Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Learning Plan 1

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
Ni: Rinaliza A. Flamiano
Targeted Philippine Basic Education Curriculum Competences
Filipino 8, Ikatlong Markahan (Limang Araw)

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa estilo, mekanismo,


pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal ng mga pantikang popular sa
kulturang Pilipino tungo sa kamalayang panlipunan.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay inaasahang nakababahagi sa pagbuo ng kampanya


tungo sa kamalayang panlipunan sa pamamagitan ng alinmang midyum ng
multimedia.

Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa mundo ng
dokumentaryong pampelikula;
b. Nakapagbubuo ng sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood na dokumentaryong pampelikula;
c. Naipahahayag ang mga saloobin at damdamin gamit ang mga uri ng
komunikatibong pagpapahayag; at
d. Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign sa isang paksa
na maisasagawa sa tulong ng multimedia gamit ang mga angkop na
komunikatibong pahayag.

Buod ng Yunit

Sa yunit na ito, ang mga mag-aaral ng ika-8 baitang ay magkakaroon ng


kaalaman sa kontemporaryong panitikan tungo sa kultura at panitikang popular.
Itatampok ang “dokumentaryong pampelikula” na isa sa midyum na ginagamit sa
pagpapalaganap ng pagbabagong panlipunan na isa sa uri ng panitikang popular.
Pag-aaralan dito kung paano nakatutulong ang dokumentaryong pampelikula sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng kultura at panitikang popular. Sa pag-aaral na ito
ay matutunghayan natin ang mundo ng dokumentaryong pampelikula. Tatalakayin
dito ang katuturan at kaligirang pangkasaysayan ng dokumentaryong pampelikula,
mga elemento at mga karaniwang uri ng anggulo at kuha ng kamera sa
dokumentaryong pampelikula, na kung saan ay magkakaroon ng pagsusuri sa
dokumentaryong pampelikula na “Manoro” (Ang Guro). Aalamin din kung papaano
mabisang magagamit ang komunikatibong paggamit ng pagpapahayag sa pagbuo
ng dokumentaryong pampelikula. Inaasahan din na sa pagsusulat ng sequence
script ay maipahahayag ang sariling damdamin, salooobin at pananaw sa
pamamagitan ng paggamit ng wastong pagpapahayag ng komunikatibo. At sa tulong
ng iba pang uri ng multimedia lalo na ang dokumentaryong pampelikula ay
makalilikha ng kampanyang panlipunan at maipararating ang mga mahahalagang
mensahe sa lipunan na naghahangad ng pagbabago sa kasalukuyang panahon.

Student Objective/Learning Outcomes

Week 1

Unang Araw (Day 1)

Sa pamamagitan ng isang panimulang pagtatalakay sa kaligiran ng

dokumentaryong pampelikula gamit ang PowerPoint presentation, ang mga

mag-aaral ay inaasahang:

a. nakakikilala ng pagkakaiba ng dokomentaryo, pelikula at dokumentaryong

pampelikula.

b. nakapagbibigay ng mga dokumentaryong pamapelikulang napanood; at

c. nakapagsasaayos nang tamang pagkakasunod-sunod ng kasaysayan ng

dokumentaryong pampelikula.
Ikalawang Araw (Day 2)

Sa pamamagitan ng isang interaktibong talakayan tungkol sa mga elemento

ng dokumentaryong pampelikula gamit ang PowerPoint presenation, ang mga

mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang mga elemento ng dokumentaryong pampelikula;

b. nakabubuo ng panibagong pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa

mundo ng pelikula; at

c. nasusuri ang mga elemento na nakapaloob sa dokyumentaryong

pampelikulang “Manoro” (Ang Guro).

Ikatlong Araw (Day 3)

Sa pamamagitan ng isang interaktibong talakayan tungkol sa mga

karaniwang uri ng anggulo at kuha ng kamera sa dokumentaryong pampelikula

gamit ang PowerPoint presentation, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang mga karaniwang uri ng anggulo at kuha ng kamera sa

dokumentaryong pampelikula;

b. naipaliliwanag ang kahalagahan nito sa larangan ng dokumentaryong

pampelikula; at

c. nakapipili ng angkop na uri ng anggulo at kuha ng kamera sa

dokumentaryong pampelikula batay sa larawang mula sa mga eksena sa

dokumentaryong pampelikulang “Manoro” (Ang Guro).


Ikaapat na Araw (Day 4)

Sa pamamagitan ng interaktibong pagtatalakay tungkol sa mga aspeto ng

dokumentaryong pampelikula gamit ang PowerPoint presentation, ang mga mag-

aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang mga komunikatibong paggamit ng pagpapahayag o mga uri ng

pahayag;

b. nabibigyang pagpapakahulugan ang mga dayalogo; at

c. nakabubuo ng diyalogo gamit iba’t-ibang mga uri ng pahayag.

