Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
Las Navas 1 District
LOMALAOG ELEMENTARY SCHOOL

MELC-BASED CONTEXTUALIZED SUMMATIVE TEST


Ikatlong Kwarter- Una at Ikalawang Linggo
ARALING PANLIPUNAN 6

PANGALAN: ____________________________________________MARKA:_____________________
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pag-upo ni Pangulong Manuel Roxas bilang Pangulo ng Pilipinas, anong problema ng bansa ang
una niyang binigyang pansin?
A. pagpapaalis sa mga Amerikano
B. pagpapakulong sa mga rebelde
C. pagbabagong-tatag ng kabuhayan
D. pagpapagawa ng mga bagay na nasira ng digmaan

2. Ano ang mahalagang epekto sa mga Pilipino ng pagkilala sa kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4,
1946?
A. maraming bansa ang tutulong sa Pilipinas
B. magkakaroon ng trabaho ang mga Pilipino
C. makakapangutang ang Pilipinas sa ibang bansa
D. malaya nang mapamamahalaan ng mga Pilipino ang sariling bayan

3. Ano ang nakasaad sa programang Parity Rights ni Pangulong Roxas?


A. pagpapaalis ng mga Amerikano sa Pilipinas
B. nagpapahintulot sa mga Pilipino na mamuno sa bansa
C. pagkakaroon ng malayang kalakalan ng Pilipinas at Amerika
D. pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga likas na yaman ng bansa

4. Paano nakipag-ugnayan ang Pilipinas sa ibang bansa sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Roxas?
A. humingi ng tulong ang Pilipinas sa ibang bansa
B. nangutang ng pera ang Pilipinas sa ibang bansa
C. sumali ang Pilipinas sa mga samahang pandaigdig
D. nagpadala ng mga sundalong Pilipino ang pamahalaan sa ibang bansa

5. Ano ang itinuturing na pinakamahalagang nagawa ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang


panunungkulan?
A. ang pagpapaunlad sa mga baryo
B. ang pakikipagkasundo sa mga Huk
C. ang pagpapairal ng patakarang pagtitipid
D. ang pagkakatatag ng samahang MAPHILINDO
Panuto: Pagtapat- tapatin ang mga pahayag sa kolum A sa mga konsepto sa Kolum B

Kolum A Kolum B

___6. Batas Kalakalan ng Pilipinas A. Parity Rights

___7. Batas na nagbibigay ng pantay na B. Batas


karapatan sa mga Pilipino at Republika Blg. 34
Amerikano sa paglinang ng likas
ng Pilipinas

___8. Isang samahan na lumaban C. Batas sa


sa pamahalan ng Pilipinas na Rehabilitasyon
pinamunuan ni Luis Taruc

___9. Batas na nagtakda ng 70-30 partihan D. Hukbalahap


ng ani ng mga kasama at mga may-ari
ng sakahan.

___10. Batas na nagtatadhana ng pagbibigay E. Batas Bell


ng $400 milyong bayad-pinsala sa mga
nasira sa Pilipinas noong panahon
ng digmaan.

Panuto: Isulat ang tamang salita sa patlang upang mabuo ang pangungusap.

11. Ang dalawang partido pulitikal ng bansa sa Panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas ay ang partido
Nasyonalista at partido ________.

12. Isa sa mga suliranin ng pamahalaan ay ang mga rebeldeng Hukbong Bayan Laban sa Hapon na kilala din
sa tawag na ________.

13. Ang kauna-unahang Asyanong Pilipino na naging pangulo ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga
Nagkakaisang Bansa ay si ________.

14. Ang Batas Kalakalan ng Pilipinas ay batas para sa malayang kalakalan ng bansa at Amerika na tinatawag
ding Batas ________.

15. Ang Batas Republika Bilang 34 na nagsasaad ng partihan ng ani ng mga kasama at may-ari ng sakahan
ay nagtatakda ng hatiang ________.

