DLL El Filibusterismo - Kasal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAARALAN EMA EMITS BAITANG/ Baitang 10

COLLEGE ANTAS
PHILIPPINES
GURO: Jovietz Jane A. Janda DISIPLINA: Filipino

PANG-ARAW-ARAW NA ORAS/PETSA 1 Oras MARKAHAN:


BANGHAY ARALIN SA NG
FILIPINO PAGTUTURO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.Sundin ang
pamamaraan upang matamo ang layunin,maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation Assessment.Ganap na mahuhubog ang
mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa
Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo
Pangnilalaman bilang isang obra maestrang pampanitikan.
B. Pamatayan sa Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
Pagganap nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan
sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.) naipaliliwanag ang bisang pandamdamin at pangkaisipan sa pangyayari sa kabanatang


pinanuod;
b.) nakapagbibigay ng maayos at makatuwirang ideya o kaisipan sa pagpapakasal sa
pamamagitan ng isang debate;
c.) nakakapagbahagi ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang kasal.

II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay sa
Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a. Paksa Kabanata 34
El Filibustersimo
“Ang Kasal nina Paulita at Juanito”
III. KAGAMITANG PANTURO
Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na
mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian
1. Mga pahina ng Ang El Filibusterismo ni Jose Rizal
Gabay ng Guro Inaayos at pinagaan nina: Corazon G. Magbaleta, Erlinda R. Berdin
Pahina 250-255
2. Mga pahina ng
Kagamitang Pang- Pahina 250-255
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk Pahina 250-255

4. Karagdagang http;//philnews.ph/2020/01/17kabanata-34-el-filibusterismo-Ang-Kasal-buod
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang Biswal, ICT
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw.
Para sa holistikong pagkahubog , gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment.
Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng analitikal at kusang magtaya ng
dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A. Balik – aral sa A. Panimulang gawain
nakaraang aralin o
pagsisimula ng bagong a.Panalangin
aralin
Magsitayo ang lahat, Marijoy maaari mo
bang pangunahan ang ating panalangin.
Itungo po natin ang ating mga ulo at damhin
ang presensiya n gating Panginoon.
Maraming salamat!

b.Pagbati

Magandang Umaga sa inyong lahat.


Magandang umaga rin po.

c. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago magsiupo maaari bang pakiayos ng


linya ng mga upuan at pakipulot na rin ng
mga kalat sa inyong tapat.

(Aayusin ng mga mag-aaral ang linya ng


mga upuan at pupulutin ang mga kalat sa
kanilang tapat)
d. Pagtatala ng liban
Milanie, maaari mo bang ilahad ang liban
ngayong araw?
Ma’am wala pong liban ngayon sa klase.
Maraming Salamat.

e. Balik- aral
Bago natin simulan ang ating aralin ay
magkakaroon tayo ng pagbabalik-aral?

Connie, tungkol saan ang pinag-aralan natin


kahapon?
Mam tungkol po sa kabanata 18 ng El
Filibustersimo.
Magaling, Ano naman ang pamagat ng
kabanatang ito? Mam “Mga Kadayaan po”

Sino ang pangunahing tauhan dito?


Mam Si Mr. Leeds po ang Amerikanong
Mahiko.

Mahusay, sa tingin ko ay lubos na ninyong


naunawaan ang ating aralin kahapon, kaya
naman ngayon ay dadako na tayo sa ating
bagong aralin.
B. Paghahabi sa Bago tayo dumako sa ating aralin ay pakibasa
Layunin ng Aralin muna ng ating layunin na dapat nating
matamo sa pagtatapos ng ating bagong aralin.

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral


ay inaasahang;

a.) naipaliliwanag ang bisang pandamdamin


at pangkaisipan sa pangyayari sa
kabanatang pinanuod;
b.) nakapagbibigay ng maayos at
makatuwirang ideya o kaisipan sa
pagpapakasal sa pamamagitan ng isang
debate;
c.) nakakapagbahagi ng mga dahilan kung
bakit mahalaga ang kasal.

Maraming salamat!

C. Pag – uugnay ng Ngayon bago tayo dumako sa ating


mga halimbawa sa panibagong paksang pag-aaralan. May
aralin ipapakita muna akong mga larawan. At
pagkatapos ninyo ito tingnan ay sabihin ninyo
sa akin kung ano ang mga ito at ano ang
napapansin ninyo rito. Nauunawaan ba?

Opo Mam!
Mabuti naman kung ganun!

