Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Bahaghari

Sa simula pa lamang ay mayroon ng pitong kulay dito sa mundo.

Sila ay sina pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo at lila.

Inatasan sila ni bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi sila magkasundo sundo. Sinabi ni bathala na
magtulong tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isat isa ngunit hindi nila ito ginagawa patuloy silang
hindi nagkakasundo sa ibat ibang bagay, palagi silang nagkakaroon ng kompetensya sa isat isa lalo na sa
oras ng kanilang trabaho.

Sabi ni luntian ako ang may pinakamaraming nagawa dito, kaya nararapat lamang na ako ang
mabigyan ni bathala ng gantimpala. Ngunit sumagot si bughaw, anong sinasabi mo dyan na ikaw
maraming nagawa, hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa sa iyo, tingnan mo na lang ang
karagatan at ang kalangitan at iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang nararapat na
mabigyan ng sinasabi mong gantimpala.

Ngunit hindi pa natapos ang alitan bagkus ay lalo pa itong lumala dahil nakisali sa usapan ang
ibang pang mga kulay. Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan, pasikatan ng pasikatan at walang
nagpapatalo. Gusto nilang lahat na mabigyan ng gantimpala kaya lalong tumidi ang kanilang
kompetensiya

Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo.

Narining ni bathala ang nangyayari. Ang pagtatalo ng mga kulay, dahil dito nagalit si bathala.
Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, dahil hindi kayo magksundo paparusahan ko kayo ng ayon sa inyong
kagustuhan, dahil palagi kayong magkakakompetensiya gusto kong malaman ninyo ang kahalagahan ng
koopersayon sa isat isa. Ang kahalagahan ng bawwat isa sa inyo, mula ngayon hanggang sa habang
buhay gagawin ko kayong isa nang sa gayon ay maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at
kagandahan ng bawat isa sa inyo.

Kung kaya pinagsama ni bathala ang pitong kulay,pinagdidikit dikit niya ang mga ito at dahil sa
sobrang nagalit si bathala kung kayat siya ay nahabag sa pag-iyak at natakot ang mga kulay sa takot kay
bathala. Lumabas na lamag sila pagkatapos umiyak ni bathala. Ngunit laking gulat nila ng silay lumabas
at dikit dikit na sila hindi na nila magpaghiwalay ang kanilang mga sarili kahit anong pilit nila at nalaman
nila na mula sa pito silay naging isa.

Sa pangyayaring iyon sinasabing si bathala na kanilang hari ay nahabag kung kaya ngayon ang
habg ng hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaon nagging bahaghari. Ang pitong kulay ay tinawag na
bahaghari.

Mapupuna natin ngayon na ang bahaghari ay lumalabas na lamang pagtapos ng ulan na


nangangahulugang pag-iyak ni bathala at makikita natin dito ang pitong kulay na naging isa na hanggang
sa ngayon ay tinatawag nating bahaghari.

You might also like