Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 104

Antipolo Campus

I. Kahulugan ng Retorika

• Ang masining na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang higit

na maunawaan at maging kasiya-siya sa tagapakinig o mambabasa.

• Mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa

wastong paggamit ng wika pasulat man o pasalita.

II. Kahulugan ng Retorika Batay sa mga Paham

a. Aristotle

• “ Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng lahat na abeylabol na paraan ng

panghihikayat sa anomang partikular na kaso.”

• Isang mabisang lapit sa pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng diwang

may kahulugan, lalim, kabuluhan at kariktan.

• Ang kasiningan at kahusayan sa pagpili ng salitang gagamitin sa pangungusap

upang makabuo ng mga kaisipan.

b. Plato

• “ Art of winning soul sa pamamagitan ng diskurso “

c. Cicero

• “ Ang retorika ay pagpapahayag na dinisenyo upang makapanghikayat “

d. Quintillian

• “ Ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita “


Antipolo Campus

e. George Campbell

• “ Ang retorika ay isang arte o talento kung saan ang diskurso ay ginagamit

tungo sa layuning maglinaw ng pag-unawa, umaliw ng imahinasyon. Magpakilos

ng marubdob na pagnanasa o makaimpluwensya ng disposisyon. ”

f. Philip Johnson

• “ Ang retorika ay isang sining ng pagbabalangkas ng argumento upang

mapahalagahan ng mga tagapakinig / mambabasa.

g. Francis Bacon

• “ Ang tungkulin ng retorika ay maiaplay ang katwiran sa imahinasyon para sa

higit na mabuting pagkilos ng disposisyon. “

III. Mahahalagang Tala sa Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika

● Homer – kinilala ng maraming Griyego bilang “ Ama ng Oratoryo “

● Sophist – pangkat ng mga guro ng retorika noong panahong Klasikal.

● Corax – aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham.

● Protagoras – kauna-unahang sophist, nagturo sa kanyang mag-aaral kung

paano ang mahihinang argumento ay magagawang malakas sa isang pahayag

o talakayan.
● Antipho
Antipolo Campus
n–

tinuturing na Ten Attic Orators, ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at

praktika ng retorika

● Isocrates – dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo. Siya ang

nagpalawak ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at

pilosopiya na may layuning praktikal.

● Cicero at Quintillian – mga unang guro sa Roma na nagturo ng pormal na

retorika. Tinaguriang “ Dakilang Maestro ng retorikal at praktikal na

retorika. “

● Cicero – may-akda ng “ On the Orator, Institutio Oratoria” at “ The

Training of an Orator”

IV. Kanon ng Retorika

• Imbensyon

• Pagsasaayos / Arrangement

• Istayl / Istilo

• Memori o Memorya

• Deliberi / Paghahatid
1.
Antipolo Campus

Imbensyon

Latin na salita “ Invenire “ na ang kahulugan ay to find. Ito ay karaniwang

nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na naging kunbensyonal na

hanguan ng mga retorikal na materyales

2. Pagsasaayos

Nakatuon sa kung paano ang pagsusunod – sunurin ang isang pahayag o akda.

- Karaniwang Pagsasaayos ng isang Klasikong Oratoryo

Introduksyon

Paglalahad ng mga katotohanan

Dibisyon

Patunay

Reputasyon

Konklusyon

3. Istayl

Nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung paano ito

sasabihin. Ang istayl ay hindi insidental, superpisyal o suplementari sapagkat

tinutukoy nito kung paano ipinapaloob sa wika ang mga ideya.

4. Memori
May
Antipolo Campus

kaugnayan sa mnemonics o memory aids na tumutulong sa isang orador na

sauluhin ang isang talumpati. Nakapaloob din sa kanong ito ang ang pag-

iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng imbensyon upang

magamit sa isang partikular na okasyon.

5. Deliberi

Napakahalaga sa retorikal pedagodyi. Binibigyan – diin sa pagtalakay ng

exercitacio ( practice Exercises ) at naipakikita sa deklamasyon ng mga

retorikal na edukasyon. Ito ay pampublikong presentasyon ng diskurso,

pasalita man o pasulat.

