Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino: Pandiwa

I. Layunin
Pagkatapos ng 45 minutong diskusyon, 90% ng mag-aaral nang ikaanim na baitang
seksyon Gumamela ay inaasahang;

a. Natatalakay ang ibat-ibang aspekto ng pandiwa

b. Nakabubuo ng ibat-ibang halimbawa ng pandiwa

c. Naibahagi ang masayang karanasan gamit ang pandiwa

II. Paksang Aralin


Paksa: Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa

Sanggunian: https://www.google.com/search?q=aspektong+pangkasalukuyan

Kagamitan: Ispiker, Projector, Laptop

Pagpapahalaga: Maibabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga masasaya at di


malilimutang karanasan sa paggamit ng aspektong pandiwa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Pagbati
 Panalangin(Ama Namin)
 Pagbalik-tanaw sa pang-uri at antas ng pang-uri

B. Paglinang na Gawain

a. Motibasyon/Pagaganyak

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo at ganyakin silang umawit at lagyan ng


aksyon ang kantang “Kung ikaw ay Masaya”

b. Pagsusuri/Presentasyon

Ang Pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw .Ito rin ay nagbibigay


buhay sa pangungusap

c. Pagtatalakay/Diskusyon
1. Aspektong Pangnagdaan(Perpektibo)

-ang kilos ay nagawa o naganap na

Halimbawa: Si Ana ay nagluto ng almusal kaninang umaga.

2. Aspektong Pangkasalukuyan(Imperpektibo)

-ang kilos ay ginagawa o nangyayari pa lamang

Halimbawa: Hayan at umulan na naman.

3. Aspektong Panghinaharap(Kontimplatibo)

-ang kilos ay mangyayari pa lamang

Halimbawa: Magpapalit ng kurso si John sa susunod na taon.

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat

 Pangkatin sa dalawa ang mga mag-aaral


 Bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang masasayang karanasan
tungkol sa kanilang buhay
 Pumili ng isang representante upang ibahagi ang karanasan ng grupo

b. Paglalapat

 Pangkatin ang mag-aaral sa dalawa


 Bawat grupo ay may tatlong representasyon
 Kinakailangan nilang buuin ang isang larawan na nagpapahayag ng
kilos

IV. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa ibaba.
(Pangnagdaan, Pangkasalukuyan, Panghinaharap).
V. Takdang Aralin
Mag-isip ng isang halimbawa ng pandiwa at ibabahagi ito sa susunod na pagkikita

Inihanda Ni: Claudine Malinao

Ipinasa kay:

You might also like