Ito ang unang larawan!

Ano kaya ito? Arlyn!

Mam yan po ay singsing na ginagamit sa


kasal.
Tama ito ay singsing para sa ikakasal o sa
ingles ay wedding rings.

Ikalwang larawan!

Ano naman ang sunod na larawan? Emil!

Mam isa po yang simbahan!


Tama! ito ay isang simbahan.

Ikatatlong larawan

Heide ano naman ang nasa sunod na larawan?


Mam isa po yang damit pangkasal o
wedding gown.
Mahusay! Ito ay damit pangkasal na
ginagamit ng isang babae.

At ang huling larawan Mark? Ano ito?


Isa po yang sasakyang ginagamit sa kasal
mam ayon sa disenyo nito.
Mahusay! Ito ay isang sasakyan na nilagyan
ng disenyong pangkasal.

Ngayon base sa mga larawan na ipinakita ko


sa inyo. Ano kayang napapansin nnyo sa lahat
ng ito? Cristy!

Mam ang lahat po ng larawan ay ginagamit


po sa isang kasal. Ang singsing na isinusuot
ng ikakasal. Ang simbahan kung saan
kalimitang ginaganap ang kasal. Ang damit
na isinusuot ng babae pag ikakasal at ang
huli ang sasakyan po na sinasakyan ng
ikakasal papuntang simabahan.

Tama! Lahat ng larawan ay ginagamit sa


isang kasal. Ngayon ang kasal o kasalan ay
Malaki ang kaugnayan sa ating pag-aaralan.
Dahil ang ating paksang pag-aaaralan ngayon
ay ang kabanata 34 ng El Filibusterismo. Ito
ay ang pakibasa.

“ Ang kasal nina Paulia at Juanito”


D. Pagtalakay ng Ngayon ay magsiayos kayo ng upo.
bagong konsepto at Suriin at pagmasdan ng mabuti ang aking
paglalahad ng ipapanuod sa inyo. Ito ay ang nilalaman o
bagong kasanayan kwento ng kabanata 34 ng El Filibusterismo
na pinamagatang “Ang kasal nina Paulita at
Juanito”

Manuod mabuti sapagkat pagkatapos ay


mayroon akong hinandang mga katanungan.

Handa na ba kayo?

Ngayon ay simulan na natin panuorin ang


kwento ng Kabanata 34 ng El Filibusterismo. Opo mam!

(nagsimulang panuorin ang kabanata 34 ng


El Filibusterismo “ Ang kasal nina Paulita
at Juanito)
Naunawaan ba ninyo ang nilalaman ng
kabanata 34 ng El Filibusterismo?
Opo mam!
Sige nga kung talagang naunawaan ninyo ay
meron akong hinandang mga katanungan. At
ito ay tatawagin nating “Tanong Ko Sagot
mo”

Mayroon ako ditong dalawang kahon ang isa


ay naglalaman ng mga katanungan, ang isa
naman ay naglalaman ng inyong mga
pangalan. Una ay bubunot ako ng pangalan
ninyo dito. Pagkatapos ay kayo naman ang
bubunot ng inyong magiging tanong.
Naunawaan ba? Opo mam!

Mabuti! Ngayon ay magsimula na tayo.

Ang una kong nabunot ay si Jecell!

Jecell maaari ka ng kumuha ng iyong


katanungan dito sa kahon. Pakibasa na din ito
at pakisagutan. Sino ang natanaw ni Basilio sakay ang isang
karawaheng pangkasal? At ano ang kanyang
naisambit?

Mam Nakita po niya si Juanito at Paulita na


lulan nito at sila ay nakabihis pangkasal.
Agad po niyang naalala si Isagani at siya ay
nakaramdam ng awa para dito.

Magaling! Sakay nga nito si Juanito at


Paulita. At dahil nga kilala ng lahat na si
Isagani ang kasintahan ni Paulita siya ay
nakaramdam ng awa para sa binata.

Sunod na nabunot ko ay si Ajay!

Kumuha ka na ng katanungan mo sa kahon at


pakisagutan ito. Saan ginanap amg pista ng kasal nina
Paulita at Juanito?

Mam sa bahay po ni Kapitan Tiago.

Mahusay! Sa bahay ni kapitan Tiago na


ngayon ay pag-aari n ani Don Timoteo Pelaez.

Sunod ay si Krizel!
Sino ang naging abala sa pagsasaayos ng
bahay ni Kapitan Tiago para sa kasal nina
Paulita at Juanito?

