Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

______________________________________

Private Property :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

Panata
by SuperToyantz

Matamlay na iniligpit ni Daniel ang kanyang mga gamit..

Natapos na naman ang normal na araw sa kanyang buhay.

Kailangan nya na namang makipagsiksikan sa pagsakay sa MRT, bagay na sadyang


ikinaiinis nya ..

Kung di naman nya ito susuungin, sigurado aabutin sya ng dis oras sa daan..

Sayang din ang ilang oras na pahinga..

Matapos mailigpit ang lahat ng gamit..

Kinipkip nya ang ilan sa mga ito at lumabas ng cubicle..

30 anyos na si Daniel..

Ahente ng lupa ang ikinabubuhay nya sa kanyang pamilya..

May dalawa na syang anak sa maybahay na si Dahlia..

Mula ng ikasal sila ng asawa ay nag focus na lamang sya dito at sa pamilya..

Bibihira lamang syang lumabas kasama ang barkada dahil sa dami ng trabaho..

Ayos lang naman ito sa kanya..

Mas maraming trabaho , mas maraming kita..

Para ito sa pangarap nyang makabili ng sarili bahay at lupa ..

Nakikita lamang silang mag anak sa magulang ng kanyang asawa..

Ayos lang naman sa mga ito ang bagay na iyon pero sa paningin nya ay nakakabawas sa
pagkalalake nya ang pagpinsan dito..

May napupusuan na syang lote sa bandang Antipolo..

Medyo may kamahalan pero pasasaan ba at mabibili na rin nya ito..


Ilang oras ang nakalipas..

Pagod na nakarating ng bahay si Daniel..

Binuksan nya ang gate na bakal at muling isinara..

Nakasalubong nya ang biyenang lalaki na si Tatay Dolfo..

Agad syang nagmano sa lalaki..

"Oh Tay.. Magandang gabi ho.. " matamlay na bati ni Daniel..

Ngumiti ang matanda at tumango..

"Gandang gabi naman anak, kumain ka na dyan at ako'y lalarga na.. " sabi nito..

Nagtaka si Daniel..

"San ho kayo pupunta ?.. " tanong nya..

Ngumiti ang matanda..

"Kuu.. Itong batang to parang bago ng bago.. Pista na ng Nazareno.. Dadalo ako
bilang parte ng Panata ko.. " imporma nito..

Napatango si Daniel..

"Ganun ho ba ?. Mag iingat ho kayo kung ganon . " sabi na lang nya..

Tiningnan sya ng biyenan..

"A-ayaw mo bang sumama ?.. " nanantyang tanong nito..

Napangiti ng pilit si Daniel sabay iling..

"Sa susunod na lang ho.. Marami pa akong lalamaying trabaho eh.. " katwiran nya..

Bumaha ang kalungkutan sa mukha ng matanda.. Hindi ito nahiyang itago ang di-
pagsang ayon sa tinuran nya..

"Minsan lamang ito iho.. Di sa lahat ng oras ay kailangan mong patayin ang katawan
mo.. Pero sino ba naman ako para pilitin ka sa paniniwalang ito.. Sige na at
magpahinga ka na.. Aalis na ako at pihadong napakarami ng tao doon.. " paalam
nito..

Muling tinitigan ng matanda ang manugang na lalaki sabay

umiiling na lumabas ng bahay..

Nagkibit balikat na lang si Daniel at di na pinansin ang biyenan..

Muli nyang sinarado ang pinto at pumasok na ng bahay..

Lumipas ang dalawang taon..


Patuloy na lumipas ang panahon at uri ng pamumuhay ni Daniel.

Bahay , Trabaho , Bahay..

Hindi na nya nabigyan ng pansin ang sarili at ang iba pang mga bagay..

Isang normal na gabi..

Pauwi na naman si Daniel sa bahay nila .

Muli nyang sinalubong ang matinding hirap sa pagsakay pauwi..

Ng makapasok sa gate..

Dire diretso sya sa kwarto nilang mag asawa..

