Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

NILALAMAN NG ARALIN

Kwarter 4, Week 3
ARALING PANLIPUNAN 3

Ipinapakita sa mapa ang mga produktong nililinang o pinauunlad,


ipinagbibili o ginagawa sa iba’t ibang lalawigan sa ating bansa.
Saang lalawigan nakakahuli ng maraming isda? Ano-anong mga
lalawiagan ang sagana sa tabako? Ilang lalawigan ang mayaman sa
niyog? Ano-anong mga produkto ang matatagpuan sa halos laahat na
bahagi ng Pilipinas?
Malaking salik ang pisikal na kapaligiran sa industriyang itinatatag sa
isang pamayanan o lalawigan.
Sagana sa likas na yaman at pisikal na kapaligiran ang Pilipinas. Subalit
hindi lahat ay may likas na yamang matatagpuan sa maraming bahagi
nito. May mga lalawigang napapaligiran ng yamang-tubig gaya ng ilog.
May lalawigang wala kahit isang ilog tulad ng Batanes at Zamboanga.
May mga lalawigang higit na malawak at mataba ang lupang mapag-
aanihan ng palay, mais, niyog at iba pang yamang-lupa.
Ang likas na yamang matatagpuan sa bawat rehiyon ang nagtatakda kung
ano-anon ang mga industriya at hanapbuhay na maaaring pagkakakitaan
doon. Ang uri at dami nng likas na yaamn sa bawat lalawigan ang
pangunahing batayan kung ano-ano ang produktong maipagbibili.
Pag-aralan natin ang likas na yaman, produkto at industriya ng ating
rehiyon.

Angkop sa pagsasaka ang matabang lupa ng Rehiyon V , ang Bicol


Region. Niyugana ng malaking bahagi ng sakahan. Sumusunod dito ang
taniman ng palay, mais, at abaka. Ang niyog, pili at abaaka ay mga
produktong panluwas mula sa naturang rehiyon. Ang malaking lubid na
ginagamit sa malalaking barko ay nanggagaling dito. Tanyag sa katibayan
ang Manila henp, ang lubid na yari sa hibla ng abaka.
Ang hibla ng abaka ay ginagamit din sa paggawa ng mga bag at place
mat. Maraming industriyang pantahanan sa Bicol na gumagawa ng mga
bagay mula sa abaka.
May mga mineral na metal at di metal ang rehiyon. Sagana sa mga
mineral na metal ang Camarines Norte. Kabilang dito ang ginto, pilak at
tanso. Ang mga mineral na di metal na nakukuha rito ay mamrol, apog at
pyrite.

You might also like