Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

University of Perpetual Help System Manila – JONELTA

Senior High School Department

Wikang Pinaslang: Isang pag-aaral sa Persepsyon ng mga mag-aaral ng


ika-11 na baitang mula sa strand na STEM ng Perpetual Help College
of Manila, taunang pang-akademiko 2020-2021 ukol sa pagtatanggal ng
mga kaugnay naassignatura sa pag-aaral ng wikang Filipino sa
Kolehiyo

Isang Pananaliksik
Na Iniharap sa
Mga Guro ng Senior High School
University of Perpetual Help System Manila
Lungsod ng Maynila

Bilang Parsyal na Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa


At Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina

Gilo, Shalimar D.
Majadora, Princies Daniela B.
Maramba, Aeragon L.
Orata, Anthony R.

Abril 2021
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
DAHONG PAMAGAT i
TALAAN NG NILALAMAN ii
TALAAN NG TALAHANAYAN iii

KABANATA #
1 ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO 1

Panimula 1
Teoretikal na Balangkas 3
Operasyunal na Balangkas 6
Paglalahad ng Suliranin 7
Layunin ng Pag-aaral 8
Saklaw at Limitasyon 8
Kahalagahan ng Pag-aaral 9
Katuturan ng Katawagan 10

2 REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL # 13

Isyu sa Pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo 13


Mga asignaturang Filipino sa Kolehiyo 14
Kurikulum ng Senior High School 14
Kaalaman ng mga Pilipinong mag-aaral sa wikang Filipino 16
Isyung Kinakaharap ng wikang Filipino 17
Mga Dahilan sa Pagtatanggal ng Asignaturang kaugnay sa wikang Filipino 18
Positibong epekto ng Pagtatanggal sa asignaturang Filipino 19
Negatibong epekto ng Pagtatanggal sa asignaturang Filipino 20
Kahalagahan ng wikang Filipino 21
Sintesis ng Pag-aaral 22
Puwang ng Kailangang Bigyan ng Pansin sa Pag-aaral 23

3 PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK 24

Disenyo ng Pananaliksik 24
Paghahanguan ng Datos 24
Ang Respondente ng Pananaliksik 25
Instrumento at Balidasyon 25
Pamaraan ng Pagkalap ng Datos 26
Etikal na Konsiderasyon ng Pananaliksik 27
Treatment at Pag-aanalisa ng Datos 28

TALASANGGUNIAN 29
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
TALAAN NG TALAHANAYAN

Pigura Pangalan ng Pigura Pahina

1 Ang teoryang Common Underlying Proficiency ni Cummins 3


2 Ang teoryang Threshold ni Cummins 5
3 Konseptual na Tularan 6
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Wikang Filipino, isa sa mga simbolo ng ating identidad bilang mamamayan ng

ating bansa, at bilang mga Pilipino, nararapat lang na matutunan natin at payabungin ang

sariling wika natin. Ito ang nagsisilbing istandard na wika, upang magkaroon ng isang

organisadong pagkikipagtalasan sa iba pa nating mamamayan, maging sa iba’t ibang

lalawigan at lungsod sa Pilipinas. Kaya naman, ang asignaturang Filipino ay isa sa mga

kinakailangang yunit na kailangan makamit ng isang mag-aaral, simula sa baiting ng

kindergarten hanggang sa mga unang taon ng kolehiyo. Mayroon din nakalaang digri

ukol sa mga nais pumasok sa propseyon tungkol sa ating wika, at mayroon din namang

mga guro at propesor sa kolehiyo na nagtuturo sa kaligiran ng wikang Filipino

Naging opisiyal na wika ng ating bansa sa bisa ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, na

hinango sa pook-sapot ng officialgazette.gov.ph (n.d.), kung saan nakalahad, “Ang

wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat

payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang

mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring

ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang

ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na

komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.”

Dati nang isinama sa kurikulum ng kolehiyo ang mga assignaturang kinalaman sa

wikang Filipino, at ang mga paraan ng pagsulat ng Akademikong sulatin. Ayon sa


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Kautusang Pangministri Bilang 22 na ipinatupad ni Kalihim Juan Manuel (1982), ang

dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, isinama ang assignaturang Pilipino sa

kurikulum ng pandalubhasang antas: Anim (6) na yunit para sa palalatuntuning aralin, at

labindalawang yunit (12 units) naman para sa kursong pangturo.

Ngunit, ayon sa balita iniulat ni Ravello (2019) na napanindigan ng Korte Suprem

sa pamamagitan ng pagkakaisang boto, ang pagkakonstitusyonalidad ng CHED

Memorandum Order No.20, kung sa nakalahad ang pagtatanggal ng mga asignaturang

Filipino at Panitikan bilang bahagi ng mga medyor na asignatura sa kurikulum sa pang

tersariyang antas. Sari-saring mga reaksiyon ng ilang organisasyon, pati mga propesor at

mga kaguruan sa larangan ng asignaturang Filipino ay ilan sa mga hindi sumang-ayon sa

plano ng CHED

Dulot ng modernisasyon, impluwensiya ng dayuhang wika at ang paraan ng

pagkatuto at pagtuturo, tila nangangamba ang ating wikang pambansa dahil sa planong

pagtatangal nito sa kurikulum sa Kolehiyo. Marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi

lubos na nauunawan ang gramatika ng wikang Filipino. Kaya’t ang mga mananliksik ay

nagnanais na pag-aaralan ang magiging reaksyon ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng

mga kaugnay sa asignatura sa wikang Filipino sa kolehiyo. Magsisilbing kasagutan itong

pag-aaral na ito sa maaaring maging epekto nito sa wika at sa pagkilala at pagkatuto natin

sa paggamit nito sa pang araw-araw na diskurso.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Teoretikal na Balangkas

Pigura 1: Ang teoryang Common Underlying Proficiency ni Cummins

Ang teoryang makikita mula sa itaas ay isang teorya na ipinapakita sa anyong

iceberg, kung saan ipinapahiwatig ang kaugnayan ng pagkatuto ng isang indibidwal sa

dalawang wika: ang una at pangalawang wika. Ayon sa teorya ni Cummins (n.d) na

kinilala ni Baker (2011), isinasaad sa teoryang ito na ang mga kaalaman ng isang

indibidwal ay maaaring gamitin upang matutunan pa ang isang wika. Isinaad din ni

Cummins (n,d) na ang pag-unlad ng isang indibidwal sa pagkatuto sa pagkatuto sa

ikalawang wika ay naka depende sa kaalaman na nalinang sa pagkatuto sa unang wika.