Agad syang nagpalit ng pambahay bago muling bumaba at nagpunta sa kusina..

Doon nya natagpuan ang asawa na naghahanda ng mesa..

"Oh kain na .. Paborito mo ito.. " alok ni Dahlia..

Ngumiti lang si Daniel..

Naghugas sya ng kamay bago dumulog sa hapag..

Magana syang kumain.. Dahil na rin siguro sa pagod sa maghapong pagtatrabaho at sa


byahe nya pauwi..

Tumabi sa kanya ang asawa..

"Nasalubong mo si Itay ?.. " tanong nito..

Tumango si Daniel..

"Pupunta na naman daw sa Quiapo.. " sabi nya habang patuloy na kumakain..

Napatango si Dahlia..

Nasa kalagitnaan ng pagkain si Daniel ng may mapansin syang kakaiba sa asawa..

"May problema ba ?.." di nakatiis na tanong

nya..

Aligaga si Dahlia..

Tiningnan nya ang kinakain ng asawa..

"Tapusin mo muna ang pagkain mo.. " sabi nito..

Bagama't naguguluhan.. Pinili ni Daniel na ipagpatuloy ang pagkain..

Maya maya..

Inaya ni Dahlia ang asawa sa kwarto nila..


Sumunod agad si Daniel..Bihirang pagkakataon na seryoso ang mukha ng kanyang
asawa..

Laging masayahin ito..

Kaya nagtataka sya..

Pagpasok nila sa kwarto ay marahang sinara ng kabiyak ang pinto.

Napo ito sa kama at tumingin sa kanya..

Lumapit si Daniel at tinabihan ang kabiyak..

"Ano ba kasi yon ?.. " tanong nya..

Malungkot na tumingin sa kanya ang asawa..

"S-si Dan .. " sabi nito at nangilid na ang luha sa mga mata..

Nagpanic si Daniel..

Si Dan ay ang kanilang panganay na anak..

11 taon pa lamang ito at sa kasamaang palad ay naging sakitin..

Hinarap nya ang kabiyak..

"A-anong nangyari kay Dan ? .. " tanong nya..

Nuon nya naalala na wala nga palang sumalubong na makulit na bata sa kanya kaninang
pagpasok nya..

Kadalasan ay inaabot ng anak ang pares ng tsinelas kapag nakikita nitong kauuwi
lamang nya buhat sa trabaho..

Sa kabiglaan ni Daniel..

Bumuhos ang luha sa mga mata ni Dahlia..

"N-naconfine na naman sya.. " sabi nito..

Tila naging bato ang lalake..

Dalawang beses ng naconfine ang panganay nya..

Halos masaid na ang ipon nya dahil dito..

Natulala na lang si Daniel..

Bumilis ang tibok ng puso nya sa ibinalita ng asawa..

"B-bakit di mo man lang tinext sakin kanina ?.. " tanong nya..

"A-ayaw kong mag alala ka.. A-akala ko simpleng lagnat lang.. Pero kanina nagulat
ako ng bigla na lang syang nahimatay.. " naiiyak na pagbabalita nito..
Namutla ang lalake..

Wala sa loob na ihinilamos nya sa mukha ang dalawang palad..

Nagsimula na ring mangilid ang luha sa kanyang mga mata..

"A-ayos na ba sya ?.. S-sinong nagbabantay sa kanya ?.. " tanong nya..

Niyakap ni Dahlia ang asawa ng mahigpit..

"S-si Itay.. Si bunso natutulog sa kwarto nila ni Inay.. Hinintay lang kita para
sabihin sayo tapos pupunta na ako doon para palitan si Itay.. " sabi nya..

Umiling si Daniel..

"Ako ang magbabantay.. " sabi nya..

"P-pero may trabaho ka.. " tanggi ni Dahlia..

"Sa gabi ako ang magbabantay.. Sa umaga, papasok ako.. Ayaw kong sabihin ng anak ko
na pinabayaan sya ni Papa.. " sabi nya sa sarili...

