Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

University of the Philippines Visayas

Miagao 5023, Iloilo Philippines College of Arts and Sciences


Division of Social Sciences Political Science Cluster

Ethics 1 – Ethics and Moral Reasoning in Everyday Life


Asynchronous Learning Materials
Prepared by: Clyde Gacayan

Module 4.2 Katutubo at kultural na batis ng etika at pa-


ngangatwirang moral

Ikinagagalak kong ginagamit mo ang alternatibong pangka-alaman na material na


ito. Na-ipaliwanag sa mga unang modyul ang kalikasan, kahulugan, sakop, at
kahalagahan ng etika. Malinaw ring natalakay ang ilang tanong at suliraning pang-
etika na may kinalaman sa pagiging normatibo nito, kabutihan at tamang pagkilos,
at mga halagahin (values) na taglay ng tao.

Mapapansing halos kanluranin ang base ng pag-talakay sa tatlong unang modyul.


Bagamat malaking tulong ito sa pag-unawa ng panimulang pag-talakay sa etika at
pa-ngangatuwirang moral, marapat ding ugatin ang pag-papahalaga at katuwirang
moral sa pamamagitan ng katutubo at kultural na mga batis (sources).

Sa modyul na ito, tatalakayin nating ang apat na pananaw mula sa agham


panlipunan - una ang Pantayong Pananaw at Sikolohiyang Pilipino. Mababasa
naman sa ikalawang bahagi ng Modyul 4.2 ang Pilipinolohiya at Pilosopiyang
Pilipino Ang panghuling talakayin ay ang etikang pananaw ng mga Panay
Bukidnon dito sa isla ng Panay.

Mga Gawain sa basahing ito:

(1) Basahin ng buo ang teksto and punan ang mga tanong pang repleksyon
(reflection questions)
(2) Panuorin ang mga bidyu at punan ang mga validation questions
(3) Kung nararapat, tapusin ang pangwakas na gawain / quiz sa huli.

1
Note that the course pack provided to you in any form is intended only for your use in connection with the
course that you are enrolled in. It is not for distribution or sale. Permission should be obtained from your
instructor for any use other than for what is intended.
PANUTO:

(1) Siguraduhing ang mga sagot mo sa mga Gawain na nakapaloob sa material


na ito ay nakasulat gamit ang kompyuter (computerized) at ay dapat naka-higlight
ang teksto/paragraph ng kulay pula (text highlighted in red).

(2) ☐Lagyan din ng tsek o ekis ang kahon kung tapos mo ng basahin ang mga
bahaging may ganitong simbolo. Pupwede din ganito ang marka kung mahihirapn
ka: X☐

(3) Once you are done with reading and answering the activities in this module,
make sure that you save the file as PDF using this file name: Module 5 Part 1 –
Surname. Attach the file to an email to be sent to your instructor’s email using this
file name: SECTION (_), SURNAME, FIRSTNAME, MODULE _ Part _.

(4) Please note that this course pack is intended only for your use as a student
currently enrolled in Ethics 1. You are NOT ALLOWED to share, reproduce or
distribute it to anyone else. Should you need to use the course pack for any other
purpose than class, you should seek permission from the Author/Editor.

Week 8-9. Asian and Indigenous Ethical Frameworks


(Continuation)
Study Schedule:
Nature of Ethics and moral reasoning
April 26 1.Asian Ethics 1. Discuss ethics as spiritual
liberation, way of life and as an
institution
April 29 2.Indigenous Ethics 2. Expand appreciation of ethics
from local knowledge systems &
disciplines
May 3 Cont.

May 6 3.Socio-cultural variables 3. Introduce socio-culturally


specific ethical perspectives

2
Note that the course pack provided to you in any form is intended only for your use in connection with the
course that you are enrolled in. It is not for distribution or sale. Permission should be obtained from your
instructor for any use other than for what is intended.
ACADEMIC INTEGRITY

As a student of the University of the Philippines, I pledge to act ethically and uphold the
value of honor and excellence.

I understand that suspected misconduct on given assignments/examinations will be


reported to the appropriate office and if established, will result in disciplinary action in
accordance with University rules, policies and procedures. I may work with others only
to the extent allowed by the Instructor.

3
Note that the course pack provided to you in any form is intended only for your use in connection with the
course that you are enrolled in. It is not for distribution or sale. Permission should be obtained from your
instructor for any use other than for what is intended.
COPYRIGHT

This material has been reproduced and communicated to you by or on behalf of


University of the Philippines pursuant to PART IV: The Law on Copyright of Republic
Act (RA) 8293 or the “Intellectual Property Code of the Philippines”.

The University does not authorize you to reproduce or communicate this material. The
Material may contain works that are subject to copyright protection under RA 8293.
Any reproduction and/or communication of the material by you may be subject to
copyright infringement and the copyright owners have the right to take legal action
against such infringement.

4
Note that the course pack provided to you in any form is intended only for your use in connection with the
course that you are enrolled in. It is not for distribution or sale. Permission should be obtained from your
instructor for any use other than for what is intended.
◼4.2.A Pantayong Pananaw

☐ Saan nangaling ang ideyang ito? (1/4)


(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Sa kanyang artikulong “Ang Pantayong Pananaw


Bilang Diskursong Pangkabihasnan,”
ipinaliwanag ni Zeus Salazar (1997) ang
pinagmulan ng hangaring mabuo at
maipalaganap ang Pantayong Pananaw.

Napansin niya ang pagbibigay ng mas mabigat


na pagkiling sa panlabas na pananaw kumpara
sa panloob na pananaw.

Sa parehas na artikulo, sinabi ni Salazar na:

“Pinuna ko noon na ang pananaw ng inihahaing (sic) na


ensiklopediya ay hindi pantayo kundi pangkami, sapagkat ang
kinakausap ay mahihinuhang mga taga-labas (o mga elite na medyo
o lubusang tagalabas na ang batayang pangkaisipan) at hindi ang
mga Pinoy mismo. Makikita ito sa mga sumusunod na pangyayari:
(1) ang wika ay banyaga at hindi nai- intindihan ng nakararami sa
lipunang Pilipino; at (2) ang tendensiya ay tingnan ang ating bansa
bilang obheto/paksain ng pag-aaral mula sa labas—ibig sabihin,
hindi mula sa loob, hindi rin para sa taong taga-loob, at lalong hindi
nasasalalay sa mga konsepto, pandama at diwa mismo ng mga
kalinangang Pilipino at mga kabihasnan ng kapilipinuhan sa agos
ng kasaysayan nito hanggang sa ngayon. (Salazar 1997, p. 79)”

➔Ang Pantayong Pananaw ay isang kritisismo din sa tendensiya ng


nakararami na tinitignan ang bansa bilang isang obheto (object) na paksain
(topic) at hindi subjective na paksa kung saan lumilitaw ang ating pagtang-
kilik at pag-pabor sa mga bagay bagay (biases).

