Professional Documents
Culture Documents
Las Filipino 10 Melc 98
Las Filipino 10 Melc 98
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
FILIPINO 10
Pangalan ng mag-aaral
Baitang/seksiyon
Petsa
Kasanayang Pampagkatuto
F10WG-IIIf-g-98
Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe.
Kadalasan ay kailangan nating magbigay ng mensahe o impormasyon mula sa ibang tao. Bilang
tagapahatid ng mensahe ay maari tayong gumamit ng tuwirang pahayag o di-tuwirang pahayag.
Ang tuwirang pahayag ay ang eksaktong sinaabi ng nagbigay ng pahayag, walang labis walang
kulang. Ginagamitan ito ng panipi.
Mapapansing may pagbabago sa mga panghalip na ginamit. Kung sa tuwirang pahayag ay ginamit
ang mga panghalip na nasa una at ikalawang panauhan, sa di tuwirang pahayag ay gumamit ng
panghalip na nasa ikatlong panauhan.
Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na mga tuwiran
at di tuwirang pahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/ talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang
pagpapahayag. Madaling matukoy ang mga ito ang katotohanan o opinyon.
Pagsasanay
Basahin at suriin ang mga salitang may salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran at di tuwirang
pahayag.
Ako ay Ikaw
Ni: Hanas Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang
mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…”
Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng
mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong
Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at
tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay
ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating
bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging
moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan.
Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong
ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong
panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang
nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay,
kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?
Mga kabataan, ang totoo ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at
ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.Sa
makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa
tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad.
1.
2.
3.
4.
5.
Pagtataya
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di tuwiran ang pahayag na ginamit.
1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng
kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na dinaryo ng
mga turista.
Repleksiyon/Pagninilay
Pagkatapos matalakay ang aralinisulat ang naging pang-unawa mo sa paksang tinalakay gamit ang
mga sumusunod na prompt:
Nabatid ko na ______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Naunawaan ko na __________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by Florentina S.
Grospe, 44-55. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015
Susi sa pagwawasto
Pagsasanay Pagtataya
1. Di Tuwiran 1. Tuwiran
2. Tuwiran 2. Di tuwiran
3. Di Tuwiran 3. Tuwiran
4. Tuwiran 4. Di tuwiran
5. Di Tuwiran 5. Tuwiran
Sinuri ni:
MERISSA A. VIRAY
Tagasuri ng Kagamitang Pampagkatuto
(Ulong-guro)
Sinang-ayunan ni: