Minsan ay biniro ng tadhana si Athena, siya ay isang magaling at tanyag na
doktora na sinubok ng tadhana. Namatay si Melba sa kanyang mga kamay kahit hindi niya kasalanan. At siya ang sinisisi ng makisig na kapatid ni Melba na si Anton. Hindi lingid sa kaalaman ni Anton ang malubhang karamdaman ng kanyang kapatid sapagkat sila ay nasa gitna ng Pandemya. Sa kagustuhang makapaghiganti ni Anton sa doktora hindi niya inaasahang ito pala ang maguudyok sa isang kasalanang hindi niya inaasahan at yun ay ang magmahal. Lumagom ang dilim sa balintataw ni Athena ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay bumalik nanaman sa kanyang ala-ala ang sinapit ng kanyang pasyente. Kasunod noon ay tila walang katapusang kadiliman at tila nahulog siya sa napakalalim na bangin. “Bongga!” sigaw ni Carolina na naging sanhi ng biglang pagmulat ng mga mata ni Athena. Isang bangungot lang pala ika niya sa sarili. “Magandang umaga Carolina, Hay nako! ano bang sinisigaw sigaw mo dyan kay aga- aga para kang nanalo sa lotto sa lakas ng sigaw mo” medyo iritadong bigkas ni Athena. “Paano ba naman kasi ate, isa ako sa napiling kalahok sa aming eskwelahan. O siya, ako’y lilisan na bago pa man ako mahuli sa klase.” Masayang iwinika ni Carolina sa kanyang Ate at sabay ang pagalis nito. Habang si Athena ay nagasikaso na din upang makapasok na din sa trabaho. Naglalakad si Athena papasok sa hospital ng siya ay napakislot nang tumunog ang kanyang cellphone tsempo naman ng ito ay kanyang kukunin ay nabangga siya ng dalawang batang naglalaro na mabilis ding nagsipagtakbuhan. “Ay! Diyos ko po! Mga batang ito hindi tumitingin sa daanan!” Angal niya bigla habang nakatanaw sa mga batang onti-onting naglalaho sa kanyang paningin. Pagkakuha ng nahulog na cellphone ay tinignan niya kung sino ang tumawag kasunod nito ay isang mensahe, “Kung sa tingin mo ay matatakasan mo ang ginawa mo sa kapatid ko nagkakamali ka.” Tila binuhos ng malamig na tubig si Athena ng mabasa niya ito ngunit hindi niya kilala kung sino ang nagpadala nito. Dali-dali na lamang siyang pumasok sa loob ng hospital at isinawalang bahala ang natanggap na mensahe. Pagkatapos ng kanyang shift ay umuwi agad siya. Napakadilim at liku-likong daan ang laging tinatahak ni Athena pauwi ngunit wala naman siyang reklamo sapagkat ito na ang ruta niya tuwing umuuwi. Habang sa kabilang banda ay pilit na nagtatago sa likod ng puno ng mangga si Anton, nakaplano na ang kanyang masamang balak, hawak-hawak niya na rin ang kutsilyo. Dahan dahan siyang naglakad papalapit kay Athena ng marinig niya ang sigaw nito “Tulong! Tulong! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!” Umiiyak at walang magawang sigaw ni Athena. Ito ang naging dahilan ng mabilis na pagtakbo ni Anton ang laking gulat niya sa kanyang nadatnan duguaan ang babae at isang lalaki ang pilit siyang hinahawak hawakan sa iba’t-ibang parte ng katawan nito sa gilid nito ang isang basag na bote. Nais na lamang na iwan ni Anton ang babae sa sitwasyon nito at na isip na ito ang parusa nito. Ngunit mas nangibabaw ang kanyang awa kaya agrisibo niyang hinila ang lalaki at pinagsusuntok ito. “Tama na! Tama na!” sigaw ni Athena na naging dahilan ng pagtigil ni Anton at napagtantong halos lagutan na ng hininga ang lalaki at ito’y hindi na gumagalaw. Agad na nilapitan ni Anton si Athena nab akas pa din ang gulat at takot. Sakto naman na bumuhos ang malakas na ulan nagmamadaling binuhat ni Anton ang dalaga at dinala sa isang kubo na hindi naman kalayuan sa puno ng mangga. Pagkarating doon ay pinakalma niya ang babae at dito niya nasilayan ang gandang taglay nito. Mahigpit na niyakap ni Athena si Anton sabay bigkas “Maraming maraming Salamat sa’yo. Utang ko ang buhay ko sayo, maaari ko bang malaman ang pangalan mo? Paano ako makakabawi sa kabutihan mo ginoo?” sunod-sunod na tanong ni Athena. Si Anton ay nabigla sa kabutihang taglay ng dalagita. Hindi niya ito inaasahan sapagkat ang akala niya ay isa itong irespensobleng doktora na naging dahilan ng