koran —Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
3. Ang Iliad at Odyssey — Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya.
Akda ni Homer.
4. Ang Mahabharata — Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
5. Canterbury Tales —Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles
noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
6. Uncle Tom's Cabin —Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan
ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng
demokrasya.
7. Ang Divine Comedia — Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong yaon.
8. Ang El Cid Compeador — Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at
ng kanilang kasaysayang pambansa.
9. Ang Awit ni Rolando — Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya.
Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
10. Ang Aklat ng mga Patay - Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at
teolohiya ng Ehipto.
11. Ang Aklat ng mga Araw —Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik
sa kanilang pananampalataya.
12. Isang Libo’t Isang Gabi — Mula ito sa Arabia at Persa. Nagsasaad ng mga ugaling
pampamahalaan, pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
PANGKAIAHATANG URI NG PANITIKAN
Ang pangkalahatang uri ng panitikan
1. Tuluyan
 mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pang-ungusap
2. Patula
 pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong

ANG MGA TULUYAN


1. Nobela
 Mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.
 Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabangpanahon.
5|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
 Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Halimbawa: "Banaag at Sikat" ni Lope R. Santos.

2. Maikling Kuwento
 Ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan.
 May isang pangyayari sa kakintalan:
Halimbawa: "Pag-babalik” ni Genoveva E. Matute
3. Dula
 Ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.
Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawat

 yugto ay maraming tagpo.


Halimbawa: "Kahapon, Ngayon at Bukas" ni Aurelio Tolentino
4. Alamat
 Salaysaying hubad sa katotohanan.
 Tungkolsa pinagmulan ng isang bagay ang karaniwang paksa nito
Halimbawa: "Ang Alamat ng Pinya”
5. Ang Pabula
 Salaysaying hubad din sa katotohanan ngunit ang layunin ay gisingin ang isipan
ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog sa kanilang pag-uugali.
 Natutungkol sa mga hayop ang kwento.
Halimbawa: “Ang pagong at Ang Unggoy”
6. Anekdota
 Likhang isip ng manunulat na layuning makapagbigay ng aral sa mambabasa
 Maaaring ito ay kuwento ng mga hayop o bata.
Halimbawa: “Ang Gamugamo at Ang Munting Ilawan”
7. Sanaysay
 ito'y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari.
Halimbaw: Editoryal ng isang pahayagan.
8. Talambuhay
 ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito'y pang-iba o
pansarili.
9. Balita
 ito'y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
10. Talumpati
 Ito'y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
 Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran,
magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala.
11. Parabula
 Ito'y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota.

6|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
 Ang layunin Dito'y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig.
Halimbawa: "Ang Matandang Mayaman at si Lazaro”

MGA AKDANG PATULA


1. ANG TULA
Ang pagsulat ng tula ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng mga pantig, at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang
maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Ito’y isang
pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng gumguni't ipinararating sa
damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at
higit na mainarn kung may sukat at tugrna sa taludturan.
Ang paksa ng tula'y hinahango sa:
o Kalikasan
o sa buhay ng tao
o sa bagay na nakikita
o sa balanang naiibigan
o sa ginagawa ng tao.
Tradisyunal na katangian ng tula:
1. Tugma
2. Sukat
3. Talinghaga
4. Kariktan.
Katangian ng makabagong tula:
o may malayang taludturan - hindi nabibilanggo sa sukat at tugma.

Tatlong Interpretasyon o Pakahulugan sa isang Tula:


1. yaong sa manunulat
2. sa guro
3. mag-aaral
Bagama't ang pinakadiwa ay iisa lamang.

Mga katuturang ng tula:

a. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda


"ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na
natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na tula."
b. Ayon kay Inigo Ed. Regalado
"ang tula ay kagandahan, diva, katas, larawan, at kabuuang tonong kariktang
makikita sa silong ng alinmang langit.”
c. Ayon naman sa katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay
7|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
“ang pagtula'y panggagagad at ito'y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit,
paglililok, at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa
alinman sa ibang gagad ng mga sinin, pagsamasamahin man ang mga iyon.”
d. Ayon kay Alejandro G. Abadilla
ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell na napili niya ay nagsasabing ang tula ay
kamalayang napapasigasig (heightened conciousness)”

APAT NA URI NG AKDANG PATULA


1. Tulang Pasalaysay
2. Tulang Pandamdamin
3. Tulang dula o pantanghalan
4. Tulang Patnigan

 Tulang Pasalaysay
- Pagsasalaysay ng mga pangyayari o kuwento sa anyong patula
- Paglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangynyari sa buhay
Halimbawa:
o Kabiguan sa pag-ibig
o Mga suliranin at pnngnnib sn pakikidigma,
o Kagitingan ng mga bayani
MGA URI NG TULANG PASALAYSAY
a) Epiko
- Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol
sa mga kababalaghan.
- Ito'y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa
mga panganib at kagipitan.
Halimbawa:
"Ang Indarapatra at Sulayman" - Epiko ng mga Muslim

b) Awit at kurido
- ang mga ito'y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran
- ang mga tauhan ay mga hari't reyna, prinsipe't prinsesa.
- Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit nang mabagal sa
saliw ng gitara o bandurya
- Ang kurido ay may walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa
Halimbawa:
“Florante at Luara” ni Francisco Balagtas
k) Balad
- Ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
- Sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim
hanggang walong pantig.

