Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamagat ng Kurso : Dalumat sa Filipino


Pangkat : BSED-Filipino 2a
Talatakdaan : Marso 24, 2021
Pangalan ng Fakulti: Dr. Rico Tarectecan
Pangalan ng mag-aaral: Timario, Elnalyn E.

GAWAIN 1:
Panuto: Ilahad ang mga tanong na nabuo sa iyong isip kaugnay sa iyong asignaturang Pagdalumat ng/sa
Filipino.

1. Ano ba ang dapat kong malaman


sa asignaturang ito ?

T
2. Makatutulong ba ang
A asignaturang ito sa aking kurso?
N
O 3. Mahalaga ba ang asignaturang
N ito sa kursong kinuha ko ?
G
4. Magagamit ko ba ang
asignaturang Dalumat sa Filipino sa
aking pagtuturo ?

Gawain 2:
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga kahalagahan ng mga sumusunod:

WIKA
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
K pagpapahayag.”
A
TU Mahalaga ang wika sapagkat ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
T ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
UR at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
AN
AT
K
A PAGDADALUMAT
HA Mahalaga ang pagdadalumt sapagkat ito ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at
L nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuringpagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
A Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
G pangangailanganng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
AH
AN
PAGTETEORYA
ang kahalagahan nito ay para makatulong sa pang araw araw na pamumuhay, dahil ang wikang
Filipino ang ating nakasanayan nang wika.
Pagtataya/ Awtput:
Panuto: Pakinggan ang awitin ni J. Santiago na pinamagatang LOOB. Talakayin ang mensahe
ng awitin sa pamamagitan ng pagdadalumat batay sa mga katanungan:

1. Ano ang pamagat ng awitin?


*LOOB

2. Balikan natin ang unang dalawang linya, paano inilarawan ng composer/ manunula ang
wika?
*Ayon sa kaniyang awitin ang wika ng pinoy ay simpleng-simple ngunit ubod ng
lalim, ibig sabihin para sa ating mga pinoy madali lamang iyon unawain. Ngunit kung
ikaw ay hindi pinoy, napakahirap sisirin, ibig sabihin kung ikaw ay hindi pinoy
mahihirapan kang unawain ang mga malalalim ng salita ng mga pinoy.

3. Ilahad ang mga salitang paulit-ulit na binabanggit ang composer, ano sapalagay ninyo ang
kanyang layunin?
*Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy. Sa aking palagay
ang layunin ng mga katagang yan ay ang wika ang magiging daan upang makamtan
nating mga pinoy ang kaunlaran, sapagkat kung ikaw ay may sariling wika magkakaroon
ng maunlad na bayan at pagkakaisa.

4. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang nasa liriko ng awitin?


*Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob
Ang alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama ng loob
Bituka at atay ay laman loob/ Mandurugas ay masasamang-loob
Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob

Para sa unang taludtod ang kahulugan ng kaniyang awitin ay ang looban ay isang
lugar ana tinatawag sulok ng pook o mas kilala nating iskenita, samantala ang
magnanakaw naman ay nanloob ng bahay upang magnakaw o kumuha ng
kanilang makukuha sa isang particular na bahay. Ang alinlangan ay
nagdadalawang isip sa kung anuman ang nasa kaniyang loob o isip, ang hinanakit
naman ay sama ng loob o hindi galit sa kaniyang puso. Sa isang banda ang bituka
ay atay naman ay isang partikular na internal na parte ng katawan ng tao,
samantala ang ibig ipakahulugan naman ng mandurugas ay manloloko o kaya
nama’y may balak na hindi magandang gawain. At ang katapangan ay nagpapakita
ng lakas ng loob o determinasyon, samantala ang natatakot ay mahina naman
ang loob na ang ibig sabihin ay hindi ganoon kahusay, hindi diterminado o walang
tiwala sakaniyang kakayahan.

5. Ano ang kaisipang nais ipabatid ng composer sa kanyang tagapakinig? Ipaliwanag.


*Sa akng palagay ang nais ng composer ipabatid ay ang paganahin ang utak ng
tagapakinig upang maunawaan ng lubos ang awitin at upang ito rin ay makapukaw ng
pansin sa iba pang wika na may malalim na pakahulugan.
Panuto : Ipaliwanag ang mga kaisipan sa loob ng awitin.

1. Marami tayong katagang/ Iba’t iba’ng Kahulugan


Ang ibig sabihin nito ay marami tayong alam na mga salita ngunit mayroon tayong
ibang kahulugan. Halimbawa nalamang ng balat-sibuyas, kung ating iisipin sa mababaw
na paraan ang ibig sabihin niyan ay isang balat lamang ng gulay na sibuyas ngunit ang
ibig sabihin talaga niyan ay maramdamin o mabilis umiyak.

2. Bituka at atay ay laman loob/ Mandurugas ay masasamang-loob


Sa aking palagay ang nais ipabatid ng kaisipang nito ay ang paghahalintulad
natin ng bituka at atay sa masasamang tao kung kaya’t naisip ng composer ibigay sa
kaniyang awitin ang kahulugan nito. Ang bituka at atay ay isang parte ng loob n gating
katawan, ang mandurugas naman ay manloloko.

3. Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob


Para saakin ang ibig sabihin ng “ang isip at damdamin ay niloob” ay ang
isinasapuso at hindi lamang basta basta, ang “hindi nababayaran ang utang na loob”
ang ibig sabihin nito ay hindi nababayaran ng kahit anuman ang nagawa mong kabutihan
sa iyong kapwa.

4. Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy


Sa aking palagay ang layunin ng mga katagang yan ay ang wika ang magiging
daan upang makamtan nating mga pinoy ang kaunlaran, sapagkat kung ikaw ay may
sariling wika magkakaroon ng maunlad na bayan at pagkakaisa.

5. Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob


Base sa aking pang unawa ang pagpasok ay pagpapaloob ay ang pagtanggap
patungo sa ating isipan at damdamin samantala naman ang pagsisisi ay pagbabalik loob
na ang ibig sabihin , kung ikaw nagsisisi sa iyong nagawa ikaw ngayon nag bumabalik sa
dating ikaw na kinalimutan mo.

You might also like