Tuluyan ng bumuhos ang bigay ng luha sa mga mata ni Daniel..

Napahagulgol sya sa mga palad nya..

Muli syang niyakap ng mahigpit ng asawa nya..

"M-makakaraos din tayo.. " sabi ni Dahlia..

Matagal silang nagyakap..

Parehong kumukuha at nagbibigay ng lakas ng loob sa isa't isa..

Lumipas ang ilang araw..

Mas lalo pang naging malala ang sitwasyon ng panganay na anak ni Daniel..

Mag dadalawang linggo na ito sa ospital at lalo pang lumalaki ang bills at bayarin
nila..

Konti na lang..

Nauubusan na sya ng lakas ng loob at pag asa..

Kapag nasa ospital at lagi syang nagkukulong sa banyo..

Duon nya ibinubuhos ang sama ng loob sa Panginoon..

Tulad ng mga panahong iyon..

Mag isa lamang syang nasa loob ng silid ng anak..

Hawak nya ang isang kamay nito..


Hinimas nya ang pisngi ng bata at ngumiti..

"G-gising na anak.. A-ayaw mo bang maglaro tayo ?.. B-bumili ako ng Laser Sword na
sinabi mo saken dati.. Sorry ha.. Di ko kasi nabili agad kasi ang mahal eh.. Pero
binenta ni Papa yung Cellphone nya para mabili yon.. Eto na oh.. Gising na kasi ..
" bulong nya..

Para syang tanga na nakikipag usap sa walang malay na bata..

Ayaw nyang masyadong tingnan ang anak..

Naaawa sya sa itsura nito..

Lantang gulay na ang bata..

Tulad nya..

Bagsak na bagsak na rin ang katawan ni Daniel..

Kanina napagalitan na naman sya ng boss nya ng mahuli syang nagnanakaw ng tulog sa
cubicle nya..

Pero wala syang pakialam..

Ilang saglit pa..

Narinig ni Daniel ang pag bukas ng pinto..

Agad nyang pinunasan ang luha sa mga mata..

"Papa.. " tawag ni Dahlia..

Saglit na hinamig ni Daniel ang sarili bago lumingon sa kabiyak..

Ngumiti sya ng malungkot.

"A-anong ginagawa mo dito Mama ?.. Ako ang magbabantay ngayon.. " sabi nya..

Pumasok si Dahlia..

May bitbit itong mga prutas at nilapag sa mesa..

Napangiti si Daniel ng makita ang kakaunting ubas na dala nito..

"Baka magalit si Danny kapag di ko nabili yung favorite nya.. " malungkot na sabi
ni Dahlia..

Pinigilan ni Daniel ang pag iyak at niyakap na lang ang asawa..

"B-buti naalala mo.. Kundi pagagalitan ka ng anak mo.. " biro nya..

Napangiti si Dahlia at hinagod ang buhok ng asawa..

"Matulog ka muna Papa.. Ako na magbabantay.. " alok nya.

Pero tumanggi si Daniel..


"Nangako akong maglalaro kami kapag nagising sya..Look mo Mama.. " nilabas ni
Daniel ang bagong biling laruang espada para sa anak..

Nanlaki ang mga mata ni Dahlia.

"S-san mo nakuha ang pambili nyan ?.. 1 thousand yan ah ?... " tanong nya..

Tumango si Daniel..

"Sinanla ko muna kay Pareng Vic yung CP ko.. Saglit lang naman.. " sabi nya sabay
muling niyakap ang kabiyak..

"P-pero wala kang gagamitin Papa.. " nangilid

na rin ang luha sa mga mata ni Dahlia..

Nagkibit balikat lang si Daniel..

"M-may CP pa si Pareng Vic.. Pinaarbor nya saken para daw may gamitin ako.. Ang
totoo nyan pinapautang nya talaga ako kanina.. Pero sabi ko nakakahiya.. Malaki na
rin utang ko sa kanya.. Kaya sinanla ko na lang CP ko.. Tapos pinahiram nya yung
lumang CP nya.... 3310 na nga lang.. Anlayo sa Blackberry ko.. Ahaha.. " biro nya
sarili..