8|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
 Tula ng Damdamin o Tulang Liriko
- Karaniwang paksa ay pag-ibig, pagka-makabayan, paghanga sa kagandahan,
kahiwagaan ng buhay at kalikasan at lahat ng mga pumupukaw sa damdamin.
- Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito.

MGA URI NG TULANG LIRIKO


a) Awiting Bayan
- karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati.
pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
Halimbawa:
“Chit Chirit Chit”
b) Soneto
- ito'y tulang may labing-apat na taludtod
- hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at
sa kabuuan, ito'y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa:
“Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Moleon
c) Elihiya
- nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya'y tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Halimbawa:
"AWIT SA ISANG BANGKAY" ni Bienvenido A. Ramos
d) Dalit
- Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting
pilososopiya sa buhay.
e) Pastoral
- May layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
f) Oda
- Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin
- walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa:
“TUMATANGIS SI RAQUEL"

 TULANG DULA O PANTANGHALAN

a. Komedya
- ang sangkap ay piling-pili
- ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood.
- Nagwawakas ito nang masaya.
- Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang
nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.

9|P age
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

b. Melodrama
- Ito ay karaniwan ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang
opera.
- may kaugnayan sa trahedya tulad din ng sa komedya.
- Ang sangkap nito ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para
sa pangunahing tauhan ng dula.
k. Trahedya
- Angkop ang uring ito ng dula sa rnga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o
pagkawasak ng pangunahing tauhan.
- d. Parsa
- layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga
pangyayaring nakatatawa.
e. Saynete
- Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

 TULANG PATNIGAN
a. Karagatan
- Batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa
hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang
mga binatang may gusto sa kaniya na sisirin ang singsing sa dagat at ang
makukuha’y pakakasalan niya.
- Sa larong ito, isang kunwa'y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro;
pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang
sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga
ng mga talinghaga.
b. Duplo
- humalili sa karagatan.
- paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
- Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, Sa mga sawikain, at mga
kasabihan, Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
c. Balagtasan
- Ito ang pumalit sa duplo
- pangangatwiran sa paksang pagtatalunan.

MGA GAWAIN SA PANSARILING PAGTATAYA

PAGLALAPAT (APPLICATION)

10 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
1. Magbigay ng kahulugan ng panitikan ayon sa paborito mong manunulat at ipaliwanag
ang kaniyang kahulugan. Isulat ang sagot sa papel.
2. Iguhit mo!
Sa isang short bond paper, gumuhit ng larawan na nagpapakita na ang
Panitikan ay salamin ng panahon. Maaring gumamit ng krayola o ibang
kagamitan sa pagguhit upang maging malikhain ito.

Pamantayan sa Pagguhit

Krayterya Kaukulang Puntos Puntos


Malikhain at Orihinal ang ideyang ginamit sa 15
paggawa ng larawan.
Malinis at maayos ang kabuuang 10
Presentasyon ng larawang ginawa.
Ang simbolong ginamit ay nakatulong 25
nang lubos upang maipahayag
ang mensahe at konsepto.
Kabuuang puntos 50

MGA PANGUNAHING PUNTOS

 PanitikansSalamin ng panahon, ng kaligayahan, kalungkutan, ng pakikibaka, ng


pagbabago, ng pagkakasundo, at ng pag-unlad. Larawan ito ng sangkatauhan.
 Hindi maaaring ihiwalay ang panitikan ng bayan sa kanyang kasaysayan, sa kanyang
kultura, kabihasnan.
 Ang Panitikan ay larawan ng buhay, ng kahapon, ng ngayon at ng bukas.
 Pangkalahatang uri ng panitikan:
1. Tuluyan
2. Patula
 MGA TULUYAN
o Nobela
o Maikling Kuwento
o Dula
o Alamat
o Ang Pabula
o Anekdota
o Sanaysay
o Talambuhay
o Balita
o Talumpati
o Parabula
11 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
 MGA AKDANG PATULA
o Tulang Pasalaysay
o Tulang Pandamdamin
o Tulang dula o pantanghalan
o Tulang Patnigan
 MGA URI NG TULANG PASALAYSAY
c) Epiko
d) Awit at kurido
e) Balad
 MGA URI NG TULANG LIRIKO
g) Awiting Bayan
h) Soneto
i) Elihiya
j) Dalit
k) Pastoral
l) Oda
 TULANG DULA O PANTANGHALAN
c. Komedya
d. Melodrama
c. Trahedya
d. Parsa
e. Saynete
 TULANG PATNIGAN
d. Karagatan
e. Duplo
f. Balagtasan

