Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Spoken poetry para kay ex

Nung araw na tinapos natin ang lahat


Saksi ang buong mundo kung gaano kasakit lahat ng ipinadama mo
Nung araw ding iyon kasabay ng ulang nagbabadyang bumuhos
Ay sya ring pagbabadya ng luha kong umagos
Pinilit kong tanggapin
Pero parang di parin
Di parin kayang tanggapin
Lahat ng pinagsamahan natin
Parang di na kayang tanggalin
Tatlong na Bwan tayong nagsama
Na ang akala nati'y hindi na matatapos pa
Pero sa isang iglap
Naroon ka na
Malayo sa akin
Malayo sa lahat ng pinagsamahan natin
Nung araw ding yon
Tumakbo ako sa ulan
Nais kong paglaruan ang ulan
Dahil baka sakali
Baka sakaling kapag ginawa ko yon unti unting makalimot
Pero hindi
Dahil ako ang pinaglaruan ng ulan
Ako ang pinagtaksilan ng kalawakan
Sinubukan kong tumakbo kasalungat ng mundo
Nagbabakasakaling kaya ko pang ibalik ang kahapon ko sa piling mo
Nais ko pa sanang bumalik
Pero parang hindi na maaari
Hindi na maaari dahil alam kong may mamahalin ka pang iba
Dahil alam kong di tayo para sa isat isa
Dahil baka tayo yung mga tula
Mga tulang kahit kailan hinding hindi magtutugma

You might also like