Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Page 1 of 10

KABANATA 1

Panimula

Kaligiran ng Pag-aaral

Ito ay ang pag oobserba ng mundo at kung paano ito kumilos. Ito

ay nagmula sa salitang latin na scientia na nangangahulugang

sistematiko at lohikal na kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa

universe(NASA).

Ang agham o siyensya ay ang proseso sa pagtamo ng kaalaman.Ito ay

gumagamit ng prosesong makaagham, ang sistematikong pagtamo ng

bagong kaalaman tungkol sa isang sistema.Ang makaagham na pamamaraan

ay nagiging tulay sa mga bagong mga dinidiskubre sa ating mundo at

pati na rin sa kalawakan. Nagpakahulugan din ang Unibersidad ng

California na ito ay isang proseso na tumutuon lamang sa realidad at

sa natural na mundo, lahat ng supernatural ay hindi kasali sa

depenisyon ng siyensya.

Ang Wikang Filipino ay isa sa ating sariling wika na bumubuo ng

ating pagkatao.Nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay na identidad na

hindi hiram sa iba. Ang ating pagkatao ay nagiging ganap sapagkat

malinaw ang nagbunsod ng wikang Filipino at ng ating kultura. Nagiging

lubos ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating kamalayan dahil sa

ating sariling wika.


Page 2 of 10

Ang wikang Filipino ay magagagamit sa iba’t-ibang asignatura.

Pero sa larangan ng agham, matematika at teknolohiya, maaring hindi pa

mabibigyan ng tumpak na kahulugan ang mga salitang Ingles na ginagamit

sa agham. Ang wikang Filipino ay naisasantabi bilang isang lengguwahe

para sa agham. Ito ay parte na rin ng layunin para sa

internasyonalisasyon. Ang patuloy na paggamit nito ay bunga na rin ng

pangunguna ng Estados Unidos sa siyentipikong pananaliksik.

May mga hakbang na ginawa sina Brown at Ryoo ng Stanford

University noong 2008, ipinakita nila ito sa pamamagitan ng tinatawag

nila na “content first approach”. Sa ganitong paraan, inuunang ituro

ang mga konsepto gamit ang natural na wika bago ito dagdagan ng ang

mga panibago at mas komplikado na termino.  Ayon kay Jose T. Saragosa,

mahalaga ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki

ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang

payak na pagsusuri, masasabi nating ang paggamit ng Wikang Filipino sa

pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng

edukasyon o pagkatuto. Ayon kay Dekano Fortunato Sevilla III ng UST

College of Science, merong mga termino na ginagamit sa siyensiya na

nasa wikang Filipino. Haba ng alon” para sa “wavelength,” "bilis" para

sa “speed,” at “tulin” naman para sa “velocity.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga salitang

Filipino na ginagamit sa agham at kung ano ang maidudulot nito sa mga

mag-aaral.
Page 3 of 10

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may layuning masuri ang mga salitang

Filipino na ginagamit sa larangan ng agham. Para mas mainam ang

pagsusuri, nais nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo

ng agham?

2. Mas maayos ba ang pagpapalitan ng ideya mula sa estudyante at

guro kung ang wikang Filipino ang gagamitin sa pagturo ng agham?

3. Magkatulad ba ang pagkakahulugan ng mga salitang Ingles sa

salitang Filipino sa larangan ng agham?

Teoryang Batayan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay naayon sa Teoryang Historikal. Ang layuning ng


teoryang ito ay tungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit
sa mga akdang pampanitikan.

Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga

salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga

pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong

nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at

higit sa lahat ang ating pananampalataya


Page 4 of 10

Konseptwal na Balangkas

Mga Karaniwang
Paggamit ng
Pananaliksik at Salita na
Wikang Filipino
Obserbasyon Ginagamit sa
sa Agham
Balangkas I: Paraan kung paano salitaFilipino
suriin ang mga karaniwang Wikang sa wikang

Filipino na gingamit sa agham

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan para sa sumusunod:

Para sa mga estudyante. Upang mabigyan sila ng panibagong ideya at

mapalawak ang saklaw ng kanilang kaalaman tungkol sa agham.

