Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Awtput Blg 4.

2
Layunin: Nakasusulat ng buod ng mga buod ng mga kabanatang 1-10.

Paghahari ng Kasakiman

Kinaumagahan ng Disyembre ay naglalayag ang Bapor Tabo sa Ilong Pasig na kung saan sa
ibabaw ng kubyerta nito ay nakasakay ang mga mahaharlika kabilang sina Don Custodio, Ben
Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kapitan Heneral at si Simoun at kanilang
pinagtatalakayan ang tungkol sa pagpapalalim ng Ilong Pasig na kung saan napakarami nilang
suhestiyon at mungkahi:
Don Custodio: "Mag-alaga ng itik."
Simoun: "Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila."
Donya Victorina: "Ayaw ko ang mungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik sapagkat darami
ang mga balot na aking pinandidirihan." Sumunod na araw, tinungo ni Simoun ang ibaba ng
kubyerta na kung saan naroroon ang mga tinuturig nilang mga dukha na siyang kinabibilangan ng
dalawang estudyanteng nagngangalang Basilio at Isagani. Ipinaglalaban ng dalawang ito ang
paaralang balak ng mga estudyante sa pagtuturo ng Kastila na siya namang tinutulan ni Kapitan
Basilio. Dumako naman si Simoun sa pag-aalok sa mga binata ng pag-inom ng serbesa na kaagad
namang tinanggihan ng mga ito. Nag-iwan naman si Isagani ng napakalalim na palaisipan,
"Lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy na kapag pinainit ay sumusulak at
nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan."

"Kung walang alamat ay walang kwenta para sa akin ang alinmang pook." Ani Simoun at dito na
nga nagsimula ang pagbabahagi ng Kapitan ng iba't ibang alamat kabilang na ang 'Alamat ng
Malapad na Bato' na kung saan ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng
mga espiritu at nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu at nasalin sa
mga tulisan. Kasunod na alamat naman ay ang 'Alamat ni Donya Geronima' na siya namang
ikinwento ni Padre Florentino, may magkasintahan daw sa Espanya at naging arsobispo sa
Maynila ang lalaki at nagbabalatkayo naman ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na
sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang
yungib na malapit sa Ilog Pasig. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat samantalang si Donya
Victorina naman ay naiinggit sa babae. Huling isinalaysay naman ay ang 'Alamat ni San Nicolas'
na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik
ang santo. Naiba na ang daloy ng kwentuhan nang mapag-usapan ang tungkol kay Ibarra na siya
namang ikinamutla ni Simoun.

Ang ama ng dalagang si Lucia na si Kabesang Tales na siyang anak ni Tandang Selo ay isa ng
kabesa de barangay na yumaman dahil sa tiyaga. Nagsimula si Kabesang Tales sa pagtatanim sa
bukid na walang nagmamay-ari hanggang sa ito ay umunlad at tuluyan ng inangkin na ng mga
prayle. Ito ay pinabuwisan sa kanya ng sobrang taas na umabot naman sa pakikipag-asunto niya sa
mga prayle na siyang naging dahilan ng kanyang pagkabilanggo at siya ay ipinatutubos sa
halagang limandaang piso. Nahirapan si Huli sa paghahanap ng perang pantubos kay Kabesang
Tales, ginawa na niya ang lahat ng paraang maaari niyang gawin ngunit hindi pa rin ito naging
sapat kung kaya't napilitan siyang maglingkod kay Hermana Penchang na siya namang
nagpalungkot sa kanyang pagdiriwang ng Pasko.

Dumating si Basilio sa San Diego noong gabi ng prusisyong pang-noche buena. Sila ay naabala sa
daan sapagkat nakalimutan ng kutsero na dalahin ang kaniyang sedula at dahil dito kinakailangang
bugbugin ng mga gwardya sibil ang kutsero. Ang imahen ng pinakamatandang taong nabuhay sa
mundo ay dumaan kasunod naman nito ang imahen ng tatlong Haring Mago. Matapos ang
prusisyon ay nabatid ng guwardiya sibil na walang ilaw ang parol ng karitela kung kaya't
pinarusahan muli ng mga guwardiya sibil ang kutserong si Sinong. Nang dahil sa antalang ito,
pinili na lamang ni Basilio na maglakad at habang siya ay naglalakad, ang bahay lamang ni
Kapitan Basilio ang tila nagkakasiyahan. Nabalitaan ni Basilio ang pagkakadukot kay Kabesang
Tales, siya ay nalungkot at hindi na nakakain pa ng hapunan.

