Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

MODULE I: ANG BATAS RIZAL

Pambungad na Salita

Sa bisa ng Republic Act bilang 1425 (Batas Rizal), mahigit limang pong taon (50) nang
kinukuha ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang kursong tumatalakay sa buhay at mga akda ni
Dr Jose Rizal.

Mahalagang balikan ang konteksto ng pagpanukala ng mga batas at ang mga naging
kaakibat na isyu sa pagsusulong nito.

Tatalakayin sa module na ito ang krisis panlipunan na kinahakaharap ng mga Pilipino


matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Mga Aralin:

I. Ang Pulitika sa likod ng Batas Rizal


II. Mga Layunin at itinadhana ng Batas Rizal
III. Pagpili ng Pambansang Bayani sa Panahon ng mga Amerikano
IV. Ang kabuluhan ng Kabayanihan ni Dr Jose Rizal sa kasalukuyang panahon.

Talaan ng Mga Resultang Nais Makamit:


Sa pagtatapos ng module, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

a) Nailalahad ang mga pangyayari na may kinalaman sa pagpapaunlad at pagpapatibay


ng Batas Rizal.
b) Nakikilala ang mga taong nasa likod ng tunggalian ng interes bago pa ito ganap na
napagtibay bilang isang batas.
c) Nakapagbibigay ng sariling katwiran labag man o pagsang-ayon sa iba’t-ibang naging
argumento sa R.A 1425.
d) Naipapaliwanag ang mga tiyak na probisyon ng R.A 1425
e) Naipapaliwanang ang mga pangyayari kay Dr. Rizal bilang isang Pambansang
Bayani.

ANG PULITIKA SA LIKOD NG BATAS RIZAL


Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
a. Naisasalarawan ang kasaysayan ng Batas Rizal at mga kaugnay na batas nito.
b. Natatalakay ang mga isyung pulitikal na kinaharap ng Batas Rizal.
c. Nauunawaan ang halaga ng pag-aaral ng Kursong Rizal.

Paunang Pagsusulit:
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mataas na
______________1.
Kapulungan?
Sino ang naghain ng panukalang batas Rizal sa Mababang
______________2.
Kapulungan?
Sino ang primaryang nagsulong ng panukalang batas Rizal
______________3.
sa Mataas na Kapulungan?
Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mababang
______________4.
Kapulungan?
______________5. Sino ang pangulo ng Pilipinas noong 1956?

Panukalang Batas Blg. 438 (Senate Bill No. 438)


Ika-3 ng Abril 1956 nang ihain nina Sen. Claro M. Recto at Sen. Jose P Laurel sa
Mataas na Kapulungan ang Senate Bill No. 438 (“An Act to Make Noli Me Tangere and El
Filibusterismo Compulsory Reading Matter In All Public and Private Colleges and Universities
and For Other Purposes”).
Hindi naging madali ang pagkapasa ng batas na ito sa Mataas na Kapulungan. May
mga di sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili sa lahat ng unibersidad at kolehiyo. Kabilang sa
mga sumasalungat sa panukalang batas na ito ay sina Decoroso Rosales , kapatid ni
Arsobispo Rosales; Mariano Cuenco, kapatid ni Arsobispo Cuenco; at Francisco “Soc”
Rodrigo, dating pangulo ng Catholic Action. Ayon sa kanila, nilalabag ng naturang
panukalang batas ang kalayaan sa pagpili at pananampalataya. Mahigpit na tumutol ang
mga Katolikong grupo sa pagpapasa ng panukalang batas na ito.

Panukalang Batas Blg. 5561 (House Bill No.


5561)
Ika-19 ng Abril 1956 nang ipinakula ni
Kong. Jacobo Z. Gonzales ang House Bill No.
5561. Ang panukalang batas na ito sa
Mababang Kapulungan ay nanganib na
maibasura noong ika-3 ng Mayo sa simula ng
deliberasyon dahil walong boto lamang ang
naging lamang ng 45 na sumang-ayon sa 37 na
tumutol, at may isang nag-abstain. Ang
deliberasyon sa Mababang Kapulungan ay naging maaksyon at humatong pa sa suntukan.
Batas Republika Blg. 1425
Ika-12 ng Hunyo 1956 nang opisyal na nalagdaan ng Pangulong Ramon Magsasaysay
ang Batas Republika Blg. 1425 o Batas Rizal. Ang batas na ito ay nag-aatas na isama sa
umiiral na kurikulum ng bawat paaralan maging pribado o pampubliko man, sa lahat ng antas
ng pag-aaral (Elementarya, Sekundarya, o Kolehiyo) ang pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat
ni Dr. Jose Rizal , lalo na ang kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere At El
Filibusterismo, pagbibigay kapahintulutan sa paglilimbag at pamamahagi ng mga nabanggit na
aklat at sa iba pang kapakinabangan.
Ang mga probisyon sa batas na ito ay ang mga sumusunod:
1. Kailangan na masama sa kurikulum ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang
kolehiyo ang Noli at ang El Fili ng walang anumang pagbabago.
2. Gumamit ng primaryang batayan.
3. Maaring hindi kuhain ang kursong Rizal depende sa ipinag-uutos ng relihiyon (subalit
kailangan ng mga sapat na dokumento, batayan at proseso bago mangyari ito).
4. Kailangang may sapat na bilang ng kopya ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere sa
mga silid-aklatan ng bawat paaralan.
5. Dapat ay nakasalin ang mga ito sa Filipino, Ingles at mga wikang umiiral sa Pilipinas.
6. Dapat maglimbag ng kopya nito sa murang halaga o di kaya'y nang walang bayad.