Pero di natawa si Dahlia..

Bagkos..

Lalo pa syang nilukob ng awa para sa kabiyak..

Hinagod nya ang likod ng asawa..

"Let it go Papa.. Makakasama sayo kapag di mo binuhos yang sama ng loob mo .. "
payo nya..

Natahimik si Daniel..

"Isa lang naman ang tanong ko Mama eh.. " nabasag na ang boses nya..

Ngumiti si Dahlia..

"B-bakit si Dan pa ?.. Pwede naman ako eh.. Ang bata pa nyan eh.. Anong laban
nyan ?.. Unfair masyado eh.. " humagulgol na si Daniel..

Natahimik ang asawa nya..

Wala itong maisagot dahil yun din mismo ang tanong nya sa Maylikha..

Natahimik na lang si Dahlia at pinabayaan ang pag buhos ng luha ng asawa..

"Unfair talaga.. Sana ako na lang.. " pag iyak ni Daniel..

Ilang sandali din sila sa ganitong sitwasyon..

Kinabukasan..
Dumating ang Itay ni Dahlia na may dalang mga prutas..

Pagpasok nya sa pinto ay di nya maiwasang makaramdam

ng awa sa pamilya..

Natutulog si Dahlia sa sofa habang sa silya sa tabi ng kama ng apo natutulog ang
manugang nya..

Dahan dahan syang pumasok sa kwarto..

Nilapag nya ang mga dala sa mesa..

Di nya nakalimutan ang paborito ng apo na ubas..

Hinagod nya ang pisngi nito..

Lalong namayat ang bata ng tumuntong sa ospital..

Di nya mapigilan ang pagluha..

Nasa ganito syang kalagayan ng magising si Daniel..

Agad itong napangiti ng makita sya..

Naawa din sya sa manugang..

Malaki ang ihinulog ng katawan nito sa ilang araw na pagpupuyat ..

Halos wala pa atang dalawang oras ang tulog ng lalake araw araw..

Namamangha sya sa lakas ng katawan nito pero batid syang may limitasyon ang lahat
ng bagay..

Napangiti si Dolfo..

Tinapik nya sa balikat ang manugang at inaya palabas ng kwarto..

Nagtatakang sumunod ang lalake..

"Halika anak, may pag uusapan tayo.. " sabi ni Dolfo.

Tumango ang manugang nya..

Binagtas nila ang hallway hanggang sa makarating sa maliit na silid na nag


sisilbing chapel ng ospital.

Naupo si Dolfo..

Samantalang nanatiling nakatayo si Daniel..

"Anong itinatayo mo dyan anak ?.. Simulan mo na .. " sabi ng matanda..

Nagtaka si Daniel.
"A-ano pong gagawin ko ?.. " tanong nya..

Natawa ang matanda... Napatayo sya at inakay muli ang manugan para maupo..

"Alam mo ang ibig kong sabihin.. Kausapin mo SYA.. Hindi ka NYA bibiguin.. " sabi
nito..

Napayuko si Daniel..

"Kung nahihiya ka sa akin.. Aalis ako at babalik sa apo ko.. Sumunod ka na lang
pagkatapos mo.. Matuto kang Tumawag.. " paalala pa ng matanda bago tinapik sya sa
balikat at lumabas na ng chapel..

Natahimik si Daniel ng ilang saglit..

Nakayuko sya..

Sa hindi malamang dahilan..

Bumibigat ang mga mata nya..

Nangingilid na ang mga luha sa paligid nito..

Marahas na pinahid ni Daniel ang mga luha at tiningala ang imahen ng Nazareno sa
harap nya..

"Napaka unfair Mo !.. Bakit sya ?.. Bakit ang anak ko ?.. Alam ko.. Alam kong
marami akong kasalanan sayo.. Nakalimot ako.. Ni hindi na Kita nabibisita.. Pero
bakit ang Anak ko ang naging kabayaran ng mga nagawa ko ?.. Anong ginagawa ng Bata
Sayo ?.. " humagulgol si Daniel matapos sunod sunod na ibinuhos ang sama ng loob..