Ikalimang Araw (Day 5)

Sa pamamagitan ng isang interaktibong talakayan tungkol sa paglikha ng

sequence script at multimedia arts advocacy campaign gamit ang PowerPoint

presentation, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naisasaayos ang mga hakbang kung paano sisimulan o gagawin ang

kampanyang panlipunan;

b. natutukoy ang mga pamantayan paglikha ng sequence script para sa

dokumentaryong pampelikula; at

c. nakalilikha ng dokumentaryong pampelikula tungkol sa kampanyang

panlipunan mula sa ginawang sequence script.


Mga Pamamaraan sa Unang Linggo ng Talakayan (Daily Process)

Unang Araw (Day 1)

1. Magsisimula ang klase sa isang panalangin.


2. Paghahanda ng kagamitang panturo ng guro (PowerPoint presentation).
3. Mayroong unang Gawain ang guro para sa pagsisimula ng latakayan.
a. Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase, bawat pangkat ay gagawa ng
Venn Diagram at punan ito batay sa sariling pagpapakahulugan sa mga
salitang nakasaad.

Dokumentaryo Dokumentaryong Pelikula

Pampelikula

4. Pagtatalakay sa pangunahing paksa tungkol sa kaligiran ng dokumentaryong


pampelikula gamit ang PowerPoint presentation.
a. Tatanungin ang mga mag-aaral, ano ang dokumentaryo, pelikula at
dokumentaryong pamelikula batay sa nabuo nilang pagpapakahulugan.
b. Pipili ang guro ng apat na mag-aaral para magbahagi ng mga napanood
na nilang dokumentaryong pampelikula.
c. Ilalahad ng guro ang paksa sa pamamagitan ng PowerPoint
presenatation.
5. Sa kaparehong pangkat, ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang timeline
kung saan nagpapakita at nagpapahayag ng kasaysayan ng dokumentaryong
pampelikula.
a. Gagawin lamang ito sa loob ng limang minuto.
b. Bawat pangkat ay mayroong representante upang ibahagi ang kanilang
nagawa.
6. Pipili ang guro ng dalawang mag-aaral para sa paglalahat ng paksang
tinalakay.
Ikalawang Araw (Day 2)

1. Magsisimula ang klase sa isang panalangin.


2. Magsasagawa ang mga mag-aaral ng isang aktibiti na pinamagatang
“Kompletuhin Mo Ako”
a. Hahatiin sa apat na pangkat ang buong klase.
b. Bawat pangkat ay sasagutan ang mga katanungan na makikita sa monitor
sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga nawawalang letra na nasa
patlang upang matamo ang sagot sa bawat bilang.
c. Isasagawa ang aktibiti sa loob ng tatlong minuto.
d. Ang pangkat na may maraming tamang sagot ang makakuha ng puntos.
3. Pagtatalakay sa pangunahing paksa tungkol sa mga elemento ng
dokumentaryong pampelikula gamit ang PowerPoint presentation.
4. Magtatanong ang guro kung malinaw ang talakayan.
5. Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang dokumentaryong pampelikula na
mula sa Youtube na may pamagat na “Manoro” (Ang Guro).
a. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng panibagong pagpapakahulugan sa mga
salitang ginamit sa mundo ng pelikula na nakapaloob sa dokyumentaryong
pampelikulang napanood.
b. Susuriin din ang mga elemento na nakapaloob sa naponood na
dokumentaryong pampelikula.
c. Bibigyang ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga
gabay na katanungan.
d. Pagkatapos masagutan ay ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang
nagawa.
e. Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral upang ibuod ang naging
talakayan.

Ikatlong Araw (Day 3)

1. Magsisimula ang klase sa isang panalangin.


2. Magsasagawa ang mga mag-aaral ng isang aktibiti na pinamagatang “Buuin
at Kilalanin Mo Ako”
a. Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
b. Bawat pangkat ay bibigyan ng magkakagulong letra at bubuuin nila ito.
c. Kapag nabuo na ay aalamin nila kung ano ang kahulugan ng salita.
d. Bibigyan ng limang minuto sa pagbuo at pagkilala sa mga salita.
e. Ang unang grupo na matatapos ay may karagdagang puntos.
3. Pagtatalakay sa pangunahing paksa tungkol mga karaniwang uri ng anggulo
at kuha ng kamera sa dokumentaryong pampelikula gamit ang PowerPoint
presentation.
a. Tatanungin ang mga mag-aaral batay sa kanilang sariling pananaw sa
mga kahulugan ng mga karaniwang uri ng anggulo at kuha ng kamera
sa dokumentaryong pampelikula.
b. Magbibigay ng pagpapaliwanag ang mga mag-aaral kung bakit
mahalagang isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera sa
pagkuha ng dokumentaryong pampelikula.
4. Magtatanong ang guro kung malinaw ang talakayan.
5. Gagawa ng isang pagsusuri ang mga mag-aaral batay sa mga larawang
ipapakita ng guro mula sa eksenang napanood sa “Manoro” (Ang Guro) na
isang dokumentarong pampelikulang. Isusulat kung anong uri ito ng camera
shot ang bawat larawan, bibigyang pansin at pagpapakahulugan ang mga
larawan kung ano ang nais pinapahiwatig nito.
a. Bibigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras sa paggawa.
b. Pagkatapos ay kanila itong ipapasa pagkatapos ng klase.
6. Magtatawag ang guro ng mag-aaral para sa paglalahat ng paksang tinalakay.