7. Kailangan ay may kopya ang mga organisasyon o himpilan ng barangay.

Batas Republika Blg. 229


Isang kautusan na ipinagbabawal ang
sabong, karera ng kabayo at Jai alai sa ika-30
araw ng Disyembre kada taon at bumuo ng lupon
para manguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni
Rizal sa bawat bayan at lungsod sa tamang
kadahilanan.
Nilikha ng Senado at ng Mababang
Kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas.
SECTION 1. Ang batas at kautusang ito ay
nagbabawal sa pagsasabong,pagkakarera at jai
alai sa ika-30 disyembre kada taon, ang araw ng kagitingan ng ating dakilang bayaning si Dr.
Jose Rizal.
SECTION 2. Magiging opisyal na gawain ng punong bayan ng bawat municipalidad at
mga siyudad na gumawa ng lupon na mangunguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni Rizal
kada taon, at kung saan ang punong bayan, ang kanilang pinuno at sa kooperasyon ng mga
ahensiya, departamento, opisina, kawanihan ng gobyerno at local na institusiyon. Ang ilan sa
mga seremonya ay ang paglagay sa kalahati ng hagdan ng pagtaas ng bandila sa lahat ng
pampublikong lugar.
SECTION 3. Ang sino mang sumuway sa kautusan ay pagbabayarin ng karampatang
multa na hindi hihigit sa dalawandaang piso o pagkakakulong na hindi lalagpas sa anim na
buwan o parehong parusa sa paghatol ng hukuman. At kung ang nagkasala ay ang punong
bayan karagdagang parusa na ipapataw ay ang pagkasuspendi sa kanyang termino ng isang
buwan. Kung may paglabag ang isang korporasyon, ay mayroong pananagutang kriminal ang
presidente nito, direktor o ibang opisyales nito.
SECTION 4. Ang batas na ito ay epektibo matapos ito ay aprubahan.
Naaprubahan: Hunyo 9, 1948.
Ang Kautusan Blg. 247 s. 1994
Sa kautusan ito ng Malacañang ay inaatasan ang Kalihim ng Edukasyon, Kultura, at
Sports, at ang tagapangasiwa ng CHED na ipatupad ang Batas Republika Blg. 1425 na nag-
uutos na isama sa pag-aaral ng mga pampubliko at pribadong paaralan, mga kolehiyo at
unibersidad ang buhay, mga nagawa, at naisulat ni Jose Rizal, lalo na ang mga nobelang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo, at ang paglimbag at isa-publiko ang mga nasabing nobela.

Pagsasanay I
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.

a) Bakit ninais ng mga mambabatas na maisabatas ang pag-aaral sa buhay at mga ginawa
ni Dr. Jose Rizal?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

b) Ano-ano ang mga isyung politikal na kinaharap ng Batas Rizal ?

________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
MGA LAYUNIN AT ITINADHANA NG BATAS RIZAL
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan malinang ang mga sumusunod na kasanayan:
a. Natatalakay ang tiyak na probisyon ng batas Rizal alinsunod sa mga mithiin at layunin ng
batas na ito.
b. Nakapaghahanda ang mga kabataan sa mga mithiing pangkalayaan at nasyonalismo, na
siyang naging daan ng buhay at ikinamatay ng ating bayani.
c. Nakapagbibigay parangal sa ating pambansang bayani sa pag-aalay niya ng kanyang
buhay at mga akda para sa paghubog ng katauhan Pilipino.
Paunang Pagsusulit
Ano-ano’ng mga ideya o konsepto ang maaring iugnay sa salitang “nasyonalismo”?
Isulat ang mga ito sa paligid ng salitang nasyonalismo sa loob ng kahon.

NASYONALISMO

Batas Republika Blg. 1425


Section 1. Ang mga kurso ukol sa buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal, partiKular na
ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay dapat ibilan sa lahat ng
kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad pambuliko man o pribado. Sa
kondisyong, sa mga kurson pangkolehiyo, ang orihinal at hindi binagong edisyon ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo o ang kanilang mga salin sa Ingles ay dapat gamitin bilang
pangunahing aklat.
Ang Board of National Education sa pamamagitan nito ay binigyan kapangyarihan at
inatasang tnaggapin ang kagyat at maingat na pagpapatupad ng mga probisyon ng seksyon na
ito. Kasama na rin ang pagsulat at pag-imprenta ng mga aklat para sa bata, babasahing aklat
at aklat-pampaaralan. Ang kapulungan ay marapat na ipakalat ang mga tuntunin at patakaran
ng batas na ito sa loob ng 60 araw bago ito tuluyang magkabisa. Inaatasan din ang mga
mayroong kapangyarihan na ipatupad ang mga probisyon ng batas na ito. Ang kapulungan aay
inaasahan gumawa ng mga tuntunin at patakaran na mag papawalang saklaw ng batas na ito
sa mga mag-aaral na magkaroon ng problimang may kinalaman sa paniniwalang pangrelihiyon
na nakasulat sa isang pahayag ng pagsumpa, mula sa kautusan ng probisyong ito na
nakapaloob s ikalawang bahagi unang talata ng sekyon na ito; ngunit hindi sa pagkuha ng
kursong (asignatura) kinakailangan sa unang parte ng nasabing talata. Ang mga nasabing
talata. Ang mga nasabing batas at alintunin ay nagkabisa sa loob ng 30 araw matapos ang
pagkalathala ng mga ito sa Official Gazette.

