Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1-3

PAMAGAT: Sa Kubyerta, Sa Ilalim ng Kubyerta, Ang alamat


TAUHAN: Donya Victorina, Kapitan ng Bapor, Simoun, Padre Salvi, Don Custodio, Ben-Zayb,
Basilio, Isagani, Kabesang Tales, Tandang Selo, Placido Pinetente, Juli, Paulita Gomez, Ginoong
Pasta, Padre Camorra, Padre Fernandez, Padre Sibvia, Padre Florentino.
BUOD: Sa araw ng Disyembre nag lakbay ang Bapor Tabo sa ilog ng Pasig patungong Laguna.
Doon ay pinag usapan nila ang pagtutuwid sa paliko-likong ayos ng ilog, sabi ni Simoun ang
lunas sa pag ayos ng paliko-likong daan ng ilog ay napakadali, maghukay lamang ng kanal sa
Maynila, mag bukas ng bagong ilog at tabunan ang ilog pasig. Tinitiyak ni Kapitan Basilio na
hindi maisasakatuparan ang akademmya ng wikang kastila sa Laguna. Nag uusap-usap ang mga
padre si Simoun at Ben-zayb at kinuwento naman ni Padre Florentino ang alamat ni Donya
Geronima, kay Padre Salvi naman ay ang alamat ng demonyong nag panggap na buwaya. At
nakapasok na ang bapor sa ilog ng Laguna.
SIMBOLISMO: Kubyerta, Bapor Tabo, Katunggakan, Wawa, Indio, Akademya, Sasalunggatin,
Karalitaan, Serbesa, Mapusok, Lumigid, Beateryo.
KULTURA: Ginagamit ang bilanggong bihag upang walang perang m,agastos sa pag gawa.
Nagreregalo ng kabayo sa hinihingan ng tulong o ng kahilingan.
SULIRANING PANGLIPUNAN: Ipinakita ni Jose Rizal ang mabagal na pag unlad ng pamahalaan
noon ng pilipinas ang malaking pagkakaiba ng mamamayan at mahihirap sa lipunan.

4-6
PAMAGAT: Kabesang Tales, Ang Noche Buena ng Isang Kutsero, Si Basilio
TAUHAN: Simoun, Basilio, Isagani, Kabesang Tales, Tandang Selo, Placido Penitente, Juli, Paulita
Gomez, Don Custodio, Ginoong Pasta, Ben-zayb, Padre Cammora, Padre Fernandez, Padre Salvi,
Padre Sibvia
BUOD: Pinag babayad si Kabesang Tales ng buwis simula nung nag karon na ng ani ang tinanim
niyang mga pananim, natupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay na gawa sa tabla,
pinagkaisahan din siyang gawing Cabesa de barangay. Dinukot si Kabesang tales ng mga tulisan
at ipanapatubos ng 500 piso. Dumating na si Basilio sa Sandiego ngunit hinarang ito ng mga
guwardiya, nakauwi naman si Basilio sa kanyang bahay na tinutuluyan bahay ito ni Kapitan
Tiago, ngunit nalaman niya na dinakip si Kabesang Tales kaya nawalan ito ng gana. Noong
namatay ang ina ni basilio ay nag aral siya sa maynila, at tinulungan siya ni kapitan Tiago na taga
sandiego rin kinuha siyang utusan at pinayagang maka pag-aral sa San Juan de Letran. At
nakapagtapos si Basilio at nag tapos ito ng may markang sobresaliente o pinaka mataas na
marka, inilipat siya ni kapitan Tiago sa Ateneo De Municipal kung saan siya nag aral ng
pagkabatsilyer. Malapit ng matapos ni Basilio ang medisina, mapapakasalan na nito si Juli.
SIMBOLISMO: Buwis, tabla, Cabeza de Barangay, tulisan, agnos, kinulata, ipipiit, ripeke, misa de
galio, nanaog, kinahihimlayan, mag pa alila, sobresaliente, pagkabatsilyer
KULTURA: Matutubos ang anak gamit ang pera, at kailangan manalo sa kaso upang matubos
ang kanyang anak. Pag wala kang dalang sedula kapag ikay isang kutsero ay hahampasin ka ng
gwurdiya, bawal ding walang ilaw sa gabi ang karwahe ipinag babawal yon ng batas.
SULIRANING PANG LIPUNAN: Pag diskriminasyon sa mga indio tulad ni basilio dahil sa
pananamit nito at papasok lamang sa paaralan hindi para matuto kundi para makapasa sa mga
pagsusulit.

You might also like