Ikaapat na Araw (Day 4)

1. Magsisimula ang klase sa isang panalangin.


2. Magsasagawa ang mga mag-aaral ng isang aktibiti na pinamagatang
“Pahayag Ko, Tugon Mo”.
a. Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
b. Aalamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat
pangungusap at piliin ang tamang sagot mula sakahon na makikita sa
monitor.
c. Isasagawa ito sa loob ng tatlong minuto at ibabahagi ng bawat pangkat
ang kanilang sagot sa klase.
3. Pagtatalakay sa pangunahing paksa tungkol sa aspeto ng dokumentaryong
pampelikula gamit ang PowerPoint presenatation.
a. Ano ang mahahalagang konsepto sa dokumentaryong pampelikula?
b. Ano ang mga komunikatibong paggamit ng pagpapahayag o mga uri ng
pahayag?
c. Ano ang pagpapakahulugan ng mga scripwriter at director sa diyalogo?
4. Magtatanong ang guro kung malinaw ang talakayan.
5. Sa kaparehong pangkat, ang mga mag-aaral ay susuriin ang mga larawang
ipapakita ng guro. Batay sa larawang sinuri ay gagawa at bubuo ang mga
mag-aaral ng diyalogo na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pahayag
batay sa natalakay.
a. Bibigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras sa paggawa.
b. Pagkatapos ay kanila itong ibabahagi sa klase.
6. Pipili ang guro ng dalawang mag-aaral o higit pa para ibuod ang naging
talakayan.

Ikalimang Araw (Day 5)

1. Magsisimula ang klase sa isang panalangin.

2. Magbibigay ang guro ng aktibiti sa mga mag-aaral na pinamagatang “Ayusin

Mo Ako”.

a. Hahatiin ang klase sa dalawang grupo.

b. Bawat pangkat ay aalamin at aayusin ang tamang pagkakasunod-sunod

ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan.

c. Ang unang pangkat na makakatapos ay may makukuhang puntos.

3. Pagtatalakay sa pangunahing paksa tungkol sa paglikha ng sequence script

at multimedia arts advocacy campaign gamit ang PowerPoint presentation.


a. Anu-ano ang mga hakbang sa paglikha ng sequence script para sa

dokumentaryong pampelikula?

b. Anu-ano ang mga pamantayan sa paglikha ng sequence script para sa

dokumentaryong pampelikula?

c. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng sequence script

tungkol kampanyang panlipunan?

4. Magtatanong ang guro kung malinaw ang paglalahad ng talakayan.

5. Sa kaparehong pangkat, ang mga mag-aaral ay gagawa ng sequence script

na may temang napatutungkol sa pagtatanggol sa lipunan.

a. Bibigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras sa paggawa sequence

scrip.

b. Pagkatapos ay kanila itong ibabahagi sa klase.

6. Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral para sa paglalahat ng paksang

tinalakay.

7. Magbibigay ang guro ng pangkatang takdang aralin.

a. Sa magkaparehong pangkat, lilikha ng isang dokumentaryong pampelikula

batay sa ginawang sequence script. Ang pagtatanghal ay hindi bababa sa

dalawang minuto. Ang ginawang bidyo para sa dokumentaryong

pampelikula ay ibabahagi sa susunod na pagkikita.

Material and Resources Required for the Unit

Teaching Hardware Required for the Unit

 Laptop
 Printer
 Projectors
Technology Software Required for the Unit
 Video/PPT Presentations
Printed Materials

 Book/Textbook
 Instructional materials
 Hard copy of the lesson
Supplies

 Bond paper
 Marker
 Flash cards

 Internet Resources

https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module

https://www.sannicolasilocosnorte.com.ph/file/g8/Filipino8-Q3-Modyul4-Week7-8-
Bravo,Angeline.pdf

https://prezi.com/mfmhtyvm1gor/dokumentaryong-pampelikula/?
frame=a2c10a1416725a1d0d7c1b4e76156eb8abb1ea80

https://www.youtube.com/watch?v=KLXTvH7b1hI&t=1427s

You might also like