Section 2. Ito ay marapat gawing obligasyon sa lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad na


maghanda sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na bilang ng kopya ng original at walang
binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. O ang mga salin nito sa Ingles
gayundin ang iba pang mga akda ni Rizal, na kinakailangan maisama sa mga aprobadong aklat
na marapat basahin sa lahat ng pambubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad.
Ang Board of National Education ay siyang magtatakda ng kasapatan ng bilang ng
mga aklat, depende sa bilang ng mag-aaral ng paaralan, kolehiyo at unibersidad.
Section 3. Ang Board of National Education ay dapat magdulot na ang salin ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Gayundin ang mga iba pang sulat ni Jose Rizal ay maisalin sa
Ingles, Tagalog at iba pang mga pangunahing dayalekto o wika; ipag-utos ang pagpapa-
imprenta ng mga ito ng mura at bilang mga tanyag na edisyon; ipag-utos ang pagpapakalat ng
mga ito ng walang bayad sa mga taong nagnanasang bashain ang mga ito sa pamamagitan ng
mga organisasyon s amga Purok at konsehong pambarangay sa buong bansa.

Section 4. Wala alinman sa batas na ito ang marapat na ibilang o ipakahulugan na pagbago o
pagpapawalang bisa sa seksyon 927 ng Administrative Code, na nagbabawal sa pagtalakay ng
mga pambublikong guro at iba pang mga tao na may kinalaman o kabilang sa alinmang
pambulikong paaralan sa mga doktrinang pangrelihiyon.
Section 5. Ang kabuuang halagang tatlong daang libong piso ay binigyang awtorisasyon na ialis
sa bilang ng alin mang pondo maliban lamang na apropyado ng National Treasury na isagawa
ang layunin ng batas na ito.
Section 6. Ang batas na ito ay magkakaroon ng bisa matapus itong maaprobahan.
Naaprubahan: JUNE 12, 1956
Ang batas na ito ay nagbibigay ng pangunahing katwiran kung bakit ang batas na ito ay
kailangan isagawa at ipatupad matapos itong maaprobahan. Ang paglilinaw ay kalakip ang
mga sumusonod na probisyon:
Una, ito ay napatunayan na higit pa sa kahit anong pagkakataon sa ating kasaysayan ay
kinakailangang italagang muli ang mga mithiing pangkalayaan at nasyonalismo na siyang
nagging daan ng buhay at ikinamatay ng ating mga bayani. Malinaw na ang batas na ito ay
itinatalaga sa lahat ng mga Pilipino at para sa mga susunod na henerasyon upang ang mga
sakripisyo, luha, dugo’t pawis ng ating mga ninuno at mga bayani tulad ni Rizal tungo sa
pagkakamit ng kalayaan at nasyonalismo ay mabigyan kasiguruhan, gagawin itong isang
pangangailangan sa pamamagitan ng pormal na proseso ng edukasyon. Ang kalayaan at
nasyonalismo ay dalawang importanteng katawagan na totoong nasa puso ng ating
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal at lahat ng mga rebolusyonaryong bayani. Ang mga
Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga dayuhan ay patuloy na nagnasa ng kalayaan, kawalan
ng pamimilit, paniniil at limitasyon sa pagpili o pagkilos at kalayaan mula sa pagkaalipin sa ilalim
ng kapangyarihan ng iba. Ang kasarinlan ay maiuugnay sa kalayaan sa kaparaanan ang
sambayanan Pilipino ay nagnanais ng sariling pagkakakilanlan at gobyerno na pinamumunuan
ng mga Pilipino tungo sa pambansang kasarinlan at kapangyarihan. Ang lahat ng
pagpupunyaging ito ay nakahilig tungo sa katapatan at pagmamahal sa bayan. Mga bayaning
Pilipino Pilipino sa pangkalahatan ay ipinagbubunyi ang bansa higit sa lahat at binigyan
pagpapahalaga ang pagtaguyod, pagtatanggol at pangangalaga ng kultura at kapakanan nito.
Ang mga ito ay naglalarawan ng totoong diwa ng nasyonalismo sa mga Pilipino.
Pangalawa, napatunayan na sa pagpaparangal sa kanila (mga bayani), particular na sa
ating pambansang bayani at makabayang si Jose Rizal, tayo ay umaalalang may giliw at
pagmamahal. Ang kanilang buhay at mga gawa ay humobog sa karakter ng ating bansa. Ang
batas na ito ay magsisilbing haligi na siyang magbibigay kasiguruhan sa mga Pilipino at sa mga
susunod na henerasyon na pangangalagaan ang pinagsikapang kalayaan at dalisay na diwa ng
nasyonalismong inialay ng ating mga bayani. Tayo ang mga ganap na tagapagmana ng lahat
ng mga bungang ito at marapat lamang na sila ay ating parangalan na ang kanilang buhay at
mga gawa ay hindi mailagay sa kahihiyan at kawalang kabuluhan.