V. Retorika Bilang Sining

• Isang Kooperatibong Sining

• Isang Pantaong Sining

• Isang Temporal na Sining

• Isang Limitadong Sining

• Isang may Kabiguang Sining

• Isang Nagsusupling na Sining

1. Isang Kooperatibong Sining


Antipolo Campus

Napagbubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig; ang manunulat at ang

mambabasa.

2. Isang Pantaong Sining

Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay isang

ekslusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay magiging isang eksklusibo ring

sining ng tao at para sa tao.

3. Isang Temporal na Sining

Ang retorika ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa

lengwahe ng ngayon,hindi bukas o kahapon. Ang paksa at paraan ay laging

naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang panahon.

4. Isang Temporal na Sining

Ang retorika ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap

sa lengwahe ng ngayon,hindi bukas o kahapon. Ang paksa at paraan ay laging

naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang panahon.

5. Isang Limitadong Sining

Maaari nitong paganahin ang ating imahinasyon at gawing possible ang mga

bagay na imposible sa ating isipan ngunit sa realidad , hindi lahat ng bagay ay

magagawa nito.“ Kung sa imahinasyon ay walang limitasyon ang retorika, sa

realidad ay limitado ang kayang gawin nito.


Antipolo Campus

6. Isang May Kabiguang Sining

Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika. Marami sa atin ang

limitado lamang ang kaalaman at kasanayan sa wika. Idagdag pa na ang wika ay

likas na komplikado.Bunga nito, hindi lahat ng tao ay nagtata-gumpay sa

layunin sa lahat ng pagkakataon.

“ Walang hangganan ang pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa

pamamagitan ng retorika hangga’t may nagsasalita at nakikinig , may

nagsusulat at nagbabasa.”

Saklaw ng Retorika

• Wika

• Sining

• Pilosopiya

• Lipunan

• Iba pang –agham

VI. Gampanin ng Retorika

• Nagbibigay –daan sa komunikasyon

• Nagdidistrak

• Nagpapalawak ng pananaw

Antipolo Campus

Nagbibigay – ngalan

• Nagbibigay - kapangyarihan

1. Nagbibigay –daan sa Komunikasyon

Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita

o pasulat na paraan upang maunawaan ng ibang tao. Samakatuwid, dahil sa

retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon.

2. Nagdidistrak

Dahil sa pakikinig sa iba o pagbabasa ng mga akda, maaaring nadidistrak

ang ating isipan sa mga masasakit na realidad sa ating lipunan.

3.Nagpapalawak ng Pananaw

Sa tuwing tayo ay nakikinig o nagbabasa , maaaring may natutunan tayong

bagong kaalaman na mahalaga na nagiging dahilan ng paglawak ng pananaw sa

buhay.

4. Nagbibigay-ngalan

Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o ipinanganak nang walang

leybel.

Hal. Kamera – Kodak


Antipolo Campus

Toothpaste – Colgate

Kotse - Toyota

5.Nagbibigay – kapangyarihan

Maraming tao ang naging prominente at makapangyarihan. Ang matatalinong

ideya, malalim na paniniwala at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng

retorika ay pinagmumulan ng kapangyarihan at kalakasan .


RETORIKA  

​ Isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa ​sining na maganda 


at kaakit-akit na pagsusulat at pagbabasa. Ito ay pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng 
isa o maraming tao. Ang salitang retorika ay nagmula sa salitang Griyego na “​rhetor”​ na 
nangangahulugang isang “​Guro” ​o “​Mananalumpati”​ o pagsasalita sa isang pagpupulong. 

