Professional Documents
Culture Documents
Leap-Piling-Larang-Akad - W5
Leap-Piling-Larang-Akad - W5
W5 PILING LARANG
AKAD
Quarter 3 Date
ABSTRAK
Baybayin bilang bahagi Kasaysayan ng mga Filipino: Isang Pag-aaral--
isang kwalitatib, dekriptib at historikal na pananaliksik na may layunin na
1.) Mailalahad ang malalim na kasaysayan at mga bagong patakaran
ukol sa Baybayin 2.) Mabatid ang kahalagahan ng Baybayin sa
paghubog ng identidad at kultura ng Filipino 3.) Malaman ang
persepsyon ng mga propesyunal ukol sa paggamit ng Baybayin sa
kasalukuyan. Kaya naman ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay
makikipanayam sa mga propesyunal na linggwista, dalawang (2)
propesyunal na natpaos ng kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya
at kasalukuyang tagapagsaliksik sa Komisyon ng Wikang Filipino at
isang guro ng asignaturang Filipino na nakapagsagawa ng pananaliksik
sa paksang Baybayin sa kolehiyo. Sumasaklaw ang pag- aaral na ito
ang kaligirang kasaysayan at pagbabago ng baybayin, kahalagahan sa
identidad at kultura, at dulot nito sa perspektibo ng lipunan- Ayon sa
mga nakalap na datos, hindi matitiyak ang pinagmulan ng Baybayin
ngunit maaring nagmula ito sa pagsalita ng katutubo pagkat ang sistema
ng pagsusulat ay naaayon sa wikang sinasalita ng isang indibidwal o sa
pagguhit ng taklobo. Gayundin, ang pag-usbong ng Baybayin sa
Pilipinas ay agad na kinalimutan pagkat ito ay ibinura ng mga Espanyol
noong unang panahon. Tugon ng nakakarami na maaaring hindi
praktikal ang paggamit muli ng Baybayin pagkat ito’y hindi na naaayon
sa kasalukuyang panahon. Bagkus, mayroong mga kamalian ukol sa
konsepto ng nakakarami ukol sa Baybayin tulad ng Alibata, limitasyon sa
Tagalog at paggamit nito bilang “Aesthetic Artifact”. Karagdagan,
itinuturing ang Baybayin bilang sining, agham, sistema ng pagsusulat at
simbolo ng karunungan ng Filipino na siyang nagpapatibay sa ideya ng
intetidad at kultura ng mga mamamayang Filipino.
Rubrik
Pamantayan Marka
Rubrik
Nakasunod 10 10 10
Hindi gaano 7 7 7
Hindi nagawa 4 4 4
V. ASSESSMENT 30 minuto
( Learning Activity Panuto: Pasunod-sunurin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak lagyan
Sheets for
ng bilang 1-5 ang mga sumunuod.Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno
Enrichment,
Remediation or (notebook).
Assessment to be ____Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
given on Weeks 3 mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng
and 6)
pag-aaral na ginawa.
____Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing
kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
____Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita
sa kabuoan ng papel; ibig sabihin , hindi maaaring maglagay ng mga
kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawa ng pag- aaral o sulatin.
_____Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sa
pagkat hindi ito na ngangailangan ng deyalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba ito.
_____Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap.
Huwag maging maligoy sa pagsulat nito
VI. REFLECTION 20 minuto Sa inyong kuwaderno (notebook) , Isulat ang inyong opinyon ukol sa paksang
tinalakay gamit ang mga sumusunod.