Republic of the Philippines


Department of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
Las Navas 1 District
LOMALAOG ELEMENTARY SCHOOL
MELC-BASED CONTEXTUALIZED SUMMATIVE TEST
Ikatlong Kwarter- Ikatlo at Ikaapat na Linggo
ARALING PANLIPUNAN 6

PANGALAN: ____________________________________________MARKA:_____________________
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa probisyon ng Philippine Rehabilitation Act, bakit kailangang magbigay ng halagang $400 milyon ang
Estados Unidos sa Pilipinas?
A. dahil ang mga Amerikano ay nakatira sa Pilipinas
B. upang maging puhunan ng mga negosyanteng Pilipino
C. para bayad-pinsala sa mga nasira sa panahon ng digmaan
D. upang pambayad sa pamilya ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay sa digmaan

2. Bakit hindi naging pabor sa mga Pilipino ang Batas Bell o Batas Kalakalan ng Pilipinas?
A. dahil maraming mga magsasaka ang naging tamad
B. dahil kapwa yumaman ang mga Pilipino at mga Amerikano
C. dahil napabayaan ng mga Pilipino ang pagsasaka sa kanilang mga lupain
D. dahil nagtakda ng dami ng produkto na ilalabas sa Pilipinas ang Amerika samantalang walang
takdang dami ang kanilang produktong papasok sa Pilipinas

3. Ano ang naging reaksiyon ng maraming Pilipino sa di-pantay na patakaran ng pamahalaan?


A. hindi ito pinansin ng maraming Pilipino
B. marami ang hindi natuwa at nawalan ng tiwala sa pamahalaan
C. marami ang nasiyahan at natuwa sa programang ito ng pamahalaan
D. walang pakialam ang maraming Pilipino sa mga programa ng pamahalaan

4. Bakit maraming Pilipino ang tumutol sa patakarang Parity Rights ni


Pangulong Roxas?
A. dahil ayaw ng mga Pilipino sa mga Amerikano
B. dahil maraming mga Pilipino ang nakapag-asawa ng mga
Amerikano
C. dahil maraming mga magsasaka ang nagkaroon ng magandang trabaho
D. dahil ayaw ng mga Pilipino na pantay ang karapatan ng mga Amerikano sa kanila sa paglinang ng
mga likas na yaman ng bansa.

5. Bakit maraming Pilipino ang tutol sa pagkakaroon ng base-militar sa bansa?


A. takot silang muling sakupin ang bansa ng mga dayuhan
B. ayaw nilang makihati sa teritoryo ng bansa ang Amerika
C. ayaw ng mga Pilipino na makipagtulungan sa mga Amerikano
D. banta sa kasarinlan o kalayaan ng bansa ang pagkakaroon ng base militar ng mga Amerikano

Panuto: Isulat sa patlang sa unahan ng bilang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap
at MALI kung hindi.

______6. Ang patakarang Parity Rights ang naging daan sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Pilipino
lamang.
______ 7. Lahat ng mga rebelde ay sumuko sa pamahalaan dahil nagustuhan nila ang mga programa nito.
_______8. Ang perang ibinigay ng Amerika sa Pilipinas bilang bayad-pinsala sa digmaan ay hindi sapat sa
pagpapagawa sa lahat ng bagay na nasira.
_______9. Lahat ng mga Pilipino ay nagustuhan na magkaroon pa rin ng base militar ang Amerika sa
Pilipinas kahit ganap na ito na malaya.
_______10. Napipilitang umanib sa mga rebelde ang ilang mamamayan dahil nawawalan sila ng tiwala sa
pamahalaan.

Panuto: Isulat ang salitang NASIYAHAN kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kagustuhan ng mga
Pilipino sa ilang programa ng pamahalaan at HINDI NASIYAHAN kung hindi.

__________11. Nagtakda ng dami ng mga produktong iluluwas mula Pilipinas patungo sa Amerika ngunit
sila ay walang takda ang dami ng produktong iluluwas patungo sa ating bansa.
__________12. Nakihati ang mga Amerikano sa paglinang ng mga likas na yaman ng ating bansa.