PANGHULING PAGTATAYA SA KABIHASAAN NG


MODYUL
I. Panuto Turan ang mga sumusunod:
_______ l. Aklat na naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya.
_______2. Aklat na kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya.
_______3. Salaysaying nahahati sa mga kabanata at sumasakop sa mahabang kawing ng
panahon.
_______4. Aklat na naglalaman ng mga kulto ni Osiris at mitolohiya ng Ehipto.
_______5. Aklat na kinapapalooban ng "Doce Pares" at Ronces Valles" ng Pransya.
_______6. Aklat na nagpapahayag ng pag-uugali at pananampalataya
_______ 7. Ipinalalagay na pinakamahalagang epiko sa buong daigdig
_______8. Aklat na nagsasaad ng pangkabuhayan, at panlipunan ng rnga Arabo at
Persyano.
________9. Pinakabibliya ng mga Muslim.
12 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
_______10. Aklat mula sa Estados Unidos at naging batayan ng demokrasya.
II. Panuto Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Paano nauugnay ang panitikan sa kasaysayan? 5pts
2. Turan at ipaliwanag ang dalawang uri ng panitikan. 10pts
3. Paano makatutulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao? 5pts

Isulat ang sagot sa papel

PAGTANAW SA INAASAM

Mabuhay nagawa mong matapos hanggang sa dulo ang modyul na ito, kung nagawa
mo na masagutan ang mga gawain at pagtataya na nakapaloob sa modyul na ito, ako ay
nagagalak para saiyo. Kung hindi mo naman nakamit ang mga inaasam na layunin,
magpatuloy ka lamang! Tandaan mo na ang mga bihasa ay nagsimula rin bilang baguhan.
Sa susunod na na modyul malalaman mo ang ating panitikan bago dumating ang mga
kastila. Nawa’y madagdagan ang iyong kaalaman sa susunod! Hanggang sa muli.

PAGTATAYA SA SARILI AT SA MODYUL

Sa bahaging ito ay tatasahin mo ang kalidad ng modyul na ito upang makatulong sa


papagpapaunlad at pagpapabuti ng mga gawain na nakapaloob dito. Tatasahin mo rin
ang iyong karanasan sa pagkatuto sa kabuuan ng modyul.
Tasahin ang modyul mula sa mga sumusunod:
4 – Lubos na Sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon
2 – Bahagyang Sumasang-ayon
1 – Di- Sumasang-ayon

Ang aking natutunan: 1 2 3 4


Ngayon ay:

Lagyan ng tsek ang angkop na kolum

Naipapakita ang panitikan bilang salamin ng panahon;


Natutukoy ang mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensiya sa
buong daigdig;
Naipapaliwanag ang kaugnayan ng panitikan sa kasaysayan;
Nailalahad ang kahalagahan ng ilang uri ng panitikan sa pananampalataya
ng isang tao.

13 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
SARILING PAGTATASA
Tasahin ang iyong kaalaman sa modyul na ito gamit ang pamantayan sa ibaba.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum kaugnay sa iyong pagtataya sa nakalaang espasyo. Huwag
mag-alinlangan na tumawag kung nangangailangan ng gabay sa pagsagot.
4 – Ako ay Bihasa. Naunawaan ko ng buo ang nilalaman ng modyul.
3 – Ako ay Nagpapakabihasa. Naunawaan ko ang nilalaman ng modyul at nakapagbibigay
ng halimawa.
2 – Ako ay Nagsasanay. Naunawaan ko ang nilalaman ng modyul sa tulong ng mga
halimbawa.
1 – Ako ay Baguhan. Hindi ko gaanong naunawaan ang kabuuan ng modyul
Ang Modyul sa Pagkatuto: 1 2 3 4

Lagyan ng tsek ang angkop na kolum


Nakakaengganyo ang nilalaman ng modyul
Nakakapagbigay ng Pagkakataon sa Pansariling Pagwawasto
May pagkakasunod-sunod ang mga gawain
May nakalaang indibidwal na gawain tungo sa sariling pagkatoto

Naglalaman ng impormasyong aking kinakailangan

SANGGUNIAN
Santiago, Erlinda M.,Kahayon Alicia H., Limdico
Magdalena P., PanitikangPilipino kasaysayan at pag-unlad pangkolehiyo., National Book Store., Mandaluyong City.,
pahina 1-29.