Ito ay nanga-ngahulugang ang pag-aaral sa Pilipinas ay

5
a. mula sa labas na pananaw at hindi mula sa loob o mga taga Pilipinas

b. ang mga konsepto, pandama, diwa ng mga Pilipino ay hindi naka ayon
sa ating kabihasnan (civilization) at hindi tugma sa agos ng ating
kasaysayan (historical experience).Makikita na ang wika lagi ay
banyaga at walang direktang kahulugan ito sa pagkapilipino.

☐Kahalagahan ng Wika sa Ideyang Pantayong Pananaw (2/4)

Sa pantayong pananaw, may apat na pagkaka iba iba ang gamit ng salitang kami,
sila at kayo.

a. pang kami – nai-papaliwanag ang taga loob sa taga-labas (i.e. Kami ang
mga Pilipino) - -hindi Pilipino ang kausap
b. pansilang pananaw - nag sasa bihan ang dalawang grupo na taga labas
tungkol sa isa’t isa sa pansilang pananaw (i.e. Sila ang sumakop sa amon)
- naka direkta ang kausap sa iba
c. pang kayong pananaw -mula sa taga labas patungong taga loob ang pag-
uusap (i.e. kayong mga Amerikano ang mananakop) - direktang
tumutukoy sa taga labas ang kausap
d. pantayong pananaw - tayong mga Pilipino ang sinakop - ang pag kawala
ng taga labas o ibang grupo sa pag-uusap o bilang pina-tutungkulan ng
pag-uusap ang kaibahan

➔Ayon kay Salazar, ang pag-kakaroon ng taga-labas o ibang grupo sa pag-uusap


o bilang pinatutungkulan ng pag-uusap ang kaibahan ng unang tatlong halimbawa
sa huli, na pawang taga-loob o mula sa isang grupo ang nag-uusap.

Nagpapahiwatig ang halimbawang “Kami ang mga Pilipino” na hindi Pilipino ang
kausap.

Sa halimbawang “Sila ang sumakop sa amin,” na-nganga hulugang hindi Pilipino


ang kausap at idinidirekta ang kausap sa “sumakop sa amin.”

Hindi rin Pilipino ang kausap sa halimbawang “Kayong mga Amerikano ang man-
anakop” dahil may mismong banggit na “kayong mga Amerikano” na malinaw at
direktang tumutukoy sa mga Amerikano bilang kausap.

Sa pagbigkas ng “Tayong mga Pilipino ang sinakop,” taga-loob o kasama sa


iisang grupo ang kausap at pinatutungkulan ng pag-uusap – mga Pilipino.

☐Ano ang layunin ng Pantayong Pananaw? (3/4)

6
Ayon kay Salazar: kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa
sarili at sa isa’t isa, ito ay mai-hahalintulad sa isang sistemang sarado o closed
circuit—isang “nakapinid na pag-uugnayan/pakikipag-ugnayan.”

Samakatuwid, ang isang lipunan-at-kalinangan ay may “pantayong pananaw”


lamang kung ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat
ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa.

Ito ay nang-yayari lamang kung i-isa ang code o “pinagtutumbasan ng mga


kahulugan,” ibig sabihin, isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng
mga kahulugan, kaisipan at ugali.

Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang pagkakaroon ng iisang wika bilang
batayan at daluyan ng pang-unawa at komunikasyon. (Salazar, 1997, p. 80−81)

➔Bilang isang perspektibo, may teorya ang Pantayong Pananaw tungkol sa


paglikha ng kaalaman. Binibigyang-halaga nito ang epistemolohiyang panloob
na pananaw na mula sa sariling danas at ipinapahayag sa sariling wika. Ayon kay
Salazar,

“ Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-


ug- nay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang
kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling
talastasan/ diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang
reyalidad ito sa loob ng alin mang grupong etno-lingguwistikong may
kabuuan at kakanyahan, sa atin at sa ibang dako man ng mundo.
(Salazar, 1997, p. 80)”

Samakatuwid, para sa mga Pilipinong nakikipag-usap sa isa’t isa ang


Pantayong Pananaw. Tungkol ito sa ating mga Pilipino, sa ating kultura, sa
ating bansa.

☐Ano ang kongkretong ambag ng Pantayong Pananaw? (4/4)

Pag-gamit ng wikang Filipino ang pinaka-mahalaga at esensyal na bahagi ng


Pantayong Pananaw. Itinuturing itong non-negotiable. Ito ay dahil sa paniniwalang
sa sariling wika lamang maaaring mailahad at maunawaan ang reyalidad ng
lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika dahil ito ang gamit sa diskurso,
diskusyon, debate, at maging sa deliberasyon at konsultasyon. Minsang nagiging
balakid ang pag-gamit ng dayuhang wika sa pag-bibigay ng oportunidad sa ilang

7
Pilipino na lumahok sa diskurso.

Dahil sa pag-papahalagang ito sa wika, suportado at


patuloy na hinihikayat ang mga Pilipinong iskolar na
gumagamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, pananaliksik
at pagsulat. Sa akademya, nagbigay ng substansyal na
impluwensya si Salazar sa maraming guro,
departamento, surian, at kolehiyo at hanggang sa
kasalukuyan, sa wikang Filipino ang mayorya sa
itinuturong mga kurso sa kanyang pinang-galingang
Departamento ng Kasaysayan. Maging sa pananaliksik
at paglalathala, patuloy ang pagdami ng panulat sa
wikang Filipino mula sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Ilan din sa gawaing ekstensyon ang nakatuon sa
paggamit ng wikang Filipino na nagbabahagi sa
pagpapalakas nito.

