Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Araling Panlipunan

Modyul 2: Paglilingkod sa Komunidad


Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo

Kasanayang Pagkatuto:

1. natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod sa komunidad at ang kanilang kahalagahan (hal. guro, pulis,
barangay tanod, bumbero, nars, doktor, tagakolekta ng basura, kartero, karpintero, tubero, atbp). (AP2PKK-
IVa-2)

2. nabibigyang pagkilala at pagpupugay ang mga taong walang sawang nagbibigay ng serbisyo sa
komunidad; at

3. napahahalagahan ang mga serbisyong naibibigay ng mga naglilingkod sa komunidad


Ang paglilingkod sa komunidad ay isang gawain na isinasagawa ng tao para sa kapakanan ng
nakararami.

Ang pagboboluntaryo o pagkukusang-loob ay isang gawain na kung saan ay maaaring magbigay ng


paglilingkod sa komunidad na walang hinihinging kapalit. May mga ilang naglilingkod na
nangangailangang mabigyan ng sapat na kabayaran katumbas ng kanilang paglilingkod.

Ano ang nakikita mo sa larawan? Nakikita mo ba sila sa iyong komunidad? Ano ano ang mga
serbisyong ibinibigay ng nakikita mo sa larawan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kasapi
sa komunidad.

Magsasaka nagtatanim ng palay, gulay, prutas upang pagkunan ng


pagkain.

Karpintero – gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay,


gusali, mesa at iba pang kagamitan.

Guro – nagtuturo upang matuto ang mga mag-aaral ng


iba’t-ibang asignatura at kagandahang asal.

Tubero – nag-aayos ng tubo na linya ng tubig at


nagkukumuni ng sirang gripo.asal.
Doktor – nagbibigay ng serbisyong
panggagamot sa mga taong
maysakit.

Kaminero – naglilinis ng kalsada at


daan upang mapanatili ang kalinisan
ng kapaligiran.

GAWAIN NG MGA MAG-AARAL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Ika-apat na Markahan – Ikalawang Linggo

Pangalan: _______________________________________________________ Iskor: _____


10
Pangkat at Baitang: _________________________________ Lagda ng Magulang: ___________
Pag-ugnayin ang tagapaglingkod at paglilingkod. Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

A. Gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay, gusali at iba pang


tirahan ng mga tao.

B. Nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad. Sila rin


____1. Bumbero ang humuhuli sa mga nagkakasala sa batas.
____2. Doktor
C. Nagbibigay ng serbisyo ng panggagamot sa mga taong maysakit.
____3.Kaminero
____4. Karpintero D. Naglilinis ng kalsada at daan upang mapanatili ang kalinisan ng
____5. Pulis kapaligiran ng komunidad.

E. Tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog na bahayan,


gusali at iba pa.

Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa patlang.
bumbero kaminero
doktor magsasaka
guro tubero

_________________ _________________ _________________


_ _ _

_________________ _________________
_ _

You might also like