Pangatlo, napatunayan na ang buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal particular na ang
kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay parehong matatag at
nakapagpapaalab na bukal ng pagkamakabayan kung saan ang kaisipan ng mga kabataan lao
na sa yugto ng kanilang pagsibol at pagkatuto sa paaralan na dapat hustong mapunan.
Pang-apat, napatunayan na ang lahat ng mga paaralan sa ilalim at sakop ng ating
estado ay hinihikayat na makiisa sa paghubog ng katauhang moral, disiplina sa sarili,
konsensyang panlungsod (komunidad) at magtuturong tungkulin ng isang mamamayan. Ang
pangangasiwa ay isang importanteng sangkap ng pamumuno. Ito ay lubhang mahalaga dahil
isa itong paraan upang mabantayan ang isang particular na proseso. Ang proseso ng
pangangasiwa ang siyang nagpapatakbo at nagpapanatili ng malusog na operasyon ng mga
institution alinsunod sa mga mithiin at layunin kung kaya sa ganitong paraan ang hangarin at
layunin ng RA 1425 mas kilala bilang The Rizal Law ay nabibigyang katiyakan na naipapatupad
at naisagawa sa pinakamataas na antas.

Pagsasanay II
Sagutin ang mga susunod na tanong
a) Ano ang kahalagaan ng pag-aaral sa buhay at isinulat ni Rizal?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
b) Paano naapektuhan ang buhay ng mga mag-aaral ng asignaturang Rizal?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
c) Ano ang kahalagaan at gampanin ng asignaturang Rizal sa pagkakaroon ng kalayaan at
demokrasya sa bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
d) Anong mungkahi ang maibibigay mo sa pamahalaan kaugnay ng pagkilala at
pagpahalaga kay Rizal upang patuloy na maalala ng bawat Pilipino?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI SA PANAHON NG MGA AMERIKANO


Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang makakamit ang mga sumusunod:


a. Naipaliliwanag at mapalitaw ang mga merito ng mga pinagpiliang bayani.
b. Naisaisa ang mga pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani ng Pilipinas.

c. Natatalakay kung bakit si Rizal ang naging pambansang bayani ng Pilipinas.


Paunang Pagsusulit
Pagbabalik-aral. Piliin sa kahon ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang
ang kasagutan.

Emilio Jacinto Dr. Jose Rizal Antonio Luna

Marcelo H. del Pilar Graciano Lopez-Jaena

______________1. Siya ang may sagisag-panulat na “Taga-ilog”.


______________2. Siya ang may sagisag-panulat na “Dolores Manapat”.

______________3. Siya ang may sagisag-panulat na “Diego Laura”.

______________4. Siya ang may sagisag-panulat na “Dimas-ilaw”.

______________5. Siya ang may sagisag-panulat na “Dimas-alang”.

Ang lupon na pumili sa pambansang bayani

Naganap ang pagpili kay Dr. Jose Rizal bilang bayaning pambansa noong panahon ng
Amerikano sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Gobernador Sibil na si William Howard
Taft.
Ang mga sumusunod ang nagsagawa ng diskusyon upang pag-usapan ang mga
merito ng mga pagpipiliang bayani:
William Howard Taft (Setyembre 15, 1857 – Marso 8, 1930) – Siya ang 27 pangulo
ng Estados Unidos ng Amerika (1909-1913). Ito ang naging tulay niya upang maging pangulo
ng Estados Unidos at naging Gobernador Sibil ng Pilipinas noong 1901 hanggang 1904.
Siya ang nanguna sa pagpili kay Dr. Jose Rizal upang maging pambansang bayani ng
Pilipinas.
William Morgan Shuster (1877-1960) – Siya ay naging custom collector ng Estados
Unidos para sa Cuba noong 1899, at noong Spanish – American War. Siya ay mas nakilala
sa kasaysayan ng mundo bilang pinakamahusay na treasurer – general ng bansang Persia
(Iran) noong 1911.
Bernard Moses (1846 – 1930) – Commissioner ng Bureau of Education at nang huli’y
naging kalihim ng Public Instruction. Nakilala siya sa kasaysayan ng mundo bilang pioneer
of the Latin-American scholarship.
Dean Conant Worcester (Oktubre 1, 1866 – 1924) – Kilalang pulitiko at zoologist.
Siya noo’y kasapi ng United States Philippine Commission at Commissioner ng Interior
Government ng Bansa.
Henry Clay Ide – Siya ay Commissioner ng Finance and Justice ng Philippine
Commission.

