Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

FILIPINO 7 Bb. Faye B.

Bacea, LPT
Inihanda ni Bb. Faye B. Bacea, LPT1
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatiibo, mapanuring pag-iisip, at pag-
unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at
akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibANg
kulturang panrehiyon.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

 Naipaliliwanag ang mahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng napakinggang


bulong, awiting-bayan, alamat, bahagi ng akda, at teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan.
 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan
(balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)
 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng kabisayaan.
 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gaano, di-gasino, at
iba pa).
 Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay, talinhaga, at iba
pa).
 Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan.

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

2
Unang Aralin

Panitikan: Mga Awiting-Bayan at Bulong Mula sa Bisaya


Gramatika: Antas ng Wika batay sa Pormalidad

Introduksyon:
Sa aralin ito, alamin natin kung ano nga ba ang kahulugan ng awiting-bayan at bulong at
ang mga halimbawa nito. Simulan na natin!

May alam ka bang awiting-bayan?


Ngayon ay sumabay ka sa pag-awit ng awiting-bayang nasa ibaba.

 Ano ang naramdaman mo habang inaawit ang awiting-bayan?


 Tungkol saan ang awiting-bayang ito?
 Bakit mahalagang hindi makalimutan at patuloy na awitin an gating mga awiting-bayan?

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

3
Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon n gating mga ninuno bago pa
man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang mga panitikang pinalahaganap sa pamamagitana ng
pagsasalin-salin ng pasalitang tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng
panitikang lumaganap sa pamamagitan ng pasalindilang pamamaraan ay ang mga salawikain,
sawikain, bugtong, awiting-bayan, at mga bulong.

Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at minsa’y walang
sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan
ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man nasusulat ay sa
isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang mga awit kaya naman
maituturing na walang kamatayan ang mga ito.

AWITING-BAYAN AT BULONG MULA SA KABISAYAAN

Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang


pinaningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling ito ay bibigyang-pansin at itatampok ang mga
awiting-bayang Bisaya o Visayan folksongs at mga bulong sa Bisaya. Sa ibaba ay mababasa at maaari
ding sabayan ang iba’t ibang awiting-bayang nasusulat sa tatlong wikanbg Bisaya – Waray-Waray ng
Samar at Leyte, Hiligaynon ng Panay, at Sugbuwanon ng Cebu at Negros.

Awiting-Bayang Waray

Lawiswis Kawayan
(Salin sa Tagalog na inawit ng Mabuhay Singers)

Sabi ng binata halina o hirang


Magpasyal tayo sa Lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan
Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw
Sasabihin pa kay inay nang malaman
Binata'y nagtampo at ang wika
Ikaw pala'y ganyan akala mo'y tapat at
Ako'y minamahal.
Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

4
Awiting-Bayang Ilonggo

Dandansoy
(Awiting-Bayan mula sa Negros Occidental)

Dandansoy bayaan ta ikaw


Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon.

Dandansoy, kon imo apason


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.

Konbento, sa diin ang cura?


Munisipyo, sa diin ang hustisya?
Yari si Dansoy makiha,
Makiha sa paghigugma.

Panyo mo kag ining panyo ko


Gisigisi-a kay tambihon ko
Ugaling kung magkasilo
Bana ko ikaw, asawa mo ako

Ay! Kalisud
(Awiting-bayan ng mga Ilonggo)

Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan


Adlaw gab-I firme kita guina tangisan
Ahay! Inday nga walay sing kapalaran,
Walay guid, walay guid sarang ko kalipayan.

Ay cielo azul abao! Diin ka na, bala


Buligui abangi ang nabilanggo sang gugma
Mayad pang mamatay kung halos mamatay
Agud di ako maka dumdum nga ako walay kalipay.

Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan


Adlaw gab-I firme kita guina tangisan
Ay! ay! Inday nga walay sing kapalaran,
Walay guid, walay guid sarang ko kalipayan.

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

5
Ili-Ili Tulog Anay
(Oyayi ng mga Ilonggo)

Ili-ili
Tulog anay,
Wala diri
Imong nanay.
Kadto tienda
bakal papay.
Ili-ili
Tulog anay.

Awiting-Bayan ng Sugbuwanon

Si Pilemon
(Awiting-Bayang Cebuano)

Si Pilemon, si Pilemon
Namasol sa kadagatan
Nakakuha, nakakuha
Ug isda’ng tambasakan
Guibaligya, guibaligya
Sa merkado’ng guba
Ang halin puros kura,
Ang halin puros kura
Igo ra i panuba.

Ang mga Bulong


Maliban sa mag awiting-bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman n gating katutubong
panitikang pasalindila. Ito’y ginamit n gating mga ninuno noon subalit magpahanggang ngayon,
ang bulong na tinatawag ding orasyon ay binibigkas pa rin ng marami anting kababayan lalo na sa
mga probinsya o lalawigan. Karaniwang sinasambit ito sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa
tapat ng isnag nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang lugar na
pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa, o maligno. Binibigkas ang “bulong” para
mabigyang-babala ang mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan upang maiwasang sila’y
matapakan o masakatn. Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga
“nilalang” na ito ay maaari silang magalit, manakit, o magdulot ng hindi maipaliwanag na
karamdaman.
Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilang panggamot. May bulong na
binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang isang nausog, sumakit ang tiyan at iba pa. may
bulong din para sa panggagamot sa isang nakulam, namaligno, o napaglaruan ng lamang-lupa. Sa
maraming bahagi ng bansa lalo na sa mga lalawigan ay nakagawian na ang pagsambit ng mga
bulong. Ito’y isnag bahagi n gating akulturang patuloy pa ring isinasagawa lalo nan g mga
nakatatanda hanggang sa kasalukuyang panahon. Mababasa sa iababa ng halimbawa ng bulong
sa Bisaya.

