Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Naratibong ulat

Dumating ang TESDA Assessor na si Ginoong Noriel Manoos sa ganap na ika-8:00 ng


umaga noong Enero 31, 2019. Sinalubong siya n gaming guro na sa Bread and Pastry Production na
si Gng Amilyn Manoos. Sinimulan namin ang aming gawain ng panalangin sa pamumuno ni G.
Manoos. At ng matapos sa panalangin ay nigrupo kami n gaming assessor sa dalawang pangkat,
sinundan niya ito ng isang oryentasyon tungkol sa aming gagawin sa araw na iyon. Binigyan nya
kami ng ilang paalala at kasabay nun ang kanyang pagpapatawa upang palakasin ang aming loob.
Matapos ang usaping iyon,ay nigrupo uli kami sa dalawa upang iyon na ang maging magkapares.
Nagging kapares ko ay si Jeanette Mendoza. Matapos ang ilang minuto ay naghanda na kami upang
simulan ang aming gagawin. Kaming dalawa ni Jeanette ay napagkasnduang maghati sa gagawin.
Siya ang naghanap ng mga panukat sa sangkap at ako naman ay para sukatin ang mga sangkap. At
ang gagawin naming ay dinner roll. Ang una naming ginawa ay nilagay naming ang harina sa
lamesa, nihulma ito at nilagyan ng butas sa gitna, kasunod nun ay paglagay ng tubig at yeast na
nakasukat na, sunod ang margarine, lard, asukal, asin, at ang baking soda. Matapos naming ilagay
ang lahat ng sangkap ay sinimulan ni Jeanette ang pagmasa ng mga iyon. At sinundan ko. Hindi
nagging madali para sa amin ang pagmasa ng dough, dahil ito ay matigas, kaya nagpatuloy kami sa
pagmasa hanggang sa itoay nagging maayos na. Ipinalagay ni G. Manoos sa isang lalagyan ang
dough at tinakluban ng katsa para sa pagpapaalsa. Habang pinapaalsa ang dough, kami kasama ang
ibang grupo ay naghanda ng gagamitin para sa paggawa ng cake. Katulad ng una naming ginawa ay
naghanda kami ng gagamitin para naman sa paggawa ng cake. Ang mga sangkap ay cake flour,
itlog, royal, vanilla, asukal, langis at sa cream of tartar. Ipinighiwalay ang dry ingredients at ang
liquid ingredients. At ng matapos itong paghiwalyain ay pinaghalo namin ang lahat ng dry
ingredients pagkatapos nito ay inisantabi naming muna at ginawa ang para sa liquid ingredients.
Ginamitan naming ito ng electric mixer upang mas madali. Matapos nito ay pinagsama namin ito at
hinalo gamit ang cut and fold method. Inilagay na naming ito sa laagyan at isinalang sa oven.
Habang hinihintay ang cake ay kinuha na naming ang dough at hinati ito na tama lang para sa sukat
ng dinner roll. Matapos paghatiin lahat ay inisantabi naming ito para sa pagpapaalsa ulit. At ng
maluto na ang cake ay inahon na naming ito at pinalamig. Habang pinapaalsa ulit ang dough ay
naghanda na kami para sa lunch break. Pagatapos naming kumain ay isinalang nadin namin ang
dough sa oven. Habang hinihintay naming maluto ay naghanda na kami ni Jeanette para sa icing n
gaming cake. Pagkatapos nun ay nilagyan na naming ng icing ang cake naming, nung una nahirapan
kami pero unti unti namn naming itong naaayos. Pagkatapos nun ay inahon nadin naming ang
dough at sa awa ng diyos maayos ang resulta nito. Natapos na bamin ang lahat kung kayat
piangtipon kami at nagkuhaan ng litrato. Sabay nun ang pagsabi ni G. Manoos ng resulta ng aming
ginawa. Hindi naman nasayang lahat ng pagod at gastos namin dahil ang rsulta y nakapasa kaming
lahat. Sobrang saya ko at ng mga kaklse ko dahil hindi naming inakala na makakapasa kaming
lahat. Pagkatapos nun ay nagkaroon kami ng oplan hugas ng mga pinagamitan.
Naratibong Ulat