__________13. Nagbigay ang Amerika ng bayad-pinsala sa Pilipinas upang maipagawa ang mga nasira sa
digmaan.

__________14. Sa programang Parity Rights ay mas higit na nakinanabang ang mga Amerikano kaysa sa
mga Pilipino sa paglinang ng ating likas na yaman

__________15. Nagpautang ang Amerika sa Pilipinas ng malaking halaga upang mapabuti ang sistema ng
pananalapi ng bansa.

Republic of the Philippines


Department of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
Las Navas 1 District
LOMALAOG ELEMENTARY SCHOOL

MELC-BASED CONTEXTUALIZED SUMMATIVE TEST


Ikatlong Kwarter- Ikalima at Ikaanim na Linggo
ARALING PANLIPUNAN 6

PANGALAN: ____________________________________________MARKA:_____________________
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan kinilala ng Amerika ang soberanya ng Pilipinas bilang isang bansang malaya?
A. Hunyo 12, 1898
B. Hulyo 4, 1946
C. Octubre 21, 1944
D. Nobyembre 13, 1943
2. Anong uri ng soberanya ang nagbibigay ng kapangyarihan sa isang bansa na maging malaya sa
pakikialam ng ibang bansa?
A. panloob na soberanya
B. panlabas na soberanya
D. pambansang soberanya
C. pangkalahatang soberanya

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paggalang sa soberanya ng bansa?


A. Ilang dayuhan sa bansa ang nangangampanya para sa
isang kandidatong Pilipino sa eleksiyon.
B. Nagpaalam ang isang barko ng Hapon sa Coast Guard na
sila ay dadaong sa ating bansa.
C. Isang sundalong Amerikano ang sumali sa pagtugis ng mga
sundalong Pilipino sa mga rebelde sa Mindanao.
D. Pinigilan ng mga sundalo ng Tsina ang mga mangingisdang
Pilipino na pumalaot sa dagat na sakop ng Pilipinas.

4. Bakit hindi pwedeng makialam ang mg sundalong Amerikano sa pakikipaglaban ng ating mga
sundalo sa mga rebelde?
A. dahil matatapang ang mga sundalong Pilipino
C. dahil hindi alam ng mga sundalong Amerikano kung sino ang mga kalaban
B. dahil walang pambayad ang ating pamahalaan sa mga sundalong Amerikano
D. dahil hindi pwedeng makialam ang mga dayuhan sa paglutas sa mga problema ng ating bansa

5. Paano mo pahahalagahan ang soberanya ng ating bansa?


A. ibebenta ko ang aming mga lupain sa mga dayuhan
B. magtatayo ako ng samahan na lalaban sa pamahalaan
C. hihingi ako ng tulong sa mga dayuhan upang ipagtanggol ang aking bansa
D. tutulong ako upang mapabuti ang pamamahala sa bansa at ipagtatanggol ko ito sa mga dayuhan.

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung
hindi.

_______6. Ang isang bansang malaya ay may soberanya.


_______7. Maaring sumali ang mga dayuhan sa mga pagkilos laban sa ating pamahalaan.
_______8. Ang soberanya ng isang bansa ay maaring mawala pagkalipas ng ilang taon.
_______9. Hindi tayo pwedeng pakialaman ng ibang bansa tungkol sa pagdidisisyon o paglutas sa suliranin
ng ating bansa.
_______10. Maaring maglabas-pasok ang mga dayuhan sa bansa kahit hindi sila magpaalam sa ating
pamahalaan.

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang PANLOOB kung ang tinutukoy nito ay panloob na soberanya, at
salitang PANLABAS kung ang tinutukoy nito ay panlabas na soberanya

___________11. Pagpapatupad ng batas-trapiko at mga ordinansa sa bansa.


___________12. Pagpapadala ng mga doctor sa United Nations na tutulong sa mga biktima ng kalamidad sa
isang bansa.
___________13. Pagtugis ng mga sundalong Pilipino sa mga miyembro ng New People’s Army.
___________14. Paglilibot ng Pangulo ng Pilipinas sa ibat ibang bahagi ng bansa.
___________15. Hindi pagpasok ng mga barko ng dayuhan sa dagat na sakop ng teritoryo ng bansa ng
walang paalam.