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG RETORIKA 


KLASIKAL NA RETORIKA 

Ang elokwens na pinamalas nina Nestor at Odysseus sa ​Iliad​ ay naging dahilan upang 
kilalanin si Homer ng maraming Griyego bilang ​ama ng oratoryo.​ Ang pagkakatatag ng mga 
demokratikong institusyon sa Athens noong 510 BC ay nagtakda sa lahat ng mga mamamayan 
ng pangangailangan ng serbisyong publiko. Mula noon, naging esensyal na pangangailang na rin 
ang oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro ang nakilala. ​Sophist ​ang tawag sa mga 
kinilalang pangkat ng guro. Sila’y nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita 
ang mga tao sa pamamagitan ng tuntuning pansinig. Si ​Protagoras,​ang kauna-unahang 
Sophist, ay nagsagawa ng isang pag aaral sa wika at nagturo sa kanyang mga mag aaral kung 
paanong ang mga mahihinang argumento ay nagagawang malakas sa isang pahayag o 
talakayan. 

Sinasabing ang aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham ay si ​Corax ​ng 
Syracuse na noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay ​artificer o persuasion ​at 
umakda ng unang handbuk hinggil sa sining ng retorika. Ang iba pang maestro ng retorika sa 
panahong ito ay sina​ Tisias ​ng Syracuse, isang mag aaral ni ​Corax; Gorgias ​ng Leontini na 
nagpunta sa Athens noong 427 BC; at ​Thrasymachus ​isang Chaldeon na nagturo rin sa 
Athens. Si ​Antiphon ​naman, una sa tinuturing na ​Ten Attic Orators, ​ang kauna-unahang 
nagsanib ng teorya at praktika ng retorika. Ngunit si ​Isocrates, ​ang dakilang guro ng 
oratoryo noong ikaapat na siglo BC, ang nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang 
pag aaral sa kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal. 

Tinutulan naman ni ​Plato​, isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa 
retorika. Binigyang - diin ni Plato ang panghihikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang 
Gorgias ​at tinalakay nya ang mga simulaing bumubuo sa esensya ng retorikal na sining sa 
Phaedrus. Samantala, sa akdang ​Rhetoric​, inilarawan ni ​Aristotle, ​isa pang pilosopong 
Griyego, ang tungkulin ng retorika hindi bilang panghihikayat. Samakatuwid, binigyan - diin 
niya ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng katotohanan at hindi ng 
panghihikayat sa pamamagitan ng apil sa emosyon. Itinuring niya ang retorika bilang 
counterpart o sister art ​ng lohika. 

Samantala, sa Roma ay nakilala sina ​Cicero ​at ​Quintillian​, bagama’t ang mga unang 
guro ng pormal na retorika noon doon ay mga Griyego. Sila ang tinaguriang dakilang maestro 
ng retorikal at praktikal na retorika, kahit pa sila’y mga modelong Griyego. Si ​Cicero ​ang 
umakda ng​ On the Orator, Institutio Oratoria at The Training of an Orator ​ na hanggang 
sa kasalukuyan ay ipinapalagay na masusing pagdulog sa mga simulain ng retorika at sa 
kalikasan ng elokwens. Hanggang sa unang apat na siglo ng Imperyo ng Romano, ang retorika 
ay tinuro ng mga tinatawag na ​Sophist ​na sa panahong iyon ay naging isang titulong 
akademiko. 

RETORIKA SA GITNANG PANAHON/MIDYIBAL AT RENASIMYENTO 

Sa gitnang panahon, ang retorika ay isang sabdyek ng ​trivium​ o tatlong sabdyek na 
preliminari ng pitong liberal sa sining ng mga unibersidad, kasama ang gramar at lohika. Ang 
mga pangunahing midyibal na awtoridad sa retorika ay tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim at 
ikapitong siglo: sina ​Martianus Capella,​ awtor ng isang ensayklopidya ng pitong liberal na 
sining ( aritmitik, astronomi, dyometri, musika, gramar, lohika, at retorika); ​Flavius Magnus 
Aurelius Cassiodorus, ​isang historyan at tagapagtatag ng mga monastery na umakda ng 
Institutiones Divinarum et Humanarum Lec-tionum; ​at si ​San Isidore ng Seville, ​isang 
kastilang arsobispo na nagkompayl ng isang akdang ensayklopedik tungkol sa ​ancient world. 
Sa panahong ito, ang retorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinatawag na 
tatlong “​artes”​ : paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula. 

Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), ang pag aaral ng retorika 
ay muling ibinatay sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina​ Aristotle, Cicero at 
Quintillian.​ Ilang mga kontemporaryong disertasyon ang nalikha sa panahong ito kabilang 
ang ​ The Art or Crafte of Thethoryke​ ng Inglaterong punongguro at manunulat na si  
Thomas Wilson. ​Noong ika-16 na siglo, nakilala sina ​Pierre de Courcelles at Andre de 
Tonquelin, ​mga retorisyanong Pranses. Sa buong panahon ng Renasimyento, ang retorika ay 
itinakdang sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko 
at mga kumpetisyon na nakatulong upang panatilihing buhay ang pratika ng retorika. 

MODERNONG RETORIKA 

Sa simula ng ika-18 siglo ay nabawasan ng importansya ang retorika, bagama’t sa 


teoretikal na aspeto lamang at hindi sa praktikal, sapagkat nagpatuloy ang paglaganap ng 
mga oportunindad para sa epektib na oratoryo sa politikal na arena. Sa ikalawang hati ng 
siglo, patuloy na nabawasan ang mga eksponent ng retorika. Mangilan-ngilan lamang ang mga 
kaugnay na akdang naging popular sa panahong ito kabilang ang ​Lectures on Rhetoric ​(1783)  

ng paring Scottish na si ​Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric (​1776) ni ​George Campbell, ​isang 
teologong Scottish at ang ​Rhetoric (1828) ​ni ​Richard Whately,​ isang Britong eksperto sa 
lohika. 

Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag aaral ng pormal 
na retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng semantics, isang agham ng 
linggwistika. Ito ay naganap sa kabuuan ng lahat ng mga bansang gumagamit ng wikang 
Ingles sa daigdig. Ang mga modernong edukador at pilosopong nakagawa ng mga 
mahahalagang kontribusyon sa pag aaral na ito ay sina ​I.A. Richards, ​isang Britong kritiko 
ng literatura at ​Kenneth Duva Burke at John Crowe Ramsom, ​mga Amerikanong kritiko rin 
ng literatura 
WAST0NG GAMIT NG MGA SALITA
WASTONG GAMIT

Ng / Nang
GAMIT NG NANG
a. Karaniwang ginagamit na pangatnig sa
mga hugnayang pangungusap at ito ang
panimula ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka
sa pagsusulit
Magsikap tayo nang umunlad ang ating
buhay
b. Ang nang ay nagmula sa na at inangkupan ng ng at
inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito.
( nang+Paano?)
Halimbawa:
Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si Gng. Lucero
c. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang
salitang-ugat na inuulit,dalawang pawatas o
neutral na inuulit at dalawang pandiwang
inuulit.
Halimbawa:
Suklay nang suklay
Takbo nang takbo
Gamit ng ng

a. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng


pandiwang palipat.
Halimbawa: Nag-aral siya ng liksyon.
Bumuli siya ng pasalubong
para sa kanyang anak.
b. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap
ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa: Pinangaralan ng guro ang
mga nahuling mag-aaral
Tinulungan ng binata ang
matanda sa pagtawid.
c. Ang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-
ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa: Ang pera ng bayan ay
kinurakot ng ilang buwayang
politiko.
Ang palad ng mga mamama-
yan ay karaniwang makikinis.
WASTONG GAMIT
MAY /MAYROON
GAMIT NG MAY

Ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan.


Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang
dulot
May virus ang nahiram kong
USB.
Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa: May pupuntahan ka ba
mamaya?
May kumuha ng bag ko.
Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa: May mahabang buhok si
Clarisse
May mabuting kalooban ang
tumulong sa kanya.
Ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao.
Halimbawa: Bawat tao ay may kani –
kaniyang problema sa buhay.
Ang mga anak ko ay may
kani-kanila ng buhay na
tatahakin.
GAMIT NG MAYROON

Ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang


sinusundan nito.
Halimbawa: Mayroon pa bang naturang
ulam?
Si Bryan ay mayroon ding
magagandang katangian.
Ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa: May pasok ba tayo? –Mayroon
May takdang-aralin ba ? --
Mayroon
Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-
maykaya sa buhay.
Halimbawa: Ang mga Morales ay mayroon
sa bayan ng Antipolo.
Si Edwardo ay nagpapanggap
ng mayroon sa kanilang
lalawigan.
WASTONG GAMIT
kong at kung
GAMIT NG KONG
Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at
inaangkupan lamang ng ng.
Halimbawa: Nais kong tulungan ka sa iyong
suliranin.
Ang tangi kong inaasahan ay
ang ang maging tapat ka sa
ating pag-ibig.
GAMIT NG KUNG
Ang kung ay pangatnig na panubali at ito ay ginagamit sa
hugnayang pangungusap.
Halimbawa: Malulutas ang problema ng
bayan kung isasantabi ng mga
ang korapsyon.
Dadalo ako sa pulong kung
papayagan ako ng aking mga
magulang.
WASTONG GAMIT
SUBUKIN AT SUBUKAN
Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o
pagsisiyasat sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Subukin mong kumain ng gulay
at prutas upang sumigla ka.
Susubukin ng mga taga-
lalawigan ang galing ng mga
tagalunsod.
Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang
malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa: Subukan mo siya upang
malaman mo ang kanyang
sikreto
Huwag ninyo akong subukan!
WASTONG GAMIT
Pahirin at Pahiran
Ang Pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng
isang bagay.
Halimbawa:
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.
Ang Pahiran ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang
bagay
Halimbawa:
Pahiran mo ng langis ang likod ng anak
mo.
Pahiran mo ng mantikilya ang
pandesal.
WASTONG GAMIT
Punasin at Punasan
Ang Punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na
tinatanggal.
Halimbawa:
Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
Ang Punasan ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang
bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
Halimbawa:
Punasan mo ang mesa.
Punasan mo ang iyong noo.
Wastong gamit
Operahin at Operahan
Tinutukoy ng Operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa:
Ooperahin bukas ang mga mata ni
Lando.
Kailan nakatakdang operahin ang bukol
sa iyong dibdib.
Tinutukoy ng Operahan ang tao at hindi ang bahagi ng
kanyang katawan.
Halimbawa:
Ooperahan ng doctor ang naghihirap na
bulag.
Inoperahan na si Kardo kahapon.
Wastong gamit
Din,Rin,Raw,Daw
Ang mga katagang Rin at Raw ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay nagtapos sa patinig at sa malapatinig
na W at Y.
Halimbawa:
Si Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral.
Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kumatawan sa
ating paaralan.
Ang Din at Daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan
ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y.
Halimbawa:
Masakit daw ang ulo ni Dory kaya wala siya sa klase.
magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
WASTONG GAMIT
Pinto at Pintuan
Ang Pinto (door)ay bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas.Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang di makapasok ang lamok.
Dadating na ang panauhin, pakibukas ang pinto.
Ang Pintuan (doorway)ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin
ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
Halimbawa:
Nakaharang ka sa may pintuan kaya hindi ako
makaraan.
WASTONG GAMIT
Hagdan at Hagdanan
Ang Hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at
binababaan sa bahay/gusali.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang
klinika.
Ang Hagdanan (stairway) ay bahagi ng bahay na
kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Matibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi
gumuho ang hagdan nang lumindol.
WASTONG GAMIT
Iwan at Iwanan
Ang Iwan (to leave something) ay nangangahulugang
huwag isama/ sa dalhin.
Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay ninyo.
Iwan na lang niya ang bag sa kotse ko.
Ang Iwanan ( to leave something to somebody)ay
nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
Iwanan mo ako ng perang pambili ng almusal.
Hindi iniwanan ng baon ang anak na papasok sa
paaralan.
WASTONG GAMIT
Sundin at Sundan
Ang Sundin ( Follow an advice) ay nangangahulugang
sumunod sa payo o pangaral.
Halimbawa:
Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang.
Susundin ko ang mga batas na pinanukala ng mga
makapangyarihan
Ang Sundan (Follow where one is going,follow what one
does ) ay nangangahulugang gayahin ang ginawa ng iba
o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Halimbawa:
Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka
tuluyang magalit sa iyo.
Sundan mo ang demostrasyon sa telebisyon kung
nais mong matuto ng pagluluto ng karekare.
PAGPILI NG WASTONG SALITA
• Ang pagiging malinaw na pahayag ay
nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
Kinakailangang angkop ang salita sa
kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May
mga pagkakataon na ang mga salitang
tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi
angkop na gamitin
Halimbawa
• Mali
Tanaw na tanaw namin ang
maluwang na bibig ng bulkan