Kaugnay sa teoryang ito ayon kay Cummins (n,d), makakatulong rind ang lebel na

kaalamang nalinang ng isang indibidwal upang matutunan ng husto ang ikalawang wika.

Hindi pa sapat ang kaalaman ng bawat Pilipino sa kaligiran at gramatika ng

wikang Filipino dahil sa mga umiiral ng banyagang wika sa panahon ng kontemporaryo

dulot ng globalisasyon. Marapat lang na mapahalagahan ang wikang Filipino, lalo na sa


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
pagsasalin sa iba’t ibang wika at paghihirang sa wika bilang wikang intelektuwalisado.

Ayon kay Virgilio Almario sa isang artikulo na isinulat ni De la Cruz (2020), na

kailangang ipagmalaki ang wikang pambansa at magamit dapat ito sa iba’t ibang larangan

upang tumaas ang antas ng ating wika at mas lalo pa itong umunlad.

Ayon naman kay Wennie Fajilan na binigyang halaga din sa artikulo ni De la

Cruz (2020), kailangang isulong ang propesyonalisasyon sa pagsasalin ng wika, at

nakapaloob ditto ang pagpapahalaga at pagkadalubhasa. Dagdag pa, hindi sapat na

nabibigyang halaga ang mga tagapagsalin ng wika dahil kung minsan hindi nabibigyan

ng kabayaran ang mga taong naatasan sa pagsasalin ng wika.

Ito sa mga dahilan kung bakit kailangan mapanatili ang pagkakaroon ng mga

assignaturang may kaugnayan sa wikang Filipino, dahil hindi pa lubos na nauunawan ng

karamihan ang tungkol sa wika. Batay na rin sa nasabing wika, nakadepende sa

pagkakatuto natin sa unang wika ang pagtuto sa ikalawang wika, kung saan ang wikang

Ingles ang tinutukoy na siyang ginagamit bilang wika sa pagtuturo at pagkatututo.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

Pigura 2: Ang teoryang Threshold ni Cummins

Ang teoryang Threshold ni Cummin (1979b) ay tumatalakay naman sa balanseng

pagkatuto ng isang indibidwal sa una at pangalawang wika. Makikita sa pigura na

nahahahati ang pagunlad ng isang indibidwal sa dalawang wika: (1) Unang Threshold –

mababa lamang ang kakayanan ng isang indibidwal sa dalawang wika, (2) Ikalawang

Threshold – sapat ang kakayanan ng isang indibidwal sa isang wika lamang, at (3) Top

Floor – sapat na ang kakayanan at kaalaman ng isang indibidwal sa dalawang wikang

pinag-aaralan, at maaaring positibo ang kognitbo nito. Katulad sa naunang teorya,

binigyang-diin din sa teoryang ito na mahalaga na lumago ang kakayanin natin sa unang

wika, na siyang Filipino, upang mas makayanan nating matutunan ang ikalawang wika.
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Operasyunal na Balangkas

Pigura 2: Konseptual na Tularan

Sa Pigura 2, makikita ang balangkas ng proseso, na inilikha ng mga mananaliksik

sa tungkol sa pag-aaral upang makatulong sa pagpapasakatuparan ng pag-aaral, at sa

pigurang ito inihahanay at pinag-uugnay ng mga mananaliksik ang koneksiyon ng mga

konsepto na gagamitin sa pag-aaral.

Sa isyu ng pansamantalang pagtatanggal sa assignaturang Filipino sa kurikulum

ng Kolehiyo, nais ng mga mananaliksik na makuha ang persepsiyon at opinyon ng mga

piling mag-aaral ng Senior High ukol dito. Sa pamamagitan ng pangagalap ng datos tulad

ng interview, makakakuha ng mga kasagutan hindi lamang sa bawat opinion, pati na rin

ang mga negatibo at positibong epekto ng pagtatanggal sa assignaturang Filipino sa

Kolehiyo. Nakasaad din sa pigura ang mga negatibo at positibong epekto ukol sa isyu na

ito sa edukasyon (Mababawasan ang mga kakailanganin ng yunits sa Kolehiyo, maaaring


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
makapagdagdag pa ng mga ibang assignatura sa kurikulum, hindi pa sapat ang kaalaman

ng mag aaral sa pagkilala at paggamit ng wikang Filipino).

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay kinakailangang mahingi ang persepsiyon ng mga

mag-aaral sa patatanggal ng asignaturang may kinalaman sa wikang Pilipino. Maraming

magiging saklaw ng pag-aaral nito. Gayunpaman, ang mga mananaliksik ay masusi at

masikap na pinag-aaralan ang mga suliranin at katanungang kailangan sagutin upang

maisakatupuran ang hinihingi ng pag-aaral na ito. Ang mga sumusunod na bilang ay ang

mga suliranin at katunungan sa pag-aaral:

1. Gaano ba kahalaga ang mga asignaturang may kinalaman sa ating wika?

2. Ano ang mga opinion ng mga –aaral ukol sa isyu na ito?

3. Ano ang magiging epekto nito sa ating wika, kultura, at pag-aaral


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tinutukoy ang importansiya ng Wikang Pinaslang: Isang pag-aaral

sa Persepsyon ng mga mag-aaral ng ika-11 na baitang mula sa strand na STEM ng Perpetual Help

College of Manila, taunang pang-akademiko 2020-2021 ukol sa pagtatanggal ng mga kaugnay na

assignatura sa pag-aaral ng wikang Filipino sa Kolehiyo.

1. Maipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino sa Kolehiyo

2. Makalap ang mga reaksiyon at perspektibo ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng

assignaturang Filipino sa kolehiyo

3. Mabigay ng kamalayan sa bawat mag-aaral sa mga kasalukuyang hamon na kinaharap ng

ating wika

4. Layunin din ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng pagtatangal ng wikang

Filipino sa pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Ang pananliksik na ito ay naglalayong mapag-aralan ang mga sanhi at epekto ng

pagtatanggal ng mga asignaturang at ilang yunits na may kinalaman sa wikang Filipino sa

kolehiyo. Sinusukat nito ang magiging persepsiyon at opinyong ng mga mag-aaral ukol

sa lumalaganap na ganitong isyu sa larangan ng wika at edukasyon. Hangga’t maaari, ang

mga mag-aaral ang magiging saklaw ng nasabing pananaliksik, at ang kanilang opinion

lamang hihingiin ng mga mananaliksik upang maisakatuparan ang mga hinihingi ng

pananaliksik. Ang mga inaasahang respondante ng pananaliksik ay manggagaling sa mga

mag-aaral ng Baitang ika-12 ng Departamento ng Senior High, mula sa Perpetual Help

College of Manila.
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng isang maikling kaalaman tungkol sa Wikang

Pinaslang: Isang pag-aaral sa Persepsyon ng mga mag-aaral ng ika-11 na baitang mula sa strand

na STEM ng Perpetual Help College of Manila, taunang pang-akademiko 2020-2021 ukol sa

pagtatanggal ng mga kaugnay na assignatura sa pag-aaral ng wikang Filipino sa Kolehiyo. Nawa

ang pag-aaral na ito ay maging isang malaking tulong sa mga sumusunod na tao:

Para sa mga Guro, Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong kung paano nila

matutulungan ang kanilang sarili mapanatili ang kanilang mga trabaho sa pagtuturo.

Makakatulong rin ito sa mga guro kung paano mapahalagahan pa lalo ang Wikang Filipino sa

kolehiyo.

Para sa mga estudyante sa kolehiyo. Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa

mga estudyante lalo na sa mga hindi gaano gamay ang pananalita sa Wikang Filipino.

Inaanyayahan ang mga estudyante ng pananaliksik na ito na mahasa lalo ang kaalaman at

pananalita gamit ang Wikang Filipino.

Para sa mga mananaliksik na magsasagawa ng pagsasaliksik na malapit sa aming paksa.

Ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing isang sanggunian at ito rin ay magsisilbing isang

escort para sa mga mananaliksik sa hinaharap.

Gayundin, makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mananaliksik, mismo, sa pag-

unawa sa mga kadahilanan na maaaring o hindi makakaapekto sa paraan ng magulang na

makilala ang kanilang anak na nagdurusa mula sa pagkalungkot. Bukod dito, ang pag-aaral na ito

ay maaaring magbigay ng ilaw sa mga mananaliksik na maaari nilang maunawaan ang dahilan sa

likod ng ilang mga pananaw at pananaw ng mga magulang sa pagkalumbay.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Katuturan ng Katawagan

 Akademikong sulatin - isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng

mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang

kanilang mga nalalaman sa ibang tao

 Asignatura - isang sangay ng kaalaman na pinag-aaralan o tinuturo sa

eskwelahan, kolehiyo o unibersidad.

 CHED (Commission on Higher Education) – isang ahensiya na sumasaklaw ito

ng kapuwang pampubliko at pampribadong mga institusyon ng mas mataas na

edukasyon gayon din ng mga kursong inaalok sa lahat ng mga institusyong pang-

edukasyon ng mas-mataas na edukasyon sa bansa.

 DepED (Department of Education/ Kagawaran ng Edukasyon) - ay ang

departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa

pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas

 Experiment - isang pamamaraan na isinagawa upang suportahan, pabulaanan, o

patunayan ang isang teorya

 General Education - isang programa ng edukasyon (tulad ng ilang mga liberal na

sining na kolehiyo at mga paaralang sekondarya) na inilaan upang paunlarin ang

mga mag-aaral bilang mga personalidad sa halip na bihasang mga dalubhasa at

magpadala ng isang pangkaraniwang pamana sa kultura

 Kindergarten - isang pamamaraan ng pagtuturo sa preschool (o bago ang

eskuwelahan) na tradisyunal na nakabatay sa paglaro, pag-awit at mga praktikal

na gawain tulad ng pagguhit at pakikipag-ugnayan bilang bahagi ng paghahanda

sa pagbabago mula tahanan patungong paaralan.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
 Kolehiyo - isang institusyong pang-edukasyon o pagtatatag, lalo na ang

nagbibigay ng mas mataas na edukasyon o dalubhasang pagsasanay sa

propesyonal o bokasyonal

 Konstitusyon - isang pangkat ng mga prinsipyong saligan o pundamental o

nailunsad at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan o inaalinsunuran kung

paano pinamamahalaan ang isang estado o iba pang organisasyon

 Konstitusyonalidad - Isang kondisyon kung saan ang isang tao, grupo ng tao, o

bansa ay kumikilos batay sa isinasaad ng konstitusyono saligang batas.

 Kurikulum - isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may

resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang

pampagkatuto.

 Motion for reconsideration - ay isang pangunahing pagkakataon upang humingi

ng kaluwagan mula sa isang Utos ng Hukuman

 Programang K-12 - ito ang programang ipatutupad ng pamahalaan at ng

kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang

pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa

buong mundo

 Senior High School - karagdagang dalawang taon ng pag-aaral na may

kinalaman sa ispesipikong kurso na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa

kolehiyo o maaring sa negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

KABANATA II
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito binibigyang pansin ang mga kaugnay na literature at pag-aaral

na magbibigay suporta at patunay sa mga detalye ng pananaliksik na ito. Ang mga

mananaliksik ng pag-aaral na ito ay gumamit iba’t ibang punto-de-vista at perspektibo

upang maging batayan ng komprehensibong pag-aaral na ito upang maglahad ng

mabusisi at pinag-aralang tritment sa suliraning pinapaksa. Mga konsepto, natuklasan,

teorya, at napag-aralang paniniwala, mula sa mga iskolaryong pananaliksik at mga

artikulong may kaugnayan sa Persepsyon ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng mga

kaugnay na asignatura sa wikang Filipino sa kurikulum ng kolehyo ang ipinirisinta upang

maglahad ng mas malalim na basehan sa pag-aaral at mabigyang-katuturan ang pagiging

obhetibo ng mga mananaliksik na sumasagawa sa pag-aaral na ito.

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad din ng sintesis ng mga kaugnay na

literature at pag-aaral na maaaring mapatunayan, mapagtuunan ng pag-aaral, o mapataas

pa ang kalidad gamit ang mga bagong kaalaman na mailalahad ng pananaliksik na ito.