Semorlan, Teresita P., rubin, Ligaya T., Casanova Arthur P., Panitikan sa Nagbabagong Panahon., pahina 3-7.

14 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

Panahon ng Katutubo
MODYUL 2

PAHAPYAW NA KAALAMAN

Bago pa dumating ang mga Kastila'y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas.
Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kanyang barangay), may sariling batas,
pananampalataya, sining, panitikan at wika.

MGA LAYUNIN
 Nasusuri sa piling akda
 Natutukoy ang uri ng panitikang umiral sa panahon ng katutubo

ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA


PANSARILING PAGTATAYA

GAWAIN (ACTIVITY)

Pag-aralan ang larawan sa ibaba at sagutin ang tanong sa ibaba.

PAGSUSURI (ANALYSIS)

1. Batay sa larawan, paano nauugnay ang panitikan ng ating mga katutubo sa kanilang
pamumuhay?
2. Para saiyo napanatili at naipasa ba ang ang mga ito ng ating mga ninuno sa heresayon
ninyo ngayon?
Isulat ang sagot sa papel
15 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

ABSTRAKSIYON (ABSTRACTION)

Panitikan Bago Dumating ang Kastila/ Panahon ng Katutubo


Nahahati sa dalawang panahon:
(l) Panahon ng Kuwentong-bayan at
(2) Panahon ng Epiko at Tulang-bayan

KUWENTONG-BAYAN
 Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.
Ang panahon ng Kuwentong-bayan ay kinabibilangan ng mga:
(a) Mito
(b) kantahing-bayan
(k) karunungang-bayan
(d) bulong.
ALAMAT
 tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito
 itinuturing na totoo ng mga nagkukuwento at ng mga nakikinig.
 Higit na una ang panahon ng mito kaysa sa mga ito
 masasabing makakatulad ng daigdig ngayon ang daigdig ng alamat.
 Hindi ito itinuturing na sagrado. Tao ang pangunahing tauhan.
 Isinasalaysay dito ang migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani,
hari o datu at ng mga
sumusunod na nangungulo sa bayan.
 Nabibilang dito ang tungkol sa mga natatagong kayamanan, mga santo, mga
engkanto, at mga multo.
 Simple lamang ang mga alamat, iisa lamang ang tinutukoy.

Nahahati sa dalawang pangkatin:


(a) etiological
- mga nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano
pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit nagkaganoon.
Halimbawa:
Si Malakas at Si Maganda
Noong unang panahon, walang tao sa daigdig. Walang makikita kundi langit at
tubig. Magkatapat ang mga ito. Sa gitna nito'y may isang ibong lumilipad. Sa kalilipat ng
ibon, siya'y nahapo kaya umisip Siya ng paraan upang ma roon ng
mapagpapahingahan. Isang araw, pinag-away niya ang langit at ang dagat. Dahil sa
malaking galit ng dagat, sinabuyan niya ng maraming tubig ang mukha ng langit.
16 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
Ito nama'y nagtapon ng malalaking kimpal ng lupa at bato
makaganti sa dagat.
Ang malalaking lupa at batong ito ang Siyang naging lupain sa daigdig. Iba-iba ang
hugis ng mga kontinente at mga Pulo dahil sa iba-ibang hugis din ang kimpal ng lupa at
batong inihagis ng langit. Dito raw nagsimula ang mga kontinente ng Asya, Europa,
Aprika, at ang nagdadamihang mga pulo tulad ng Australya, Seylon, Hapon at Pilipinas.
Ang ibon ay naging malaya sapagkat nagtagumpay Siya sa kanyang layunin nagkaroon
Siya ng mapagpapahingahan.May masisilungan tuloy Siya kung uulan. Nagkasundo
namang muli ang dagat at ang langit.
Isang araw, samantalang ang ibon ay nakatuntong sa aplaya, napahiyaw siyang bigla
sapagkat nadaganan ng kawayan ang kanyang paa Nasaktan ang ibon. Dahil sa tindi
ng sakit na naramdaman ng ibon, tinuktok niya ang kawayan. Sa kalakasan ng kanyang
pagkakatuktok, nabiyak ang kawayan. Sa unang biyas ng kawayan, lumabas ang isang
lalaki, sa pangalawang biyas, lumabas ang isang babae. Sila ang kauna- unahang tao
sa daigdig. Sila si Malakas at si Maganda.
Matapos sumangguni si Malakas sa kanilang Bathala, nag- isang-dibdib sila ni
Maganda. Sa kanila nagbuhat ang lahat ng tao sa daigdig.

