Detailed Lesson Plan BSE3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pamantasang De La Salle – Dasmariñas

Kolehiyo ng Edukasyon

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I. Layunin

Sa loob ng 15 minuto, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:


a. natutukoy ang kahulugan ng stereotyping na isang sanhi ng diskriminasyon sa
pamamagitan ng talakayan;
b. naipakikita ang panata laban sa stereotyping sa pamamagitan ng show me a
picture; at
c. napahahalagahan ang pagtanggap at paggalang sa bawat isa sa pamamagitan
ng analohiya gamit ang itlog na puti at kayumanggi.

II. Nilalaman

A. Paksa: Stereotyping: Sanhi ng Diskriminasyon

B. Sanggunian: Antonio, E, Dallo, E., Imperial, C. Samson, M.C. & Soriano, C.


Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu. Pahina 190-191.

C. Kagamitan: mga larawan patungkol sa itlog at stereotyping, salitang stereotyping,


isang puti at kayumangging itlog, Facebook frame, mga panata, marker, timer,
manila paper, papel

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Panalangin
“Tayo ay magsimula sa isang (Ang mga mag-aaral ay tatayo para sa
panalangin. Tumayo ang lahat. panalangin.)

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng


Espiritu Santo. Amen.
Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito. Nawa po ay gabayan Niyo
kami sa lahat ng aming gawain upang
Ikaw ay lalo pa naming pakadakilain.
Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu Santo. Amen.”

2. Pagtatala ng liban
“Ana, mayroon bang liban sa klase?” “Wala po.”

“Mahusay! Kagalak-galak malaman


na walang liban sa araw na ito.”

3. Pagganyak
“Bago tayo tumungo sa ating paksa,
may inihanda akong gawain. Mayroon
akong dalawang larawan ng itlog – isang
kulay puti at kayumanggi.
Ano ang inyong pipiliin?”

“Para sa kulay puti, kayo ay (Magsasama-sama ang mga pumili


magsama-sama sa parteng ito.” ng puti.)

“Para naman sa kulay kayumanggi, (Magsasama-sama ang mga pumili


dito naman kayo sa kabila.” ng kayumanggi.)

“Ang bawat grupo ay bibigyan ko ng “Opo.”


larawan ng kanilang napiling itlog.
Isusulat ninyo bakit ito ang inyong napili.
Bibigyan ko kayo ng isang minuto upang
ito’y gawin. Pagkatapos ay pumili ng
dalawang miyembrong maghahawak
nito. Maliwanag ba?”

“Maari na kayong magsimula.” (Isusulat ng bawat pangkat ang mga


dahilan bakit ang kulay puti o
kayumanggi ang kanilang napili.)
“Ang isang minuto ay tapos na. (Babasahin ng mga mag-aaral ang
Sabay-sabay basahin ang inyong mga kanilang mga naging kasagutan.)
kasagutan.”

B. Paglalahad
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Ang gawain na ito ay may kinalaman (Pupunta ang isang mag-aaral sa
sa paksa natin sa araw na ito. Maaari harapan at tatangalin ang nasabing
bang pumunta ang isang mag-aaral sa papel.)
harap at pakitanggal ang papel?”

“Ano ang ating paksa? Sabay-sabay “Stereotyping.”


basahin.”

“Magaling. Handa na bang making?” “Handa na po.”

C. Pagtalakay
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Naranasan o nakasaksi ba kayo ng “Opo.”
isang sitwasyon kung saan may taong
nilait at hindi tinanggap ng iba dahil siya ay
kakaiba sa kanila?”

“Ito ay tinatawag na diskriminasyon o


ang negatibong pagtrato sa isang tao dahil
sa pagkakaiba ng katangian.

Isa sa mga pangunahing sanhi nito ay “Ang stereotyping ay pag-iisip na


stereotyping. Ano kaya ito? Pakibasa ng ang lahat ng miyembro ng isang grupo
lahat.” ay magkakatulad.”

(Magpapakita ang guro ng larawan ng


isang babae at lalaki.)

“Ano ang nakikita niyo sa unang “Larawan naman po ng lalaki at


larawan?” kanyang nasa isip tulad ng dumbbell
at bag pang-opisina.”

“Ano naman ang inyong nakikita sa “Isa pong babae na pinapakita


ikalawang larawan?” kung anong nasa isip niya tulad ng
make-up at panluto.”

“Naniniwala ba kayo na ganito lamang “Hindi po lahat ng lalaki at babae


ang naiisip ng lahat ng lalaki at babae?” ay ganito ang naiisip.”

“Mahusay. Hindi dapat natin nilalahat


na ganito ang katangian ng isang babae o
lalaki. Ang stereotyping kasi ay pumipigil
sa atin na alamin ang natatanging
katangian o uniqueness ng bawat isa.”

(Magpapakita ang guro ng larawan ng


isang lalaking may tattoo.)

“Ano naman ang pumapasok sa inyong “Nakakatakot po.”


isipan kapag nakakakita ng isang taong
maraming tattoo?” “Mukha po siyang masamang tao.”

“Kadalasan, kapag hindi natin lubusang


kilala ang isang tao, bumubuo tayo ng
sariling paniniwala tungkol sa kanila.”

(Ipapakita ng guro ang isa pang


larawan ng lalaking may tattoo.)