Isyu sa Pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Ayon sa pook-sapot ng Commission on Higher Education (2018), inihayag ng

Korte Suprema noong Oktubre 9, 2018 ang pagiging konstitusyonalidad ng CHED

Memorandum Order No. 13, series of 2013, na tinatawag din na “General Education

Curriculum Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies”, kung saan

hindi isasama sa kurikulum ng kolehiyo ang pag-aaral sa wikang Filipino, Pantikan, at

ang Konstitusyon ng Pilipinas. Inisyu ng CHED ang order ng memorandum na ito noong
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Hunyo 28, 2013, kaalinsabay ng implementasyon at pagsisismula ng bagong kurikulum,

ang programang K-12 sa taunang akademiko 2012-2013.

Mga asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Ayon sa pook-sapot ng CHED (2018), sa dating kurikulum ng kolehiyo, ang mga

asignaturang may kaugnayan sa wika at sa mataas na antas na pag-aaral sa wikang

Filipino, ay nabibilang sa mga core subjects ng Kolehiyo sa anumang kurso. Ito ay ang

Filipino 11 o Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino) na may tinatayang

tatlong (3) yunits, kung saan tumatalakay sa estraktura, gamit, katangian, at kahalagahan

ng wikang Filipino sa larangan ng akademiko. Ang isa naman ay ang Filipino 12 o

Filipino 1 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) na may tatlong (3) yunits rin, ay

tumatalakay naman sa kasanayan sa pagbasa at pasulat bilang paghahanda sa anumang

paggawa ng pananaliksik.

Ngunit, dahil sa CHED Memorandum Order no. 20, series of 2013 na nakasaad

din sa pook-sapot ng CHED (2018), at sa pag-iiral ng programang K-12, ang mga yunits

ng mga asignaturang nabanggit ay nailipat na sa kurikulum ng Senior High School.

Kurikulum ng Senior High School

Ayon sa RA 10533 ng Saligang Batas ng Pilipinas (2013), inilunsad ang

programang K-12, kung saan pinalitan nito ang dating Basic Education Curriculum.

Ayon naman kila Briliantes, et. Al (2019), layunin ng programang ito na mapabuti at

mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa bansa, at makapagprodyus is ng mga kompetitib

na Filipino sa bansa at sa anumang panig ng daigdig. Sa pagpapatupad ng programang


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
ito, nadagdagan ng dalawang taon ang antas ng secondarya: mga baitang 11 at 12 o

maaaring tawaging Senior High School. Inilahad ng Senior High School Bulletin (2015)

ang pagkakahati ng Senior High School sa apat (4) na track, kung saan ang mga ito ay

mga sumusunod: Academic Track (ABM – Accounting, Business , and Management;

GAS - General Academic Strand; HUMMS – Humanities and Social Sciences; at STEM -

Science, Technology, Engineering, and Mathematics), TVL o Technical-Vocational-

Livelihood track (Agri-FisheryArts, Home Economics, Information and Communications

Technology, at Industrial Arts), Arts and Design Track, at ang Sports Track.

Ayon naman sa Senior High School in the Philippines: Curriculum Breakdown

(2017), nahahati sa tatlong klasipikasyon ang mga kinakailangang asignatura sa antas ng

Senior High: Core Subjects – mga asignaturang kinakailangang matutunan sa kahit

anong strand, at maaari rin itong mahalintulad sa mga asignaturang general education

(GE) sa kolehiyo; Applied Subjects – katulad rin ng Core na asignatura, kinakailangan

din ito ng lahat ng mag-aaral sa Senior High, ngunit nakalaan ang aplikasyon nito sa

isang partikular na track at strand; at ang panghuli, ay ang Specialized subjects naman ay

ang mga asignaturang nakalaan lang sa isang tiyak na track at strand ng Senior High.

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, at ang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, ay nabibilang sa mga

Core subjects; habang ang Pagsualt sa Filipino sa Piling Larangan naman ay kabilang sa

mga Applied subjects. Nang dahil sa pagpapatupad ng CHED Memorandum Order no.

20 s. 2013, ang mga asignaturang ito na dating kabilang sa kurikulum ng kolehiyo, ay

nailipat sa kurikulum ng Senior High School upang maiwasan ang pag-uulit ng


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
asignatura, lalo pa’t ang asignaturang Filipino ay nabibilang din sa mga core subjects

mula primaryang antas hanggang baiting 10 (CHED on the Supreme Court Decision on

the removal of Filipino from the New General Education Curriculum, 2018).

Kaalaman ng mga Pilipinong mag-aaral sa wikang Filipino

Ayon sa Artikulo 14, Seksiyon 6 ng Saligang batas ng Pilipinas, nakasaad dito na

Filipino ang siyang pambansang wika ng Filipino na dapat pagyamanin pa sa gitna ng

mga umiiral na wika sa bansa. Ayon naman sa Artikulo 14, Seksiyon 7, na ang Filipino

ang siyang dapat ding gamitin sa komunikasyon at pagtuturo (Ang Konstitusyon ng

Republika ng Pilipinas, 1987)

Ngunit, ayon naman sa Executive Order no. 210, s. 2003 (2003), bukod sa

Filipino, ginawang wikang panturo rin ang wikang Ingles, na siya naman iniatas ni Pang.

Gloria-Macapagal Arroyo.

Dahil sa pag-iral ng moderisasyon at globalismo, tila patuloy ang pagtangkilik ng

mga Pilipino sa ibang wika, dulot na rin ng impluwensiya. Sa isang experiment na ginawa

sa documentaryo ni Malou Mangahas (2014) sa Investigative Documentaries, iilan

lamang sa mga salitang Ingles ang naisalin sa Filipino ng mga napiling kalahok sa

experiment.

Ayon sa The National Achievement Test in the Philippines (2013), base sa isang

resulta ng National Achievement Test sa taong akademiko mula 2007-2012, malaki ang

pagbasa ng iskor na nakuha sa pagsusulit ng Filipino mula sa mga-aaral sa iba’t ibang

panig ng bansa. Ang ikatlong baitang (Grade 3) ay nakakuha ng pangkalahatang average


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
na 58.73 sa Filipino mula taong 2007 hanggang 2012, habang ang ika-anim na baitang

(Grade 6) ay nakakuha ng pangkalahatang average na 65.58 mula 2007 hanggang 2012.