➔Bilang buod, ang pinaka importateng ambag ng Pantayong Pananaw ay ang


mga sumusunod.

a. Ang pagsasa-P/Filipino ng pagtuturo, pananaliksik at paglalathala sa


kolehiyo at unibersidad, patakaran sa Wika, at pagtatag ng Sentro ng Wika
sa mga unibersidad

b. Maging sa pananaliksik at paglalathala, patuloy ang pagdami ng panulat sa


wikang Filipino mula sa iba’t ibang larangan o disiplina.

c. Ang pangunguna sa kilusang ito ay ginampanan ng mga agham


panlipunan, higit sa lahat ng Kasaysayan at ng Sikolohiya sa U.P at
makikita sa pagtatag ng asosasyon, lathalain, kurso at pananaliksik na
maka Pilipino gamit ang Filipino.

➔➔Sa huli, sinabi ni Salazar na,

.... higit na mahalaga ang pagsasa-P/Filipino ng pagtuturo, pananaliksik


at paglalathala sa mga kolehiyo at unibersidad. Ito ay isinasagawa na sa
pinakaimportanteng mga unibersidad sa Kamaynilaan, higit sa lahat sa
U.P., kung saan inilunsad ni Pangulong Abueva ang ‘patakaran sa wika’,
na ipinagpatuloy naman ni Pangulong Javier, kasama ang pagpapaibayo
sa Sentro ng Wika sa buong U.P. Sistema.

Kaugnay nito, kailangan din ang pagsasa P/Filipino ng mga agham


upang ang mga ito’y maging ba- hagi ng kalinangan ng bayan. Sa

8
pamamagitan nito, magiging mabilis ang pagpasok ng mga pagbabago
sa agham at mahihimok ang paglikha at pagtuklas ng bago sa agham sa
loob ng ating lipunan at kabihasnan.

Ibig sabihin, kailangang maiugat sa ating lipunan at kabihasnan ang mga


tradisyong siyentipiko, ‘matitigas’ o ‘malalambot’ na agham man ito o
hindi. Ang pangunguna sa kilusang ito ay ginampanan ng mga agham
panlipunan, higit sa lahat ng Kasaysayan at ng Sikolohiya sa U.P.

Lahat ng ito ay mga panimulang hakbang tungo sa pagbuo ng Kabihas-


nang Pambansa na may Pantayong pananaw.” (Salazar, 1997, p. 125)

◼4.2.B Sikolohiyang Pilipino

☐ Saan nangaling ang ideyang ito? (1/3)


(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Bukod sa Pantayong Pananaw, isang mayamang


batis din ng mga halagahin at katuwirang moral ang
Sikolohiyang Pilipino. Ayon kay Virgilio Enriquez, ang
Sikolohiyang Pilipino ay “sikolohiyang bunga ng
karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino” (1975,
halaw sa Pe- Pua, 1989 p. 6)

a. Kanyang nilinaw na iba ito sa Sikolohiya sa


Pilipinas na nakatuon lamang sa mga kaalamang may kinalaman sa
sikolohiya sa bansang Pilipinas.

b. Gayundin, naiiba ito sa Sikolohiya ng Pilipino kung saan ang pangunahing


interes ay ang mga ipinagpapalagay na katangian ng mga Pilipino at mga
etnikong grupo sa Pilipinas at mukhang napako ang pag- aaral sa mga
katangian lamang.

Sa pagpapaliwanag ni Pe-Pua (2000), pinakamahalaga sa pagpapakahulugan sa


sikolohiyang Pilipino ang pagbibigay diin sa oryentasyong Pilipino dahil sa
mahabang panahon ay ipinilit na unawain ang ating mga pagkilos gamit ang mga
teoryang kanluranin.

Ito ang dahilan kung bakit bahagi ng iyong panimulang pag-aaral sa etika ang
tungkol sa pag-uugat ng ating halagahin at katuwirang moral, sa katutubo at
kultural na batis.

9
Mula sa paksa ng “pakikipagkapwa” na siyang sentrong konsepto sa sikolohiyang
Pilipino ay ating hahalawain at uunawain sa lente ng oryentasyon at karanasang
Pilipino, ang mga halagahin na kakawing ng pakikipagkapwa na siyang ating
nakikita sa aktuwal na karanasan.

Sa pagsisimula ng dekada ’70 ipinakilala ni Enriquez ang konsepto ng Sikolohiyang


Pilipino. Sa akda ni Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000) na may titulong
Sikolohiyang Pilipino: A Legacy of Virgilio G. Enriquez, kanyang isinalaysay na ang
mga unang naging gawain sa pagsisimula ng Sikolohiyang Pilipino ay ang
pagsasalin ng mga konsepto, metodo, teorya at panukat sa Pilipino. Ngunit nang
hindi nito nakuhang maipaliwanag nang lubos kung ano ang tunay na sikolohiyang
Pilipino, binigyang pansin ang tinawag ni Enriquez na cultural revalidation:

10
Much of the strategy for discovering Sikolohiyang Pilipino is based on as-
sessing historical and socio-cultural realities, understanding the local lan-
guage, unraveling Filipino characteristics and explaining them through
the eyes of a native Filipino. (Pe-Pua at Marcelino, 51)

Ibig sabihin, pinalitaw ang sikolohiyang Pilipino mula sa mga pag-aaral ng


kasaysayan at aktuwal na pangyayari sa lipunan, pag-unawa sa katutubong wika,
pagtukoy sa mga katangian ng Pilipino, at pagtalakay sa mga ito mula sa
oryentasyong Pilipino. Mahalagang batis ang sikolohiyang Pilipino sa paghahanap
ng katutubong etika at mga moral na halagahin dahil sinisikap nitong basahin at
unawain ang pagkatao at kaisipang Pilipino mula sa panloob na oryentasyong
Pilipino.

Bilang paunang impormasyon, ang Sikolohiyang Pilipino ay:

a. Nag-papalilitaw ang sikolohiyang Pilipino mula sa mga pag-aaral


ng kasaysayan at aktuwal na pangyayari sa lipunan, pag-unawa
sa katutubong wika, pagtukoy sa mga katangian ng Pilipino, at
pagtalakay sa mga ito mula sa oryentasyong Pilipino.

b. Nagbibigay halaga sa gamit ng konsepto, teorya at ideya ay nasa


P/Filipino at kung mahirap namang hanapan ng katumbas na
kahulugan - cultural revalidation o ang pag iintindi mula sa
pananaw ng katutubong Pilipino ay mahalagang gawain.

c. Mahalagang batis ang sikolohiyang Pilipino sa paghahanap ng


katutubong etika at mga moral na halagahin dahil sinisikap nitong
basahin at unawain ang pagkatao at kaisipang Pilipino mula sa
panloob na oryentasyong Pilipino.