Tumangis sya..

Wala na syang ibang nakayang gawin kundi ang umiyak..

"P-parang awa mo na.. A-ako na lang Po ang parusahan Mo.. Walang kasalanan ang Anak
ko.. Parang awa mo na.. " pag mamakaawa nya..

Ngunit katahimikan ang sumalubong sa kanya..

Muli..

Walang nagawa si Daniel kundi ang tumangis sa tindi ng sama ng loob..

Ilang saglit naramdaman ni Daniel ang pagtabi ng isang lalake sa gilid nya..

Tinapik sya nito sa balikat..

Mabilis na pinahid ni Daniel ang mga luha sa mata at nilingon ang katabi.

"P-pasensya na.. " paghingi nya ng paumanhin at akmang tatayo na ..

Pero nagsalita ang lalaki na may mahabang buhok..

"Ano bang ipinunta mo dito ?.. " tanong nito..

Napaupo si Daniel..
Muli syang lumuha at sinabi ang sitwasyon ng anak..

"N-nagbabakasakali ako na matutulungan nya ako.. " sabi nya ..

Ngumiti ang lalaki at tumango.

"Naniniwala ka ba ?.." tanong nito..

Nagtaka si Daniel..

"Na ano ?.. " balik tanong nya..

"Na masasagot Nya ang hiling mo ?.. " muling sagot nito..

Natahimik si Daniel..

Batid nya na matagal na syang di Dumudulog sa Maylikha..

"Ganito yan anak.. Kung bibigyan ka ng pagkakataong Humiling sa Diyos.. Hihilingin


mo ba na bigyan ka nya ng Pag - Asa at Paniniwala sa Kanya , o ng pagkakataon para
hindi mawalan ng Pagasa at Patuloy na maniwala ?.. " tumingin sa kanya ang Lalake
at ngumiti..

Tumayo ang lalaki at nagsimulang lumakad palabas ng chapel..

Natulala si Daniel..

Di nya maintindihan pero gumaan ang kanyang pakiramdam..

Unti unti syang napangiti..

Ng makarecover sa pagkatulala..

Mabilis syang lumingon

para pasalamatan ang lalake..

Pero wala na ito..

Agad syang tumayo para sana habulin pero paglabas nya ng chapel ay nakita nya ang
biyenan na nakaupo sa gilid at halatang nag aantay sa paglabas nya..

Ngumiti ng maluwang si Daniel..

"Tay.. Nasan na po yung Lalake ?.. " tanong nya.

Nagtaka si Dolfo..

"S-sinong lalake ?.. Kanina pa ako nakaupo dito anak pero wala akong nakitang
pumasok sa loob.. Ikaw lang ang mag isa dyan.. " sabi nito..

Natigilan si Daniel.

Nais nyang matakot pero ng matitigan ang imahe ng Poong Nazareno ay di nya maiwasan
ang muling mapangiti..

"S-salamat po. " bulong nya..


Inakbayan nya ang biyenan at inakay pabalik ng silid ng anak.

Ng malapit na sila ay nagulat sya ng salubungin ng asawa..

Nagtatatakbo ito ..

"Mama.. Anong nangyari ?.. " tanong ni Daniel..

Humihingal na niyakap ni Dahlia ang asawa..

"G-gising na sya Papa !.. " bulong nito..

Natulala si Daniel ng ilang saglit..

Ng makabawi..

Niyakap nya ng mahigpit ang asawa at tumulo ang luha sa kanyang mga mata..

Agad syang kumalas sa pagkakayakap dito at tumakbo pabalik ng silid..

Pagbukas nya ng kwarto ay nagulat sya ng makita ang anak na nilalantakan ang
paborito nitong ubas..

Napatingin sa kanya ang bata at ngumiti..

"Papa, uhaw ako..

" ungot nito..

Napaiyak si Dahlia..