Trinidad Hermenigildo – Pardo de Tavera (1857-1925) – Kilalang maka-


Amerikanong creole (mga Pilipinong may dugo o pamilyang Kastila na ipinanganak sa
bansa) nang Lubao, Pampanga. Isa siya sa tatlong napiling kumakatawan sa bansa sa
Second Philippine Commission bilang isang resident commissioner.
Gregorio Soriano – Araneta (1869 – 1930) – Siya ay isa sa mga Pilipinong pinili ng
gobernador-heneral Elwell Otis bilang kinatawan ng tribunal na siyang ipinapalit sa Real
Audencia (katumbas na Korte Suprema) kasama sina Cayetano Arellano, Florentino Torres,
Manuel Araullo, Julio Llorente, at Dionisio Chanco.
Jose Luzuriaga – Isa sa tatlong unang Pilipinong napiling kumakatawan sa bansa sa
Second Philippine Commission bilang resident commissioner (ang isa pa ay si Benito
Legarda na di napiling maging bahagi ng lupon ng pagpili.)
Cayetano Arellano (Marso 2, 1847 – Disyembre 23, 1920) Siya ang unang punong
mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Ang pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani


Isinaayos ni Prof. Henry Otley Beyer, propesor ng Antropolohiya at katulong sa tekniko
ng lupon mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang naging pamantayan ng pagpili ng komisyon,
at ito ay ang mga sumusunod:
1) Isang Pilipino

2) Namayapa na

3) May matayog na pagmamahal sa bayan (nagpapakita ng nasyonalismo)

4) May Mahinahong Damdamin (Calm disposition)

Ang mga pinagpilian na bayani ng lahi


Sa mga pinagpilian naman ng mga dakilang Pilipino na maging pambansang bayani, sila
ay sina Marcelo H.del Pilar, Antonio Luna, Graciano Lopez-Jaena, Emilio Jacinto, at Jose
Rizal
Marcelo H. Del Pilar ng Bulakan, Bulacan Isang propagandista, hindi napili sapagkat
nangibabaw ang pagiging pinuno nang magkaroon ng alitan sa pagitan ni Rizal sa La
Solidaridad.
Antonio Luna ng Binondo, Maynila, isang parmasyutiko at heneral, hindi din napili
dahil siya ay sinasabing bugnutin, may napatay umanong isang sundalo, sa pamilya at sa
mga kapwa Pilipino. Higit sa lahat, namatay siya dahil sa kapwa Pilipino (hindi kanais-nais o
kadaki-dakila ang kamatayan).
Graciano Lopez-Jaena ng Jaro, Iloilo, isa ding reformista at propagandista, hindi din
napili sa kadahilanang namatay sa depresyon (hindi angkop sa pamantayan o kadaki-dakila
ang naging kamatayan).
Emilio Jacinto ng Trozo, Maynila, isang manunulat at katipunero, isa siyang utak ng
Katipunan na sumuporta sa rebolusyon. (walang mahinahong damdamin)
Jose Rizal ng Calamba Laguna isang reformista at propagandista, isang Pilipinong
ginising ang kaisipan at kamalayan ng bansa sa totoong kalagayan nito. Huwaran ng
kapayapaan. Prominenteng taong may malaking ambag sa bansa. Katapangan sa
pagharap sa panganib , tanyag at ikinararangal ang kamatayan.
Ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. del Pilar ngunit ito ay kanilang binago
ayon kay Dr. H. Otley Beyer, sa kadahilanang higit na naging madula ang buhay at
kamatayan ni Rizal, lalung lalo na ang pagiging martir niya sa Bagumbayan.
Tunay ngang pinili ng Komisyong Taft si Rizal mula sa ibang dakilang Pilipino bilang
pangunahing bayani ng kanyang mga kababayan, ngunit masasabi rin natin na ang kanilang
ginawa ay pagpapatibay lamang ng katotohanan na si Jose Rizal ay ipinagbunyi na ng
kanyang mga kababayan na bilang pinakadakilang tao ng lahing Malayo at martir ng bayan
niyang sinilangan.
Noong barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896, maraming tao
ang nagluksa at humanga sa kanyang kadakilaan at katapangan. Noong hindi pa
natutuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, ginawa na ni Andres Bonifacio ang pagsugo kay
Pio Valenzuela upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa pinaplanong paghihimagsik.
Pinapatunayan lamang ng pangyayaring ito ang pagtitiwala at paggalang sa katalinuhan ni
Rizal.
Sina Heneral Emilio Aguinlado at iba pang mga pinuno ng himagsikan na ipinatapon
sa Hongkong ay Nagbigay ng pang-alaalang palatuntunan noong Disyembre 29, 1897
upang dakilain ang mga nagawa ni Rizal sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagbaril sa
bayani.
Ang pahayagan La Independecia, na pinamatnugutan ni Antonio Luna at ang El
Heraldo de la Revolucion, sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Aguinaldo ay naglabas ng
dagdag na sipi bilang paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal.
Noong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na
proklamasyon na nagtatalaga sa Disyembre 30, ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. Batay rin
sa proklamasyon, iniuutos ang pagtataas ng bandilang Pilipino sa kalagitnaan ng palo mula
tanghali ng Disyembre 29 hanggang tanghali ng Disyembre 30, at ang pagsasara ng lahat ng
mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng Disyembre 30.
Marami namang taong sumang-ayon kay Professor Ferdinand Blumentritt na nagsabi
noong 1897:
Si Rizal ay hindi lamang “Ang pinakabantog na tao sa kanyang mga
kababayan kundi ang pinakadakilang tao na nalikha ng lahing Malayo”.
Ang kanyang alaala ay hindi maglalaho sa kanyang tinubuang lupa at
matututuhan pa ng susunod na mga henerasyonng mga Kastila ang pag-
bigkas sa kanyang pangalan na may paggalang at pagpipitagan.