☐ Ano ano ang mga konseptong


konektado sa pag-katao ng Pilipino ? (2/3)

11
Sentrong halagahin sa Sikolohiyang Pilipino ang konsepto ng “kapwa” (at
pakikipagkapwa). Ayon kay Enriquez (1992), dahil malaki ang
pagpapahalaga ng mga Pilipino sa ugnayan ng bawat isa, magandang
mapag-aralan ito kung nais mahanap ang mga batayang konsepto ng
katauhan ng Pilipino, ang kanilang panlipunang sikolohiya, pananaw sa
mundo, at pilosopiya

Lumulutang sa araw-araw na ugnayan ng mga tao at sa kanilang paggamit


ng wika ang kanilang sikolohiya at paraan ng pag-iisip. Ipinakita rin niya kung
paano sa ating wika ay nakabuo ng dalawang kategorya ng interaksyon o
ugnayan ng mga tao — ang nasa saklaw ng “ibang-tao” (outsider) at ang
“hindi ibang-tao” (one of us).

a. Kasama sa pakikipag-ugnay sa “ibang-tao” ang mga konsepto ng


paki-kitungo (civility), paki-kisalamuha (mixing), paki-kilahok
(joining/participating), paki-kibagay (conforming), at paki-kisama
(adjusting).

b. Habang sa “hindi ibang-tao” kabilang ang mga konsepto ng pakiki-


pagpalagayang-loob (establishing mutual trust), pakiki-sangkot
(getting involved) at pakiki-iisa (fusion, oneness and full trust)
(Santiago at Enriquez, 1976). Bagama’t may pagkakaiba sa mga
nabanggit na ugnayan ng “ibang- tao” at “hindi ibang-tao", parehong
pumapaloob ang mga ito sa konsepto ng “kapwa.”

12
☐ Ano ang ibig ng sabihin ng Kapwa? (3/3)

Ang konsepto ng kapwa ay tumutukoy sa pakiki-bahagi ng sarili (self) sa iba-sa-


akin (others). Tinawag ito ni Enriquez na “shared inner self,” at ayon sa kanya
lutang ito sa kulturang Pilipino.

Sa karaniwang salin sa Ingles, ang “kapwa” ay “others.” Kung gayon, ang “ako” at
“kapwa” ay magkahiwalay na identidad: ako ay iba sa kapwa. Ngunit sa Filipino,
ang “kapwa” ay ang pagsasanib ng ako (self) at kapwa (others). Ang konsepto ng
kapwa ay tumutukoy sa pakik- ibahagi ng sarili (self) sa iba-sa-akin (others).
Tinawag ito ni Enriquez na “shared inner self,” at ayon sa kanya lutang ito sa
kulturang Pilipino.

A person starts having kapwa not so much because of a recognition


of status given him by others but more because of his awareness of
shared identity. The ako (ego) and the iba-sa-akin (others) are one
and the same in kapwa psychology. Hindi ako iba sa aking kapwa. (I
am no different from others). Once ako starts thinking of himself as
separate from kapwa, the Filipino “self” gets to be individuated in the
Western sense and, in effect, denies the status of kapwa to the other.
By the same token, the status of kapwa is also denied to the self.
(Enriquez, 1992 p. 54)

Samakatuwid, maaaring hugutin mula sa sikolohiya ng “pakikipagkapwa” ang isang


malinaw na etika ng pakiki-ugnay sa iba, na hindi naman talagang iba. May malalim
na halagahing moral ang nakakabit sa konseptong ito ng pakikipagkapwa para sa
mga Filipino.

Marami pang halagahin ang nakakawing sa kapwa. Pangunahin dito ang


pakikiramdam.

Marahil ay naranasan mo na rin ang mahiya/mapahiya o magkaroon ng utang na


loob. Ang hiya at utang na loob ay mga karaniwang nakikitang halagahin na
tinatawag na “suface values.”

Ang iba pa ay tinatawag na “confrontative surface values” kung saan kasama ang
bahala na, sama/lakas ng loob, at pakikibaka. Mahalagang maunawaan at matasa
mo bilang mag- aaral ng etika ang mga halagahing nabanggit mula sa batis ng
ating katutubong kultura.

13
Buod:

Mahusay! Nagawa mong tapusin ang unang bahagi ng parte ng Modyul 4.2.

✓ Sa modyul na ito nagsimula ang pagtalakay sa pag-papahalaga at


katuwirang moral mula sa katutubo at kultural na mga batis (sources).

✓ Itinampok dito ang dalawa sa Pilipinong pananaw mula sa agham


panlipunan – ang Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar at Sikolohiyang
Pilipino ni Virgilio Enriquez.

✓ Na-ipaliwanag ang kahulugan at tunguhin ng Pantayong Pananaw, at


ang papel at kahalagahan ng wika sa pagtataguyod nito. Malinaw ring
natalakay ang mga konsepto ng pakikipagkapwa at ang karanasan,
kaisipan at oryentasyong Pilipino sa Sikolohiyang Pilipino.

Mga Sanggunian (References)

Enriquez, V. (1992). From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine


Experience. Quezon City: UP Press.

Enriquez, V. (1976). Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksyon. Sa Pe-Pua,


R. (1989). Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Quezon City: UP
Press.

Enriquez, V. (1975). Mga Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa kultura at


kasaysayan. Gener- al Education Journal, 29, 61-88.
Pe-Pua, R. at Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino ( Filipino
Psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology,
3: 49-71.

Salazar, Z. (1997). Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan.


Sa Navarro, A; Rodriguez, MJ at Villan, V (mga patnugot). Pantayong Pananaw:
Ugat at Kabu- luhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan.
Mandaluyong City: Palim- bagang Kalawakan, p. 79−125.

Santiago, C at Enriquez, V. (1976). Tungo sa makaPilipinong pananaliksik.


Sikolohiyang Pilipino: Mga ulat at balita 1 (4) pp. 3-10. naimprentang muli sa
Enriquez, V.(1992). From Colonial to Liberation Psychology The Philippine
Experience. Quezon City: UP Press.

14
◼4.2.C Pilipinolohiya

☐ Ano ang ideya ng pagkataong Pilipino? (1/3)


(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Sa kanyang artikulong “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong


Pilipino,” inilarawan ni Covar (1993, p. 6) ang balangkas ng pagkataong
Pilipino sa pamamagitan ng konsepto ng labas, loob, at lalim.