Maging si Dolfo ay di naitago ang pagluha habang si Daniel at tumawa ng malakas at


tinakbo ang anak..

"S-salamat.. " bulong nyang muli..

Makalipas ang isang taon..

Tuluyan ng gumaling ang anak ni Daniel..

Lumakas na ito at naging normal ang buhay..

Gabi,

Nasa hapag silang mag anak ng magsalita si Dolfo..

"Matutulog na ako mahal .. Maaga pa ako bukas.. " sabi nya sa asawa..

Napangiti na lang sila..

Pero nagulat sila ng sumabat si Daniel..

"Tay.. Ako na po.. " sabi nya sa biyenan..


Napahinto sa pagkain si Dahlia..

Tiningnan nya ang kabiyak ..

Di makapaniwala sa narinig..

"P-papa ?.. Sure ka ?.. " tanong nya.

Ngumiti si Daniel at tumango..

"Matanda na si Itay para sa ganyan.. Panahon na para ipasa nya sa akin ang Panata
nya .. " sabi nya sabay kindat sa biyenan..

Natawa ng malakas si Dolfo.

"Hala.. Kung ganon ay matulog ka ng maaga at alas dos ng madaling araw ang lakad
mo.. Nakow.. Parang sinisilihan ang pwet ko.. Gusto kong sumama.. Pero sapat na si
Daniel .. " sabi nito ...

Napangiti na lang silang lahat..

Kinaumagahan..

Maagang nagising si Daniel..

Di na maintindihan pero ang gaang ng pakiramdam nya..

Parang may

pakpak ang kanyang mga paa at mabilis itong kumikilos..

Tapos na syang maghanda ..

Nagluto na din sya ng almusal ..

Matapos ang lahat ay nagpasya syang umalis ng walang paalam..

Tulad ng sinabi ng biyenan..

Dagsa ang tao na nag aabang sa Poong Nazareno..

Halos malula si Daniel sa dami..

Pero inaasahan na nya ito kaya buong tatag syang humalo sa makapal na bilang ng
tao..

Ilang oras na prosisyon..

Wala syang kaalam alam sa gagawin..

Pero ng makita nyang lumabas ang Poong Nazareno..

Nabuo sa puso nya ang pagnanais na mahawakan man lang ito.

Pinilit nyang makalapit..


Pa unti unti..

Hanggang sa mag tagumpay syang mahawakan man lang ang paa ng Poon..

Ng dumikit ang kamay ni Daniel.

Di nya maintindihan ang sayang nararamdaman..

Napaluha sya sa tindi ng bugso ng damdamin..

"S-salamat po.. " bulong ni Daniel at bumitaw na sa Nazareno para bigyan ng


pagkakataon ang ibang Deboto..

Pauwi na si Daniel ng maharang sya ng reporter..

Di sya nakaiwas..

Kaya napakamot na lang sya sa batok at sinagot ng mabilisan ang tanong nito..

Reporter. : Ano po ang nag tulak sa inyo para magpunta dito ?. May hiling po ba
kayo na nais nyong matupad ?..

Daniel : ( Napangiti ) Di naman siguro lahat ng nagpupunta

dito ay May Hiling na nais matupad.. Tulad ko.. Nagpapasalamat lang ako sa mga
Biyayang binigay Nya..

Reporter : Hindi nyo po ininda ang dami ng tao ?..

Daniel : Katiting na Sakripisyo, kumpara sa mga Grasyang natatanggap ng Pamilya


ko..

Reporter : Panata nyo po ba ito ?..

Napahinto si Daniel... Nasa isip nya na isang beses lang nya gagawin ang pagpunta
dito pero ng makita nya ang dami ng tao na nag aasam na makahawak man lang kahit sa
tali ng Nazareno.. Napangiti sya at nilingon ang reporter..

Buong tiwala nyang sinagot ang tanong nito.

"Mula ngayon.. Ito na ang Panata ko.. " sabi nya dito pero higit na sinasabi nya
ito sa kanyang sarili..

End..

______________________________________
Private Property :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

You might also like