Anim na araw daw ang iginugol ng Diyos sa paglikha ng
mundo at sa ikapitong araw ay nagpahinga siya. Ginawa niya ang buong kalupaan at katubigan. Lumikha siya ng puno at halaman, pati mga hayop natitira sa lupa, sa tubig at sa kalangitan. Mula sa alabok ay nilikha niya ang isang espesyal na nilalang; ito ay ang tao. Siya ang inatasang mangalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Siya ang tagapangalaga ng mundo. Ngunit ngayon, ang tanong na naghahari ay nasaan na ang dating paraiso? Ang Dating malinaw na tubig ilog ay nabahiran na ng dumi at nag kulay itim na galing at dahil sa basura. Ang malinis na karagatan ay na puno na ng mga basurang itinatapon ni Juan kung saan saan, at, mga likidong nang gagaling sa mga pabrika. Ang Masambong na kagubatan ay nakakalbo na sa parating pagpuputol ng mga kakahuyan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kasiraan na makikita natin sa kapaligiran at kalikasan. Ngunit, nasaan ang tagapangalaga ng nilikha ng Diyos upang magbantay sa lahat ng bagay na kanyang ginawa? Alam mo ba kung nasaan siya? Nasa ilog at nagtatapon ng basura, nandoon din siya sa gubat at namumutol ng puno, nasa loob din siya ng pabrika kung saan nagtatapon siya ng langis sa dagat at nagbubuga ng maitim nausok. Ang lahat ng nakikita nating kasiraan sa ating kapaligiran ay dahil sa atin. Sa mga gawain natin na ininaakala nati’y simple lamang ngunit sobra sobra narin ang epekto sa kapaligiran. Bakit di natin bawasan ang mga masasamang gawain na ito upang tayo ay makatulong sa pagpapaunlad at pagrereserba ng ating inang kalikasan. Simulannatinsapagiwassapagtatapon ng basurasakaragatan at mgailog. Tigilan o limithahan ang pagpuputol ng mga kakahuyan sa kagubatan. Sumama sa mga nagaadbokasya ng kapayapaan ng kalikasan. Mag simulang manghikayat ng mga kapitbahay at magturo ng tamang pagtatapon ng basura. Ilan lamang ito sa mga pwedeng gawin ng isang Juan o Juana para sa ikagaganda at ikakaayos ng inang kalikasan. Tunay nasa kabila ng pag-unlad ng sibilisasyon at teknolohiya ay ang kapaligiran ang higit na naaapektuhan. Kung may disiplina sana tayong mga tao, siguro malinis at maganda parin ang kapaligirang ating ginagalawan ngayon. Tayo ang tinaguriang tagapangalaga ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Kailan pa tayo kikilos upang itama ang pagkakamaling ating nagawa? Ngayon ang oras hangga’t hindi pa huli ang lahat. Tayo ang higit na naaapektuhan. Nais kong Makita muli ang paraisong nilikha ng Diyos. Hahayaan pa ba nating tuluyang mawasak ang mundo? Papayagan mo ba na kahit ang itsura ng dagat, puno at halaman ay hindi na kailanman masilayan ng susunod na henerasyon. Tayo ang tagapangalaga, hindi tayo nilikha upang maging taga-ubos at taga- sira. Simulan natin sa ating sarili, sa simpleng pagtatapon ng wasto ay masisimulan nating likhain ang paraisong matagal ng hinahanap ng mga tao. At sana isang araw, mula sa malalim na pagkakahimbing natin ay magising tayo sa katotohanan bago pamahuli ang lahat at tuluyang bawiin ng Panginoon ang lahat ng kanyang nilikha. Sana maisip din natin kung paano magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid natin. Maramingparaan para mabago ang lahat, Maaari mo itong umpisahan sa wastong pagtatapon ng iyong basura sa tamanglugar. Hindi pa huli ang lahat at sana magising tayo sa katotohanan.