Sa antas naman ng sekondarya, ang taong akademikong 2005-2006 ay nakakuha ng

pangkalahatang average na 40.51, at sa taong akademikong 2011-2012, ito ay nasa 51.27

na pangkalahatang average. Isang implikasyon nito ay hindi pa sapat ang kaalaman at

kumprehensiyon ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa mga nasabing taon.

Isyung Kinakaharap ng wikang Filipino

Maraming suliranin ang kinakaharap ang pag-unlad ng wikang pambansa hindi

lang dahil ito sa impluwensiya ng pagdagsa ng iba’ ibang wika dulot ng globalisasyon at

kolonyalismo, ngunit pati na rin sa konteksto ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral

dito.

Sa konteksto ng pagtuturo ng wikang Filipino, inilahad ni Timbreza (1987), na

may apat na mali sa pagtuturo ng wikang Filipino.

Una, hinahayaang umunlad bago pa ito gamitin sa pagtuturo. Ayon sa may-akda,

sa pamamagitan lamang ng paggamit nito ang magiging paraan upang ang isang wika ay

umunlad. Kung pababayaan lang na umunlad nalang ang isang wika nang hindi ito

patuloy na gagamitin ay isang pagtatanggi upang ang isang tao ay maging bahagi sa

tungkulin ng paggamit ng kanyang wika. Kapag patuloy na ginagamit ang wikang

Filipino ay mas lalong yayabong pa ito.

Pangalawa, isa pa sa mga suliranin sa pagtuturo ng wikang Filipino, ay ang

kakulangan sa wikang pambansa kaya naman hindi pa maaaring ituro ito. Pangatlo, may
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
mga salitang Ingles ay wala pa ring katumbas na salin sa wikang Filipino kaya’t

maraming mga salitang Ingles na kahalintulad lang ang pagkakabigkas sa wikang

Filipino, at pang-huli, may kakulangan pa rin sa mga batayang aklat ukol sa wikang

Filipino kaya naman karamihan sa mga guro ay nahihirapan sa pagtuturo nito.

Bukod pa sa mga ito, isa pang balakid ukol sa pagkatuto at pagtuturo ng wikang

Filipino, ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng alinmang

asignatura. Sa kasalukuyan, nagagamit lang ang wikang Filipino sa pagtuturo sa mga

asignaturang Araling Panlipunan at Filipino. Ayon sa Executive Order no. 210, s. 2003,

ipinagtibay nito ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa sistema

ng edukasyon sa Filipino.

Mga Dahilan sa Pagtatanggal ng Asignaturang kaugnay sa wikang Filipino

Isa mga dahilan ng CHED sa pagtatanggal ng mga asignaturang may kaugnayan

sa wikang Filipino ay ang pagpapaigting ng mga asignaturang GE (General Education),

at sinisigurong walang mga asignatura ang maulit muli sa kurikulum ng kolehiyo.

Isinasaad ng CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013, na ang mga asignaturang

Filipino ay kinakailangang kamtin ng isang mag-aaral mula sa Basic Eduction (mula

baitang ng Kindergarten hanggang sa mga baitang ng Senior High School).

Ayon sa balita ni Cruz (2014) sa kanyang ulat sa ABS-CBN news, inilahad niya

dito ang pahayag ni Sonny Coloma, isang Communications Secretary na CHED. Ayon

kay Coloma, isa sa mga dahilan kung bakit tinanggal ang asignaturang Filipino ay ang

implementasyon ng programang K-12, kung saan nailipat dito ang mga asignaturang
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Filipino na noo’y galing sa Kolehiyo. Nais raw ng CHED at DepEd na bigyang katuwiran

ang pagtuturo, kung saan ililipat nalang sa Senior High ang mga nabanggit na asignatura

at paigtingin pa ang GE.

Sa kabila nito, samu’t saring pagtanggi ang umusbong sa ilang organisasyong

nagpalawig ng wika dahil sa naturang isyu. Dahil sa isyung ito, nabuo ang Alyansa ng

mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika. Ayon sa Tanggol Wika

(2014), ang naturang alyansa ay nagsampa ng kaso laban sa pagpapatupad ng CHED

Memorandum Order No. 20, s. 2013 sa korte suprema dahil sa pagiging anti-Filipino

nito. Ngunit ayon sa The Varsitarian (2019), sinabi ng Tanggol Wika na hindi naging

patas ang pagbabasura ng Korte Suprema sa motion for reconsideration sa pagtanggal ng

asignaturang Filipino sa kurikulum ng Kolehiyo.

Positibong epekto ng Pagtatanggal sa asignaturang Filipino

Pagkabawas ng kakailanganing Yunits

Ayon kay Espinosa, et. Al (2015), inihayag ng CHED na ang pagpapatupad ng

pagtatanggal sa asignaturang Filipino ay dahil sa implementasyon ng programang K-12,

kung saan ililipat ang ibang GE (General Education) subjects sa kurikulum ng Senior

High, at isa sa mga planong tanggalin ay ang asignaturang may kaugnayan sa wikang

Filipino at panitikan. Nais rin paigtingin ng CHED ang rerebisa sa GE. Dahil sa

pagtatanggal ang asignaturang Filipino at Panitikan, mababawasan pa ang mga yunits na

kakailanganin para sa GE, at ito ay magiging 36 na yunits na lamang.

Dagdag pa ni Tomacruz (2018), ito ay upang makapagtakda ang CHED ng mga

minimum na pangangailangan para sa mga programang pang-akademiko sa kolehiyo at


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
pati na rin ang mga propesyonal na asignatura para sa mga digri na nangangailangan ng

lisensiya.

Negatibong Epekto ng Pagtatanggal ng asignaturang Filipino

Pagkawalan ng Trabaho ng mga guro at propesor sa larangan ng Filipino

Maaaring makakabawas nga ng mga yunits na kakailanganin sa kolehiyo at mas

makakapagpokus pa sa ibang asignatura kung tatanggalin ang asignaturang Filipino,

ngunit maaaring maapektuhan naman ang mga guro sa larangan ng Filipino sa kolehiyo.

Ayon kay Ong (2018), ang pagtatanggal ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo ay

magiging isang pagsubok sa mga pinangangambahang 10,000 guro na nagtuturo ng

Filipinong asignatura.