Mam si Don Timoteo Pelaez po na siya


pong ama din ni Juanito.
Mahusay! Ngayon ang aking nabunot naman
ay si James!

Maaari ka ng kumuha o bumunot ng


katanungan dito sa kahon.
Ilarawan ang naging pagsasaayos sa kasal
nina Juanito at Paulita.

Mam ang mga dingding ng bahay po ay


dinikitan ng magagarang papel at
magagarang aranya at mga bulaklak ang
palamuti. Ang kurtina pong ginamit ay
pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at
may unang titik ng pangalan ng mag-
asawa. Magarang magara po ang naging
ayos ng bahay. Pang mesa po para sa mga
dakilang Diyus-diyusan ay sa azotea
nilagay.
Tama! Talagang masasabi nating bongga o
sosyal ang naging pagdiriwang ng kasal.
Nabanggit pa doon na nakahain din ang
napakasarap na alak. Pinaghandaan ito ng
lubos ni Don TImoteo dahil nga dumating din
ang Kapitan Heneral na nagsilbing ninong ng
mag-asawa.

Ngayon ay si Jhenie naman ang bubunot ng


katanungan!
Sa iyong palagay bakit kaya nagpakasal si
Paulita kay Juanito gayong ang alam ng
lahat ay si Isagani ang kanyang kasintahan?

Mam nagpasya nga po si Paulita na


pakasalan si Juanito dahil napagtanto niya
na walng magandang hinaharap kung
pipiliin niya ang kasintahang si Isagani. Kay
Juanito ay mas mabuti ang kanyang
kinabukasan sapagkat ito ay mayaman at
dugong kastila.

Tama! Naisip nga ni Paulita na wala siyang


mararating kay Isagani dahil masyado itong
matapang at isusuong ang buhay kahit pa
malagay sa panganib. Mas nais nga ni Isagani
na ipaglaban ang Karapatan ng mga Pilipino.

Ngayon para sa huling katanungan ay si Mary


Rose ang aking nabunot.
Kung ikaw si Isagani ano ang iyong
mararamdan ?

Mam ako po ay malulungkot at


makakaramdam ng poot sa aking puso dahil
hindi po ako pinili ng aking sariling
kasintahan. Ngunit ako po ay magiging
matatag para sa aking mga ipinaglalaban.

Magaling! Si Isagani nga ay kilala bilang


isang lalaking may mabuting pangarap sa
bansa. Kaya hindi magiging hadlang ang pait
ng pinagdaraanan para huminto at hindi
magpatuloy sa buhay.

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong kasanayan #
2
F. Paglinang sa Ngayon ay batid kong naunawaan na ninyo
kabihasaan ang ating paksang aralin. At para madagdagan
(Tungo sa pa ang inyong kaalaman ay magkakaroon tayo
Formative ng pangkatang gawain. Hahatiin ko kaya sa
Assessment) dalawang pangkat. Magsimula ng magbilang.
(1,2,1,2,1,2,1,2,1,2,1,2)

Magkakaroon tayo ng isang debate.


At ang pagtatalunan ng dalawang pangkat ay
ang paksang “Live In muna bago Kasal”
Ang pangkat isa ay ang magiging pangkat
Sang-ayon.
Ang pangkat dalawa ay ang magiging pangkat
na Di Sang-ayon.
Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto upang
paghandaan ito. Naunawaan ba ang gagawin?
Opo mam!

Ngunit bago kayo magsipunta sa mga kanya-


kanyang pangkat ay narito muna ang
pamantayan na dapat ninyong sundin.

Pamantayan
Kaangkupan sa Paksa 20 puntos
Pangangatwiran 15 puntos
Pagpapahayag 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
Kabuuan 50 puntos

Maaari na kayong magsimula sa inyong


paghahanda.

(nagsimula na sa paghahanda)
Tapos na ang oras na ibingay ko sa inyo.
Ngayon ay magsisimula na ang ating Debate.

(nagsimula ang debate sa pagitan ng


pangkat sang-ayon at di sang-ayon)
Ngayon tapos na ang inyong debate.
Palakpakan ang bawat isa.

Parehas mahuhusay mangatwiran ang bawat


pangkat. Ngunit ang nakakuha ng mataas na
puntos ay ang pangkat dalawa. (palakpakan)

Palakpakan ssila.