Inihalintulad ni Covar ang pagkataong Pilipino sa


isang banga (jar) na may labas, loob, at ilalim. Ang
labas ay laging nakikita o nakahayag, ang loob
naman ay nakatago o nakakubli at ang ilalim
namin ay katulad ng kaibuturan pa ng nasa loob
na mahiram makita o matagpuan.

Ang pag-kataong Pilipino halimbawa ay maisasa


kategorya na mayroong mukha (labas), puso
(loob) at kaluluwa (lalim). Narito ang balangkas
ayon kay Covar:

15
➔Katulad ng banga na may labas, loob at lalim, mauunawaan ang
pagkataong Pilipino sa pamamagitan ng labas (o pisikal) na anyo gaya ng
mukha, dibdib, tiyan, at sikmura. Bukod sa labas (o pisikal) na anyo, ma-
uunawaan din ang pag-kataong Pilipino batay sa kung ano ang nasa loob
nito tulad ng isipan, puso, bituka, at atay. Kaluluwa at budhi ang sumasakop
sa lalim ng pagkataong Pilipino. Ipinaliwanag ni Covar ang ugnayan sa mga
ito sa pagtalakay ng tambalang-lapit.

☐Ano ba ang Tambalang-Lapit? (2/3)

Ayon kay Covar, may kani-kanyang kahulugan ang bawat isang bahagi ng
katawan na tinukoy sa balangkas. Bawat kahulugan nito ang siyang lubos na mag-
papaunawa sa pagkataong Pilipino. Hinalaw ang sumusunod mula sa artikulo ni
Covar (1993, p. 7-9) na “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino”
nang may kaunting modipikasyon/ idinagdag na kahulugan.

➔ Sa tambalang-lapit, may panloob at/o malalim na kahulugan ang nakikita o


hayag sa labas. Mahalagang pansinin dito kung paano nakatutulong sa pag-
unawa ng pagkataong Pilipino ang paggamit ng mga konsepto at pag-
papakahulugang Pilipino. Maaaring ma-analisa ang bawat tambalan sa
pamamagitan ng sumusunod:

Mukha Isipan
malapad ang noo matalino
salubong ang kilay matapang, galit, mainitin ang ulo
malagkit ang tingin may pag-ibig

Dibdib Puso
maluwag and dibdib walang itinatago, masaya sa pakiramdam
masikip ang dibdib puno ng dalamhati, mabigat sa pakiramdam
mababa ang dibdib mapagpakumbaba

Tiyan Bituka
malaki ang tiyan matakaw, busog
may bulate sa tiyan mapagkamkam
maliit o walang tiyan gutom, mahirap, kulang sa kain

Sikmura Atay
masama ang sikmura hindi mabuti ang pakiramdam
malakas ang sikmura natatanggap ang lahat
maasim o mahapdi ang sikmura hindi matanggap ang isang bagay

16
Kaluluwa Budhi
maganda/pangit na kaluluwa mabuti/masama
matuwid/halang na kaluluwa mabait/mapanggulo
dalisay/maitim na kaluluwa banal/makasalanan

☐Ano ang kahalagahan ng Pilipinolohiya? (3/3)

Mahalagang tingnan ang Pilipinolohiya (o pag-unawa sa pagkataong Pilipino)


bilang batis ng etika at panga-ngatuwirang moral. Batay sa tambalang-lapit at pag-
papakahulugan sa mga ito, mahihinuha ang mga konseptong etikal gaya ng
masama, mabuti, mabait, mapagkamkam, at iba pa. Sa pag-papakahulugan ding
ito natutukoy ang batis ng panga-ngatuwirang moral ng mga Pilipino tulad ng pag-
papahalaga sa budhi at kaluluwa.

Sa pag-papakahulugan ding ito natutukoy ang batis ng panga-ngatuwirang moral


ng mga Pilipino tulad ng pag-papahalaga sa budhi at kaluluwa.

17
◼4.2.D Pilosopiyang Pilipino

☐ Saan nangaling ang ideyang ito? (1/3)


(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Mayaman ang diskurso tungkol sa kung mayroon nga ba tayong matatawag na


Pilosopiyang Pilipino. Bahagi ng usapin ang tungkol sa kahulugan nito na maaaring
nang-gagaling sa iba’t ibang gamit ng salitang “pilosopiya”, at kung ano ba ang ma-
ituturing na “Pilipino” (kumpara sa di-Pilipino) na salitang ikinawing sa pilosopiya
upang mabuo ang tambalang salita na “pilosopiyang Pilipino”.

Sa bahaging ito ng ating modyul ay hindi natin tututukan ang mag-kahiwalay na


salitang “pilosopiya” at “Pilipino” bagama’t sisimulan natin ang gawain mula sa pag-
unawa sa ilang konsepto ng pilosopiya mula sa akda ni Armando Bonifacio. Sa
halip ay mas tatalakayin natin ang pakahulugan sa tambalang-salita na
“pilosopiyang Pilipino” at kung paano muli ay magamit ito bilang batis ng
katutubong halagahin at katuwirang moral.

➔Ayon kay Armando Bonifacio, isang pilosoper na Pilipino, sa


kanyang akda na Three Concepts of Philosophy, ang salitang
“pilosopiya” ay maaaring tumukoy sa sumusunod: Una,
personal na pilosopiya, halimbawa ay ang mga moral na
halagahin o alituntuning sinusunod sa buhay (rules of life).
Ikalawa, ang gawain ng pagmumuni o repleksiyon, halimbawa
ay ang pag-analisa at obhektipikasyon ng mga halagahin, o
mga paniniwalang metapisikal o episte- molohikal. Ikatlo, ang
muling pagbubuo ng isang komprehensibong sistema ng
paniniwala o halagahin na naglalayong magkaroon ng
batayang pag-unawa sa pundasyon ng lahat ng kaalaman,
halagahin at pagkilos.