Ngunit ayon naman kay Espinosa, et. Al (2015), sa kabila ng pinangangambahang

pagkawalan ng trabaho ng mga gurong sakop ng isyung ito, may inilaan ang CHED na

pagsasanay para sa mga gurong sangkot, upang makapagturo pa ang ilang guro sa

pagbabago sa kurikulum sa kolehiyo, at maaaring makakuha pa ng bagong kaalaman sa

pagtuturo bukod sa asignaturang Filipino.

Pagkawalan ng Identidad sa wika at kultura

Bukod sa maaaring maapektuhan ang mga kaguroan sa larangan ng wikang

Filipino, mas malaki rin ang epekto lalo na sa ating wika at pati na rin sa ating identidad

bilang Pilipino. Ayon kay Jimeno (2014), kung hindi ipagpapatuloy ang pagtuturo ng

wikang Filipino hanggang kolehiyo, maaaring makalimutan at makaligtaan ito ng mga

taong hindi Filipino ang naging unang wika.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Inihayag naman ni Zimmerman (2016) na ang isang wika ay kahalintulad din ng

mga species, na kapag napabayaan ay maaaring maging mawala at mamatay rin sa

lipunan. Dagdag pa niya, magiging isang extinct ang isang wika, kung patuloy na

gagamit ang mga tao ng dayuhan wika, kahit pa hindi tayo naging kolonyal ng isang

wikang istandard sa buong mundo.

Kahalagahan ng wikang Filipino

Ayon kay PHILGEN (2010), upang baguhin ang isang bagay, dapat mayroong

isang paraan ng pagpunta nito at upang mapunta ito doon dapat mayroong isang

mapagkukunan. Ang pagiging Pilipino ay isang bagay na dapat nating nasiyahan, ang

pag-aaral ng wika ay makabuluhan sa pagsulong ng tauhang Filipino at pakiramdam ng

'Pinoy Pride'.

Ang kasaysayan ng wikang Filipino ay isang laban para sa ating mga ninuno. Ang

wika, sa kanila, ay nangangahulugang kalayaan. Ang dugo at tinta ay ibinuhos para

ideklara ang aming mga karapatan sa kalayaan. Ang pakikibaka ng pagmamay-ari ng

pagkakakilanlan, pagkamamamayan para sa ating bayan at isang wika para sa ating bansa

ay nagbigay inspirasyon sa ating mga pambansang bayani, lalo na ang ating pinaka-

galang, si Dr. Jose P. Rizal. Nagbuhos siya ng tinta sa pamamagitan ng kanyang mga

nobela, liham at tula upang maniwala ang ating mga tao sa kanilang sarili ngunit ang

kabalintunaan ay, pagkatapos lamang niyang malaglag ang kanyang sariling dugo na sa

huli ay natanto ito. Nagkaroon ng labis na kontrobersya nang nais ng mga Espanyol na

ideklara ang Espanya bilang wikang Pambansa ng Pilipinas, samakatuwid ay nabuo ang
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
isang komite sa Pilipinas na nagdeklara noong 1935 upang pumili ng isang pambansang

wika. Ang Pilipinas ay mayroong maraming mga dayalekto na maihahalintulad sa

Nigeria o China, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga tribo, rehiyon at mga sinaunang bansa

na magkakasama na hindi katulad ng Pransya o Portugal kung saan isang pangunahing

wika lamang ang nangingibabaw na ginagamit.

Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura

Mula sa mga naunang ipinaliwanag na mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

mabusising inorganisa at inilahad ng mga mananaliksik, nagsilbi itong daan upang ang

mga mananaliksik ay makabuo ng konsepto ng pag-aaral ng mga persepsiyon ng mga

mag-aaral ukol sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo

Batay sa mga literatura, ang isang nangingibabaw na dahilan pagtatanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo ay ang implementasiyon ng programang K-12, dahil

nailipat dito ang karamihan sa mga core subjects ng kolehiyo. Kaalinsunod nito ang

pagbuo ng memorandum order na naglalayong tanggaling ang wikang Filipino at

makapagpokus pa sa ibang asignatura na kakailanganin ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

Maaaring isang magandang hakbangin ito sa pagpapaunlad ng sistema ng

edukasyon sa ating bansa, ngunit ang mga ganitong isyu ay maaaring makasira sa wika at

pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Bukod pa dito, umiiral din sa ating bansa ang iba’t

ibang interes natin sa ibang wika, at hindi na nabibigyang pansin ang wikang pambansa,

na siyang dahilan ng pagkakaunawan ng bawat Pilipino sa pang-araw-araw na

komunikasyon.

Puwang ng Kailangang Bigyan ng Pansin sa Pag-aaral


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Batay sa mga nakalap ng mga kaugnay na literatura patungkol sa pag-aaral,

napansin ng mga mananaliksik na hindi pa sapat ang mga iskolarling pag-aaral ukol sa

isyu. Mas magiging mainam kung ang ganitong uri ng isyu ay gagawan pa ng mga pag-

aaral dahil kakaunti lamang ang mga pananaliksik at mga kaugnay na literatura kung

dapat nga bang tanggaling ang asignaturang Filipino sa kolehiyo o sapat na ba ang mga

asignaturang inilaan sa antas ng Senior High School. Dapat din magkaroon ng pag-aaral

ukol sa kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang Filipino na siyang magiging basehan rin

sa pagpapatupad ng naturang isyu


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

KABANATA III
PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng kwantitabong paraan ng

pananaliksik, dahil sa layong hingiin ang mga mga persepsyon at opinyon ng mga

mapipiling respondante. Sa pamamagitan ng metodong ito, masusuri at mangangalap ng

mga mananliksik ang mga persepsyon at mga opinyon ng mga respondante ukol sa

pagtatanggal ng mga kaugnay na asignatura sa wikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Hindi lang ang mga persepsyon ng mga mag-aaral ang hinihingi ng mga mananaliksik,

kundi pati na rin ang kanilang mga dahilan sa kanilang opinyon, at ang mga magiging

epekto sa wika sa pagpapatibay ng naturang isyu.

Ayon kay Valdez (2019), ang kuwalitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa

malalim na pagsisiyasat sa pag-uugali, penomena, ugnayan ng mga tao at ang mga

dahilang gumagabay sa mga ito. Ang paraang ito ay nakapokus sa pag-aanalisa ng mga

naratibo at karanasan ng isang tao ukol sa umiiral na penomenon.

