Buod NG Akda

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“ Reyna ng mga Pusa at Espada “

Buod

Ang akdang ito ay isinulat base sa pananaw ng pangunahing tauhan na si Jose T. Clutario III. Ang
lokasyon naman ng kwento ay sa kulungan ng Bilibid.

Simulan natin ang buod sa pagkilala sa mga tauhan at ang paraan kung paano sila inilarawan ni Jose T.
Clutario III.

Jose T. Clutario III


- Siya ay isang mamamatay tao na nakulong apat na dekada at apat na taong nakakaraan.
- Kasalukuyan siya ay pinagkakalooban ng Executive Clemency mula sa Presidente. Upang sa wakas
siya ay makalaya na.

Imbis na magalak siya sa balitang ito kabaligtaran ang naramdaman niya. Abangan ang mga kadahilan
sa sa susunod na pagpapakilala sa iba pang mga tauhan.

Peng/ Pengson
-sa lahat ng mga kasama ni Jose sa kulungan si Peng ang pinakakilala niya hanggang sa pinakamaliliit
na mga detalye nito ( Ano kaya ang kadahilanan? )
- siya ay isang kidnapper
-mahilig siyang maglaro ng baraha upang malaman ang kasagutan kung talgang mawawala na ba si
Jose sa kulungan at tuluyan ng lilisan.
- Sa mga barahang ito nawala ang isa.Ito ang Queen of Hearts kaya ginawan na lang siya ni Jose upang
makumpleto ulit ang mga ito. Ngunit sa barahang ito pinalitan ni Jose spades ng mga puso na hugis
pusa. Kaya nagkaroon ng pusa ang kaha ng baraha ni Peng.(Ang Reyna ng Espada at Pusa)
- sapad na ulo, dalawa an puyo, mahabang pilik mata, matangos ang ilong, maliit na labi, may buhay
na nunal sa baba, malapad na pala, mahahabang daliri, matitigas na kalyo, maugat ang kamay, at ang
likod ay pinuputakti ng ng bulutong ( ayon kay Jose)
- May pagkakataon na nahuli silang dalawa ni Jose sa banyo at nasabihang “Para kayong mag-inang
kangaroo” -ayon kay Mayor. ( bakit kaya? Haha) Dahil sa pangyayaring ito ang tayo ngayon ni Mayor
kay Peng ay Lover Boy.
- mapili si Peng sa pagkain. Minsan kanin lang kinakain nito.
- madalas ang lahat ng ayaw niyang pagkain ay inililipat niya sa plato ni Jose. Tapos sasabihin “ kainin
mo “. Susundan pa ito ng kindat. Ito ay isang birong silang dalawa ni Jose lang ang nakakaalam. Ito
ang mismong salitang binibitawan niya tuwing nagsisiping sila ni Jose at ang bibig niya ay dumadako
na sa pagitan ng mga hita nito.

Carbonel
- mahilig maglinis ng agiw, higaan at sahig

Cebreros
- iniiskoba ang makutim na lumot sa pagitan ng baldosa habang kinakabisa ang A-B-C.

Liwanagan
-mahilig bumanat ng green jokes
- iilan sa mga jokes niya ay ang sumusunod:
-Tungkol sa babaeng virgin na hindi isinali ng mga kaibigan niya sa paluwagan.
-“Labs, may magjowa sa sinehan. Pini-finger nung lalaki
‘yung babae. Sabi nung lalaki, ‘Honey, naiwan ko ‘yung college ring ko sa loob.’ Kaya
kinapa ni lalaki. Nung nakuha niya yung singsing, nagulat siya. ‘Honey, bakit nagkulay
green, acidic ka ba?’ Ay, hindi. Baka sa dati kong boyfriend yan, Lasalista ‘yun, eh.’”
-Ano ang pinakamalamig na bahagi ng katawan ng lalaki? At sasagutin niya ito ng mga hita, dahil
kung mainit ito, malamang ay naluto na ang mga itlog.
Ama ni Jose
-lasenggong ama ni Jose
- ipinagahasa ang kapatid na babae ni Jose noong malaman niyang may
karelasyon itong kapwa babae. Nang malaman niyang lesbiyana ang kapatid niyang si
Onor.
-naisip niyang mababago niya si Onor kapag pinasukan ng titi
ang puwerta nito. Ginahasa si Onor sa kamalig ng tatlong lalaking hindi niya nakilala dahil
madilim, at hindi sanay ang mata ni Onor sa kadiliman.
- sa pangyayaring ito pinatay ni Jose ang kanyang sariling ama sa pamamagitan ng pagtarak ng basag
na bote ng alak sa leeg ng tatay niya.
-”Hinampas ko siya ng bote ng alak sa
ulo. Nung maalimpungatan siya, nataranta ako at kaya hinampas ko siya ulit ng mas
malakas at nabasag ang puwit ng bote. Itinarak ko iyon sa leeg ng tatay ko. Sumirit ang
dugo. Pero hindi sapat iyon kapalit ng dugong gumapang sa binti ni Leonor, ang tinanggal
niyang pagkatao. Kaya winakwak ko ang lalamunan ng tatay ko.” - Jose

Onor/ Leonor
- kapatid na babae ni Jose
-siya ay isang lesbiyana
-may lakas ng loob na ipagsigawan kung ano siya.
- “Siya ang nagsumbong sa mga pulis sa ginawang pagpatay ni Jose sa kanilang ama.
Isinumbong ako ni Onor sa pulis. Si Onor na noo’y naglilihi sa balimbing. Ang putang inang tibong
sumbungerang si Onor. Natatakot na daw siya sa’kin. Ang traydor na si Onor. Parang hindi na daw
niya ako kilala. Mali raw ang ginawa ko. Ang mapanghusgang si Onor. Hindi man lang niya
ako binisita. Ang kapatid kong si Onor.” - Jose

Nakilala niyo na ang lahat ng mga tauhan. Nalaman niyo na rin marahil kung ano talaga si Jose at
ang mga kadahilanang kung bakit siya nanilanggo. Ito ang huling tagpo sa pagitan ni Jose at Peng.
Dito na rin nagwakas ang kwento.

Jose: “Peng,” “Pa’no, lalabas na ko bukas.”


Peng: “Oo nga, eh. Lalaya ka na.”
Jose: “Hindi,” ” Lalabas lang ako. Panibagong mga lugar. Panibagong mga
mukha. Pero matagal na kong lumaya.”

Hinawakan ni Peng ang kamay ni Jose

Peng:“’Yan naman kasing presidente na ‘yan. Binigyan ka ng clemency, wala namang pansit. Sa’n mo
kaya gagamitin ‘yun, di ba?”
Jose: “E di gagawa ako ng clemency juice. Para sa’yo. Masyado ka kasing nagmamaasim.”

Pinatigil si Jose ni Peng na magsalita, nakatapat ang hintuturo niya sa bibig. Tapos ay
hinalikan niya ito. Sa pisngi. Sa leeg. Sa labi.

Pumatong si Peng kay Jose. Sa huling pagkakataon. Pumaibabaw ang Hari ng mga Puso sa
Reyna ng Espada. Solitaryo. Iisa.
Lalabas na si Peng bukas. At matatandaan niya ang gabing ito, ang napakatahimik na gabing
binasag ng bentilador na kulang ang langis. Isa sa mga gabing nakakulong siya,, sa
kanyang mga binti at braso, kung kailan ko naramdaman ang tunay na kalayaan
Prepared by: Fernando JR. R. Garcia, Amiel Palabasan and Jefferson Guinto

You might also like