pagkawala ng buhay ni Melba. Nawala na sa isip ni Anton ang paghihiganting ilang linggo niyang plinano. Siy ay tumayo at lumapit sa lamesa na naging pagitan nil ani Athena. Inabot niya ang kanyang palad “Anton, Anton ang pangalan ko. Hindi ako nanghihingi ng kapalit sa pagligtas ko s aiyo. At nagkataon lamang na ako ay pauwi na ng marinig ko ang iyong sigaw. Ikinagagalak kong iligtas ang isang binibining tulad mo Athena” hindi alam ni Anton ang kanyang nararamdaman ng biglang makipagkamay ang dalaga sa kanya-mabilis ang tibok ng kanyang puso at tila kinakabahan. Datapwat tinanggap ni Athena ang palad ni Anton ay pinagtataka niya kung paano siya nito nakilala sapagkat ngayon niya lamang Nakita ang lalaki na ito. “Paano mo nalaman ang aking pangalan? Nagkita na ba tayo noon? O baka nakalimutan ko lang, isa ka bas a mga naging pasyente ko? Pasensya ka na ah sa dami kasi ng tinatakbo araw-araw sa ospital ay di ko na matandaana ng bawat pasyente” eto nanaman ang sunod-sunod na tanong ni Athena. Umatras ang dila ni Anton sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihing palusot nito. Ayaw niya na din naming ibalik ang masaklap na nangyare sa kanyang kapatid at sumang-ayon na lamang siya kay Athena at sinabing naging pasyente na nga siya nito noon. Nagpalipas ng gabi si Athena sa kubo dahil di rin siya makauwi sapagkat hindi pa din tumitila ang ulan. Nagising siya sa mabangong amoy ng pagkain. “Magandang umaga Athena” Ani ni Anton ng may ngiti sa labi. “Magandang umaga din” pabalik na bati niya. “Halika na kumain ka na muna bago umalis, naghanda ako ng pagkain ng madagdagan ang iyong lakas” agad naming tumayo si Athena at labis labis ang tuwa sa kanyang puso sa kabutihang taglay ng lalaki. Kinuha niya rin ang tyansa na ito upang titigan ng lalaki at mamangha sa kagwapuhan nitong taglay. Pagkatapos ng kanilang umagahan ay naghanda na siya sa pagalis. Malaki ang pasasalamat ni Athena kay Anton at nangako siya dito na sila ay magkita muli ng siya naman ay makabawi sa kabutihan nito. Naging normal ang ilang linggo kay Athena at simula ng gabi na iyon hindi na mawala sa isip niya si Anton. Ngayon din ang araw na ipinangako niya kay Anton na pagkikita nila. Sa isang malapit na restwaran sila kumain at dito napagtanto ni Athena ang kanyang nararamdaman kay Anton. Hindi niya ito maitanggi sapagkat iba ang saya niya sa tuwing kasama ito at ito na lamang ang tumtakbo sa kanyang isipan. Laking gulat na lamang ni Athena ng ang binate ay umamin din sa kanya ng kanyang pag-ibig. Ilang buwan din silang nagkikita at napagpasyahang maging opisyal ng magkasintahan. Para kay Athena, isang panaginip ang lahat ng nangyayari. Labis ang tuwa niya ganun din si Anton. Pauwi na si Athena galling sa trabaho at nakasanayan niya ng paglabas ay nagaabang si Anton sa kanya. Ngunit labis ang pagtataka niya ng hindi niya ito makita sa labas ng ospital. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tinawagan ito ngunit hindi ito sumasagot ng biglang may malansang bagay siyang naamoy agad-agad niya itong nilapitan “Akala ko naman kung ano! Isang pusang napisat pala” tuloy-tuloy siya sa paglalakad ng bumuhos ang ulan at dali-dali siyang naglabas ng payong. Tsaka niya lamang napansin ang kumpol ng taong nagkakagulo. Hindi niya maipaliwanag ang kaba at halos manigas siya sa kinatatayuan ng makita kung sino ang lalaking duguan. “Anton!!!!!” hindi siya makapaniwalang walang buhay na nakahandusay ang kanyang nobyo. “Bongga!” sigaw ni Carolina na naging sanhi ng biglang pagmulat ng mga mata ni Athena. Pawis na pawis at umiiyak si Athena ng magising. Nagulat si Carolina sa iyak ng kanyang ate. Hindi niya inaakala na sa kanyang pagsigaw ay magigising ito. Habang si Athena ay hindi lubos maisip na isang panaginip lang ang lahat. Wala ni isa sa mga nangyari ang totoo. Walang aksidente, Walang Melba at mas lalong walang Anton na kanyang naging nobyo. Dahil ang katotohanan ay balot ng pangamba at panganib ang mundo sa Pandemya na kinahakaharap ng bansa.