Mula sa sanaysay na sinulat ni Esteban A. de Ocampo, Sino ang pumili kay Rizal
Bilang Pambansang Bayani natin at bakit? Binanggit niya:

“Bakit si Rizal ang naging pambansang bayani? Siya ang ating


pinakadakilang bayani sapagkat, bilang nangingibabaw na tao sa Kampanyang
Propaganda, gumanap siya ng “kahanga-hangang bahagi” sa kilusang iyon na
humigit kumulang ay papipiliin tayo ng isang katha ng isang Pilipinong manunulat sa
panhaong ito, na higit sa ibang mga sinulat ay nakatulong nang malaki sa pagbubuo
ng nasyonalidad ng mga Pilipino, hindi tayo mag-aatubili sa pagpili sa Noli Me
Tangere (Berlin, 1887) ni Rizal. Totoo na ipinalathala ni Pedro Paterno ang kanyang
nobelang Ninay sa Madrid noong 1885; ni Marcelo H. del Pilar, ang kanyang
Discursos y Articulos Varios Impresiones sa madrid noong 1893, ngunit wala sa mga
aklat na ito ang nakapaglikha ng papuri o pagpuna mula sa mga kaibigan o mga
kaaway na tulad ng Noli Me Tangere ni dr Jose Rizal.”

Pagsasanay III
Pagsusuri: Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.

1) Sino ang gobernador-heneral na pumili kay Gregorio Soriano-Araneta


bilang kinatawan ng tribunal na siyang ipinapalit sa Real Audencia?
a Gob-Hen Wesley Merritt b Gob-Hen Elwell Otis c Gob-Hen Henry Clay Ide
2) Sino ang unang Punong Mahistrado ng KorteSuprema ng Pilipinas?
a Benito Legarda b Manuel Araullo c Cayetano Arellano
3) Sino ang nanguna sa pagpili kay Dr. Jose Rizal upang maging
pambansang bayani ng Pilipinas?
a William Morgan Shuster b William Howard Taft c Leonard Wood
4) Sino ang nakilala sa kasaysayan ng mundo bilang pioneer of the Latin-
American scholarship?
a Ferdinand Blumentritt b Dean Worcester c Bernard Moses
5) Sino ang maka-Amerikanong creole na isa sa tatlong napiling resident
commissioner ng Second Philippine Commission?
a Trinidad Pardo de Tavera b Florentino Torres c Julio Lorente

Pagsasanay IV
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.
a) Kung ikaw ay kasapi sa lupon ng pipili sa pambansang bayani, sino ang iyong pipiliing
pambansang bayani? At bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
b) Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang katangian ng ating pambansang bayani
na dapat tularan at taglayin ng bawat kabataang Pilipino?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
ANG KABULUHAN NG KABAYANIHAN NI RIZAL SA KASALUKUYANG PANAHON
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
a. Natatalakay ang kahulugan ng salitang Bayani at ang kabayanihan ni Jose Rizal.
b. Naisasa puso at mapapalawak ang kaalaman sa mga naimbag ni Rizal at iba pang
bayani ng ating bansa.
c. Naipapaliwanang ang kahalagaan ng buhay at mga nagawa ni Jose Rizal sa
kasalukuyang panahon.

Paunang Pagsusulit:
Punan ang bawat oblong ng mga salitang maiuugnay sa salitang “bayani.”

BAYANI

Ang Kabayanihan ni Dr Jose Rizal


Natatangi at isang pulang araw sa kasaysayan ng iniibig natin Pilipinas ang ika-30 ng Disyembre
sapagkat ginigunita ang kabayanihan at pagiging martir ng ating pambansang bayaning si Dr Jose Rizal.

Madalas nating naririnig ang salitang “bayani” kahit saan tayo magpunta. Naririnig natin ito sa
radyo, napapanood sa mga pelikula at nababasa sa mga libro, pahayagan at internet. Tinatawag na
“bayani” ang mga pangkaraniwan tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami
na gagawin niya, o ng isang bagay na napakahirap gawin, o bagay na magdudulot ng malaking
sakripisyo at hirap. Ngunit ano ba talaga ang totoong kahulugan ng salitang “bayani”?
Binigyang kahulugan ni Dr. Zeus Salazar, isang historyador at pangunahing tagapagpalaganap
ng Pantayong Pananaw sa bansa, ang “bayani” bilang “isang nagkukusang makipagtulungan nang
walang anumang bayad sa mga gawaing pangkomunidad.” Kaugnay ng pagpapakahulugang ito ang
salitang Bisayang “bagani”, na nangangahulugang “mandirigma”, at “wani” o malasakit at pagtulong.
Sa kabilang banda, kung titingnan sa mga diksyunaryo ang pagpapakahulugan sa salitang
“hero”, kadalasang tumutukoy ito sa isang magiting, matalino at malakas na lalaki, maaaring sa totoong
buhay o binigyang-buhay sa mga kwento at epiko.

