Professional Documents
Culture Documents
MC Fil 102 Module 13
MC Fil 102 Module 13
MC Fil 102 Module 13
Libon, Albay
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng
ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay
3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga
pahayag
Katawan
Kampante na sa'yo ang reader (house owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa pakay mo. Ito
na ang katawan ng sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng iyong saloobin at kaalaman. Sabihin mo
nang lahat dahil nag-eenjoy na ang reader. Huwag ka lamang liliko. Huwag mong pansinin ang ayos ng
kanilang bahay baka bigla ka na lang palayasin at pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga usaping-
doktor at medisina ang inyong pag-usapan. Yun lang! Dapat malinaw at direct to the point ang mga
banat mo.
Sa Katawan - Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay
konektado. Huwag kang matakot maglabas ng mga informative at entertaining words dahil iyon ang
misyon ng sanaysay o ng pagpunta mo sa isang bahay. Huwag masyadong seryoso. Magpatawa ka
minsan para di maboring ang reader.
Wakas
Ang panghuli, ang konklusiyon o wakas. Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan.
Isang talata na may isang pangungusap ay pwede na. Halimbawa: “Kung ako ikaw, magdoktor ka.”
Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaaring mo ring gawin sa konklusiyon. Ang tanging
kaibahan ay nagpapaalam ka na. Ang pagsulat ng sanaysay ay katulad ng pagbisita sa isang tahanan.
Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay
ng may-ari.
7. Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang
magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de
vista (point of view).
8. Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos kung tama ang grammar o gramatika
ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)
9. Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may konklusyon o wakas.
Maliit na samahan;
Napakahusay na ayos; May simula, Kailangan ang
nangangailangan ng
Organisasyon madaling basahin gitna, at wakas samahan
mga pagbabago
Karamihan sa
Ang mga pangungusap ay Mahirap basahin ang
mga Kailangang dumaloy ang
Kadalasang dumadaloy sa buong mga pangungusap at
pangungusap ay mga pangungusap
Pangungusap piraso hindi dumadaloy
dumadaloy
Maraming mga
pagkakamali ang
Mga Mga error na zero Ilang mga error Maraming mga error
nagpapakahirap
Kumbensiyon basahin
O hayan bess… Alam kong mahusay ka ng magsulat at lalo ka pang dapat na maging magaling.
IV. Pangwakas Pagsubok at Mga Gawain
A. Panuto: 1. Maghanap ng isang halimbawa ng pormal at di-pormal na sanaysay. (Isamang isubmit
ang sanaysay na ginamit ). Basahing mabuti at i-kritik ito ayon sa nilalaman at estilo ng pagkakasulat.
a. Panimula
b. Gitna
c. Wakas
d. Pumili sa sanaysay ng 5 matalinhagang pahayag o mga tayutay na ginamit ng may akda. Ipaliwanag
ang ibig sabihin.
2. Gumawa ng Venn diagram na nagpapakita ng pagkakahalintulad at pagkakaiba ng pormal at di-
pormal na sanaysay.
3. Sumulat ng ng (1) pormal at (1) di-pormal na sanaysay. Bigyan pansin ang talakay sa pagsulat nito
4. Bumuo ng sarili mong rubriks na magagamit upang i-kritik ang isinulat mong sanaysay. Gumamit ng
red ballpen sa pagsasagawa nito.
Tapos na… Hanggang sa muli.