• Tama
Tanaw na tanaw na namin ang
maluwang na bunganga ng bulkan
• Tandaan din na sa ating wika ay maraming
salita na maaaring pare-pareho ang
kahulugan subalit may kani – kaniyang
tiyak na gamit sa pahayag
Halimbawa:
bundok
tumpok
punpon
salansan
tambak
• May pagkakataon din na kailangang
gumamit ng EUPEMISMO o paglumanay
sa ating pagpapahayag kahit na may mga
tuwirang salita naman para rito.
Halimbawa
• Namayapa sa halip na namatay

• Palikuran sa halip na kubeta

• Pinagsamantalahan sa halip na ginahasa


PAGSASANAY
Anong salita ang dapat palitan sa mga
sumusunod na pangungusap?
Anong salita ang dapat ipalit?

1. Walang tigil ang bunganga ng babaing


iyan.
2. Lumamon ka na!
3. Kahol nang kahol sa kanyang
manggagawa ang may-ari ng pabrika.
4. Dinilaan niya ang pagkain sa lamesa.
5. Butangero ang taong yan.
6. Maganda at masikip ang kanyang labi.
7. Tumatagos ang tubig sa gripo.
8. Sumampa sa puno ng bayabas ang aming
kapitbahay.
9. Nag-aalab ang apoy sa kalan.
10. Masama ang pakilasa ko sa pagkain.
11. Amoy – putok ang dumating na dayuhan.
12. Napakagunggong ng batang iyan sa
klase.
13. Siya ay nasubsob sa burak ng
kasamaan.
14. Hindi ko makapa ang hinahanap kong
bag.
15. Niluray ko ang paminta.
16. Malambot kung kumilos ang babae sa
lalawigan.
17. Ang kanyang kadakilaan…Prinsipe
Charles II.
18. Ang kanilang pagsasalitaan ay
humantong sa di maganda.
19. Hindi maganda ang inakto ng taong
kausap mo.
20. Siya ay nagtapos ng pagbubungkal.
PAGBUO NG PANGUNGUSAP
Mga Dapat tandaan sa
Pagbuo ng Pangungusap

1. Tiyakin ang timbang na ideya at


paralelismo sa loob ng pangungusap
Di Timbang :
Matapos magsitangis ay agad
nagsibalot ng gamit ang napaalis
na iskwater.
Timbang :
Matapos magsitangis ay agad
nagsipagbalot ng gamit ang napaalis
na iskwater.
Di – Paralel:
Ang pag-eehersisyo at masustansyang

pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti


ng ating kalusugan.
Paralel:
Ang pag-eehersisyo at pagkain ng
masusustansyang pagkain ay
mahalaga sa pagpapabuti ng ating
kalusugan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo
ng Pangungusap

2. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng


pandiwa.
Di – nagkakaisa :
Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga
panauhin ko kanina

Nagkakaisa:
Nagsialis at nagsiuwi na ang mga
panauhin ko kanina.
Mga Dapat tandaan sa Pagbuo
ng Pangungusap

3. Huwag pagsasamahin sa pangungusap


ang hindi magkakaugnay na kaisipan.
Di – magkakaugnay :
Hindi uunlad ang ating wika kapag
hindi natin ito ginamit at mahilig tayo
sa kalayawan.