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

6
Sa Ilonggo Salin sa Tagalog
“Tabi-tabi … “Tabi-tabi …
Maagi lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon.” kung kayo’y masagi namin.”

AWITING-BAYAN AT MGA URI NITO


Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantahingbayan ay isa sa mga uri ng sinaunang
panitikang Pilipini na naging popular bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang awiting-
bayan ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa
bawat taludtod. Ang karaniwang paksa ng awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Masasalamin sa mga ito ang mga kaugalian, karanasan,
pananampalatay, Gawain, o hanapbuhay. Taglay rin ng mga ito ang iba’t ibang damdaming
umiiral sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng kaligayahan sa panahon ng tagumpay, pag-ibig, at
mga kasayahan, kalungkutan sa panahon ng pagluluksa at kabiguan, galit sa gitna ng isang
digmaan o labanan, at maging ng kapanatagan ng kalooban habang gumagawa ng mga
pangkaraniwang Gawain tulad ng pagtatanim, pamamangka, pagluluto, at iba pa.
Dahil ito’y repleksyon ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, may iba’t ibang uri ng
awiting-bayan para sa iba’t ibnag pagkakataon o okasyong kanilang ginugunita o
ipinagdiriwang. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga karaniwang urin ng awiting-bayang laganap
sa iba’t ibang bahagi n gating bansa:

 Balitaw – Ito’y mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga bisaya.


 Kundiman – ito naman ang bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga Tagalog. Ang isa
pang uri nito ay pananapatan o mga awiting inaawit kapag dumadalaw o nanghaharana
ang binata sa kanyang nililiyag o nililigawan.
 Dalit – awit na panrelihiyon o himno ng pagkadakila sa Maykapal
 Diyona – aitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal
 Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilokano
 Kumintang – awit ng pakikidigma o pakikipaglaban
 Kutang-kutang – mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
 Soliranin – awit sa paggagaod o pamamangka
 Maluway – awit sa sama-samang paggawa
 Oyayi o hele – awiting panghele o pampatulog ng bata at tinatawag na lullaby sa ingles
 Pangangaluluwa – awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog
 Sambotani – awit ng pagtatagumpay
 Talindaw – isa pang uri ng awit sa pamamangka

Masasalamin sa mga awiting ito ang mayaman at makulay na kulturang Pilipino sa iba’t
ibang bahagi ng Pilipinas. Kaya naman lumaganap ang awiting-bayan sa iba’t ibang bahagi n
gating bansa. May kani-kaniyang awiting-bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging
sa bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw.

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

7
Antas ng Wika Batay sa Pormalidad

Mga salitang impormal o Di-Pormal – mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-


usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
1. Balbal (slang) ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t
madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang ang mga salitang ito sa
di pormal na uri ng salita kaya’t karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pgtitipon o
pagsulat.
Ang salitang balbal ay nabubuo sa pmamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng sumusunod:
 Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng sa salitang Amerikano na
naging “Kano”
 Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging “astig”
 Paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic
na binigyan ng kahulugang “hindi maayos ang kalagayan o hindi maayos na tao”
tulad ng “toxic na schedule” o “toxic na kasamahan”
 Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin na
nag kahulugan ay “karma.”

Iba pang halimbawa:


Bagets – kabataan lespu- pulis
Charing – biro nenok – nakaw
Datung – pera sikyo – guwardiya
Ermat – nanay utol – kapatid
Erpat – tatay yosi – sigarilyo
2. Kolokyal (Colloquial)
Ito’y isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita
upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
Halimbawa:
Pa’no mula sa paano kelan mula sa kailan
P’re mula sa pare meron mula sa mayroon
Te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan
Bahagi pa rin nito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o
“Taglish” o Tagalog-Espanyol.
Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Liam? (Taglish)
Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag-Espanyol)
3. Lalawiganin (Provincialism)
Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya’y particular na
pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita ay
may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaring magbigay ng ibang kahulugan ditto.
Halimbawa:
Tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”
Ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”
Manong at manang mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay “kuya” at “ate”
Ngarud mula sa salitangb Ilocano na katumbas na katagang “nga”

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

8
Mga Salitang Pormal - mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga
panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-
intelektwal.
Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama at ina sa halip na erpat at ermat
Salapi o yaman sa halip na datung

Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay, kasabihan, at
kawikaang lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Halimbawa:
“Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na manga.”
“ Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-ibig”
Mula sa “Ang Dalaginding”
Ni Iñigo Ed. Regalado

FILIPINO 7 Bb. Faye B. Bacea, LPT

You might also like