Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LA SALLE GREEN HILLS

High School Department


Junior High School

Maikling Pagsusulit Blg. 3.4 Kab. 26-30 (20 puntos)

Pangalan: Marcus John M. Francisco Petsa: Abril 27, 2021


10-D Guro: G. Lobo

A. Pangkalahatang Panuto:

1. Basahin ang sumusunod:

a. Kabanata 30 – Si Huli

b. Sa mga Kababaihang taga-Malolos ni Jose Rizal

2. Basahin at unawain ang panuto.


3. Para sa bilang 1-3, 3-5 pangungusap ang pagpapaliwanag ng sagot.
4. Gamitin nang wasto ang oras sa pagsagot.
5. Ipasa sa itinakdang oras.

B. Mga katanungan:

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng liham ni Rizal sa mga kababaihan sa Malolos.


Pumili ng isang habilin (mula sa pito) ni Rizal sa mga kababaihan na
magpapatunay sa inyong sagot.
(4 puntos)

Isang habilin ni Rizal sa mga kababaihan:

“Ikatlo. Ang kamangmangan ay pagkaalipin; sapagkat kung ano ang isip ay ganoon
ang tao: ang taong walang sariling isip ay taong walang pagkatao; ang bulag na
tagasunod sa isip ng iba ay parang hayop na susunod-sunod sa tali.”

Paliwanag:
Ipinapakita sa habilin na ito na ang mga kababaihan ng Malolos ay madaling
maloko at mabihag sa kaisipan na itinuturo sa kanila. Importante ang liham na ito dahil
ito ang mga payo na gusting ibigay ni Rizal sa mga kababaihang sunud-sunuran sa iba.
Sinusubukan imulat ni Rizal ang mga mata ng mga kababaihang madaling
napagsasamantalahan ng kapwa nila para sila’y magkaroon ng sariling isip at maayos
na buhay.
2. Katulad ba o kabaliktaran si Huli ng mga babaeng taga-Malolos? Patunayan
ang sagot. (3 puntos)
Si Huli ay kabaliktaran ng mga babae sa Malolos. Kahit pinipilit siya ni Hermana
Penchang na lumapit kay Padre Camorra para humingi ng tulong, hindi niya sinunod ito
dahil alam niya na mababastos siya ni Padre Camorra gaya ng ginawa ni Padre
Camorra sa iba pang mga babae. Hindi hinayaan ni Huli na masamantala siya ni Padre
Camorra para matulungan siya sa kaniyang problema.
3. Matuturing mo bang isang huwarang babae si Huli? Patunayan ang sagot. (3 na
puntos)
Si Huli ay isang huwarang babae. Naghanap siya ng paraan para mapalaya ang
kaniyang kasintahan para maalis ang maaring ihatol sa kanya. Handa siyang gawin ang
lahat, bukod sa maloko ni Padre Cammora, para mapalaya ang kanyang minamahal.
Kahit gipit siya at balisa, hindi siya nagpaka-alipin sa kanyang mga problema.

4. Pagsulat ng isang bukas na liham


Katulad ni Rizal, kung bibigyan kayo ng pagkakataong sumulat ng liham para sa
mga kababaihang Pilipina sa kasalukuyan, ano ang nais ninyong sabihin o
iparating sa kanila at bakit? Magbigay ng tatlong habilin sa mga kababaihan na
na dapat magsilbing panata ng mga Pilipina.
Siguraduhing maipakikita ang mga bahagi ng liham.

Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman 5
Organisasyon ng nga ideya 3
Wastong Gamit ng Gramatika 2
________________________________________
Kabuoan 10 puntos
Para sa mga kababaihang Pilipina,

Hinihingi ko ang unawa at atensyon niyo para pakinggan ang aking mga
adhikain at payo. Una, ahalin ang sarili dahil siya ang iyong kakampi. Tutunang mahalin
ang sarili dahil kapag mahal mo na ang sarili mo magagawa mong magmahal ng
kapwa. Mataba ka man o payat, mayaman o mahirap, matangkad o maliit, pantay-
pantay tayo sa mata ng Diyos. Pangalawa, Huwag magpaloko sa kapwa. Wag mong
hayaan maloko para sa kasiyahan ng iba. ‘Wag magpaloko at gumawa ng mga bagay
na pagsisisihan mo din sa huli. Kapag nakakita ng mali, pagsabihan o di kaya sabihan
ang may awtoridad at wag na wag konsintihin ang mga maling aksyon na ginagawa ng
kapwa. Pangatlo, magtiwala sa Diyos. Palaging tandaan na ang Diyos ay may plano na
ikabubuti mo. Mahirap man ang dinaranas mo ngayon, alalahinin mo na pagsubok
lamang ito ng Panginoon para gawin kang mas matatag at alam na tao. Sa dulo ng
iyong mga paghihirap, ika’y makakaranas ng kaginhawaan kaya’t kumapit ka lamang.
Iyon lamang ang aking masasabi para sa mga kababaihan ng kasalukuyan.

Gumagalang,
Marcus John M. Francisco

http://malacanang.gov.ph/7981-sa-mga-kababaihang-taga-malolos-ni-jose-rizal/

You might also like