Para sa mga guro. Upang mas mabigyan pansin at mapalawak ang kanilang

katuturan tungkol sa agham sa paggamit ng Wikang Filipino.

Para sa mga kasunod na mananaliksik. Upang magamit ang pag-aaral na

ito na maiugnay sa kasunod na pag-aaral upang makadiskobre ng

panibagong kaalaman.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na tuklasin ang mga kalipunan

ng salitang ginagamit sa siyensya at agham.


Page 5 of 10

Ang pananaliksik na ito ay isasakatuparan sa Unibersidad ng San

Agustin na gagamit ng mga impormasyong nakalap mula sa gagawing

pagsusuri at obserbasyon sa mga napiling pagbabatayan ng pag-aaral at

pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga journal, libro, internet, o mga

nauna ng mga pag-aaral tungkol sa paksa na maaring makatulong sa

isinasagawang pananaliksik.

Katuturan ng mga kahalagahan

Para mas mabigyang kabuluhan ang pag-aaral, ang sumusunod na

salita ay binigyan ng konseptwal at operasyonal na kahulugan.

Agham- ang agham ay sistematikong proseso tungkol sa realidad at

nasusoportahan ng mga teorya at ginagamitan ng sistematikong

paglalahad. Isang sistematikong pag aaral gamit ang sistematikong

pamamaran upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka haka.

(Science Dictionary)

Sa pananaliksik na ito, ang agham ang bibigyang pansin upang malaman

kung ano ang mga salita sa Wikang Filipino ang ginagamit sa agham.

Wikang Filipino-lawas ng mga salita at sistema sa paggamit sa mga

ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyon pangkultura

at pook na tinatahanan.( UP Diksyunaryong Filipino)

Sa pananaliksik na ito, bibgyang diin ang mga salitang hango sa Wikang

Filipino na ginagamit sa agham.


Page 6 of 10

Pagsusuri-ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging

mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na

pagkaunawa rito.

Ang tekniko ay ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa

man ang panahon ni Aristotle (384–322 BK), bagaman ang analisis ay

isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad

Pag-oobserba-aksyon or proseso sa pag-oobserba ng bagay bagay na

makukuhanan ng impormasyon tungkol sa isang paksa.

Sa pananaliksik na ito, ang pagsusuri at pag-oobserba ang gagamiting

proseso upang malaman ang mga salitang hango sa Wikang Filipino na

ginagamit sa agham.
Page 7 of 10

KABANATA II

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Pag-aaral ng Wikang Filipino sa Agham

Mas malaya ang pagtatanong and mas buhay ang talakayan sa ganoong

paraan. Mas madaling naiintindihan ng mga estudyante ang mga

konseptong teknikal na pinapaliwanag niya. Kailangang batay sa

kakayahang intelektwal at di lamang sa wika ang pag-aaral sa kemistri

dahil di naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles. Mas mainam

itong gamitin sa mga talakayan sa klase, dahil malapit itosa

pangkaraniwang paraan ng pag-uusap. Una rito ang paggamit ng salitang

Kastila. Kabilang dito ang siyensya, kimika, pisika, biyolohiya,

matematika, metal, likido, solido, produkto at iba pa.

Pangalawa, ang pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng

bagong salita. Halimbawa, kapnayan (galing sa salitang sangkap at

hanayan para sa chemistry); haynayan, (buhay + hanayan sa biology) at

liknayan (likas + hanayan sa physics); at mulapik ( mulaang + butil

para sa molecule). Ang panghihiram sa Ingles at pagsasa-Filipino ng

baybay, tulad ng kemistri, fisiks, bayolodgi, ikwesyon, molekyul, eyr,

ays at iba pa ang pangatlong paraan. Ang paghahalo ng wikang Ingles at

Filipino nang walang pagbabago ang huling paraan. Halimbawa, bumibilis

ang takbo ng mga molecule kung tataasan ang temperature. (Dr.Fortunato

Salvilla III)