Si Melchora Aquino, o Tandang Sora, ay hindi ininda ang kanyang edad makatulong lamang sa
mga sugatan at nagugutom na mga Katipunero sa panahon ng Himagsikan.
Sa pagsiklab ng Himagsikan noong 1896, maraming mga Katipunero at mga karaniwang tao na
nakilahok sa rebolusyon ang maituturing na mga bayani. Sa kagustuhan nilang makamit ang inaasam na
kalayaan ng bansa, nakipaglaban sila sa mga Espanyol, kahit walang kasiguruhan ang kanilang
tagumpay. Ang mga Katipunerong ito ay mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan.
Bagama’t nakamtan ng bansa ang kalayaan nito mula sa mga Espanyol, ang mga Amerikanong
tumulong upang makalaya ang mga Pilipino ay siya ring sumunod na sumakop dito. Ang mga bayaning
katulad ni Macario Sakay, na patuloy na tinutulan ang pananakop ng mga Amerikano, ay nagsilbing
inspirasyon sa ilang mga Pilipinong pilit itinatakwil ang mga bagong mananakop.

Sa panahon ng Commonwealth, binigyan ng karapatan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na


pamunuan ang kanilang sariling bansa. Hindi man ito naging madali, lalo na’t nasangkot ang Pilipinas sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinakita ng mga pangulong tulad nina Manuel Quezon, Sergio
Osmeña at ManueSi Melchora Aquino, o Tandang Sora, ay hindi ininda ang kanyang edad makatulong
lamang sa mga sugatan at nagugutom na mga Katipunero sa panahon ng Himagsikan

Si Dr Jose Rizal sa Panahon Ngayon

“Ang hindi marunong lumingon pinanggalingan ay hindi makarating sa paroroonan.” Hindi


makakamit ang tagumpay nang walang kasamang gabay at tulong mula sa pamilya, mga kaibigan at
mga mahal sa buhay lalo na sa ating Maykapal. Ang kalayaang mayroon ang ating bansa ay hindi
makakamit kung hindi lumaban ang ating mga bayani. Ngunit sa panahon ngayon, tayo ba ay mula at
nagmamalasakit pa sa ating mga bayani o kahit man lang sa ating pambansang bayani?
“Kung nabubuhay si Dr. Rizal ngayon, unang-una siya sa mga magkokomento ukol sa mga isyu
sa ating lipunan. Bago niya gawin ‘yon nakapagsaliksik na siya at inalam na niya ang kabuuan ng mga
isyung ito, kagaya ng ginawa niya noong ika-labinsiyam na siglo,” ani Eloisa de Castro, propesor mula
sa Unibersidad, sa isang panayam sa Varsitarian.
Iginiit ni de Castro na makatutulong ang makabuluhang kamalayan sa pagtugon sa bawat isyu,
lalo na sa pagkilates ng tama at mali. “Kung wala kang malalim na kaalaman o pagkakaintindi ng
konteksto, wala ka ring karapatan na magbigay ng opinyon, kasi nagdaragdag ka lang ng mas maraming
kalituhan at hindi lang kalituhan kung hindi, you are a purveyor of fake news,” giit ni de Castro. Ayon pa
sa kaniya, nakapaloob din sa critical engagement ang malalim na kaalaman sa kasaysayan ng bansa.

“Kung mababaw ang pagkakakilanlan mo sa iyong sarili, mababaw ang kaalaman mo sa


kasaysayan. Pinag-iiwanan tayo ng kasaysayan dahilan sa hindi natin siya pinapansin,” Wika ni de
Castro, kung nabubuhay si Rizal ngayon, siguradong may opinyon siya mga napapanahong isyu sa
bansa tulad ng extrajudicial killings, isyu sa South China Sea, estado ng politika at sa mga taong
ginagawang biro ang kasaysayan.
Pinuna rin ni De Castro ang mga taong ginagamit si Rizal sa mga uri ng pagbibiro sa social
media. “Ang ginagawa nila ay paglapastangan even if it is in modern day context. Kalapastangan pa rin
‘yon para sa akin. Ang taong ginagamit nila ay isang tao na excellent at napakagandang halimbawa
bilang isang tao at Filipino,”
Nagampanan ni Rizal ang kaniyang mga tungkulin para sa bayan noon na dapat mabigyang ng
pansin ng sambayanang Filipino. Hindi mo masasabing nagpabaya si Dr. Jose Rizal sa responsibilidad
niya bilang isang Filipino noong ika-labinsiyam na siglo. Sa katunayan, ano ba ang irereklamo mo sa
buhay niya, ibinigay niya ang kaisa-isa niyang buhay para sa sambayanang Filipino.