Ilan pang halimbawa ng etiological


1. Ang Alamat ng Ilog Cambinlew - (Sa pagsasalaysay ni Anna Rose Pareja)
2. Ang Alamat ng Gunaw - (Sa pagsasalaysay ni Angelina Santos)

(b) non-etiological
- nauukol sa mga dakilang tao, at sa pagpaparusa ng malaking kasalanan.
- Kasama dito ang tungkol sa mga alamat ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng
mga aswang, tikbalang, engkantado, molto, at mga ibinaong kayamanan.
Halimbawa:

Ang Santelmong (Bolong Apoy) Nnis nn Maghiganti


(Sa pagsasalaysay ni Emma B. Magracia)
Madaling araw noon, sa bayan ng Balasan, Iloilo. May limang mangingisdang
naglalakad nang matiwasay patungo sa kanilang pangingisdaan. Bigla nn lamang
napatigagal ang naturang mga mangingisda nang may napansin Silang santelmong
nakalutang sa himpapawid na kaagapay nila sa paglalakad, Dahil sa takot ng apat,
kumaripas sila ng takbo maliban sa isa na malakas ang 1oob na hinampas ang santelmo,
pagkatapos kumaripas din ng takbo. Nagalit ang santelmo at hinabol ang pangkat Subalit
nilampasan lang nito ang ibang mga kasamahan dahil ang pokus sa pagtugis niya ay ang
nanakit sa kanya.

17 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
Mainam na lamang at may ilog sa gawing daanan ng mga mangingisda kaya
lumukso agad ang nanghampas. Ang santelmo sa kabilang dako ay hindi tumitinag sa
kanyang kinalalagyan. Paikut-ikot at para bang inaantabayanan ang pag-ahon ng
mangingisdang nanakit sa kanya, at para bang handang sumalakay sa ano mang oras na
ito'y umahon. Unti- unting naglaho ang santelmo nang magbukang-liwayway na at saka pa
lamang nakaahon ang mangingisdang matagal-tagal ding oras nakababad sa tubig.

Ilan pang halimbawa ng non- etiological


1. Si Enrique at ang Diwata - (Sa pagsasalaysay ni Emma Magracia)
2. Ang Bayan ng Sta. Cruz - (Sa pagsasalaysay ni Angelina Santos)

SALAYSAYIN (FOLKTALE)
 Ito'y mga tuluyang pasalaysay na itinatangi bilang katha-katha lamang at hindi ito
isinaalang-alang bilang dogma o kasaysayan.
 mga pang-aliw o libangan
 Ang tagpuan ay mga lupaing di-kapani-paniwala na walang tiyak na lugar o mga
tauhan.
 Ang mga pangyayari sa mga salaysayin ay puno ng mga kahanga-hanga o
kamangha-manghang pakikipagsapalaran ng mapagkumbabang mga tao
(Boswell at Reaver, 1969:125).
 Kinapapalooban kuwentong iba't ibang tulad ng mga salaysaying pantas, mga tao,
dilema, pormolistiko, at mga salaysaying nagtuturo ng kagandahang-asal o kaya' y
mga pabula.
Halimbawa:
Paano Napangasawa ni Lucio ang Prinsesa? - (Bangan, Edna 1976: 69)

PABULA
 pawang kathang-isip lamang na mahirap o sadyang hindi mangyayari subalit
nagsasaad naman ng magagandang aral na nagsisilbing patnubay at simulain
sa buhay ng bawat nilalang.
 Sumasagot ito sa salawikaing "hampas sa kalabaw, sa kabayo ang lalay"
sapagkat bagamat ang mga tauhan ay mga hayop, ang mga aral namang
isinasaad ay para sa tao.
Halitnbawa:
Ang Langaw ng Naggmithing Mnging J)iyos - (Victoria, Adeva)

18 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

PANAHON NG EPIKO
 Ang pamamaraan ng paglalahad ng epiko'y sayaw-dula na may kasaliw na musika.
Masasabing ang mga kamay ang nagpapahayag at ang galaw sa sayaw ang
damdaming namamayani sa ipinahahayag ng berso.
 Ang kahalagahan ng kalinangang matatagpuan sa epiko'y ang pag-iingat ng
kahalagahang institusyonal.
 Ang epiko ang naglalarawan ng mga buhay-buhay ng kanilang mga bayani na nais
nilang gawing huwaran ng kanilang kabataan.
 Masasama sa panahong ito: ang mga ritwal, mga awit at sayaw na Siyang
pinakaugat ng dula sa kasalukuyan.
 mahabang tulang-buhay o tulang pasalaysay na nagpapakilala ng mga tauhan.
 Tauhang may di-pangkaraniwang lakas sa pakikipagtunggali sa kanyang mga
kalaban.
 inaawit habang naglalayag, nasa kasayahan, kung may patay o kung may okasyon.
 May tinatawag Silang bayani na siyang manganganta ng epiko na sa ibang baya'y
tinatawag na wandering bard
Ang tinatawag na epikong klasiko'y kinapapalooban ng:
(l) imbokasyon sa musa
(2) layunin ng epiko
(3) paglalarawan ng pakikidigma at pakikipaglaban
(4) paggamit ng supernatural
(5) pagiging pormal ng salita ng mga tauhan
(6) pagiging karaniwan ang pagtutulad
(7) pagiging kagalang-galang ng kabuuan ng kuwento at pagkakaroon ng
magandang wika.