18
☐Paano masasabi na mayroong Pilosopiyang Pilipino? (2/3)

Marami ang nagtatanong kung mayroon nga kaya tayong sariling pilosopiyang
Pilipino at marami naman ang sumagot sa kanilang mga akda na mayroon. Isa
rito ay ang artikulong Pilosopiyang Pilipino: Isang pagsusuri ni Napoleon
Mabaquiao na naglahad ng limang posibleng konteksto kung saan maaaring
sabihin na ang pilosopiya ay Pilipino:

a. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng ideolohiyang


Pilipino.
b. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng etikang
Pilipino.
c. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ang mga kategoryang ginagamit sa
pamimilosopiya ay katutubong Pilipino.
d. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ito ay ipinapahayag sa wikang
Pilipino.
e. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ang kamalayang taglay ng namim-
ilosopiya ay Pilipino. (Mabaquiao, 1998)

Mula sa limang konteksto sa taas, masasabing kung ang pilosopiyang Pilipino ay


ang nabubuo mula sa ideolohiya at etikang Pilipino, ibig sabihin ay hinuhubog ito
ng “personal na pilosopiya” ng mga Pilipino. Samakatuwid, ang pilosopiyang
Pilipino, bilang personal na pilosopiya, ay kumakatawan sa mga halagahing moral
ng Pilipino.

19
☐Paano mapapadali ang pag-intindi ng Pilosopiyang Pilipino? (3/3)

Maaaring hindi unibersal na halagahin ang tinutukoy dito na angkin ng lahat ng


Pilipino kundi mga aktuwal o partikular na halagahin na maaaring nagsisilbing
gabay na batas sa buhay na siyang ginagamit nila sa kanilang pagpapasyang
moral. Halimbawa, kung bahagi ng personal na pilosopiya ng isang Pilipinong mag-
sasaka ang pag-papahalaga sa lupa bilang ekstensiyon ng kanyang sarili,
aalagaan at pagyayamanin niya ito nang higit.

Sa ganitong punto muli, ang pilosopiyang Pilipino ay nagagamit bilang batayan ng


pa-ngangatwirang moral (moral reasoning). Halimbawa nito ay ang pag-analisa ni
Prof. Leonardo de Castro (1995) sa usapin ng utang na loob, pagkatao, at iba pa
bilang etikal na konsepto sa kontekstong Pilipino. Kanyang pinag-aralan ang gamit
ng katutubong salita na “utang”, “loob”, “pagpapakatao” at iba pa, mula sa kung
paano sila binibigyang kahulugan sa pang- araw araw na ugnayan ng mga Pilipino.

Ibig sabihin, pinag-aralan ang konsepto, kilos o isyu gamit ang kamalayan ng
Pilipino sa halip na inu-unawa ang mga ito gamit ang kanluraning teorya.

◼4.2.E. Ang Etika sang Panay Bukidnon sa Aklan, Capiz,


Antique kag Iloilo

☐ May etikang batis din baa ng mga katutubo sa Isla ng Panay? (1/3)
(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Ang panghuling pananaw na pag-aaralan sa Modyul 4 ay ang pang-katutubong


pananaw ng mga Panay Bukidnon, grupo ng indigenous peoples sa isla ng Panay,
Western Visayas. Gagamitin ang pananalitang Hiligaynon upang mag bigay diin sa
mga yamang konseptong makikita lamang at mauunawan sa pananaw ng mga
Tumandok (o ang tawag sa mga taong nabibilang sa Panay Bukidnon).

Ang mga Tumandok amo ang mga naga istar sa sulod nga parte sang isla sang
Panay nga naga sakop sa mga suludnon nga barangay sang Aklan, Antique, Iloilo
kag Capiz. Makita sa geographical nga komposisyon sang Isla sang Panay nga
may duha ka mayor nga mga suba - ini ang Suba sang Jalaur kag suba sang Pan-
ay (Jalaur and Panay Rivers).

20
21
➔Sa pinaka centro nga parte sang Panay, may pinaka lapit nga distansya ang
mga probinsya sang Iloilo, Antique, Capiz kag Aklan. Ambot silingon, may mga
banwa kag barangay sa apat ka probinsya nga lapitanay lang guid halimbawa ang
banwa sang Tapaz sa Capiz, Calinog sa Iloilo, Valderrama sa Antique kag Libaqao
sa Aklan. Sa sini nga magkalapit nga mga banwa, makita nga may palarehas nga
kultura, pangabuhi kag pagka kilala ang mga tawo. Diri man makita nga ang suba
sang Jalaur kag Pan-ay.

☐Ano ang mga kultural nga pama-agi sang Panay Bukidnon? (2/3)

Ang mga Tumandok naga hambal sang Iraynon nga lapit sa Kinaray-a nga
panghambal. Gamay lamang ang diperyensya sa semantiks (relating to meaning
in language or logic).

Liban sa paghambal, ang mga grupo sang tumandok may pag puluparehas man
sila sa pag-pati sa binabaylan (shamanistic), pag-sunod sa tradisyon sang binukot
(kept-maiden) kag ang tradisyun sang Suguidanon (epic chanting).

Sa matuod lang, ang epic chanting nga Suguidanon ang isa sa mga dungan
manggad (cultural heritage) sang Panay kag ginahambal nga mas mahaba pa ang
epiko nga ini kaysa sa Mahabarata sang India. And UP Press sa pama-agi ni Alicia
Magos (UPV Professor Emiritus) nag publish na sang mga pito ka libro para ma
preserba ang Suguidanon nga Epiko sang mga Tumandok.

Ang suiguidanon naga-ugat sa istorya sa suba (naga tudlo sang mga konsepto
sang langitnon (heavens), idalumon (underground), diwata (fairies) , tuos (rituals)
kag manughusay (settlement of disputes).

Ang mga halimbawa sini nga ara na sa libro amo ang mga istorya sang Tikum
Kadlum, Amburukay kag ang Derikayong Pada.

22
☐Ano ang importansya sang palibot sa kultura sang Panay
Bukidnon? (3/3)

Para makilala kung sin-o ang taga diin, gina kilala nila ang mga lapit sa suba sang
Jalaur nga mga Halawod kag ang lapit sa suba sang Pan-ay, Pan-ayanon. Makita
ini sa mga istorya kag karakter sang Suguidanon . Makita ini sa mga libro halin sa
UP Press halimbawa na ang Book 1 (Tikum Kadlum), Book 2 (Amburukay) kag
Derikaryong (Parda).

Naga-pati sila sa iba pa nga malain-lain nga tradisyun pero ang pinaka importante
amo ang mga seremonyas nga naka - angot (sourced) sa ila palibot - ang bukid
kag ang suba. Isa ka halimbawa ang ila ritwal sa pag-lubong, ritwal sa pag-ani
(harvesting) kag pananum (planting) pati na ang pagrespeto sa palibot kung diin
naga umpisa guid pirme sa pag panumdum sa ila palibot (environment).