(palakpakan)

G. Paglalapat ng
Aralin sa Pang- Mayroon ulit akong ilang katanungan.
araw – araw na
buhay Milanie bilang isang babae. Gaano kahalaga
sayo ang kasal?
Mam bilang isang babae po ay isa po sa
mga panagarap ko ang ikasal. Ang magsuot
ng magandang damit at ikasal sa simabahan
sa harap ng Panginoon. Mahalaga po ito sa
akin dahil ito po ay sagrado at higit sa lahat
ito po ay simbolo ng pagmamahalan.

Mahusay! Bilang isang babae nga ay


pangarap ng lahat ang ikasal dahil ito ay
nagpapatunay din ng wagas na pag-ibig ng
mga lalaki sa mga babae.
James ikaw naman bilang isang lalaki gaano
kahalaga sayo ang kasal?
Mam bilang isang lalaki mahalaga po sa
akin ang pagpapakasal dahil hindi lamang
po ito simbolo o kasunduan ng pag-iisang
dibdib ng isang lalaki at babae ayon sa
batas. Ito po ay isang banal na seremonya
kung saan ang babae at lalaki ay
mangangakong mamahalin at aalagaan ang
bawat isa habang buhay.
Magaling! Napakasarap umibig, napakasarap
sa pakiramdam na may tao kang makakasama
sa hirap at ginhawa diba? Ngunit hindi sapat
na nandyan lang kayo para sa isa’t isa.
Mahalaga na mangako muna ng
pagmamahalan ang dalawang nag-iibigan sa
harap ng Diyos dahil iyon ang tamang gawin.
Ang pagpapakasal ay magbubuklod sa mag-
asawa, sa dalawang taong nagmamahalan. At
ang kasal ay napakahalaga dahil ito ang
nagbibigay legal sa pagsasama ng lalaki at
babae. Masasabing may seguridad ang mag-
asawa sapagakat sila’y kasal at dumaan sa
legal na pag-iisang dibdib.

H. Paglalahat ng Aralin
Muli nating balikan ang ating pinag-aralan
kung natatandaan pa ninyo.
Ano nga muli ang pamagat ng kabanata 34 ng
El Filibusterismo? Kathleen?
Mam “Ang Kasal po nina Juanito at
Paulita"
Sinu-sino ang mga tauhan dito? Loreza!
Mam si Basilio po, Juanito, Paulita at Don
Timoteo po.
Mahusay! Sino ang nakakita sa Karwaheng
Pangkasal? Cyreel?
Mam si Basilio po!

Tama! Sino naman ang dalawang ikakasal na


lulan ng karwahe? Ello Mae?
Si Juanito at Paulita po.

Saan ginanap ang pagdriwang o pista ng kasal


nina Juanito at Paulita?

Sa bahay po ni Kapitan Tiago na pag-aari


na ni Don Timoteo Pelaez
I. Pagtataya ng aralin Ngayon ay kumuha kayo ng kalahating bahagi
ng papel.
Ilarawan ang mga tauhan sa kabanata 34 ng El
Filibusterismo.

Basilio- nakakita sa karwaheng pangkasal.


Basilio
Simoun- sinusundan ni Basilio.
Simoun
Juanito- ang makakaisang dibdib ni Paulita.
Juanito
Paulita- kasintahan ni Isagani na piniling
Paulita
magpakasal kay Juanito.
Kapitan Heneral- ninong sa kasal nina
Kapitan Heneral
Paulita at Juanito.
Don Timoteo
Don Timoteo- naging abala sa pagsasaayos
Isagani ng pista ng kasal nina Paulita at Juanito.
Kapitan Tiago Isagani- kasintahang iniwan ni Paulita.
Kapitan Tiago- dating may-ari ng bahay
kung saan ginanap ang pista ng kasal nina
Juanito at Paulit

J. Karagdagang Kasunduan: Sumulat ng isang sanaysay tungkol


Gawain at Takdang- sa pangarap mong kasal. Isulat ito sa puting
Aralin papel.

V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa
bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulunga ? Tukuyin
ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay
ng guro (bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya
ang epektibong gamitin? Bakit
nasabing ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?
Inihanda ni:
Bb. Jovietz Jane A. Janda
Gurong Nagsasanay
Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi
G. Jacob Manlesis
Gurong Tagapagsanay
Sinuri ni:
Bb. Cherryl Marigocio
Tagapag-ugnay ng Asignatura ( Filipino )
Pinagtibay ni:
G. Junrey P. Petere
Punungguro

You might also like