 Pangkalahatang katangian ng epiko:


(1) mahaba
(2) batay sa oral na tradisyon
(3) di-makatotohanang pangyayari o supernatural na makabayaning gawain. mala-
Diyos na bayani, kaugnay ng kabutihan, materyal at ispiritwal na kalagayan ng mga
tribo at katutubo.
(4) patula
(5) tinagulaylay
(6) matiim o seryoso ang mga -layunin, paniniwala, kaugalian, ideal o
pagpapahalaga sa buhay
(7) pagsasalaysay na panlipunan, pangkultura, makabayan at may ilang ukol sa
pananampalataya.
Ibalon
19 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
 isinalin ni Padre Jose Castafio sa tulang Kastila at inilathala sa Espanya noong 1895
 nahihinggil sa kauna-unahang tao sa Kabikulan, na tila nangyari bago magdilubyo.
Darangan
 Epiko ng mga Muslim ay bumabanggit sa kaharian ng Bumbaran na lumubog daw sa
Dagat-Pasipiko noong dilubyo.
Hudhud at Alim
 Epiko ng mga Ipugaw
 nasa panahong ang kasangkapan ng mga tao'y mga bato at hindi nakikilala ang
bakal.
Maragtas ng Bisaya
 panahon na ni Kristo nang mangyari.

PAG-UURI NG EPIKO
Microepic
- Maaaring matapos sa isang upuan lamang at may simula at wakas.
Halimbawa:
Lam-ang
(1) Macroepic
- ipinakikita lamang ang partikular na bahagi, nag-iisang awit
Halimbawa:
Tuwaang
(2) Mesoepic
- maraming masalimuot na insidente
Halimbawa:
Labaw Donggon
 Maari ring uriin ang epiko batay sa punto ng Kristiyano at Di-Kristiyano
Epiko ng mga Kristiyano
1. Lam-ang – Iloko
2. Ibalon – bikol
3. Kumintang – Tagalog
 Epiko ng mga Di-Kristiyano
1. Hudhud – Ipugaw
2. Alim – Ipugaw
3. Darangan – Mindanao
4. Agyu – Epikong Iliaanon sa Mindanao
5. Labaw Donggon – Hiligaynon
6. Tuwaang – Manobo
RITWAL
 ang pinakanamumuno'y ang baylan. Ang kanyang mga awitin, sayaw, tagulaylay
(chant), pag-aalay .o imbokasyon at mga espesyal na mga kagamitan ay siyang
20 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
nagiging bukal ng lakas ng mga taong dumaranas ng kahirapan dulot ng kalikasan, na
kinakatawan ng mga ispiritu at pagbabawal o taboo, ng mga diwata at anito.
 Sang-ayon kay Padre Plasencia (1589), labindalawa ang matatawag na baylan sa
(1) catalonan
(2) manggagaway
(3) manyisalat (nang•iiwan ng asawa)
(4) mangkukulam
(5) hocloban
(6) silagon (kumakain ng atay)
(7) manananggal
(8) asuwang
(9) sonat (parang obispo)
(10) pagatohojan (manghuhula)
(l l) manggagayuma
(12) bayoquin

KANTAHING-BAYAN
- oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
 May iba't ibang uri ito batay sa iba't ibang okasyon
1. oyayi - pagpapatulog ng mga sanggol na tinatawag na, may sa
2. soliranin o talindaw - pamamangka
3. diona - awiting pangkasal
4. kumintang - awit-pandigma
5. kundiman - awit ng pag-ibig at iba pa.
KARUNUNGANG-BAYAN
1. Bugtong
- iniayos ayon sa paksa, malinaw na masisinag ang pag-iisip ng mga tao
hinggil sa mga bagay na kanilang nakikita sa kapaligiran.
- oral na palaisipan o suliranin na lumalaganap sa nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.
- nakatutulong sa pagpapatalas ng isipan
- Ito'y mga tradisyunal na katanungan na ang mga kasagutan ay parang hindi inaasahan; isang uri ng panlilito na
isinaalang-alang ang kalutasan sa pamamagitan ng paghihinuha ng mga bagay sa paligid.
- isang paraan upang linangin ang katalasan ng isipan ng madla o ng mga tagapakinig na nagmamasid.
Ayon sa Webster's New World Dictionary
- palaisipan sa kaanyuang patanong o pahayag na nangangailangan ng
katalinuhan ng isip upang lutasin at masagot
ang itinatanong.
Halimbawa:
Dalawang tuka sa harapan
Dalawang mata sa likuran.
- gunting
2. Palaisipan
- nakahihigit sa bugtong