Pagsasanay V
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.

a) Ano ang iyong pananaw sa mga katagang, “patay na ang tao bago ito parangalan”?

____________________________________________________________
____________________________________________________________

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

b) Bilang kabataang Pilipino, ano ang maihahandog gamit ang sariling pamamaraan,
upang maging dangal ka ng bansa?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

HULING PAGSUSULIT
I. Modipikadong Tama o Mali. Isulat ang titik T kung tama ang pahayag. Kung mali ang
pahayag, bilugan ang maling bahagi nito at isulat ang wastong sagot sa patlang.
______________ 1. Ang Batas Rizal ay magsisilbing haligi na siyang
magbibigay kasiguruhan sa mga Pilipino at sa mga
susunod na henerasyon na pangangalagaan ang
pinagsikapang kalayaan at dalisay na diwa ng
nasyonalismong inialay ng ating mga bayani.
______________ 2. Ang pahayagang La Solidaridad, na pinamatnugutan ni
Antonio Luna, at ang El Heraldo de la Revolucion sa
ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Aguinaldo ay
naglabas ng dagdag na sipi bilang paggunita sa
kamatayan ni Jose Rizal.
______________ 3. Ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. del Pilar
ngunit ito ay kanilang binago ayon kay Dr. H. Otley
Beyer, sa kadahilanang higit na naging madula ang
buhay at kamatayan ni Rizal, lalung lalo na ang
pagiging martir niya sa Bagumbayan.
______________ 4. Ang Commission on Higher Education ay siyang
magtatakda ng kasapatan ng bilang ng mga aklat ni
Rizal, depende sa bilang ng mag-aaral ng paaralan,
kolehiyo at unibersidad.
______________ 5. Ipinagbabawal ng Kautusan Blg. 247 s. 1994 ang
sabong, karera ng kabayo at Jai alai sa ika-30 araw ng
Disyembre kada taon at bumuo ng lupon para
manguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni Rizal sa
bawat bayan at lungsod sa tamang kadahilanan.

II. Hanapin at bilugan ang sagot sa kahon. Isulat ito sa patlang. Ang mga salita ay
maaaring pababa, pahalang, o palihis.
P I O V A L E N Z U E L A J E
M J D E N G U E I J V E D O M

A A H E N R Y C L A Y I D E I
L R C M P R A L C I Z N O A L
A E S O C R O D R I G F H J I
T O C S G R E C T O N T L L O
N M B E O J O S E L A U R E L

Q A R G S R C A Y E T A N O A

D E C O R O S O R O S A L E S

W I L L I A M B E R N A R D R

1. Ito ang sakit na ikinamatay ni Graciano Lopez-Jaena.


____________________________________________________
2. Siya ay nagsilbing Commissioner ng Finance and Justice ng Philippine Commission.
Siya ay kasapi ng lupon na pipili sa pambansang bayani.
____________________________________________________
3. Siya ang isa pang senador na naghain ng Panukalang Batas 438.
____________________________________________________
4. Siya ang isinugo ni Andres Bonifacio upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa
pinaplanong paghihimagsik.
____________________________________________________
5. Siya ay isang senador na may kapatid ng arsobispo. Isa siya sa mga tumutol sa
Panukalang Batas 438.
____________________________________________________

I. Isa-isahin ang mga hinihinging sagot sa ibaba.


A. Pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani:

1.
2.
3.

4.

B. Dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal:

5.
6.

C. Mga Bayani ng Lahi na pinagpilian na hiranging pambansang bayani:

7.
8.
9.
10.

Minumungkahing Basahin:
Iniego, Florentino A. Jr. Ang “Ikalawang Paglilitis” kay Jose Rizal: Ang Pagpapasa ng Batas
Republika 1425. Unpublished manuscript.
Ocampo, Ambeth R. 2008. Rizal Without the Overcoat. Anvil Publishing Inc. Pasig City,
Philippines.

Mga Sanggunian:
Danganan, Regina G.(2017) Jose Rizal: Ang Pilipino Para sa mga Pilipino. Unang Edisyon .
Iniego, Florentino A. Jr. Ang “Ikalawang Paglilitis” kay Jose Rizal: Ang Pagpapasa ng Batas
Republika 1425. Unpublished manuscript.

Nazareno Isagani , et al.(2019) Aklat-Manual Tungkol sa Buhay at Mga Ginawa ni Rizal.


Ortega, Daniel S. Discourse of Rizal Course
San Andres, Teody C., et al. (2019) Jose Rizal Bayaning Lahi. Binagong Edisyon.
https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/ang-batas-rizal-ra-1425/
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/341496/paalala-ng-palasyo-walang-
sabong-karera-ng-kabayo-jai-alai-sa-rizal-day/story/
https://www.scribd.com/doc/76408835/RA-1425-memo-247

https://www.scribd.com/doc/242729431/Pagpili-at-Paghahayag-Ng-Pambansang-Bayani
https://rizaluste.wordpress.com/rc-1-5-2/rc-1-5/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/09/talambuhay-ng-mga-bayaning-pilipino.html

You might also like