Kakaiba ang tuwa ng mga estudyante na makarinig ng mga terminong

agham sa Filipino. Mahirap man para sa mga tagapagsalita, malaya at


Page 8 of 10

masigla ang malayang talakayan kaya sulit naman ang pinaghirapan nila

at nahihikayat silang gumamit ng Filipino bilang panturo.( Third

Mathematics and Science Study)

Paggamit ng Wikang Filipino

Kapag ginamit ang wika natin sa agham, magkakaroon ng wikang

siyentipiko, bagamat Ingles ang babasahin, ay sa Filipino

nagpapaliwanag ng mga guro o propesor. (Hornedo 2004)

Mahalaga ang Wikang Filipino sa agham kaysa sa Ingles dahil mas

mapapaliwag ito ng mga guro at mas madaling maintindihan ng mga

estudyante. (Cadsawan 2013)

Nauunawaan ng mga estudyante ang mga aralin at naipapahayag ang

saloobin kapag ang gamit na wika ay Wikang Filipino. (Ignacio 2008)

Mas natututo ang estudyante kung inang wika nila ang ginagamit sa

pag-aral.(Ball 2014)

Ang lingua franca ang unang wikang natutunan, naintindihan, at

isinalita ng bata at kaya pa rin hanggang ngayon. Ang Wikang Filipino

ay mas maiintindihan ng mga tagapagkinig at madali ang absorpsyon ng

kaalaman. (Statistics Canada 2014)

Ang inang wika ay dapat gamitin sa edukasyon sapagkat: tagumpay

ng mga estudyante, makikilahok ang mga magulang, mga batang taga-

probinsya ay mas tumatagal sa pag-aaral. (UNESCO et. Al 1953-2015)


Page 9 of 10

Sa kuro-kuro ng iba ay hindi na magpapahiwalay ang Ingles ang

Agham ngunit kailangang gamitin ang sariling wika sa larangan ng Agham

upang magdulot ng matinding pagkamamamayang Filipino.(Haffala 2008)

Bibilis ang pagkabuo ng isang kulturang siyentipiko sa ating

bayan at lalaki ang pakinabang ng bayan sa siyensiya at teknolohiya.

(Sevilla 2008)

Tanggap na ng maraming siyentista ang paggamit ng Filipino sa

pagtuturo at pagsusulat ng Agham. Ito’y nagdudulot ng mahusay at

mabilis na pagunawa sa mga asignaturang siyentipiko at teknikal.

(Yanga 2008)

Ang Ingles ay isang uri ng wika kung saan ang pagbigkas at

pagbaybay ng mga salita ay hindi direktang magkaugnay. Kaya’t ang mga

tao o estudyanteng may inang wikang maponetika, tulad ng mga Pilipino

ay maaaring mahirapan sa lengguwaheng Ingles na ginagamit sa pag-

aaral. Mas mainam gamitin ang wikang nakasanayan para mas maintidihan

ito ng mabuti. (Rosenthal 1996)

Mula sa 70 na respondanteng eded 5-6 na taong gulang ng English-

Cantonese bilingual halos kalahati nito ay halatang hirap na makipag-

usap o masabi ang kanyang nais gamit ang parehong Cantonese o Ingles.

(Bialystok, McBride-Change, at Luk ,2005)

Sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon,

Korea, Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na

gamit ang sariling wika, dapat paunlarin ang sariling wika para maging

matatas din ang mga Pinoy sa agham. (Dr. Fortunato Salvilla III)
Page 10 of 10

Mayroong diksyunaryo na nabuo ng mga siyentipiko noong dekada

sisenta at isa naman sa dekada otsenta. “Ang Talahuluganang Pang-

Agham: Ingles Pilipino” ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula

sa UST (Dr.Jose Sytangco)

Ang English-Pilipino Vocabulary for Chemistry nilikha ng mag-

asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, mga propesor ng kemistri

sa Unibersidad ng Pilipinas.(Bienvenido Miranda at Salome Miranda)

You might also like