Nilalaman NG Aralin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

NILALAMAN NG ARALIN

Kwarter 4, Week 5
FILIPINO 3

Halina’t umpisahan na ang aralin ngayong araw.


Tingnang mabuti ang mga larawan at ang pangungusap na nasa ilalim nito.

Si Alfredo ay mahusay magdrowing.

1.Ano ang salitang kilos sa pangungusap?


- magdrowing
2. Paano magdrowing si Alfredo?
- mahusay

Ang magkakaibigan ay naglalaro ng bola tuwing sabado.


1. Ano ang salitang kilos sa pangungusap?
- naglalaro

2.Kailan naglalaro ang magkaibigan ng bola?


- tuwing sabado

Si Marco ay nagwawalis sa bakuran.

1.Ano ang salitang kilos sa pangungusap?


-nagwawalis

2. Saan nagwawalis si Marco?


-sa bakuran

Suriin Natin:
• mahusay magdrowing
• naglalaro tuwing Sabado
• nagwawalis sa bakuran
Ano ang ginagawa ng mga salitang mahusay, tuwing Sabado at sa
bakuran sa mga kilos sa pagungusap?
Ang mga salitang mahusay , tuwing Sabado at sa bakuran ay
naglalarawan sa kilos ng mga tauhan sa pangungusap.
• Ang mga salitang ito ay tinatawag na Pang-abay.

- Ang salitang mahusay ay naglalarawan kung paano ginawa ang


kilos.
Ito ay tinatawag na pang-abay na pamaraan.
- Ang salitang tuwing Sabado ay naglalarawan kung kailan ginawa
ang kilos.
Ito ay tinatawag na pang-abay na pamanahon.
- Ang salitang sa bakuran ay naglalarawan kung saan ginawa ang
kilos.
Ito ay tinatawag na pang-abay na panlunan.

You might also like