21 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
- paraan ng pagpukaw at paghahasa ng isipan ng tao.
- nakalilibang bukod sa nakararagdag ng kaalaman.
- ang tao ay maaaring masanay sa pag-iisip nang mabuti upang malutas ang isang
suliranin (Pineda at Ongoco, 1972: 49).
Halimbawa:
(a) Ano ang pinakamaliit na bilang ng mga pato na makalalangoy sa mga
sumusunod na ayos: dalawang pato
sa harap ng isang pato; dalawang pato sa likod ng isang pato; at isang pato sa gitna
ng dalawang pato.
Sagot:
Tatlong pato
(b) Sa isang siyudad, patay ang lahat ng ilaw, may dumating itim na kotse na patay
rin ang mga ilaw nito; nagkataong may dumaan na isang taong ubod ng
Tanong: Anong nangyari sa tao?
Sagot: Buhay pa rin dahil umaga naman.
3. Salawikain
- Nagpapahayag ng aral at nagiging batayan ng magandang pag-uugali
- Kinapapalooban ng mabubuting payo at paalala hango sa mga naging karanasan
ng mga matatanda.
KATANGIAN NG MGA SALAWIKAIN:
o maiikling pangungusap
o payak
o karaniwang mga pananalita
o kinasasalaminan ng puna sn bubo
o may tugma ang karamihan
o pag-uulit ng nign salita
Halimbawa:
Ang buhay ng tao'y gulong ang kahambing
Sa ibabaw ngayon, bukns sa ilalim.

Ang masama sa iyo


Huwag mong gawin sa kapwa mo.
4. Kasabihan
- Kinasasalaminan naman ng mentalidad ng sambayanan
- ginagamit kapag nilalaro ang mga bata
Halimbawa:
Pung, pung kasili
NanganaK sa kabibi
Anong anak?
Batang lalaki (babae)
22 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas

MGA BULONG
- Ginagamit na pangkulam o pang-engkanto
Halimbawa
Tabi, tabi nuno, kami lang po'y makikiraan.

Huwag magalit kaibigan


Aming pinuputol lamang
Ang sa ami'y napag-utusan.

AWITING-BAYAN (FOLKSONGS)
- karaniwang tuloy-tining o survival ng dating kalinangang napanatili sa atin sa
pamamagitan ng saling- dila.
- Ang nilalaman ng mga ito'y nagpapakilala ng iba't ibang pamumuhay at pag-uugali
ng mga tao, at mga kaisipan at damdamin ng bayan.
- Mababaw ang kahulugan.
- Payak ang taludturan.
- Ang musika ang Siyang behikulo ng katutubong pahayag ng mga katangian at
kasiglahan ng mga katutubo.
- Madamdamin ito ng tunay na kalinangan ng Pilipinas.
- Nagpapakilala ng diwang makata ng ating lahi, Bunga at bulaklak ito ng matulaing
damdaming buhay sa puso't kaluluwang bayan.

Halimbawa:
1. Dandansoy
2. Sarong Banggi
3. Atin Cu Pung Singsing
4. Bahay kubo
5. Leron-Leron Sinta
6. Magtanim Hindi Biro
7. Paruparong –bukid
ANG DULA
- batay sa mga kaisipan ni Aristotle, isang dramatistang Griyego na naniwalang ang
pinakakaluluwa at drama ay ang Menesis o instasyon ng mga kilos at galaw.

Anyo ng dula sa panahon ng katutubo:


1. Balak
2. Balitaw
3. Dallot
4. Dung-Aw
23 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
5. Karilyo
6. Bayok
7. Hugas-kalawang
8. Dalling-Dalling

MGA GAWAIN SA PANSARILING PAGTATAYA

PAGLALAPAT (APPLICATION)

Manaliksik ng isang uri ng epiko, maaaring epikong kristiyano o di-kristiyanong epiko.