Wasto:
Hindi uunlad ang ating wika kapag
hindi natin ito ginamit.
Mga Dapat tandaan sa Pagbuo
ng Pangungusap

4.Iwasan ang pagsasama-sama ng


maraming kaisipan sa isang pangungusap.
Maraming kaisipan :
Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng
mga bata ng taguan kung gabi walang
buwan at pagdadama ng mga lalaking
walang magawa at nagpapalipas ng oras
sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw.
May kaisipan na isa lamang:
Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro
ng taguan ng mga bata, ay tunay na
nakalilibang.
Mga Dapat tandaan sa Pagbuo
ng Pangungusap

5. Gawing malinaw sa pangungusap kung


alin ang pangunahing sugnay at ang
pantulong na sugnay
• Hindi Malinaw
Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili
ang sumbrero.

❑Malinaw
dahil sa ayaw ko sa sumbrero,hindi ko
iyon binili.
Mga Dapat tandaan sa Pagbuo
ng Pangungusap

6. Sa Filipino,nauuna ang panaguri kaysa sa


simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap
• Minamahal at ginagamit niya ang sariling
wika

Kaysa:

Ang sariling wika ay minamahal at


ginagamit niya.
TAYUTAY
TAYUTAY

• Sa pagpapahayag, mahalaga ang paggamit ng


tayutay upang lalong maging makulay at mabisa
ang mga pangungusap.
• Ang TAYUTAY ay sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng salita upang gawing
mabisa,matalinghaga,makulay at kaakit-akit na
pagpapahayag.
TAYUTAY
• Ang TAYUTAY ay tumutukoy sa matalinghagang
pagpapahayag o paglalarawang kakaiba sa
pangkaraniwang paraan
• Ito rin ay ginagamit upang maging mabisa,masining at
kawili-wili ang paglalarawan at pagpapahayag.
URI NG TAYUTAY
1.SIMILI (PAGTUTULAD)
Ito ay pagpapahayag na naghahambing sa dalawang
bagay,pangyayari,at iba pa.Ginagamitan ito ng mga
ekspresyong panulad tulad ng para,gaya,tulad ng
kagaya,kawangis,paris ng atbp.
Halimbawa: Tulad ng mga butil ng perlas ang mga
luha niya.
Ang mga salita mo ay tila punyal na
tumatarak sa aking puso.
URI NG TAYUTAY
2. METAPORA (PAGWAWANGIS)
Ito ay paghahambing ng magkaibang
bagay,tao,pangyayari at iba pa.Ito ay tuwiran at
diretsahan ang paghahambing ng mga ito.
Halimbawa: Isang bukas na aklat ang buhay ni Rina
sa kanilang nayon.
Ang daliri ng dalaga ay hugis kandila.
URI NG TAYUTAY
3. PERSONIPIKASYON (PAGBIBIGAY-KATAUHAN)
Ito ay pagsasalin o paglilipat ng talino,gawa o
kilos o iba pang katangian ng tao sa mga karaniwang
bagay.Naipahahayag ito sa paggamit ng pandiwa.

Halimbawa: Masungit ang panahon ngayon.