Paghahanguan ng Datos

Ang mga paghahanguan ng pag-aaral na ito ay manggagaling mula sa primarya at

sekondaryang datos. Ang mga primaryang datos ng pag-aaral na ito ay manggaling mula

sa mga respondente, at ang kinalang mga mahahalagang impormasyon at persepsiyon

ukol sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa kabilang banda, ang mga

sekondaryang hanguan ng datos naman ay karaniwang makikita sa ikalawang kabanata,

na nagmula sa mga balita, artikulo, pananaliksik, mga video, at mga pook-sapot.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Sinisiguro ng mga mananaliksik na bibigyan ng pagkilala sa mga may-ari ng mga

hanguan ito, alinsunod sa Intelectual Property Rights Law.

Ang Respondente ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay layong makapagpokus sa mga persepsyon ng mga mag-

aaral ukol sa pagtatanggal sa mga asignaturang may kaugnayan sa wikang Filipino. Ang

mga inaasahan ng respondente sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral. Narito ang ilang

pamantayan sa pagpili ng tiyak na respondente: (1) Ang isang respondente ay isang mag-

aaral mula sa baitang labing-dalawa, (2) Nararapat lang na nabibilang ang isang mag-

aaral sa strand na STEM, (3) Dapat nakatira mula sa Metro Manila, (4) May access sa

mga elektronikong komunikasyon tulad ng Google Meet at Zoom, at (5) Ang isang mag-

aaral ay kasalukuyang nag-aaral sa Perpetual Help College of Manila- Senior High

School Department. Samantala, ang inaasahang bilang ng mga respondante ay mula 20

hanggang 30 lamang.

Dahil dito, ang sampling technique na gagamitin ng mga mananaliksik ay ang

Criterion sampling. Ayon kay Patton (1990), ang Criterion sampling ay ginamit upang

ang mga mananaliksik ay magtakda ng mga pamantayan sa pagkuha ng mga respondante.

Instrumento at Balidasyon

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng isang interview guide o talatanungan bilang

isang instrumento sa pagkalap ng datos. Ang mga mananliksik ay bubuo muna ng mga

katanungan tungkol sa pag-aaral, at ang mga katanungang ito ay naka-angkla sa


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
katanungan sa suliranin ng pag-aaral. Matapos na maiwasto ang mga katanungan para sa

interbyu, ang mga ito ay magiging gabay sa mga mananaliksik upang makapagdagdag pa

ng mga karagdagang tanong kung sakaling hindi nasiyahan ang mga mananaliksik sa mga

sagot ng respondente.

Pamaraan ng Pagkalap ng Datos

Dahil ang pananaliksik na ito ay nasa paraang kuwalitibo, magbubuo muna ang

mga mananaliksik ng mga katanungan na gagamitin para sa interbyu. Ang mga tanong na

magagawa ng mga mananaliksik ay iaangkla mula sa suliranin ng pag-aaral. Matapos

nito, sinisiguro ng mga mananaliksik na ang mga katanungang ito ay iwawasto mula sa

guro sa pananaliksik upang lubos na magamit ito at maipakita ang baliditi nito.

Pagkatapos itong maiwasto, ang mga mananaliksik ay bubuo ng interview guide, kung

saan nakasaad dito ang mga naiwastong katanungan, at magsisilbi itong basehan para sa

pagtatanong ng mga mananaliksik sa mga respondente. Sa kadahilanang ang pag-aaral na

ito ay nasa paraang kuwalitibo, ang mga interviewer o mga mananaliksik ay gagamtin gn

semi- structured na paraan sa pag-iinterbyu upang sa gayon makapagdagdag pa ng mga

follow-up na katanungan kung sakaling hindi nasiyahan ang mananaliksik sa mga

kasagutan.

Kung sakaling isang respondente ay nais makibahagi sa interview session, ang

mga mananaliksik ay magpapadala ng isang sulatroniko, kung saan nakasaad dito ang

consent form, liham ng partisipasyon, ang ang skedyul ng interview.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
Dahil sa sitwasyon ng COVID-19 at sa pagpapalaganap ng ilang protokol sa

kalusugan, minabuti ng mga mananaliksik na isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng

video meeting sa Google Meet at Zoom. Ang pag-uusap ng bawat mananaliksik sa isang

respondente ay i-rerecord sa bisa ng permiso ng mga respondente, upang mas mapadali

ang pag-aanalisa ng mga datos at pagkakabuo ng lagom at konklusyon sa ikalimang

kabanata.

Etikal na Konsiderasyon ng Pananaliksik

Responsibilidad ng mga mananaliksik na panatilihin ang pagkakapribado sa

anumang makukuhang datos mula sa mga respondente, lalo na kung ito ay patungkol sa

personal na identidad ng mga nasabing respondente. Kaya naman, bago isagawa ng

interbyu sa pagitan ng mga mananaliksik at respondente, gagawa muna ang mga

mananaliksik Dng isang permission letter o consent form upang mahingi ang permiso ng

mga interesadong respondente na nagnanais na magbigay na sagot sa hinihingi ng pag-

aaral, at magbigay ng ilang paalala na ang mga makakalap na datos ay gagamitin lamang

sa pang-akademikong sulatin. Ang mga hakbangin ito ay upang masunod ang mga

alintunin tungkol sa pribadong impormasyon na hinggil sa RA 10173 or Data Privacy Act

of 2012.

Sinisiguro ng mga mananaliksik ang pagkakapribado at kaligtasan pagkatapos ang

pangangalap ng datos upang maiwasan ang pagkakasira ng pribadong identidad ng kahit

sinumang respondente.
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

Treatment at Pag-aanalisa ng mga Datos

Matapos makakalap ng datos ang mga mananaliksik, sinisiguradong ang mga ito

ay nakarecord upang madali ang pagsasalin ng mga datos at mapadali rin ang pag-

aanalisa sa mga ito. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng tematikong paraan sa pag-

aanalisa, kung saan ang mga nakalap na datos ay isasalin muna ng maayos, at aanalisahin

ng mga mananaliksik. Hangga’t maari, ang mga mananaliksik ay bibigyang kahulugan at

mga nakalap na datos at ipapaliwanag ang mga karaniwang tema sa mga datos na nakuha.

