Full Name Ni Legazpi at Magellan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Miguel López de Legazpi

Si Miguel López de Legazpi (1502–1572) kilala rin bilang si El Adelantado (Ang


Gobernador) at El Viejo (Ang Nakatatanda) ay
isang Baskong Espanyol kongkistador na nagtatag ng unang kolonya
sa Pilipinas noong 1565.

pinanganak noong 1502, siya ang pinakabatang anak nina Don Juan Martínez
López de Legazpi at Elvira Gurruchategui. Ipinanganak siya sa isang mayamang
pamilya at lumaki siya sa maliit na bayan ng Zumárraga, sa Basque sa lalawigan
ng Guipúzcoa sa España.
Sa gitna ng 1526 at 1527, naglingkod siya bilang councillor sa pamahalaang
munisipal ng kanyang bayan. Noong 1528, matapos magtayo si Hernán
Cortés ng mga paninirahan sa Mexico, pumunta siya doon para magsimulang
muli dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at ang hindi niya
pagtanggap sa kanyang nakakatandang kapatid, na minana ang lahat ng
kayamanan ng kanilang pamilya. Sa Tlaxcala, nagtrabaho siya kay Juan Garcés
at ang kanyang babain kapatid, si Isabel Garcés. Pinakasalan ni Legazpi si Isabel
at nagkaroon sila ng siyam na anak. Namatay si Isabel sa kalagitnaan ng 1550s.

Ferdinand Magellan

Si Fernão de Magalhães (pinakamalapit na bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/)


(1480–Abril 27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand
Magellan sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para
sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran
patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at
ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig.
Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga
tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang
pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa
Mactan.

You might also like