Ngumiti ang kanilang kapalaran nang
nangibang bansa ang kaniyang kapatid.
URI NG TAYUTAY
4. HAYPERBOLE (PAGMAMALABIS)
Ito ang mga pahayag na eksaherado o labis sa
katotohanan. Nagpapahayag ito ng higit sa kalagayan
ng isang tao,bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Elepanteng –elepante sa bigat ang taong iyan!
Sa gayong kakisigan ni Tom Cruz,patay lamang ang
hindi mabibighani.
URI NG TAYUTAY
5. APOSTROPI (PAGTAWAG)
Ito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay o sa
isang kaisipan na parang nakikipag-usap sa buhay na tao
na parang naroroong kaharap mo gayong wala naman.
Halimbawa:
- Pag-ibig ! Masdan ang ginawa mo.
- Tukso! Layuan mo ako nang hindi ako
muling magkasala.
URI NG TAYUTAY
6. IRONIYA (PAG-UYAM)
Ito ay pagpapahayag na ginagamitan ng pananalitang
nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga
salitang kung pakinggan ay tila kapuri-puri.
Halimbawa:
- Naku,mahusay kang magdala ng mga bagay na wala
sa uso.
- Maganda at kahali-halina ang kanyang katawang
hubog bariles.
IDYOMA
• Ang pag-aaral ng idyoma ay kaugnay ng
kaalamang panretorika. Ito ay
nagpapabisa, nagpapakulay at
nagpapakahulugan sa pagpapahayag.
• Ang mga idyoma ay malayo sa literal o
denotatibong kahulugan ng salita. Ang
mga idyoma ay tinatawag ding
idyomatikong pagpapahayag o sawikain.
• May sariling pinagkakagamitan ang
idyomatikong pagpapahayag at ang mga
ito ay nauunawaan kaagad mula sa
kanilang panggramatikang istruktura.
• Hindi tuwiran ang mga kahulugang nais
ipahayag at hindi ibinibigay ang tunay na
kahulugan ng mga ito sa ibabaw o sa
pagitan ng mga salitang ipinahayag.
Halimbawa ng Idyoma

1. Kayod – kalabaw – halos walang tigil na


pagtatrabaho
2. Bukas na palad – handang tumulong
3. Nagpuputok ang butse – galit na galit
4. Anakpawis – manggagawa
5. Pabalat – bunga – hindi tapat sa loob ang

anyaya
Halimbawa ng Idyoma

6. Mababaw ang luha – madaling umiyak


7. Panakip-butas – pamalit
8. Laman ng lansangan-palaboy
9. Amoy lupa – matanda na
10. Putok sa buho – anak sa pagkadalaga
Antipolo Campus

Spoken Poetry
Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan ng isang tula.

Ang spoken word poetry ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad
ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay o "narration" sa Wikang
Ingles. Kumpara isang sa normal na tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang
spoken word poetry.

Ang spoken poetry ay isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kwento o
pagsasalaysay.

Ang spoken poetry ay mas malikhain at mapaghamong gawin. Mas nakaaaliw rin itong
pakinggan.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Spoken Poetry

❖ Gumamit ng konkretong lenggwahe - kabilang dito ang mga matitingkad na


imahe, tunog, kilos, pakiramdam, emosyon, at iba pa.  Ang isang magandang
spoken poetry ay nakakalikha ng mayamang imahe sa isip ng mga nakikinig.

❖ Gumamit ng pag-uulit - kabilang dito ang pag-uulit ng mga kaisipan o imahe sa


spoken poetry.

❖ Gumamit ng mga rhyme para may elemento ng aliw at sorpresa sa iyong


spoken poetry.

❖ Gumamit ng iyong sariling saloobin. Ito ay upang makuha mo ang emosyon at


pakiramdam ng mga nakikinig.

❖ Gumamit ng persona. Halimbawa, kung gagamit ka ng persona ng ibang tao,


gamitin mo rin ang opinyon nito kahit na ito ay iba sa opinyon mo.
TEKS T W A L /
KONTE K S T W A L
TEKSTWAL
MAY KAHULUGANG TEKSTWAL ANG SALITA KUNG
IPINARARATING NITO ANG KAHULUGANG LITERAL. KUNG
ANO ANG SALITA ,IYON ANG KANYANG KAHULUGAN. ITO
ANG SINASABING LEKSIKOGRAPIK NA
PAGPAPAKAHULUGAN.

•HAL: BATA – PASLIT, MUSMOS


KONTEKSTWAL
KAPAG NAGPAPARATING ITO NG KAHULUGANG HINDI
DIREKTA O MAAARING NAGPAPAHIWATIG NG
KAHULUGANG TANGING SA KABUUAN NG PANGUNGUSAP
LAMANG MABIBIGYANG KATUTURAN.

•HAL: SI NESTOR AY BATA NG MAYOR KAYA


PINANGINGILAGAN SIYA.
TUKUYIN KUNG TEKSTWAL O
KONTEKSTWAL ANG MGA GINAMIT
NA SALITA SA PANGUNGUSAP.

You might also like