Teresita Gimenez Maceda University of the Philippines
Hiding behind the Mask of Regionalism
- Base sa artikulong ito, ipinapahayag dito ang pag implimenta ng
tagalog bilang pangunahing wika. Dito pinagusapan at pinagisipan ng mabuti kung anong dialekto ang gagawing pangunahing wika ng ating bansa.Maraming mambabatas ang nagbigay suhestiyon kung anong dialekto nga ba ang karapat-dapat ang maging pangunahing wika ng ating bansa. Isa ang cebuanong dialekto ang ipinaglaban ng ilang mambabatas dahil mas malawak at marami ang populasyon ng mga Cebuano. Kung kaya’t ang nagging solusyon ng mga mambabatas ay ang pagbase sa rehiyonalismo.Upang masanay, makaintindi, at matuto ang mga Pilipino ng tagalog, ipinanukala ng mga mambabatas na magkaroon ng batas na ang bawat magaaral sa lahat ng antas ay dapat magkaroon ng paksa na nagtuturo sa lahat ng Pilipino na pagaralan ang ating sariling wika.
Emancipating a Marginalized National Language
- Sa artikulong ito ipinahayag ang paggamit ng malayang wika ng ating
bansa. Sa loob ng maraming taon ang mga Pilipino ay nagsilbing mga sunod sunuran at walang kalayaan pagdating sa paggamit nga wika sapagkat noon ang pilipinong nagsasalita ng wikang tagalong ay isang mababang uri o mga walang pinagaralan na kung saan walang kakayahang umangat at makihalubilo sa ibang tao. Upang mawala ang ganitong kaisipan at kaugalian ng mga tao noon ang dating pangulo na si Ramon Magsaysay ay nag implementa ng batas na buwan ng wika na kung saan ipinagdiriwang,ipinagmamalaki at inaalala ang kasaysayan ng ating wika. Maliban sa batas na ito mas ipinahayag din sa artikulong ito na ang ating wika ay hindi dapat ikinakahiya o minamaliit ng kung sino man sapagkat ito an gating pagkakakilanlan kung kaya’t dapat natin itong pahalagahan at mas payabungin pa. Kung kaya’t mas pinairal ng gobyerno ang pagpapalawig ng pagaaral ng wikang Pilipino upang matuto at maliwanagan ang bawat Pilipino na an gating wika ay dapat na ipagmalaki. Enshrining Filipino in the 1987 Philippine Constitution
- Dahil sa malaking epekto at impluwensiya ng bansang amerika sa ating wika na
nagresulta ng pagkakaroon natin ng pangalawang wika (English) na halos karamihan sa ating mga Pilipino ay ito na ang ginawang pangunahing wika. Kung kaya’t sa artikulong ito ipinahayag na ang tagalong ay dapat magsilbing pangunahing wika ng bawat Pilipino at dapat na ito ay pagaralan,pahalagahan, at linangin ng bawat isa satin, ipinahayag ito sapagkat ang malaking epekto ng wikang englis sa atin ay mas pinapahalagahan ng ibang Pilipino kesa sa sarili nating wika.
Protest against Filipino
- Ang pag implementa ng Filipino bilang isang pambasang lengwahe ay hindi lamang magandang resulta ang dulot nito sapagkat nagresulta din ito ng mga protesta at kumosyon sa iba’t ibang panig sapagkat ang ilan sa mga organisasyon at mambabatas ay hindi sang-ayon sa Filipino bilang pangunahin wika ng ating bansa. May mga mambabatas na ang gusto nilang gawing pangunahing wika ay ang Cebuano na ipinaglaban ng ilang mambabatas kabilang na dyan si Gov. Osmena. Naging mainit ang usaping ito sa pagitang ng mga gustong ipanukala ang tagalog laban sa Cebuano na maging pangunahing wika.
Inroads Made by the National Language
Sa kabila ng kakulangan ng kakayahan ng gobyerno na mas patatagin ang ating wikang
Pilipino,an gating wika ay patuloy paring lumalawak at mas pinapahalagahan nan g mga Pilipino.Patunay na ditto na ang salitang tagalog ay ginagamit na at mas pinapairal sa loob ng kongreso, marami ng mga mambabatas ang ipinapahayag nila ang kanilang mensahe sa wikang tagalog. Maging sa korte mas pinapairal na din ang wikang Pilipino, isa sa mga unang nagpairal nito ay si Judge Cezar Peralejo na ginawan ng bersyon ng ating wika ang ilang mga batas upang mas madali itong maintindihan ng mga Pilipino. Siya rin ang naglathala ng englis - tagalog diksyonaryo. Maliban dyan isa pang hurado ang gumamit ng salitang tagalog sa hukuman at maganda ang naging resulta nito sapagkat naging madali sakanila ang paghuhukom sa mga naakusahan at nakagawa ng krimen sapagkat ang pagintindi sa mga batas o kung ano mang sasabihin ng hurado ay hindi na kailangan pang isaling wika. Maging sa edukasyon mas lalong naging maganda ang epekto ng pagaaral at paggamit ng wikang Pilipino.