Dumating ang TESDA Assessor na si Ginoong Noriel Manoos sa ganap na ika-8 ng umaga
noong Enero 31, 2019. Sinalubong siya ng aming guro sa Bread and pastry Production na si Ginang
Amilyn L. Manoos. Pinasimulan namin ang aming Gawain sa pamamagitan ng isang panalangin sa
pangunguna ni Ginoong Noriel Manoos. At sinundan nya ng isang orientasyon tungkol sa Bread
and Pastry Production at nagbigay ng kaunting kaalaman ditto. Igrinupo nya kami sa dalawang
pangkat na may tig sasampong miyembro ayon sa pagkakasunod-sunod ng aming mga pangalan.
Pagkatapos ay tinuruan nya kami ng mga teknik kung paano magpaalsa ng tinapay, kasabay ng
kanyang pagpapatawa at pagpapalakas n gaming loob para mawala ang kaba a aming
nararamdaman. Matapos ang oryentasyon at iba pang usapin ay pinahanap nya kami ng kapareha
upang mas medaling matapos an gaming Gawain. Ang nagging kapareha ko ay si Wilmar
Ricafrente. At makailang minuto pa ay piasimulan na an gaming Gawain. Ang una naming ginawa
ay ang dinner roll dahil kailangan pa itong paalsahin ng ilang oras. Napagkasunduan naming ng
aking kapareha na ako na muna ang maghalo ng mga sangkap at sya na ang magmasa, ng matapos
kong haluin ay minasa na nya ito, at ng makaramdam na sya ng pagod ay hinalilihan ko sya sa
pagmasa ng dough, nagging madali lang naman sa amin ang pagmasa ng dough dahil sa unang
masa palang ay maganda na an gaming dough, mayamaya pa ay sinabe ni G. Manoos na ok na ang
aming dough at kailangan nalang paalsahin. Binilog ng aking kapareha na si Wilamar an gaming
dough, at inilagay ito sa isang lagayan at tinabunan ng katsa. Pagkatapos nun ay inilagay namin ito
sa oven para paalsahin. Habang nagpapaalsa kami ng tinapay ay nagpahinga muna kami, dahil yung
first batch pa ang naghanda sa pagawa ng cake, nagmeryenda nadin kami at pagkatpos ng ilang
minuto ay kinuha na naming ang aming dough sa oven at kitang kita naman na umalsa ang aming
dough dahil lumaki ito, pagkatpos nito ay hinati hati namin ito, tama lang para sa dinner roll shape,
at pagkatpos naming hatiin lahat ay inilagay ulit naming ito sa isang tabi at pinaalsa ulit. Pagkatpos
nun ay naghanda na kami para naman sa pagawa ng cake, inihiwalay namin ang dry at liquid
ingredients. Una naming ginawa ay pinagsama-sama ang lahat ng dry ingredients at hinalo ito,
kasunod ay ang paghalo ng liquid ingredients gamit ang electric mixer. Pagkatapos nun ay
pinaghalo namin itong parehas gamit ang cut and fold method at isinalang na sa oven.habang
hinihintay ay gumawa kami ng boiled icing. At dahil luto na ang lahat ay nilagyan na namin ng
design ang cake at pagkatapos nun ay ok na. nagkaroon ng picture taking. Sabay nun ang pagsabi
ng resulta ni G. Manoos. Natuwa kaming lahat sa nagging resulta dahil nakapasa kaming lahat. At
pagkatapos nun ay naghugas na kami ng pinaggamitan at naguwian na.
Naratibong ulat
Dumating ang TESDA assessor na si G. Noriel Manoos sa ganap na ika-8:00 ng umaga
noong Enero 31, 2019. Sinalubong sya ng aming guro sa Bread and Pastry na si Gng. Amilyn
Manoos. Ang aming Gawain ay pinasimulan ng isang panalangin na pinangunahan ni G. Noriel
Manoos, pagkatpos nun ay iginurpo kami sa dalawang pangkat n gaming assessor at nagkaroon din
ng oryentasyon tungkol sa aming gagwing assessment, nagbigay din sya ng mga paalala upang
palakasin ang aming loob. Pagkatapos nun ay nagdesisyon sya na igrupo uli kami sa dalawa upang
iyon na ang aming maging kapartner at ang kaing kapareha ay si Kemberly Osorio. Pagkatpos ulit
nun ay pinaghanda na kami sa aming gagawin. nag-usap muna kami ng kaunti ni Kemberly tungkol
sa mga sangkap at kung anong gagawin naming. Naghanda na kami ng mga kagamitan, ang unang
ginawa naming ay nilagay na naming ang harina, at inihulma ito pabilog at nilagyan ng iba pang
mga sangkap. Ang unang nagmasa ay si Kemberly, una palang ay nakita na ni G. Noriel Manoos na
maganda ang pagkakamasa n gaming dough dahil ito ay malambot, kaya’t ipinagatuloy lang naming
ito at nagpalit na kami ni Kemberly. Ako naman ang nagmasa hanggang sa maging ok na ito at
ipinlagay na ito sa isang lalagyan at tinakluban ng katsa upang ito ay umalsa. Habang pinapaalsa
ang dough kaming unang grupo ay naghanda ng gagamitin para sa cake, katulad ng ginawa namin
ni Kemberly ay nagahanda na kami ng gagamitin para sa gagawing cake, pinaghiwalay naming ang
liquid ingredients at dry ingredients sa tig-isang bowl. Pagkatapos naming ihanda ay inilagay muna
naming sa tabi dahil umalsa na ang ginawa naming dinner roll at kailangan na naming itong gayatin
at bilugin. Pagkatapos nun ay inilagay naming sa cabinet na may plastic cover upang paalsahin ito
ulit. At bumalik na kami sa paggawa ng chiffon cake, ng matapos na namin ito ay naghugas muna
kami upang may magamit ang kasunod na grupo. Habang nas aoven ang cake ay nagrecess muna
kami at pagkatapos na naming magrecess ay naghintay na lang kami sa room habang pinapaalsa ang
dough at habang niluluto ang cake. Ng maluto na ang cake ay dough naman ang aming isinalang at
pagkatapos ay kumain na kami ng tanghalian, kahit na nakasalang na ang dough, pagkatapos
naming magtanghalian ay naahon na nila ang aming dinner roll. Hindi man nagging maayos
masyado dahil pinaliwanag ni G. Manoos na nahuli kami sa pagsalang sa oven nito, pero nagging
maayos naman. Pagkatapos nun ay boiled icing naman ang aming ginawa, nagging maayos naman
ito, at nilagyan na naming ng icing ang cake ng iba’t-ibang kulay at design. Pagkatpos naming
mag-icing ay nag-igib kami upang may ipang hugas. At pagkatapos nun ay naghugas na kami at
nagkaroon ding picture taking sa top 10 na ginawang cake at nakasali ako dun, pagkatapos ay
nagpaliwanag si G. Manoos at habang nagpapaliwanag at sinabe niyang pumasa kaming lahat at
kumuha ng picture si ma’am Jennifer sa amin. Masaya ang lahat sa aming pagpasa at naghugas na
ulit kami, tapos ay nagsiuwian na.

You might also like