Pagkatapos nito, bubuo naman ang mga mananaliksik ng isang lagom at kongklusyon

tungkol sa nakitang resulta para sa kumplesyon ng mga susunod na kabanata.


University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department

TALASANGGUINIAN

Andres, L. M. J., Bialza, E. A., Buerano, R. K. R., Caberto, F. A., & Lorete, K. M.
(2019). LOOKING INTO THE DIFFERENT PERCEPTIONS OF TEACHERS
UPON THE PENDING REMOVAL OF THE FILIPINO.

Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 (n.d). Nakuha noong Abril 04, 2021,
mula sa https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-
republika-ng-pilipinas-1987/

Briliantes, K.B., Orbita, A.C., Francisco-Abrigo, K.A., Capones, E. M. & Jovellanos,


J.B. (2019). Status of senior high school implementation:
A process evaluation. Nakuha noong Abril 01, 2021, mula sa
https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps1913.pdf

CHED on the Supreme Court Decision on the removal of Filipino from the New General
Education Curriculum (2018). Commission on Higher Education. Nakuha noong
Abril, 03, 2021, mula sa https://ched.gov.ph/ched-on-the-supreme-court-decision-on-
the-removal-of-filipino-from-the-new-general-education-curriculum/
.
Cruz, R. (2014). Why PH is scrapping filipino in college. Nakuha noong Marso 31, 2021,
mula sa https://news.abs-cbn.com/nation/06/17/14/why-ph-scrapping-filipino-college

Cummins, J. (n.d.). A set of theories by jim cummins. Nakuha noong Marso 31, 2021,
mula sa https://www.joanwink.com/scheditems/Cummins-ppt.pdf

Cummins, J. (n.d.). The Common underlying proficiency. Nakuha noong Marso 30, 2021,
mula sa http://www.homeofbob.com/literature/esl/cup,html

De la Cruz, J.C. (2020), Sapat ba ang kaalaman natin sa wikang filipino?. Nakuha noong
Marso 27, 2021, mula sa https://varsitarian.net/opinion/20200109/sapat-ba-ang-
kaalaman-natin-sa-wikang-filipino

Espinoza, H. H., Jornales, S. P., Tulabing, E. D. (2015). Removal of the filipino subject
in tertiary level: Effects and reactions of MSU-IIT filipino faculties. Nakuha noong
Abril 04, 2021, mula sahttps://researchpapergroup8.blogspot.com/

Executive Order No. 210, s. 2003 (2003). Nakuha noong Abril 04, 2021, mula sa
https://www.officialgazette.gov.ph/2003/05/17/executive-order-no-210-s-2003/

Jimeno, R. V. (2014). Deleting filipino as college subject. Nakuha noong Abril, 04, 2021,
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
mula sa https://manilastandard.net/opinion/columns/out-of-the-box-by-rita-linda-v-
jimeno/155774/deleting-filipino-as-college-subject.html

30
Mangahas, M. (2016). Investigative Documentaries: Gaano nga ba kalawak ang
kaalaman ng millennials sa wikang Filipino? Dokumentaryo. Youtube. Nakuha noong
Abril 04, 2021, mula noong https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk

Mangahas, M. (2014). Investigative Documentaries: Ang estado ng wikang Filipino.


Dokumentaryo. Youtube. Nakuha noong Abril 04, 2021, mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0

Ong, G. (2018). 10, 000 teachers may lose jobe due to removal of filipino, panitikan.
Retrieved from https://www.philstar.com/headlines/2018/11/17/1869300/10000-
Teachers-may-lose-jobs-due-removal-filipino-panitikan

Patton, M. Q. (1990). Qualitative evaluation and research methods. SAGE Publications,


inc.

PHILGEN (2010). Filipino language is the heart of our heritage. Nakuha noong Marso
31, 2021, mula sa https://www.philippinegenerations.org/2010/01/filipino-language-
is-the-heart-of-our-heritage.html#:~:text=To%20change%20something%2C%20there
%20has,sense%20of%20'Pinoy%20Pride'.

Ravello, M. (2019). Removing Filipino in college to lead to 'cultural genocide' – group.


Nakuha noong Marso 26, 2021, mula sa https://news.abs-
cbn.com/news/06/10/19/removing-filipino-in-college-to-lead-to-cultural-genocide-
group?
fbclid=IwAR1WYeQKFGi1tEPIPRi_AaKZqoZBkTdpvlGK3cdHnhFVrcCPsPpee4aU
8m0

Republic Act No. 10533 (2013). Nakuha noong Abril 02, 2021, mula sa
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/

Senior High School in the Philippines: Curriculum Breakdown. (n.d.). Nakuha noong
Abril 01, 2021, mula sa https://www.courses.com.ph/senior-high-school-in-the-
philippines-curriculumbreakdown/

Tanggol Wika (2014). Nakuha noong Abril 05, 2021, mula sa https://tanggolwika.org/

Tanggol wika: Hindi patas ang desisyon ng korte suprema (2019). The Varsitarian.
Nakuha noong Abril 05, 2021, mula sa
https://varsitarian.net/filipino/20190611/tanggol-wika-hindi-patas-ang-desisyon-ng-
korte-suprema
University of Perpetual Help System Manila – JONELTA
Senior High School Department
The National Achievement Test in the Philippines (2013). Nakuha noong Abril 03, 2021,
mula sa https://www.philippinesbasiceducation.us/2013/07/the-national-achievement-
test-in.html

31
Timbreza, F.T. (1987). Mga suliranin at iba pang mga balakid sa paggamit ng filipino sa
pagtuturo. Nakuha noong Abril, 03, 2021, mula sa https://ejournals.ph/article.php?
id=7717

Tomacruz, S. (2018). CHED to hold order removing Filipino as required college subject.
Nakuha noong Abril 02, 2021, mula sa https://www.rappler.com/nation/ched-hold-
order-remove-filipino-panitikan-required-college-subject

Valdez, J. M. (2019). Disenyo at pamamaraan ng pananliksik. Nakuha noong Abril 06,


2021, mula sa https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-
ng-pananliksik.html

Zimmerman, M. (2017). The importance of preserving and promoting languages: a


liberal arts perspective. Nakuha noong Abril 05, 2021, mula sa
https://www.huffingtonpost.com/
michael-zimmerman/the-importance-of-preserv_b_12088728.html

You might also like