Balasahon

Basaha ang position paper nga gin ubra sang mga estudyante sa UP Visayas
sang 2014 para mabal-an nimo ang mga problema kag sitwasyon nga gina
atubang sang mga Panay Bukidnon subong. Isulat sa Hiligaynon o Filipino o iban
pa nga dialekto nga ginagamit sa Pilipinas ang sabat sa pamangkot nga Makita
pag-katapos sang balasahon.

23
We, the students, civil society movers and various stakeholders, from the
University of the Philippines thru the initiative of Mr. Clyde Ben Gacayan, held a
forum on Geo-Cultural Change: Revisiting Panay-Bukidnon Culture on
November 5, 2014 to appreciate their culture and to learn their present situation.

WHEREAS the Panay-Bukidnon is the largest indigenous group in Panay and the
only Visayan-language speakers in Western Visayas.
WHEREAS the Jalaur Dam Project promises the supply of water and electricity
to service Panay. Given the development posed by this project, there are many
issues that arise within the community.

WHEREAS the Indigenous People’s representative have raised concerns during


the forum that there was a lack of consultation about the construction that may
cause flooding thus the loss of the source of their livelihood and the people
themselves. There is a threat of displacement of estimated 17, 000 tumandok
which has drastic effect on their culture and the loss of their ancestral land.

WHEREAS these concerns are not made known to the public because of lack of
awareness, and it is our intention to disseminate proper information and push
people to action.

As a symbol of agreement and commitment to the already drafted Position Paper


Against the Jalaur River Multipurpose Project II last September 24, 2012 b
various Civil Society Organizations, we affix our signature on this day, November
5, 2014 at GCEB-Audio Visual Room Second Floor of the Graduate and Continuing
Education Building at the University of the Philippines Visayas, Iloilo City.

POSITION PAPER AGAINST THE JALAUR RIVER MULTIPURPOSE PROJECT II

The Jalaur River Multipurpose Project Phase II (JRMPII) was mentioned by


President Aquino in his 2013 State of the Nation Address (SONA) as one of the major
priority projects of his administration. The project, which highlights the construction of a
106-meter high mega dam as the main infrastructure — is aggressively promoted by the
National Irrigation Administration (NIA), Senator Franklin Drilon and President Aquino as
a major agricultural project that will enhance the government’s program of rice sufficiency,
help solve the water crisis in Metro Iloilo and augment the energy needs of Iloilo.

The Project is envisioned to provide:

a) year-round irrigation water to an estimated 31,840 hectares of agricultural land that


include the rehabilitation of 22,340 hectares service area covered by the five (5) existing
irrigation systems in the Province of Iloilo,
b) generate about 6.6 Megawatts of hydro-electric power, and
c) supplement the supply of water for domestic and industrial use for the seven (7) nearby
municipalities including Iloilo City.

24
Other incidental benefits consist of flood mitigation (flood control) to address recurring
destructive floods in the province and promote eco-tourism development in the
Dam/Reservoir area. Further, it would generate thousands of employment opportunities
towards economic enhancement of Iloilo people particularly the project-affected-families,
stakeholders and other beneficiaries of the Project.

However, a careful study of the avowed advantages and disadvantages of the project, we,
the undersigned, are of the opinion that JRMPII brings more negative impact than benefits
to affected communities and the Filipino people as a whole.

MAJOR ISSUES: (summarized version, only 2 out of 7 issues are included in this reading
activity for brevity)

1. Violation of the indigenous people’s right to give or deny consent to development


projects in areas considered as their ancestral domain
The NIA secretly conducted a study in 2009 on the feasibility of building a megadam
in the indigenous peoples area of Brgy. Agcalaga, Calinog along the Jalaur River,
without consultation with affected communities. On November 2011, the NIA submitted
its final feasibility study to the Korean Eximbank¹. NIA only
conducted consultations among the affected communities on January until May 2012,
two months after submission of the final feasibility study. This is a very clear case of “the
cart before the horse”. As a result of the so-called consultations, the indigenous
peoples elders signed a Memorandum of Agreement on May 31, 2012 allowing the NIA
to conduct a survey and data gathering in preparation for a feasibility study of which a
Certification Precondition for the conduct of feasibility study was issued by NCIP on July
12, 2012.

The Free, Prior and Informed Consent (FPIC) process for the data gathering was
violated. The consent was not “free” because reliable information from affected
communities reveal that the NIA is engaged in “giving incentives” thru menial job hiring of
people who resist or are reluctant to give consent to the project. There was no “prior”
consultations because the final feasibility study was already submitted before the FPIC
process was conducted. Neither was the consent “informed” because the
NIA discussed only the supposed advantages of the project but kept from the people,
information about the dangers and negative impacts such as the existence of the active
West Panay fault and that several communities will be submerged in water.

3. Dislocation of indigenous people


The project will inundate nine barangays upstream of the planned megadam . An
estimated 17,000 Tumandok will be displaced. The indigenous peoples will
lose their lives, source of livelihood, heritage and culture.

The government does not have a clear plan where the displaced families will be
relocated and no definite alternative sustainable source of livelihood for the affected
community.

25
◼4.2.F Buod at Konklusyon sa mga Katutubo at Kultural
na Batis ng Etika

☐ Ano ang buod ng mga nabasa at ginawa mo sa Modyul 4.2.A-E?


(1/3)
(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Binabati kita at natapos mo ang dalawang bahagi ng Modyul 4. Sa pangwakas na


araling into, bibigyang halaga ang buod o summary ng mga pinag-usapang
katutubo at kultural na batis. Babalikan natin ulit ang mga pinaka importanteng tao
na may nanatanging kontribusyon sa bawat batis at ang pinaka malagang konsepto
sa bawat batis. Makikita mo ang buod sa baba:

➔Para sa (1) Pantayong Pananaw, ito ay sinimulan ni Zeus Salazar at ang diin ay
nasa salitang “tayo” na isang oryentasyon sa pakikipag-talastasan, sa gamit ng
wika, sa paglikha ng kaalaman at parte ng pang kabihasnan.

➔ (2) Ang Sikolohiyang Pilipino naman ay pinagyabong ni Virgilio Enriquez at


ang kanyang pag bibigay diin sa “pakikipag kapwa”. Ang konseptong kapwa ay
ang pakikibahagi ng sarili sa iba at pakikipagugnay.

➔ Ang (3) Pilipinolohiya naman ni Prospero Covar ay gumamit ng “tambalang lapit”


upang pag-aralan ang simbolikong pag-unawa sa pagka-taong Pilipino. Sa
pamamagitan nito, ang tambalang lapit ay nag papakita ng malalim na kahulugan
ng nakikita sa labas, loob at ilalim.

➔Sa (4) Pilosopiyang Pilipino naman, ipinakita ni Napoleon Mabaquiao na


mayroong ideolohiyang Pilipino na makikita sa aktwal at partikular na gawain at
halagahin ng mga Pilipino. Sinabi niyang sa mga gawain at pagiisip na makikita sa
pang araw araw na buhay makikita ang patunay na mayroong Pilosopiyang
Pilipino.

➔Ang panghuling batis naman na itinampok sa modyul 4.2 ay ang (5) Pama-agi
sang Panay Bukidnon na pina-ngunahan ni Landa Jocano at pinagyabong ni Alicia
Magos. Makikita sa kanilang mga epeko pati na rin sa pangkasalukuyang
sitwasyon na ang kanilang sarili at pagkaka-kilala at kultura ay konektado sa
kanilang kalikasan (ang mga ilog at kabundukan ng Panay).

26
☐ Ang limang batis bilang Pilipino Moral Compas (2/3)
(Lagyan ng tsek ang kahon kung tapos ng basahin ang bahaging ito)

Ang mga limang konseptong binalikan at binibigyang diin ay bumubuo sa ideyang


“Pilipino moral compas” (Moral Compass of a Filipino). Bilang isang kompas, ang
lima ay nagsisilbing instrumento upang magkaroon ng oryentasyon ang indibidwal
sa kung anong kilos ang tama o mali, marapat o hindi marapat. Ang kaalaman sa
mga ito ay maaaring magbigay ng direksyon tungo sa mga desisyong mayroong
moral na pagpapatibay.

Sa malawak na antas o lebel naman, ang mga kilos at motibasyon na nagkakaroon


ng impluwensya o bunga sa ikabubuti o ikasasama ng kapwa ang masasabing
nasasakupan ng etika. Ibig sabihin, ang limang batis at limang konseptong
nakapaloob, masasabing mayroong etikang para sa Pilipino at galing sa mga
Pilipino.

27
➔Halimba, ang konseptong kabutihan at kasamaan ay naka tali sa limang mga
pananaw na ito. Marami pang pananaw ng mga iba’t ibang grupong kultural sa
Pilipinas na hindi na ibabangit dito halimbawa nalamang ang Bangsamoro sa
Mindanao. Ngunit sapat na ito para masabing mas nagiging matingkad pa ang pag-
aaral ng Etika kung may ideya ang isang estudyante na hindi rang puro Kanluranin,
o espiritwal ang mga pinagmumulan ng moralidad at etiko. Sa halip, makikita din
ito sa iba pang kultura at sa pang araw araw na buhay.

☐ Ano ang maaasahan sa panghuling Modyul sa Klaseng Ethics 1


ngayong semester? (3/3)

Ang mga pang araw araw na buhay na halagahin at problemang hinaharap ng mga
tao ay pag uusapan sa Modyul 6 ng Ethics 1 sa semestreng ito. Kasama sa “applied
ethics” na modyul ang mga sumusunod na usapin:
a. Global Humanitarian Ethics
b. Ethical Issues in State, Peace and Secuirty
c. Environmental and Animal Ethics
d. Biomedical Ethics
e. Ethics of Sex, Gender & Sexuality
f. Media, Technology and Professional Ethic
g. Interpersonal Ethics
h. Intrapersonal Ethics

Hintaying ang iba pang instruksyon mula sa guro para sa pang huling modyul na
ito.

Mga Sanggunian (References)


Bonifacio, A. (n.d.) Three Concepts of Philosophy. Kinuha mula sa http://docshare.tips/
three-concepts-of-philosophy_58bab092b6d87f616d8b4836.html.

Covar, Prospero R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino. Diliman


Review 41, 1: 5−11.

De Castro, L. (1995). Etika at Pilosopiya sa Kontekstong Pilipino. Quezon City: UP


Press. Gripaldo, R. (2009). The Making of a Filipino Philosopher. Philosophia 37 (1).
Kinuha mula sa
https://www.researchgate.net/publication/290575903_The_making_of_a_-
Filipino_philosopher.

28
Mabaquiao, N. (1998). Pilosopiyang Pilipino: Isang Pagsusuri. Philippine Social Science
Review 55(1-4): 203-215. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/3420141/Pilosopiyang_Pilipino_Isang_Pagsusuri.

PTV News Xiao Time: Prospero R. Covar, Ama ng Pilipinolohiya. Mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=3UeMzK62SWo.

Guide Criteria for evaluating activities/responses and assessments

Rating Criteria
A = Excellent • Focused, Succinct Thesis
• Organized from the beginning to end to Support Thesis
• Effective, Germane Use of Textual Support
• Originality of Ideas
• Clear, Well Formulated Sentences
• Correct Citation Form, Well Documented
• Precise and Effective Language
• Fluid Transitions
B = Good • Focused, Succinct Thesis
• Adequately Organized to Support Thesis
• Some Originality of Ideas
• Textual Support not always Effective, Germane
• Mechanical Problems that do not Interfere with Readability
• Clear, Well Formulated Sentences
• Correct Citation Form, Well Documented
C = Fair • Unfocused, Weak Thesis
• Partially Organized to Support Thesis
• Paucity of Original Ideas
• Ineffective Textual Support
• Incomplete, Poorly Formulated Sentences
• Informal, inappropriate Language
• Careless Editing, Incorrect Citation Form
• Mechanical Errors that do not Interfere with Readability
D = Poor • No Thesis
• Lack of Organization
• No Original Ideas
• Little Textual Support, Irrelevant Appeal to Text
• Mechanical Errors that Interfere with Readability
• Lack of Editing, Incorrect/Missing Citation
• Inadequate Length, Underdevelopment of Ideas

29
U = Unacceptable • Plagiarism
• Inappropriateness
• Unintelligibility
• No Thesis
• No Organization/Structure
• Failure to Submit

30

You might also like