Masusing Banghay Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SHANE CLARICE T.

DAYADAY BSED-2B3
FILIFINO MEDYOR

MALABANGHAY- ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin

 Natutukoy ang kasing kahulugan ng mga matatalinhagang salita na ginamit sa bawat kabanata.
 Nakapagtatala ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
 Nakabubuo ng isang debate na nagpapakita ng sanhi at bunga sa pagharap ng hamon ng tauhan sa
kabanata.
II. Paksang- Aralin

a. Paksa: Kabanata VII: Ang Mabuting Ermitanyo at Kabanata VIII: Ang bundok ng Tabor ng Panitikang
Ibong Adarna

b. Sanggunian: E- Comics

c. Kagamitan: Laptop, HDMI, Telebisyon, Mga larawan, Kahon, Flag,Whiteboard


Marker, at Activity Sheet

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagabati
 Pagsasaayos at kalinisan ng klasrum
 Pagtala ng Liban sa Klase

B. Paglinang na Gawain

A. Pagganyak

Paghahawan ng Sagabal :

Panuto: Hanapin ang kasing kahulugan ng mga salita na mula sa kahon.


Ilagay ito sa angkop na bilang at bumuo ng pangungusap mula rito.
1. dampa-___________
2. Binata-____________
3. mag-aalpas-_____________
4. bumukal-_______________
5. maiinam-_______________

Nag-usap Tali magaganda Nagtungo


Patalim tiniis layon
makapangyarihan
umagos bahay-kubo kumawala engkanto

 Paglalahad ng Paksa

Magpapanood ang guro ng isang eksena sa teleseryeng On the Wings of Love ng ABS-CBN,
matapos mapanood ang eksena ay magtatanong ang guro ng mga sumusunod na katanungan.

Mga tanong:
1. Anong eksena ang nagpakita ng sakripisyo sa pamilya?
2. Ano-ano ang karaniwang sanhi at bunga ng mga pangyayaring ganito?
3. Sa paanong paraan ipinakita ni Lea ang kanyang paniniwala sa buhay?

II. Pagtalakay sa Aralin

• Magsagawa ng isang dugtungang pagbabasa ng E-comics ang bawat pangkat sa bawat slide.
• Tatalakayin ang nilalaman ng akda sa pamamagitan ng estratehitang DRTA (Directed Reading
Thinking Activity)
Anong mga habilin ng
Bakit hinanap ni Don Juan ermitanyo kay Don Juan?
ang dampa ng ermitanyo? Ano kaya ang maaring
Magbigay ng patunay? bunga/kahinatnan ng
kanyang pakay?

Anong mga paniniwala kaya


Nagtagumpay ba ang Don
ang mayroon si Don Juan
sakanyang hangarin? Ilahad
upang siya ay
ang nangyari?
magtagumpay?

III. Pangkatang Gawain

Magbibigay ang guro ng mga activity sheets na kung saan nakapaloob doon ang gagawin ng
mga mag-aaral para sa kanilang pangkatang gawain.

 Pangkat I at Pangkat II

Bumuo ng “Debate” sa tulong ng mga tiyak na bahaging nagpapakita ng sanhi at bunga ng


pagharap ni Don Juan sa hamon ng paghuli sa Ibong Adarna.

Paksang Pagtatalunan:

Sang-ayon ka ba sa ginawang sakripisyo ni Don Juan para sa kanyang ama at mga kapatid kahit
na kapalit ang sariling kaligtasan? Maglahad ng mga patunay.

 Pangkat III at Pangkat IV

Sa isang malinis na papel bumuo ng mga patunay sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa


nilalaman ng ilang piling saknong ng aralin na nasa E-comics. Ilahad ang mga paniniwala ni Don
Juan sa akda.
168 197 207
RUBRIKS:
A. Nakabuo ng mga patunay batay sa sanhi at bunga ng
kahihinatnan ng mga pangayayari 3 puntos
B. Nakabuo ng patunay batay sa mga paniniwalang inilahad sa akda 3 puntos
C. Malinaw na inilahad ang gawaing iniatas sa pangkat 2 puntos
D. Pagiging malikhain 2 puntos
May Kabuuang 10 puntos
 Pag-uulat ng bawat pangkat
 Pagbibigay fidbak at input ng guro

IV. Pagtataya
Sa isang malinis na papel, pumili ng ilang saknong na nais mong tulain at ipaliwanag ang mga
paniniwala ng mga tauhang inilahad dito.

V. Kasunduan
Tunghayan ang larawan ng magkapatid na si Cain at Abel, ang unang mga anak nina Adan at Eva.

Tanong:

1. Pamilyar ba kayo sa kuwento ng magkapatid na ito? Maghinuha.


2. Anong uri ng samahan mayron ng magkapatid na ito?
3. Basahin ang kabanata 9:Ang Pagtataksil ky Don Juan
4. Paano mo ito maiuugnay sa iyong karanasan o sa karanasan ng iba?

Sanggunian: E-comics

You might also like