Kahapon, Ngayon, at Bukas. Pagsusuri Ni Erlon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusuri ng Dula:

I. Pamagat: Kahapon, Ngayon, at Bukas


II. Nilalaman

a. Tauhan
INANGBAYAN (PILIPINAS)
DILAT NA BULAG (ESPANYA)
BAGONGSIBOL (AMERIKA)
MASUNURIN (BABAING PILIPINA)
TAGAILOG (ANG KATAGALUGAN)
MATANGLAWIN (GOBYERNO NG KASTILA)
MALAYNATIN (GOBYERNONG AMERIKANO)
ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG)
DAHUMPALAY (MAPAGLILONG TAGALOG)
HARINGBATA (HARING INTSIK)
HALIMAW (PRAYLE)
WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO)
Mga taong bayan, mga Hukbong Tagalog, mga Hukbong Intsik,
Kapisanan ng Cruz Rojang babae, mga kawal na rebulosyonaryo,
mga batang lalaki’t babae, bandang musika ng Hukbong Tagalog,
mga Kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring Kamatayan,
Rehimiyento ng Artiller, Infanteria at Ingeniena.
b. Tagpuan
Sa isang bakuran na may saging at iba pang halaman
Bahay ni Haringbata
Barangay sa Pilipinas
Gubat kung saan ang labanan
III. Kayarian
a. Dyanra
Kontra-Imperyalista
b. Teorya
Klasisismo
IV. Buod
Si Asalhayop ay mapaglilong Tagalog na nagtaksil sa kaniyang Ina at
kapatid para lamang sa salapi. Pinagkanulo niya ang balak nina
Inangbayan sa Haringbgata (Haring Intsik), ngunit siya ay nahuli ni
Tagailog at sinunog. Sinugo ni Haringbata si Inangbayan upang patayin
ngunit naunahan ito pigilan ni Tagailog, kaya’t napatay ni Tagailog si
Haringbata. Si Dilat na Bulag (Espanya) ay dumating at nakipagkaibigan
kina Inangbayan at Tagailog. Sila ay nagsandugo, ngunit si Dahumpalay
(mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at si Tagailog ay nahuli at
naibilanggo. Ibinigay ni Inangbayan ang kaniyang salapi kay Dilat na
bulat hangang sa mamulubi at mapawalang sala si Tagailog. Napatay ni
Tagailog si Dahumpalay nang dalawin siya nito at pilitang sinunog ang
mukha nito. Ipinalit ni Tagailog ang damit niya kay Dahumpalay at
nakatakas si Tagailog. Nagpatuloy ang paghihimagsik at kumalat ang
salitang kaluluwa ni Tagailog ang namumuno sa himagsikan. Dumating
si Bagong Sibol (Amerika) at Malay natin, sila ay nakasundo ni Tagailog
na pagtulungan sila Dilat na Bulag. Natalo nina Tagailog at Bagong sibol
si Dilat na Bulag. Ipinakausap nina Inangbayan at Tagailog kina
Malaynatin at Bagong sibol na bigyan sila ng kalayaan. Tutol sina
Bagongsibol at Malaynatin. Nagbanta si Inangbayan at Tagailog na
magkaroon ng patayan kapag hindi pinagkaloob sa kanila ang kalayaan.
Sa pamamagitan ng batang babae at lalaki na lumuhod kina
Bagongsibol, pinagkaloob din ang minimithing kalayaan nina Inang
Bayan at Tagailog.
V. Pagsusuri
a. Gintong Aral/ Kaisipan
Ang ideya at kaisipan na taglay ng may-Akda upang makapagsulat ng
isang makabuluhan at mahalagang akda ng dulang ‘Kahapon, Ngayon at Bukas’
ay para ilahad ang pangyayari sa kasaysayan na dapat nating pahalagahan at
upang maiwasang maulit ito. Ang may-Akda na si Aurelio Tolentino ay
mayamang kaalaman at mailkhaing pag-iisip upang ipangalan ang pag-uugali
ng mga tao na sangkot sa suliranin ayon sa panahon n gating kasaysayan na
may nais sumakop sa ating Bansa. Ang dulang ito ay nagbigay kaalaman at aral
na dapat nating mahalin at huwag ipagkanulo an gating sariling Inang Bayan
b. Taglay na Bisa
i. Pangkaisipan
Ang layunin ng may-Akda sa kaniyang dula ay magbigay
kaalaman sa atin tungkol sa pangyayari sa ating
kasaysayan bago makamit ang kalayaan na natatamasa
natin ngayon sa kasalukuyan. Nais ni Tolentino na isaisip
natin ito at huwag kalilitam upang Makita natin ang
kahalagahan ng kasaysayan at kalayaan n gating Bansa
ngayon
ii. Pandamdamin
Mas nararamdaman ang hirap at poot na nararamdaman
ng mga Pilipino noon sa pagsakop ng mga dayuhan.
Katulad na lang kung gaano kasakit ang pagtraydor ng
isang kaibigan. Pero kahit ganon man, sa huli ay naging
masaya ang lahat.
iii. Pangkaasalan
Ayon sa mga ginamit ng may-Akda na pangalan ng mga
karakter, ito ay nagsisilbing aral sa ating lahat. Kung sino
ang mga dapat tularan. Ginamit ni Tolentino na pangalan
ng mga karakter sa dula ang tunay n pag-uugali ng mga
ito ayon sa pangyayari sa ating kasaysayan. Tunay na
napakalupit ng pangyayari sa ating kasaysayan. Kaya’t
nais ng may-Akda na matutunan natin ang pagiging tapat
sa ating sariling bayan, at mapagmahal sa ating kapwa.
Dahil ang nasisilaw sa kayamanan ay may patutunguhan.
Ang dulang ito ay nagsilbing aral sa atin na dapat hindi na
ito maulit muli.
c. Kamalayang Panlipunan
Dapat gamitin ng tama ang ating kalayaang tinatamasa.
Huwag nating kalimutan ang mga lumaban para sa ating
bayan. Ng dahil sa kanila ay natamasa natin kung anong
meron tayo ngayon.

You might also like