Basahin ang kabuuan nito at suriin. Sa pagsusuri isaalang-alang ang ginamit o piniling salita
sa akda at ang istruktura ng pagsulat nito ng may-akda.
Tatayahin ang iyong pagsusuri batay sa rubric na nasa ibaba:
Malikhaing komposisyon : 30%
Pagkakasunod-sunod ng mga ideya : 25%
Nilalaman 25%
Gramatika at Kumbensiyon sa pagsulat : 20%
Kabuuan : 100%

MGA PANGUNAHING PUNTOS


Nahahati sa dalawang panahon:
(l) Panahon ng Kuwentong-bayan
 ALAMAT
 SALAYSAYIN
 PABULA

(2) Panahon ng Epiko at Tulang-bayan


 EPIKO
 RITWAL
 KANTAHING BAYAN
 KARUNUNGANG BAYAN
 AWITING BAYAN

PANGHULING PAGTATAYA SA KABIHASAAN NG MODYUL

24 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
Panuto: Tukuyin ang uri ng panitikan na ipinapakita sa pangungusap, parirala at salita
na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa papel.
______1. Bata, batuta
Sampeng muta
______2. Huwag magalit kaibigan
Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan
______3. May tainga ang lupa
May pakpak ang balita
______4. Dito ay ipinakikita lamang ang partikular na bahagi ng akda.
______5. May pitong basong nakalagay sa mesa. Ang una, pangalawa, panlima at
pampitong baso ay may tubig.
Tanong: Paanong ggawin magsalit-salit ang mga basong dapat ay may tubig subalit
isang baso lamang ang kinakailangang galawin
______6. kathang-isip lamang na mahirap o sadyang hindi mangyayari, nagsasaad ng
magagandang aral na nagsisilbing patnubay at simulain sa buhay ng bawat nilalang.
______7. oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
______8. Matulog ka na bunso
Ang ina mo’y nasa malayo;
May putik may balaho
Hindi ko masundo
______9. Kinapapalooban ng mabubuting payo at paalala hango sa mga naging karanasan
ng mga matatanda.
______10. Isinaalang-alang bilang dogma o kasaysayan.

PAGTANAW SA INAASAM
Mabuhay nagawa mong matapos hanggang sa dulo ang modyul na ito, kung nagawa
mo na masagutan ang mga gawain at pagtataya na nakapaloob sa modyul na ito, ako ay
nagagalak para saiyo. Kung hindi mo naman nakamit ang mga inaasam na layunin,
magpatuloy ka lamang! Tandaan mo na ang mga bihasa ay nagsimula rin bilang baguhan.
susunod na modyul ay malalaman mo ang Panitikang umiral sa panahon ng Kastila. Nawa’y
madagdagan ang iyong kaalaman sa susunod! Hanggang sa muli.

PAGTATAYA SA SARILI AT SA MODYUL

Sa bahaging ito ay tatasahin mo ang kalidad ng modyul na ito upang makatulong sa


papagpapaunlad at pagpapabuti ng mga gawain na nakapaloob dito. Tatasahin mo rin
ang iyong karanasan sa pagkatuto sa kabuuan ng modyul.
Tasahin ang modyul mula sa mga sumusunod:
4 – Lubos na Sumasang-ayon
25 | P a g e
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya- Panitikan ng Pilipinas
3 – Sumasang-ayon
2 – Bahagyang Sumasang-ayon
1 – Di- Sumasang-ayon

Ang Modyul sa Pagkatoto: 1 2 3 4

Lagyan ng tsek ang angkop na kolum


Nakakaengganyo ang nilalaman ng modyul
Nakakapagbigay ng Pagkakataon sa Pansariling Pagwawasto
May pagkakasunod-sunod ang mga gawain
May nakalaang indibidwal na gawain tungo sa sariling pagkatoto
Naglalaman ng impormasyong aking kinakailangan

SARILING PAGTATASA
Tasahin ang iyong kaalaman sa modyul na ito gamit ang pamantayan sa ibaba.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum kaugnay sa iyong pagtataya sa nakalaang espasyo. Huwag
mag-alinlangan na tumawag kung nangangailangan ng gabay sa pagsagot.
4 – Ako ay Bihasa. Naunawaan ko ng buo ang nilalaman ng modyul.
3 – Ako ay Nagpapakabihasa. Naunawaan ko ang nilalaman ng modyul at nakapagbibigay
ng halimawa.
2 – Ako ay Nagsasanay. Naunawaan ko ang nilalaman ng modyul sa tulong ng mga
halimbawa.
1 – Ako ay Baguhan. Hindi ko gaanong naunawaan ang kabuuan ng modyul

Ang aking natutunan: 1 2 3 4


Ngayon ako ay:

Lagyan ng tsek ang angkop na kolum


Nasusuri sa piling akda
Natutukoy ang uri ng panitikang umiral sa panahon ng katutubo

SANGGUNIAN

Semorlan, Teresita P., rubin, Ligaya T., Casanova Arthur P., Panitikan sa Nagbabagong Panahon., p. 11-71.

Magaling!
Hanggang sa muli!

26 | P a g e

You might also like