“Sino pala ang lalaking ito na may “Isa pong doktor.”


tattoo?”

“Kung kayo ang lalaking ito, anong “Masasaktan po.”


mararamdaman ninyo kung masabihan
kayong ‘masamang tao o nakakatakot’
dahil sa inyong panlabas na anyo?”

“Kung gayon, dapat bang panlabas na “Hindi po.”


anyo lamang ang ating tingnan?”

“Magaling. Nararapat lamang na “Opo.”


kilalanin ang loob ng bawat isa at hindi
lamang tumingin sa panlabas na anyo
upang stereotyping ay maiwasan.
Nauunawaan ba?”
“Muli, ano ang ating paksa?” “Stereotyping po.”

“Tandaan na ito ay pag-iisip na ang


lahat ng miyembro ng isang grupo ay
magkakatulad.”

D. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Ngayong natukoy na natin ang
stereotyping, may inihanda akong
gawain.
Ang klase ay hahatiin ko sa (Ang magkakapangkat ay
dalawang pangkat. Ito ang una at magsasama.)
ikalawang pangkat.”

“Nais kong ipakita ninyo ang inyong “Opo.”


panata o pangako laban sa stereotyping.
Pumili kayo sa mga panatang ito, idikit
at inyong ipakita gamit ang show me a
picture sa mala-Facebook frame na ito.
Kung sa tingin ninyo ay mayroon pa
kayong sapat na oras at ibang ideya,
hahayaan ko kayong gumawa ng sarili
ninyong panata. Basta tandaan,
bibigyan ko kayo ng dalawang minuto
upang maghanda. Maliwanag ba?”

“Kayo ay pumunta na sa harapan at “Panata namin na kilalanin nang


magsimula.” mabuti ang iba upang maiwasang
manghusga.”

“Panata namin na pisikal na


kaanyuan ay hindi gagawing basehan
upang stereotyping ay maiwasan.”

“Panata namin na aming


pahahalagahan ang natatanging
katangian o uniqueness ng bawat isa.”
“Panata namin…….”

E. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Ating balikan ang ating tinalakay
gamit ang dalawang itlog na ating
ginamit sa unang gawain.

Marahil para sa nakararami, mas


gusto nila ang puting itlog dahil ito ay
karaniwang nakikita sa pang-araw-araw.
Pero nais kong sabihin na sa dalawang
itlog na ito, lahat ay mayroong pwedeng
sabihin.

Kung ang kayumangging itlog ay “Kayumangging itlog po.”


isasama ko sa mga puting itlog, ano ang
naiiba?”

Hayaan niyo naman akong isama “Kulay puting itlog po.”


ang kulay puting itlog sa mga
kayumangging itlog. Ano ang naiiba?”

“Dahil dito, and mga itlog na ito ay “Ito po ay pag-iisip na lahat ng


maaring makaranas ng diskriminasyon miyembro ng isang pangkat ay
na dulot ng stereotyping. Ano nga muli magkakatulad.”
ang stereotyping?”

“Sa bawat pagkahulog at


panghuhusga ng iba, hayaan niyo
sanang may mga tao parin tulad ninyo
na pumulot sa kanila at patunayan na
sila ay karapat-dapat igalang.” (Babalatan ng mag-aaral ang
“Ngayon, pakibalatan ang mga itlog.” dalawang itlog.)
(Itatago ng guro sa kanyang likod
ang nabalatang itlog.)

“Masasabi niyo ba kung ano rito ang “Hindi po.”


puti at kayumangging itlog?”

“May pagkakaiba ba?” “Wala po.”

“May pagkakatulad ba?” “Opo.”

“Kaya huwag nating hayaang maging


daan ang stereotyping upang
makapanakit ng iba. Lahat tayo ay
ginawa ng Diyos na may angking mga
katangian. Katulad ng mga itlog na ito,
noong mayroon itong mga balat,
sinasabi ninyo na magkaiba sila.
Ngayong ito ay binalatan, hindi na natin
masabi ano ang kulay puti at
kayumanggi. Kaya dapat lamang na
kilalanin muna ang loob ng isang tao
bago manghusga.”

IV. Pagtataya
Isulat ang T sa patlang kung TAMA ang sumusunod na pahayag at M naman kung MALI.
1. Ang stereotyping ay may elemento ng hindi pagtanggap at pang-aapi.
2. Madaling husgaan ang ibang tao kapag sila ay hindi natin kilala at nauunawaan.
3. Ang stereotyping ay ang pag-iisip na lahat ng mga miyembro ng isang pangkat
ay magkakaiba.
4. Ang paniniwalang ang mga kababaihan ay pantahanan lamang ay isang
halimbawa ng stereotyping.
5. Ang stereotyping ay nakatutulong upang malaman ang natatanging katangian o
uniqueness ng bawat isa.
V. Takdang-Aralin
Sa inyong kwaderno, sumulat ng sanaysay na mayroong lima hanggang sampung
pangungusap tungkol sa stereotyping na inyong nasaksihan o personal na naranasan.
Ilahad ang inyong naramdaman ukol dito. Gawing gabay ang rubric na makikita sa
pahina 200 ng inyong libro.

Inahanda ni:

Ricabelle P. Rupido
Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies
Pamantasang De La Salle University – Dasmariñas

You might also like