Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang 

panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang


paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling
makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas
ng mga huling salita.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,


lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at
ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman
ay mahaba.

Maikling Tula

 Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati


ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7
 Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na may
sukat na 5-7-5

Tulang Liriko o Pandamdamin

Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang
itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang
pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag
na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang
dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman
sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. Narito ang
ilang uri ng tulang ito:

 Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig


 Pastoral (Dalitbuki)
 Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay
parangal)
 Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na
pamamaraan.
 Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng
mabigat o matinding pagkukuro-kuro
 Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan

Tulang Pasalaysay

Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga taludtod.


Narito ang apat na uri ng tulang ito:

 Epiko (Tulabuyani)
 Tulasinta (Metrical Romance)
 Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
 Tulagunam (Ballad)

Tulang Dula

Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang
mga uri ng tulang dula:

 Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)


 Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
 Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
 Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
 Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
 Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in
Poetry)
 Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)

Tulang Patnigan (Justice Poetry)

Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit


hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at
tulain. Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:
 Karagatan
 Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan,
at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
 Balagtasan
 Batutian

Mga Elemento ng Tula

 Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit
pang taludtod.
 Sukat - bilang ng pantig ng tula.
 Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

 Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del


Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-6, p. 166-168

You might also like