Tekstong Impormatibo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Tekstong Impormatibo

Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagbabasa ay upang matuto. Kaya naman isang uri ng teksto
ang naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman—ang tekstong impormatibo.

Ano ang Tekstong Impormatibo?


Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon,
kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang
sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at
katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang
opinyon o saloobin.

Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng
teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac,
maging mga sanaysay.

Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa


isang mambabasa.

1. 10 Halimbawa ng Tekstong Impormatibo


2. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
3. Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S. Almario.
4. Tagapangulo rin si Almario, kilala rin bilang Rio Alma, ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF).
5. Nilagpasan ng ADMU Lady Eagles ang tatlong do-or-die matches bago nila nakaharap ang
DLSU Lady Spikers sa championship.
6. Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids grand champion.
7. Sa Lunes ay gagawin ang isang malawakang transport strike bilang pagtutol sa modernisasayon
ng mga jeep.
8. Ang tugmang de gulong ay ang mga akdang nababasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng
jeep, bus, at tricycle.
9. Sekreto raw ni Marie sa kaniyang matataas na grades ang madalas na pagbabasa.
10. Ang kape ay nagtataglay ng caffeine na maaaring makapagpabilis ng tibok ng puso ng tao.
11. Paborito tuwing Pasko ang bibingka at puto-bumbong.

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo


Mayroong tatlong uri ang tekstong impormtibo. Ang bawat isa ay nagtataglay ng iba’t ibang
paraan ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon upang maging epektibo ang isinusulat na
teksto.
Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan, o iba pang
panahon. Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng mahahalagang kaganapan tulad ng mga nababasa sa
mga pahayagan, almanac, at aklat sa kasaysayan.

Halimbawa
 Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
 Ginawa ang 2019 Midterm election noong Mayo 13, 2019 at idineklara ni Pangulong Duterte
bilang non-working holiday.
 Gagawin ang Miss Universe 2019 Pageant sa United States. Ang unang inanunsyong petsa ay sa
Disyembre 8.
 Ibinenta ng mga Espanyol ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang $20,000,000. Ito ang
laman ng Kasunduan sa Paris.
 Nagdiwang ng ika-10 anibersaryo ang noontime show na It’s Showtime kahapon sa Resorts
World Manila.

Pag-uulat ng Impormasyon
Nakatuon naman ang uring ito sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop, at lugar.
Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman sa uring ito ay madalas na bagong
impormasyon para sa maraming mambabasa.

Halimbawa
 Natagpuan ng mga mananaliksik ang isang antigong bowl o mangkok ng noodles sa China na
sinasabing pinakamatanda sa buong mundo.
 Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang Bulacan sa ‘bulak’ dahil laganap daw noon sa
lalawigan ang puno ng bulak.
 Mula sa Pampanga ang pagkaing sisig. Likas na maasim daw ang orihinal na recipe nito dahil
pagkain daw ito ng mga naglilihi at lasing.
 Si Marian Rivera ang ipinalit kay Angel Locsin sa role na MariMar. Lumipat kasi sa kabilang
network si Angel kaya naghanap ang GMA ng bagong gaganap.
 Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Isko Moreno. Naging tanyag lamang siya sa
kaniyang screen name kaya ito na rin ang naging pangalan niya bilang politiko.

Pagpapaliwanag
Sumasagot sa tanong na ‘paano’ ang ikatlong uri. Ipinaliliwanag nito kung paano naganap ang
isang bagay. Hindi man ito nagpapakita ng prosedyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng
kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente.

Halimbawa
 Nahulog ang bata dahil iniwan siya ng tiyahin niya sa upuan.
 Nanalo si Pacquiao sa bisa ng isang unanimous desisyon.
 Nakuha ang pera sa ginang nang papasukin niya ang mag-asawa sa kaniyang bahay.
 Bumaba ang mga marka ni Leni dahil hindi siya nakakuha ng pagsusulit.
 Bumaha sa kabilang barangay dahil nasira ang malaking tubo ng tubig doon.

Layunin ng Tekstong Impormatibo


Ang sumusunod ay ang layunin ng pagsusulat at pagbabasa ng tekstong impormatib.

1. Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman


2. Nagbibigay ng linaw sa kung paano nangyayari o nangyari ang isang bagay
3. Pinauunlad ang pagsusuri sa detalye at impormasyon

Karagdagang Kaalaman:

You might also like