Republic of the Philippines


Department of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
Las Navas 1 District
LOMALAOG ELEMENTARY SCHOOL

MELC-BASED CONTEXTUALIZED SUMMATIVE TEST


Ikatlong Kwarter- Ikapito at Ikawalo na Linggo
ARALING PANLIPUNAN 6

PANGALAN: ____________________________________________MARKA:_____________________
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng pang-unawa sa hangganan ng teritoryo ng bansa?


A. Ito ay batayan ng mga mamayan sa pagtatanggol sa bansa
B. Ito ang magdididkta kung anong mga likas na yaman ang pag-aari ng bansa
C. Ito’y makatutulong upang mabigyanng babala ang mga mamamayan sa pagpasok ng dayuhansa
teritoryo ng bansa
D. Lahat ng nabanggit ay tama

2. Ano ang kahalagahan ng paglagda ni pangulong Marcos sa batas na nagtatadhana sa Kalayaan bilang
sakop ng Pilipinas?
A. Nagdagdag ito sa lawak ng Pilipinas
B. Nagbigay ng hudyat sa mga Pilipino na galugarin ang lugar
C. Nalinang ang damdamin ng pagmamalaki sa panig ng mga pilipino
D. Naging malinaw ang karapatan at kapangyarihan ng Pilipinas sa lupaing ito.

3. Bakit mahalaga na malaman ng isang bansa ang hangganan ng kanyang teritoryo?


A. upang masakop nito ang mga kalapit na teritoryo
B. upang maiwasan ang alitan o digmaan sa kalapit na bansa
C. upang malaman kung malaki o maliit ang sakop na teritoryo
D. upang malaman kung alin sa mga lupain ang ipagbibili sa ibang bansa

4. Paano mo pahahalagahan ang teritoryo ng Pilipinas?


A. pababayaan ko itong angkinin ng ibang bansa
B. ipagbibili ko ito sa mga dayuhan sa malaking halaga
C. ipagtatanggol ko ito sa mga dayuhan na gustong sakupin ang bansa
D. hindi ako makikialam sa ginagawa ng pamahalaan sa teritoryo ng bansa

5. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pagbibigay proteksiyon ng ating pambansang teritoryo?
A. Balewalain ang mga batas ukol sa teritoryo ng bansa
B. hindi makikialam dahil responsibilidad ito ng pamahalaan
C. pag-aralang mabuti ang mga sakop na teritoryo ng ating bansa
D. suportahan ang mga programa ng pamahalaan ukol sa pangangalaga ng pambansang teritoryo

Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.

_____6. Ang lawak at laki ng teritoryo ng Pilipinas ay nakasaad sa iba’t ibang kasulatan.

_____7. Lahat ng mga pulo at bahaging tubig na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ay pag-aari ng ating
bansa.

_____8. Maaring angkinin ng isang bansa ang mga kapuluan kahit nasa labas na ito ng kaniyang teritoryo.

_____9. Nirerespeto ng bawat bansa sa daigdig ang teritoryo ng isa’t- isa.

_____10. Kasama sa teritoryo ng ating bansa ay ang ilalim ng dagat, ilalim ng lupa at ang kalawakan sa itaas
na nasa loob ng Pilipinas.

Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga Saligang Batas sa Kolum A sa mga tadhana nito sa Kolum B

Kolum A Kolum B

____11. Konstitusyon ng 1987 A. pagtatatag ng


natatanging sonang
pagkabuhayan na may
sukat na 320 kilometro
layo mula sa baybayin
____12. Doktrinang Pangkapuluan B. ang pambansang teritoryo
ay binubuo ng kapuluan
ng Pilipinas
____13. Atas ng Pangulo Bilang 1596 C. lahat ng pulo at bahaging
tubig na sakop ng bansa
kasama ang ilalim nito at
ang kalawakan sa itaas
ng bansa
____14. Atas ng Pangulo Bilang 1599 D. nadagdag ang Cagayan,
Sulu at Sibutu sa teritoryo
ng Pilipinas
____15. Kasulatan na nilagdaan ng E. ang pangkat ng mga pulo
United States at Spain ng Kalayaan ay itinuturing
na sakop ng Pilipinas

You might also like