Palihim na tinahak ni Basilio ang daan patungong gubat na kung saan nakalibing ang kaniyang ina
at kaniyang ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at ginunita ang labinntatlong taong nakaraan. May
dumating na isang sugatang lalaki na nag-utos sa kanya upang maghakot ng kahoy na ipansusunog
sa bangkay ng ina at sugatang lalaki. May dumating muling isang lalaki na siya namang tumulong
sa kanya sa paglilibing. Tuluyan niya ng nilisan ang gubat at siya naman ay lumuwas patungong
Maynila na kung saan natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na siyang kumuha sa kaniya bilang
utusan. Pinag-aral siya ni Kapitan Tiyago sa Letran. Nang nadidiskubre na ang kakayahang taglay
ni Basilio, siya ay sinabak sa isang labanan at siya ay nag-uwi ng mga medalya at sobresaliente.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo de Municipal at doon ay marami siyang natutunan. Ipinagmalaki
siya ng kaniyang mga propesor nang kumuha siya ng pagsusulit at nakapagpagamot na kahit hindi
pa siya nakakapagtapos ng pag-aaral. Kalaunan ay nagpakasal na sila ni Huli.

Habang naghahanda pauwi si Basilio, nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Tumigil ang dumating
sa puno at ito ay kaniyang nakilala na si Simoun nang ito ay mag-alis ng kaniyang salamin.
Nagsimulang maghukay si Simoun gamit ang asarol at naalala ni Basilio na ito ang lalaking
tumulong sa kaniya na ilibing ang kaniyang ina at ang isa pang lalaking sugatan. Unti-unting
natutuklasan ni Basilio ang lihim na tinatago ni Simoun sa kaniyang pagkatao. Binalak na patayin
ni Simoun si Basilio ngunit dumating din ang panahon na kaniya ring inamin na siya nga si Ibarra.
Isinalaysay ni Simoun ang mga pinagdaanan ni Ibarra. Napakaraming bagay at mga pangyayari na
ang kanilang napag-usapan hanggang sa magmamadaling araw na. Sinabi ni Simoun na hindi
naman niya pinagbabawalan si Basilio na ibunyag ang kaniyang lihim at sinabing kung may
kailangan siya ay magtungo lamang siya sa tanggapan ni Simoun sa Escolta. Nagpasalamat si
Basilio ngunit si Simoun ay nananatiling nababagabag kung hindi niya nga ba napaniwala si
Basilio tungkol sa plano niyang paghihiganti ngunit lalong tumindig ang kagustuhan ni Simoun na
maghiganti.

Nang dahil sa pangangailangan sa salapi, nagtungo si Huli sa isang birhen subalit hindi ito
nagbigay ng himala kung kaya't tumuloy siya sa paghahanapbuhay kila Hermana Penchang at iyon
ay Araw ng Pasko. Nang dahil sa kasamaan ng loob ni Tandang Selo, siya ay napipe. Ang isyu ng
pagkapipe ni Tandang Selo ay naging mainit na usap-usapan sa bayan at lahat sila ay nagtataka
kung ano at sino ang dahilan ng kaniyang pagkaganon. Hinuli ng mga guwardiya sibil si Kabesang
Tales sapagkat may dala-dala siyang mga armas. Si Hermana Penchang naman ay patuloy ang
paninisi kay Tandang Selo dahil sa pag-uugali ni Huli sapagkat hindi raw ito tinuruan na magdasal
at basahin ang aklat na pinamagatang 'Tandang Basyong Makunat' na kung saan ang aklat na ito
ay naglalaman ng mga kuwentong isinulat ng mga prayle na magbibigay-aral sa mga Pilipino
ngunit sa katotohanan ay magpapamukha sa mga Pilipino tungkol sa kamangmangan ng mga
Pilipino. Nakalaya si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbentahan ng alahas ni Huli at
pati na rin ang perang nautang niya kay Hermana Penchang.

Si Simoun ay nakituloy sa tahanan nila Kabesang Tales na nakalagak sa pagitan ng San Diego at
Tiyani. Dala ni Simoun ang ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas at
kaniya ring ipinagmalaki ang kaniyang dalang rebolber. Ipinagbenta na ni Simoun sa mga
mamamayan ang kaniyang mga dalang alahas. Habang nagbebenta na ng mga alahas si Simoun,
naglabas pa si Simoun ng iba pang mga alahas mula sa kaniyang maleta at nagustuhan ni Sinang
ang kwintas na isinangla ni Huli at ito ay kaniyang tinawaran sa halagang limandaang piso ngunit
sinabi ni Kabesang Tales na ipagpaalam muna kay Huli ang kwintas bago niya ito ibenta at
mapasakamay ng ibang tao. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales at wala rin ang rebolber na dala
ni Simoun. Sa halip na rebolber ang makita ni Simoun, isang liham kasama ang kwintas ni Maria
Clara ang kaniyang natagpuan at nakasaad dito ang paghingi ng paumanhin ni Kabesang Tales sa
pagkuha niya ng rebolber at ito raw ay kaniyang kakailanganin sa kaniyang pasapi sa tulisan ag
kaniya ring pinaalalahanan si Simoun na mag-ingat sa kaniyang paglalakbay sapagkat kapag siya
ay nahulog sa kamay ng mga tulisan ay siya ay tiyak na mapapahamak. Tatlo ang pinatay ni
Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay
nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng
bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa
dugo.

You might also like